Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 8

Republika ng Pilipinas

Kagawaran ng Edukasyon
Rehiyon IV-A CALABARZON
Division of Lipa City
Lipa City East District
Edilberto L. Mendoza Memorial Elementary School
Latag, Lipa City
Contact #: 737-9146

PAKITANG TURONG BANGHAY ARALIN SA ARALING PANLIPUNAN IV

A. PAMANTAYANG PANGNILALAMAN – Ang mga mag-aaral ay naipamamalas ang pag-unawa sa


pagkakakilanlang Pilipino batay sa pagpapahalaga sa pagkakaiba-iba ng mga pamayanang pang-
kultural.

B. PAMANTAYAN SA PAGGANAP –Ang mga mag-aaral ay naipagmamalaki ang pagkakakilanlang kultural


ng Pilipino batay sa pagkaunawa, pagpapahalaga at pagsusulong ng pangkat kultural, pangkat etno-
lingwistiko at iba pang pangkat panlipunan na bunga ng migrasyon at inter-marriage.

C. MGA KASANAYAN SA PAGKATUTO-Natatalakay ang kahulugan ng pambansang awit at watawat bilang


mga sagisag ng bansa. AP4LKE- IIh- 10
NILALAMAN
ARALIN 17 – Pambansang Awit at Watawat Bilang mga Sagisag ng Bansa
KAGAMITANG PANTURO

A. SANGGUNIAN
Mga Pahina sa Gabay g Guro – TM pp. 98-101
Mga Pahina sa Kagamitang Pang Mag-aaral LM pp. 215 – 221
Iba Pang Kagamitan na Teksbuk: Kultura, Kasaysayan, at Kabuhayan 4 tx. pp. 155 - 159
Karagdagang Kagamitan Mula sa Portal ng Learning Resource:
https://www.youtube.cpm/watch?v=ourtXdYLsig

B. Iba Pang Kagamitang Panturo : larawan, meta cards, flash drive, strips ng cartolina, worksheets,
laptop, tv monitor, lumber chalk, crayons
C. Kurikulum Link: MAPEH, EsP, Filipino
D. Istratehiyang Ginamit: Differentiated Activity, Learning Together, Jumbled Letter, Dramatization
E. Integrasyon ng Valyus: Pagmamahal, Paggalang, Pakikipagtulugnan , Makabansa
PAMAMARAAN
Balitaan
A. Balik -aral sa Nakaraang Aralin/Pagsisimula ng Bagong Aralin
Larawan Mo, Ishow Mo
Bubunot ang mga bata ng mga larawan mula sa Pandora’s Box at sasabihin kung anong uri ng
pagkakakilanlan ang isang pamayanan sa uri ng hanapbuhay.

Pangingisda pagtatanim paghahabi paghahayupan pagmimina

B. Paghahabi sa Layunin ng Aralin


Pag – aayos ng mga jumbled letters upang mabuo ang salitang watawat.
W A T A W A T
C. Pag –uugnay ng mga Halimbawa sa Bagong Aralin
Itanong: Gusto nyo ba ng kuwento? Ipasabi sa mga bata ang mga dapat tandaan sa pakikinig ng
kwento.
Si Marco ay isang batang nasa ikaapat na baitang. Maaga siyang pumapasok sa
paaralan araw-araw. Sinisikap niyang laging makadalo sa pang umagang gawain gaya ng pagtataas ng
watawat. Tuwing aawitin ang Lupang Hinirang, tumatayo siya ng tuwid. Inilalagay ang kanang kamay sa
dibdib at sumasabay sa pag-awit ng lahat. Ipinakikita niya ang kanyang paggalang sa watawat. Kaya
naman tuwang tuwa ang kanyang guro, si Gng. Rowena Geroleo. Iginagalang din niya ang watawat ng
Pilipinas habang itinutupi ito sa hapon, hindi siya umaalis sa kanyang tayo bagkus buong pusong
hinihintay niyang matapos ang pagtutupi nito. Kapag siya ang inaatasang magdala ng watawat sa silid
ni Mam Marasigan, hindi siya tumatakbo sa halip ay madahan lamang ang kanyang paglakad. Iniingatan
din niya ang paghawak dito.
Pagtalakay tungkol sa kuwento
1. Sino ang batang nagpakita ng paggalang sa watawat?
2. Ano-anong mga katangian ang ipinakita ng bata sa kuwento?
3. Paano niya ipinakita ang mga kaugaliang ito?
4. Kayo ba ay nakaranas na ding humawak sa watawat upang itaas ito? Ano ang inyong naging
damdamin?
5. Bakit kaya dapat nating igalang ang watawat?
Ipabasa ang mga mahahalagang impormasyon tungkol sa watawat ng Pilipinas
Nasa mga istrips ng kartolina. Pagpapaliwanag tungkol dito. Pagtatanong tungkol sa aralin.
a. Ilan ang kulay ng watawat ng Pilipinas? Ano ang kahulugan ng bawat kulay?
b. Sino ang nagdisenyo ng watawat at sino-sino rin ang mga tumahi nito? Ilanga raw ito tinahi? Saang
lugar?
D. Pagtatalakay ng Bagong Konsepto at Paglalahad ng Bagong Kasanayan #1
Pagsasabi ng mga bata ng mga dapat tandaan habang nanonood.
Upang lalong madagdagan ang kaalaman ng mga bata, ipanood ang video tungkol sa watawat ng
Pilipinas.
E. Pagtalakay ng Bagong Konsepto at Paglalahad ng Bagong Kasanayan #2
Pangkatang Gawain
Pangkat I – Punan ang tugma
Pangkat II – Magpakita ng isang tagpo na nagpapahalaga sa watawat ng bansa.
Pangkat III – Kulayan nang wasto ang watawat ng Pilipinas
Pangkat IV – Magbigay ng wastong at di wastong paraan ng paggamit at paggalang sa ating watawat.
F. Paglinang sa Kabihasnan (Tungo sa Formative Assessment)
Itataas ng mga bata ang imoticon na masaya kung tama ang pahayag at imoticon na malungkot
kung mali ang isinasaad ng pahayag.
Panuto:Itaas ang ( ) masayang mukha kung tama ang pahayag at ( )malungkot na mukha kung mali.

