Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 6

Katibayan ng loob ni Lord Lord kay buting pangalan gayundin ang kanyang kalooban.

Mapagbigay na
kaibigan at iyong makakasama sa kasiyahan o kalungkutan man. Hilig niya ang paglalaro ng basketball,
badminton at online games. Lumaking hindi kapiling ang ama subalit nandiyan naman ang kanyang ina
upang tumayong ama sa kanya. Siya ay si Lord Richmach A. Go labinlimang taong gulang ipinanganak
noong Oktubre 18, 2004 at siya ay naniniwala sa kasabihang "It's when fear becomes your master" dahil para
sa kanya "kapag nagpadala tayo sa takot, hindi natin ito magagawang kalabanin". Takoy siya sa mga payaso
at matataas na lugar subalit lalabanan niya ito para sa kanyang pangarap na maging isang piloto balang
araw . Ginagawa niyang motibasyon yung mga pagkakamali niya at nagsilbing gabay upang magpatuloy.
Pinapasaya siya ng kanyang mga kaibigan totoo man o hindi at ang taong nagsisilbing inspirasyon niya ang
kanyang ina. Ang kanyang ina na walang sawang sumusuporta sa kanya, iniisip palagi kung ano ang
makakabuti sa kanya at ang pinagkukuhanan niya ng lakas para gumising sa araw-araw at mag-aral ng
mabuti. Hindi naging ganoon kasaya at kumpleto ang kanyang paglaki dahil hindi niya kasama ang kanyang
ama sa mga mahahalagang okasyon gaya ng birthdays, pasko at bagong taon. Nakatatak sa kanyang
puso't isip yung mga araw na pinupuntahan siya ng kanyang ama para sila ay makapaglaro, yung mga
panahon na wala pa silang problema at simple pa ang lahat, yung panahong mahal pa sila ng kanyang
ama, mga panahong huli na para maibalik pa. Lagi niyang naaalala ang mga katagang paulit-ulit sinasambit
ng kanyang ina na palaging umiiyak ang kanyang ama dahil sa tuwa ng siya ay ipinanganak. Misyon niya na
makapagtapos ng pag-aaral at masuklian ang sakripisyo ng kanyang ina at labanan ang kanyang takot sa
matataas na lugar para siya ay maging isang magaling na piloto. Kontento na siya sa buhay, suporta at
pagmamahal na ibinibigay sa kanya ng kanyang ina kahit hindi nya kapiling ang kanyang ama.

You might also like