Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 6

Kasaysayan ng mga Blaan

Posted on November 28, 2016


Matapos pag-usapan ang kasaysayan at ang mga Talaingod Manobo, ating
pag-usapan naman ang isa pa sa 18 Lumad tribes na matatagpuan sa
Mindanao, ang mga B’laan, na kabilang sa mga indigenous people’s group na
bumiyahe mula sa Mindanao para makiisa sa Lakbayan 2016

Ayon kay Dolphing Cugan, isa sa mga pinuno ng mga Blaan, ang kanilang
tribo ay nagsimula bago pa ang panahon ng mga Espanyol. Noong panahon
ng Sinaunang Pamayanan kung saan ang kalakalan ay masagana bago
dumating ang mga Espanyol, mayroong dalawang magkapatid na pinuno,
sina Flasap at Pley Fubli. Nag-asawa si Pley Fubli ng isang mangangalakal
mula sa gitnang silangan habang si Flasap naman ay hindi. Ang mga anak ni
Flasap ang kasalukuyan ngayong ninuno ng mga 18 grupong Lumad habang
ang mga anak naman ni Pley Fubli ay ang mga ninuno ng 13 grupong Moro
ngayon.

Dolphing Cugan, isang B’laan, Secretary-General ng kasagla

Bagamat ang makikitang nakatala sa kasaysayan ay ang ngalan ng grupo ng


mga Moro, hindi ibig sabihin nito ay wala nang nagawang pakikipaglaban at
pagdedepensa ang mga Blaan.
Panahon pa lamang ng mga Espanyol ay nakikipagdigma na ang mga Blaan
upang depensahan ang kanilang teritoryo, ang lupang ninuno. Nilabanan ito
ng mga angkan, ng mga pamilya, ng buong komunindad. Naging
matagumpay naman ang pakikipaglaban nilang ito dahil hindi gaano naabot
ang mga Blaan ng mga ideolohiyang kolonyalistang Espanyol, maging ng
relihiyong Katolisismo.

Ngunit nang dumating ang mga Amerikano sa bansa, naabot nila at ng


kanilang mga ideolohiya ang kaloob-looban ng Mindanao, gayundin ang
komunidad ng mga Blaan dahil na rin sa mga missionary works ng relihiyong
Protestantismo. Kumalat na sa mga Blaan ang mga ideolohiya at ilang
kaisipang Amerikano ngunit kasabay nito ay ang patuloy nilang paglaban sa
mga epekto ng kolonyalismong Amerikano..

Nariyan ang 1905 Mining Act na hanggang ngayon ay hindi pa rin


naisasaayos. Karugtong niyan ang patuloy na pangangamkam ng lupa dahil
na rin sa abusadong sistema ng pagrerehistro sa lupa, at ang patuloy na
pagkalimot ng pamahalaan sa mga pambansang minorya, o “Indigenous
Peoples” sa ingles. Ayon pa kay Cugan, hindi sila nabibigyan ng kaukulang
serbisyong panlipunan tulad ng edukasyon at pangkalusugan na dapat ay
kanila ring tinatamasa.

Ang teritoryo ng mga Blaan ay nakabase hindi sa papel ngunit sa kanilang


“native title,” wika nga ni Cugan. Ang mga ito ay ang mga katawan ng lupa at
tubig na kanilang pinoprotektahan tulad ng mga bundok, bulubundukin, ilog,
lawa, sapa, at iba pa. Sabi pa ni Cugan, ang tribo ay isang tribo kung siya ay
mayroong teritoryo, kultura, at sistemang pulitikal.

Ayon sa kanya, ang teritoryo rin ang nagsasaad ng ekonomiya ng komunidad


habang ang pulitika naman ang nagsasaad sa kung papaano hinahawakan at
pinapatakbo ang buong komunidad. Datu system ang mayroon sa tribo ng
Blaan habang umaabot naman sa Sultanate system ang mga Moro. Sa
katunayan, ang terminong “datu” ay nagmula sa mga “Moro.” Hiniram lang ito
ng ibang grupong Lumad dahil ito ang pinalaganap na katawagan ng
gobyerno noong panahon ni Marcos. Bong fulong ang tawag sa katutubong
pinuno ng mga B’laan (Lalo 2014, 1). Kung kaya ang datuship ay tinatawag
sa Ingles na “fulongship.” Kung isasalin sa Filipino, “pamumuno ng fulong”
ang dapat itawag dito.
Dahil na nga rin sa ang teritoryo ang nagsasaad ng ekonomiya ng kanilang
lugar, patuloy ang kanilang paglaban at pagdepensa sa kanilang lupang
ninuno kahit na mayroong mga balakid tulad ng plantasyon ng mga saging,
rubber, pinya, at oil palm. Maliban riyan ay ang sapilitang pagpasok ng mga
malalaking kumpanya ng mga pagmimina.

Gawa ng patuloy na plantasyon, pagmimina, at kawalang responsibilidad ng


pamahalaan sa mga nangyayari, marami sa mga katutubong ito ang
nawawalan ng tirahan. Ayon kay Cugan, ang pakikipaglabang ginagawa nila
laban sa pagmimina at sa pangangamkam ng mga lupain ay hindi lamang
para sa kanilang mga katutubo ngunit para sa buong bansa.

Ang mga likas na yaman ng bansa ang ninanais nilang protektahan dahil ang
dapat magtamasa nito ay ang kapwa Pilipino nila at hindi mga malalaking
korporasyon mula sa ibang bansa. Sabi pa niya, kung ang Pilipinas ay
magkakaroon lamang ng sarili at nasyonalisang pagmimina, mababawasan
pag-alis ng mga Pilipinong nangingibang bansa, mababawasan ang pag-alis
at pagbawas ng human resources ng bansa.

