Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 27

MAGKABILANG MUNDO

Ilang taon pa ba ang biblangin

Upang marinig ang tanging dalangin

Na ikaw ay makita’t makapiling

Sa habambuhay na siyang hinihiling

Taon, buwan, at araw ang lumipas

Ngunit ang pagsinta ko’y walang kupas

Pero tadhana’y sadyang mapagbiro

Magkabilang mundo ating nilaro

Mahal, hanggang kailan tayo ganito?

Pagsubok sa ati’y hindi humihinto

Oras at lumbay ang ating kalaban

Ngunit tayo’y ‘di sumuko’t lumisan

Magkalayo man, pangako ko sinta

Habambuhay ay mamahalin kita

Alay sa iyo ang puso na ito

Kahit magkabila ang ating mundo


AKING SINTA

Sa paglipas ng mga araw

Ang tanging hangad ay ikaw

Ikaw na siyang pumukaw

Ng atensiyon at pananaw sa buhay

Ang mundo man nati’y magkaiba

Ang pagmamahal ko nama’y hindi mag-iiba

Umulan man at bumagyo

Pangako mahal hindi ito magigiba

Sa piling mo mahal ako’y lumigaya

Ligayang sa batid ko’y walang daya

Makasama ka kahit saglit ay anong saya

Ang puso ko’y lumulukso nang walang sawa

Mahal, mahal na mahal kita

Sa iyo lang naramdaman ang tunay na pagsinta

Pagsintang dahilan ng kagalakan sa aking mata

Mga matang nangungusap na ikaw ay makita

Ang iyong mga ngiti na sa akin ay nagpapatulala

Ang singkit mong mga mata na hindi naman kaila

Lahat nang ito’y nasa aking ala-ala

Ala-ala ng panahong una tayong nagkakilala.


LQ

Walang relasyong perpekto

Minsan ito’y lumalabo

Minsan puso’y nagdurugo

Dahil wala nang pagsuyo

Bawat isa’y walang kibo

Pinapairal ang tampo

Puso na ay naging bato

Pag-ibig na ay paano?

Lumayo’t ‘di nagparamdam

Nasaan ka’y hindi alam

‘Di ka man lang nagpaalam

Pag-ibig na ba’y naparam?

Ngayon ako’y nagsisisi

Damang-dama ang pighati

Mukha mo na nakangiti

Hiling ay makitang muli.


_________ KITA!

Masaya ako kapag kasama ka

Maging sa pagtulog naaalala ka

Malayang naglalakbay ang diwa

Magkahawak-kamay ang sinasariwa

Ang puso ko’y sa’yo lamang irog ko

Ang pagsinta’y ipinapangako

Ang pera’t alahas ay aanhin ko?

Ang tanging kailangan lang naman ay ang pag-ibig mo

Hinahanap-hanap ang iyong presensiya

Hinihintay pa rin kita

Hindi ako mapapagod sinta

Hanggang sa ating pagtanda

Ang pag-ibig nati’y walang dulo

Ang lahat ng ito’y iyong pangako

Aking pinanghahawakan ito

At patuloy pa ring maghihitay sa iyo

Lumipas man ang maraming taon

Ligaya nama’y hindi maibabaon

Labis ang pagmamahal na sayo’y nakatuon

Lahat ng ito’y may pag-ibig na baon.


DUSA O SAYA

Tanda mo pa ba ang dating tayo'y nagkasama?

Hindi ka ba masaya?

Ano ang dahilan ng paglimot mo sinta?

Lahat na lang ba ito'y isang alaala?

Ano ba ang maling nagawa?

Bakit mo ako iniwan bigla?

Kulang pa ba ang ginawa?

Kaya ba humanap ka ng iba?

Hindi ba't sinabi mong babalik ka?

Ngunit ano itong aking nakita?

Siya ba ang dahilan sinta?

Saan ba ako nagkulang?

Bakit nga ba ikaw pa?

Ako ba'y naging tanga?

Ang mahalin ka ba'y isang saya?

O,ang mahalin ka'y isang dusa?


PUSONG SINAKTAN

Bakit?

Bakit?

Bakit iniwan mo?

Bakit sinaktan ang puso?

Ano ang naging kasalanan?

Ano ang dahilan?

Ano pa ba ang kailangan?

Ano pa ba ang paniniwalaan?

Bakit walang kibo?

Bakit ika'y nagbago?

Bakit nilimot mo?

Bakit ika'y naglaho?

Ano ang gagawin?

Ano pa ba ang sasapitin?

Ano pa ba ang nais sabihin?

Ano pa kaya ang iyong lihim?