G. Paglalapat ng Aralin sa Pang-araw-araw na Buhay


Bilang isang bata sa makabagong generasyon, paano mo pahahalagahan ang watawat ng Pilipinas?
Isasabuhay mo ba ang bawat kahulugan ng kulay nito? Bakit?
H. Paglalahat ng Aralin
Ang pambansang watawat ay sagisag ng ating bansa. Ang pagpapahalaga dito ay pagpapahalaga sa
kalayaang ating tinatamasa at pangakong aalagaan ito laban sa mga mananakop o mapang-api. Ito ay
pagkakakilanlan ng mga Pilipino.
I. Pagtataya ng Aralin
Panuto: Basahing mabuti ang bawat aytem. Bilugan ang titik ng tamang sagot.
1. Ang _____________ ay sumasagisag sa kapayapaan, katotohanan, at katarunga.
a. Pula b. dilaw c. bughaw d. puti
2. Ang pula ay sumisimbolo ng pagmamahal sa bayan at ____________________.
a. Katapangan b. kalinisan c. kasakiman d. kabutihan
3. Bakit iwinagayway ang watawat sa balkonahe ni Heneral Emilio Aguinaldo?
a. Sapagkat nasakop na ng mga Espanyol ang bansa
b. Sapagkat simbolo ng ating kalayaan laban sa mga Espanyol
c. Dahil natahi na ng tatlong kababaihan ang watawat
d. Dahil sinabi ng mga tao na iwagayway na ito

4. Ang Luzon, Visayas at Mindanao ay tatlong malalaking pulo na sumisimbolo


sa_______________________________ ng watawat.
a. Tatlong itlog b. tatlong bituin c. tatlong Pinoy d. tatlong bansa
5. Paano ka gumagalang sa watawat?
a. Ginagamit ko itong pambalot ng mga gulay na pinamili.
b. Itinatakip ko ito sa bintana kung umaampiyas.
c. Tumitigil ako at tumatayo nang tuwid habang inaawit ang Lupang Hinirang.
d. Ginagawa ko itong costume sa mga pagtatanghal sa paaralan.

J. Karagdagang Gawain Para sa Takdang Aralin/Remediation


Gumawa ng tula tungkol sa watawat ng Pilipinas.

VII. Mga Tala


VIII. Pagninilay
A. Bilang ng mag-aaral na nakakuha ng 80%
sa pagtataya.

B. Bilang ng mag-aaral na nangangailangan


ng iba pang Gawain para sa remediation.
C. Nakatulong ba ang remedial? Bilang ng
mag-aaral na nakaunawa sa arlin.

D. Bilang ng mag-aaral na magpapatuloy sa


remediation.

E. Alin sa mga estratihiya ng pagtuturo na


nakatulong ng lubos?
Paano ito nakatulong?
F. Anong suliranin ang aking naranasan o
nasolusyonan na tulong ng aking
punong-guro at supervisor?
G. Anong kagamitang panturo ang akig
nadibuhong ibahagi sa mga kapwa mo
guro?

Binigyang Pansin ni: Inihanda ni :


BABYLYN M. MAUHAY Mary Ann R. Cator
Punongguro Guro
TALAAN NG ISPISIPIKASYON
Layunin Bilang Bilang Remembe Understa Analysis Evaluating Bahagdan
ng ng ring nding Applicati Synthesis
Aytem Araw on
na
Itinuro
Natatalakay ang kahulugan
ng pambansang awit at 5 1/5 1 2 3, 5 4 100%
watawat bilang mga
sagisag ng bansa

Item Analysis
Bilang Bilang ng Bahagdan
ng Batang
Aytem Nakakuha ng
Tamang Sagot
1
2
3
4
5

K. Karagdagang Gawain Para sa Takdang Aralin/Remediation


Gumawa ng tula tungkol sa watawat ng Pilipinas.