Maliban riyan ay isinusulong din ng mga Blaan ang laban sa sariling


pagpapasiya o self-determination. Isang paraan ng pagpapakita nila nito ay sa
pamamagitan ng edukasyon. Nagtayo sila ng mga alternatibong paaralan
para sa kanilang mga indigenous peoples. Ngunit ito ay nahahadlangan dahil
na rin sa patuloy na militarisasyon sa kanilang lugar. Bagkus ang edukasyon
at pagtuturo sa kanilang lugar ay may hinaharap pang mga sagabal. Ang mga
kabataan nila ay minsan narerecruit sa mga paramilitar. Ginagamit itong mga
paramilitar maliban pa sa anti-insurgency na kampanya ng gobyerno upang
sikilin ang mga inisyatibo ng grupong Blaan para sa sustainable agriculture.

Malungkot pang idinagdag ni Cugan na ang national operation, o ang patuloy


na pagwawalang bahala sa kanila at pagmamaliit sa kanilang mga katutubo
ay isa sa mga suliraning kanilang kinahaharap na hindi nararanasan ng
ordinaryong mamamayang Pilipino na hindi naman katutubo.
Mapa ng teritoryo ng
B’laan sa Lawa ng Sebu (kaliwa); at larawan ng nasabing lawa (kanan)

Mga kagamitan ng mga Blaan


Wika at Kultura ng mga Mandaya
ANG MGA MANDAYA: WIKA AT KULTURA NG SANGAB, CARAGA, DAVAO
ORIENTALNagmula ang katagang Mandaya sa salitang
“man” (tao) at “daya” (itaas na bahagi ng ilog) kaya
tinatawag itong Inhabitants of the Uplands saIngles. Karaniwang naninirahan ang Mandaya sabulubundking
bahagi ng Katimugang Mindanaosa Davao Del Norte, Compostela Valley province,Agusan del Sur at Davao
Oriental na siyang maypinakamaraming populasyon ng mga Mandaya.Ang Sangab ay matatagpuan sa Silangang
bahaging Mindanao sa lalawigan ng Davao Oriental, samunisipalidad ng Caraga, ng Barangay Pichon. Mayroon
itong apatnapung (40)kilometro ang layo at may isang libo at dalawang daan (1,200) na talampakan angtaas mula
sa dagat galling sa poblasyon ng Caraga. Lubos na napapanatili sa Brgy.Pichon at Sityo Sangab ang kasuotan
nilang Mandaya na siyang tinatawag
na”dagmay” o telang mula sa abak
a. Ang Sityo Sangab

ay isang lugar na tahimik,walang nagsasalimbayang mga sasakyan malayo sa polusyon at walang gulo. Ang
mgataong naninirahan dito tulad ng matatanda- babae man o lalake, ay nasa kanilangsakahan upang magtrabaho.
Lunes hanggang Sabado ng umaga ang iniuukol nila sakanilang pagtatrabaho sa bukirin. Tuwing Sabado ng
hapon naman, sila ay umuuwina sa kanilang mga tahanan upang pag handaan ang misang dadaluhan sa araw
ngLinggo. Walang sinumang makapapasok sa nasabing lugar (Sangab) kung walangpahintulot ang kanilang
tinaguriang datu o tribal chieftain. Ang mga Mandaya aywalang kaibahan sa ibang grupo sa kanilang
sosyal na Gawain at sa kanilangpananampalataya. Mahirap tukoyin kung ito ay matatawag na sosyalisayon o
panamao mamamalagi sa kanilang pamayanang Mandaya dahil mahihirapan talagangmakapaglikom
impormasyon tungkol sa kanilang tribu. Nakasanayan ng mgaMandaya na bago magsimula sa anumang mga
Gawain ay dapat manawagan omanalangin sa Panginoon. Naniniwala ang mga Mandaya na ang tao at lahat ng
bagayditto sa lupa at sa langit pati na ang mga bagay na hindi nakikita ng tao ay maynagmamay-ari. Ang lahay ay
ginawa at pagmamay-ari ni Magbabaya (God) na ang

salitang ugat na “baya” ay nangangahulugang “walang pinagmulan at walang


katapus
an”.
PAGPAPAKASAL AT PAG-AASAWA
Ang pag-aasawa ay isang paraan lamang ng mgaMandaya upang masunod ang kayamanan opamana ng mga
magulang. Kaya ang mgamagulang ang nag-uusap para sa kanilang mgaanak at kahit sa panliligaw din ay kasama
dinsila lalong-lalo na kung ang ama ay isangpinuno sa pamayanan at ang anak ay mayroonding mabuting pag-
uugali at pananaw sakanilang lipunang ginagalawan. Sa mga babaenaman, pinapaburan nila ito kung siya
aymarunong gumawa ng gawain ng lalaki. Ang gusting mag-asawa ay madedeterminalamang kung ang mga
lalaki ay marunong nan g mangaso, magtayo ng bahay,magsaka at iba pa; samantalang ang mga babae naman ay
kung marunong nangmagluto, magtanim at gumawa ng iba pang Gawain sa bahay.
Kaamulan Festival ay isang ethniko na kulturang pista na gaganapin taun-taon sa Malaybalay City, Bukidnon
sa Pilipinas mula sa ikalawang kalahati ng Pebrero hangang March 10, ang petsa ng anibersaryo ng
pagkakatatag ng Bukidnon bilang isang lalawigan noong 1917. Ito ay gaganapin upang ipagdiwang ang mga
kultura at tradisyon ng pitong etniko tribu- Bukidnon, Higaonon , Talaandig , Manobo , Matigsalug ,
Tigwahanon at Umayamnon - na orihinal tumira sa probinsya. Ito ay ang tanging etniko festival sa Pilipinas.

You might also like