Sosyedad

You might also like

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 3

Mukha ng Katarungan

Kailan maririnig

Tinig ng pusong sumisigaw

Hustisya, hustisya!

Sa gitna ng karimlang mapanglaw?

Bakit ako ang nagdurusa?

Di naman ako ang gumawa?

Bakit sila ang malaya?

Di ba ako ang nadaya?

Biktima ako ng panggagahasa

Katawan ko’y puno ng hiya,

Pagkatao ko’y nadungisan

Ng isang taong may kahalayan.

Bakit ako binaril ng walang kalaban-laban?

Di naman ako kasama sa mga nagtakbuhan

Nang dahil sa bawal na gamot,

Tila hustisya ay nalimot.

Wala na bang puwang ang tulad naming pinagkaitan ng boses?

Kawalang katarungan,

Kailan mapapalitan

Ng kapayapaan at katiwasayan?b
Nasanay na sa mundong magulo

Samut saring kaso’y di na bago.

Katotohana’y di na maaninag sa ibat ibang bersyon ng kwento.

Ganito nga ba kahirap maging tao?

Karapatang pantao, saan nga ba napadpad?

Hustisya ba’y tinubuan ng pakpak?

Bat tila katarunga’y ang hirap mahagilap!

Ito nga ba ang masaklap nating hinaharap?

Buhay nga ba ang kabayaran ng salitang karapatan?

May batas pa kayang magtatanggol sa mga pinagkaitan ng kapalaran?

Bat marami paring humihiyaw ng katarungan

Katarungang sagot sa kanilang mga karamdaman.

Karapatang pantao’y di na maramdaman

Kung saan man sya, walang nakakaalam

Marahil humahanap ng paraan para sa mga mamamayan

O di kaya’y tuluyan ng lumisan at pinabayaan ang Inang Bayan


Sino ang maysala?

Mundong nakagisnan ay isang labanan,

Sinong may puwang at dapat iwanan?

Batas ba ang nagkulang,

O isipang gustong makalamang?

Sa mga pagdakip na di makatwiran,

Pambubusabos, pangingikil ng sinuman,

Diskriminasyon, pang-aalipin at pagkaitan,

Hindi tama subali’t sa mundo’y kinalulugdan.

Sa mundong marami ang palaisipan,

Taglay nga ba mga bigay na karapatan,

O isang palamuti na nakadikit sa pangalan?

Gayong gahaman at sakim ang ilan.

Sino ang may sala at nagkulang?

Ang batas bang saklaw ang karapatang pantao,

O ang mapagbalewalang isipan ng tao mismo?

Yapos mo ang katotohanan, sino nga ba?

You might also like