Barlaan at Josaphat

You might also like

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 3

Isang ulat tungkol sa magiging presentasyon ng ikalawang grupo

Ipinasa nina: Buyco, Castor, Dellima, Lazo, Nievares

Ang ikalawang grupo ay gagamit ng Powerpoint Presentation sa pagbabahagi ng

kaalaman tungkol sa nobelang Barlaan at Josaphat. Tatalakayin ng grupong ito ang mga

sumusunod:

1. Maikling Kasaysayan

 Ang Barlaan at Josaphat ay sinulat ni San Juan Damasceno, at inilimbag ito

noong 1712 sa wikang Griyego.

 Isang Hesuwitang pari na nagngangalang Antonio de Borja ang nagsalin nito

sa wikang Tagalog na dumaan sa pagsusuri ni Padre Gaspar de San

Agustin.

 Ang nobelang Barlaan at Josaphat ay binubuo ng 553 pahina at 40

kabanata.

 Ito ay sinasabing nagmula sa India at ang buhay ni Josaphat ay paralelismo

sa buhay ni Gautama Buddha.

2. Tauhan

 Abenir - paganong hari ng Indiya at ama ni Josaphat

 Araquez - isang tagapayo ni Haring Abenir

 Baracchias - isang tapat na alagad ni Josaphat

 Barlaan - matandang hari mula sa Senaar na nagpanggap bilang isang

mangangalakal upang malapitan si Josaphat


 Josaphat - anak ni Haring Abenir na nahulaang magiging Kristiyano

 Nacor - isang astrologo na nagpanggap bilang Barlaan at nakipagdebate

kay Haring Abenir

 Theudas - tumulong sa pagkukumbinsi kay Josaphat na bumalik sa

paniniwalang pagano

 Zardan - isa sa mga bantay ni Josaphat

3. Buod

 Si Haring Abenir ay isang pagano. Kinulong niya ang kanyang anak na si

Josaphat, sa takot na maging Kristiyano ito.

 Naging interesado si Haring Barlaan kay Josaphat dahil sa ipinarating ng

Diyos sa kaniya na ang prinsipe ay may mabuting puso.

 Nagpanggap siya bilang isang mangangalakal at sinabing may ipapakita

siyang bato kay Josaphat upang siya’y makapasok sa palasyo. Dahil dito,

nagawa niyang turuan si Josaphat ng mga aral tungkol sa Kristiyanismo.

 Nalaman ni Zardan ang lahat dahil sa madalas na pagdalaw ni Barlaan.

Nakiusap si Josaphat na huwag munang magsumbong sa hari at

inanyayahan niya si Zardan na makinig sa mga aral ni Barlaan.

 Isang araw, sinabi ni Barlaan na siya ay aalis na. Hiningi ni Josaphat ang

kaniyang damit-ermitanyo upang magsilbing ala-ala.

 Naligalig si Zardan sa mga pangyayari kaya siya ay nagsakit-sakitan at

umuwi sa kanila. Ipinagamot siya ng hari at dito nalaman ng hari na wala

talaga siyang sakit. Doon na ipinagtapat ni Zardan ang pagiging Kristiyano

ni Josaphat.
 Nagalit ang hari at humingi siya ng payo kay Araquez kung saan siya’y

pinayuhan na ipadakip si Barlaan at ipahiya ito sa debate, ngunit si Nacor

ang nadakip nila. Pumayag si Nacor na magpanggap bilang si Barlaan at

sumali rin siya sa debate. Nanalo siya.

 Ipinayo ni Theudas na palitan lahat ng utusan sa palasyo ng mga

magagandang babae, upang tuksuhin si Josaphat, ngunit nanalangin siya

sa Diyos na layuin siya sa tukso.

 Ipinayo rin ni Theudas na magtalo sina Haring Abenir at Josaphat sa isang

debate. Kapag natalo si Josaphat, dapat babalik siya sa pagiging pagano.

Nanalo si Josaphat.

 Hinati sa dalawa ang kaharian at ang kalahati binigay kay Josaphat.

Sumama kay Josaphat ang mga taong ayaw magtamo ng parusa.

 Naging masagana ang kaharian ni Josaphat at nagsilipatan ang mga tao

mula sa kabilang kaharian. Nalaman na ni Haring Abenir ang kaniyang

pagkakamali kaya sumulat siya sa kaniyang anak na handa na siyang

maging Kristiyano.

 Matapos ang apat na taong paghihirap at pagsisisi ay namatay si HAring

Abenir.

 Inihabilin ni Josaphat ang kaharian kay Baracchias. Umalis siya para

hanapin si Barlaan kung saan maraming hirap ang kaniyang dinanas.

 Nahanap niya si Barlaan at namuhay silang magkasama at inukol nila ang

kanilang panahon sa pagdasal sa Diyos. Namatay sila pero hindi naagnas

ang kanilang mga bangkay.

You might also like