Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 3

ANO NGA BA ANG DEPRESYON?

Susana Marie D. Diampoc, T-III


Callangigan Elementary School
Quezon, Isabela

Ang depresyon ay karamdamang pang-kaisipan (mental disorder) kung


saan ang tao ay nakakaranas ng depressed mood (lungkot na malalim at hindi
lumilipas). Ang depressed mood na ito ay maaring sinasabi ng tao na nakakaranas
nito kahit hindi obvious sa hitsura nila o maari rin namang na-oobserbahan lang ng
mga taong nakapaligid sa kaniya.

13 SINTOMAS NG DEPRESYON SA MGA BATA

1. Bumababa ang mga grado sa paaralan


Pagnakakaranas ng depresyon ang mga bata, nahihirapan silang tumuon,
makinig sa mga guro at sumabay sa mga aralin. Kapag ang mga grado ng
bata ay biglang nagsibabaan, suriin ang dahilan nito.
Maaring sabihin ng mga bata na hindi sila makapag-isip nang mabuti at
pakiramdam nila ay hindi gumagana nang tama ang isip nila.
2. Pagod ang pakiramdam kahit kumpleto sa tulog
Maaaring nakakaranas ng sintomas ng depresyon ang mga bata kung may
malaking pagbabago sa kanilang pagtulog.
Kadalasan, kapag nagising nang maaga ang batang nakararanas ng
depresyon, nahihirapan silang matulog muli. Ang tulog nila ay hindi mababawi
kahit pa matulog sila buong hapon kinabukasan.
Ang pagod na naidudulot nito ay maaaring maka-apekto sa kanilang mga
grado at sa mga relasyon sa tao sa paligid nila. Naaapektuhan nito kung
paano sila mabuhay.
3. Pakiramdam ng bata ay wala silang halaga
Lumapit sa mga ispesiyalista kapag ang bata ay nagsasabi ng "ayaw ako ng
lahat" o "wala akong kwenta." Maaaring makatulong ang mga eksperto upang
makilatis ang mga ganitong naiisip ng bata.
4. Tila wala silang kaibigan ngunit ayos lang ito sa kanila
Ang mga batang nakararanas ng sintomas ng depresyon ay kadalasang
pinipiling ibukod ang mga sarili nila mula sa iba.
Kadalasan ay hindi sila sinusubukan lapitan ng ibang bata dahil dito kaya ang
nakararanas ng depresyon ay hindi naiimbita o naaaya ng mga kaibigan. Kung
mayroon man mag-aya sa kanila, hindi sila sumasama o hindi natutuwa kung
sumama man sila.
5. Tumatanggi sila sa mga masasayang aktibidad
Sa pagasikaso sa mga aralin, mga kaibigan, mga extra-curricular at iba pa,
natural lamang na mapagod ang mga bata. Ngunit kailangan maging mapag-
masid ng mga magulang kung ang mga aktibidad ng mga bata ay hindi na
nagbibigay ng kasiyahan sakanila.
Ang mga may depression ay hindi tumutugon nang maayos sa mga
masasayang aktibidad dahil napuwe-puwersa silang ipakita na masaya sila
kahit hindi.
6. Ang bawat pag-uusap ay nagiging matindi
Ang depresyon sa mga bata ay maaaring hindi lumabas bilang malubhang
kalungkutan ngunit bilang pagiging iritable. Kung ang bata ay nagagalit bigla
nang walang kadahilanan sa kahit anong sitwasyon, maaaring nakararanas sila
ng sintomas ng depresyon.
7. Hindi sila napapasaya ng masasayang ala-ala
May mga bata na likas na hindi masiyahin at may mga bata na may
depresyon.
Para masabi ang pinagkaiba, pagusapan ang mga masasayang ala-ala. Ang
mga hindi masiyahin ay mapapangiti sa mga ganitong usapan ngunit ang
pagala-ala sa mga ito ay hindi magpapasaya sa may depresyon.
8. Nagiging madalas ang kanilang pag-iyak
Natural lamang ang pag-iyak sa mga bata. Ngunit, kung mapansin na mas
dumadalas na ang pag-iyak ng bata, suriin ang mga sitwasyon na nagiging
dahilan ng mga ito at ikonsulta sa mga eksperto.
9. Ayaw magpa-aliw ng bata
Natural lamang na malungkot ang bata lalo na kung may pinagdadaanan na
malaking pagbabago. Kadalasan ang tao na may pinagdadaanan ay
tinatanggap ang pagbigay ng suporta ng ibang tao.
Ang batang nakararanas ng depresyon at tatanggi sa pag-aliw na binibigay ng
mga tao sa pagiisip na hindi nito mababago ang sitwasyon.
10. Dumadalas ang masakit na nararamdaman ng bata
Ang mga pisikal na sakit, tulad ng sakit ng tiyan o ulo, ay madalas
nararamdaman ng mga batang nakararanas ng depresyon. Kung dumadalas
ang mga ganitong nararamdaman ng mga bata, mangyaring ipasuri agad sa
eksperto.
11. Tila nag-iba ang bata
Kung tila nawalan ng pakialam ang bata sa lahat ng bagay, eskuwelahan man
o kaibigan, maaaring isa itong sintomas ng depresyon sa mga bata.
12. Nag-iba ang gana ng bata sa pagkain
Ang pagbago sa gana ng bata sa pagkain ay maaaring sintomas ng
depresyon. Maaaring ang mapili sa pagkain ay biglang nagiging mahilig sa
matamis o ang maganang kumain ay biglang nagiging mapili.
Natural lamang na magbago ang hilig ng bata sa pagkain ngunit kung biglaan
ang pagbabago, obserbahan ang bata.
13. May ibang kapamilya na nakaranas ng depresyon
Ayon sa pagaaral, ang depresyon ay maaaring mamana. Maaaring ang ibang
kamag-anak ay hindi nasuri ang depresyon na naramdaman kaya ito ay dapat
bigyang pansin.

Kahit sino at kahit anong edad ay maaaring makaranas ng sintomas ng


depresyon. Maaaring ito ay nabuo lamang o namana mula sa mga kamag-
anak. Ang importanteng bagay ay mabantayan at mabigyang tulong ang
mga bata nang malaman nila na hindi normal ang kanilang nararamdaman.

Sources:
https://www.philstar.com
https://ph.theasianparent.com

You might also like