Inihanda ni:

NOEMI G. MERCADO
MASTER TEACHER II

Pinagtibay ni:

MA. THERESA T. DIMAYUGA


Punungguro II

Panuto: Basahing mabuti ang bawat aytem. Bilugan ang titik ng tamang sagot.
1. Ang _____________ ay sumasagisag sa kapayapaan, katotohanan, at katarunga.
a.Pula b. dilaw c. bughaw d. puti
2. Ang pula ay sumisimbolo ng pagmamahal sa bayan at ____________________.
a. Katapangan b. kalinisan c. kasakiman d. kabutihan
3. Bakit iwinagayway ang watawat sa balkonahe ni Heneral Emilio Aguinaldo?
a. Sapagkat nasakop na ng mga Espanyol ang bansa
b. Sapagkat simbolo ng ating kalayaan laban sa mga Espanyol
c. Dahil natahi na ng tatlong kababaihan ang watawat
d. Dahil sinabi ng mga tao na iwagayway na ito
4. Ang Luzon, Visayas at Mindanao ay tatlong malalaking pulo na sumisimbolo
sa_______________________________ ng watawat.
a. Tatlong itlog b. tatlong bituin c. tatlong Pinoy d. tatlong bansa
5. Paano ka gumagalang sa watawat?
a. Ginagamit koi tong pambalot ng mga gulay na pinamili.
b. Itinatakip koi to sa bintana kung umaampiyas.
c. Tumitigil ako at tumatayo nang tuwid habang inaawit ang Lupang Hinirang.
d. Ginagawa ko itong costume sa mga pagtatanghal sa paaralan.

Panuto: Basahing mabuti ang bawat aytem. Bilugan ang titik ng tamang sagot.
1. Ang _____________ ay sumasagisag sa kapayapaan, katotohanan, at katarunga.
a. Pula b. dilaw c. bughaw d. puti
2. Ang pula ay sumisimbolo ng pagmamahal sa bayan at ____________________.
a. Katapangan b. kalinisan c. kasakiman d. kabutihan
3. Bakit iwinagayway ang watawat sa balkonahe ni Heneral Emilio Aguinaldo?
a. Sapagkat nasakop na ng mga Espanyol ang bansa
b. Sapagkat simbolo ng ating kalayaan laban sa mga Espanyol
c. Dahil natahi na ng tatlong kababaihan ang watawat
d. Dahil sinabi ng mga tao na iwagayway na ito
4. Ang Luzon, Visayas at Mindanao ay tatlong malalaking pulo na sumisimbolo
sa_______________________________ ng watawat.
a. Tatlong itlog b. tatlong bituin c. tatlong Pinoy d. tatlong bansa
5. Paano ka gumagalang sa watawat?
a. Ginagamit koi tong pambalot ng mga gulay na pinamili.
b. Itinatakip koi to sa bintana kung umaampiyas.
c. Tumitigil ako at tumatayo nang tuwid habang inaawit ang Lupang Hinirang.
d. Ginagawa ko itong costume sa mga pagtatanghal sa paaralan.

Panuto: Basahing mabuti ang bawat aytem. Bilugan ang titik ng tamang sagot.
1. Ang _____________ ay sumasagisag sa kapayapaan, katotohanan, at katarunga.
a. Pula b. dilaw c. bughaw d. puti
2. Ang pula ay sumisimbolo ng pagmamahal sa bayan at ____________________.
a.Katapangan b. kalinisan c. kasakiman d. kabutihan
3. Bakit iwinagayway ang watawat sa balkonahe ni Heneral Emilio Aguinaldo?
a. Sapagkat nasakop na ng mga Espanyol ang bansa
b. Sapagkat simbolo ng ating kalayaan laban sa mga Espanyol
c. Dahil natahi na ng tatlong kababaihan ang watawat
d. Dahil sinabi ng mga tao na iwagayway na ito
4. Ang Luzon, Visayas at Mindanao ay tatlong malalaking pulo na sumisimbolo
sa_______________________________ ng watawat.
a. Tatlong itlog b. tatlong bituin c. tatlong Pinoy d. tatlong bansa
5. Paano ka gumagalang sa watawat?
a. Ginagamit koi tong pambalot ng mga gulay na pinamili.
b. Itinatakip koi to sa bintana kung umaampiyas.
c. Tumitigil ako at tumatayo nang tuwid habang inaawit ang Lupang Hinirang.
d. Ginagawa ko itong costume sa mga pagtatanghal sa paaralan.

You might also like