Pilit na hinahanapan

Ng mga kasagutan

Ang pusong sinaktan

Ang pusong iniwan.


TULA PARA KAY INA

Siyam na buwan mo akong bitbit

Tag-ulan man o tag-init

Tiniis lahat ng sakit

Pagmamahal mo'y walang kapalit

Tunay kang ilaw ng tahanan

Kami'y iyong inaalagaan

Ang iyong yakap ang aking kandungan

Tuwing ako'y may kalungkutan

Patawad ina kung ako ma'y pasaway

Mga pagkakamali ko'y iyong sinusuway

Ngunit pagmamahal mo'y walang humpay

Buong puso ang sa aki'y inaalay

Salamat sa pag-aalaga

Mula bata hanggang pagtanda

Tunay ngang isang biyaya

Ang kayo'y maging aking ina.


SILA NA AKING MGA MAGULANG

Sila na naag-alaga sa akin

Na umaantabay sa aking kamusmusan

Sila na nagmahal sa akin

Nang wagas at walang alinlangan

Sila na nagbigay-buhay sa akin

Handing ialay buong srili

Sila na palaging nakaantabay sa akin

At gumabay sa aking paglaki

Sila’y nagbibigay lakas sa akin

Sa paglaban ng aking suliranin

Sila’y naniniwala sa akin

Maabot ko ang aking mithiin

Sila na nagsisilbing tala

Sa aking kadiliman

Sila’y aking ama’t ina

Na nagsilbing aking huwaran.


PARA SA AKING PAMILYA

Mula nang ako’y isinilang

Ako’y nagkaroon ng muwang

Sa paglaki ko’y ginawang

Magpasalamat sa’king mga magulang

Sa aking AMA na siyang dahilan

Kung bakit ako’y may pangalan

Salamat sa iyo ama

Ako’y nagging anak mong mahal ka

Sa aking INA na siyang nagpalaki

Na tunay ngang maipagmalaki

Salamay sa’yo aking ina

Magandang mundo ang iyong ipinakita

Sa aking mga KAPATID na mahal ko

Salamat sa inyo

Ako’y iginalang ninyo

At ipinagmalaki sa ibang tao

Sa aking mga magulang at kapatid

Asahan ninyong pisi ay ‘di mapapatid

Dahil tayo ay iisa

Nagbubuklod na masayang pamilya.


NARILU

Buhay sa mundo ay puno ng mahika

Kapalaran na binigay ng Maylikha

Pagsubok na dumating sa aking buhay

Panginoong Diyos ang sa aki’y gumabay

Pinahintong mag-aral ng mga magulang

Subalit desisyon nila’y iginalang

Kapalara’y tinanggap, naging matapang

Pag-aaral ng kapatid ay ginaoang

Taon ang lumipas, nasanay nang kusa

Tinahak yaong landas nang nag-iisa

Tiniis ang masasakit na salita

Upang umahon sa buhay na dalita

Lumipas ang taon, buhay ay nag-iba

Pag-aaral muli kanilang binida

Ako’y masaya, abot langit ang tuwa

Pangarap ay dali nang matatamasa

Sa kasalukuyan, ako’y nag-aaral

Punagbubutiha’t may pagmamahal

Kursong ito’y pinili na sa umpisa

Ang magpakadalubhasa sa’ting wika.


pinakAMAmahal

Ama, tatlong letrang mahalaga

Hindi nababayaran ng kahit anong halaga

Siya’y may pagmamahal at pag-aaruga

Sa kanyang mga anak siya’y mahalaga

Kumakayod sa araw-araw

Daug pa ang kalabaw

Naghahanap-buhay kahit tirik ang araw

Pangarap sa mga anak ang nangingibabaw

Siya’y aking ama

Handang kumalinga

Sa akin at sa aming pamilya

Tanging pangarap niya’y buhay nami’y guminhawa

Malimit mang sabihing mahal kita ama

Ngunit madalas ko namang ipinapadama

Mga payo mo’y laging kasama

Sakripisyo mo’y susuklian ko ama.


SI GANDA

Ganda,yan ang gustong itawag sa kanya

Mukha niya raw kasi ay kaaya-aya

Madalas may ngiti sa kanyang mukha

Ngunit kapag galit ay 'di na maipinta.

Taga-tirintas ng buhok ng barkada

Maging sa pagsayaw siya'y bumibida

Higit daw siyang magaling sa pagkanta

Ngunit mga awit ay ayaw sa kanya

Sadyang mabait sa barkada

Ngunit 'pag sinumpong, nguso'y humahaba

Huwag daw ubusin pasensyang mahaba

Baka raw lumabas ang tigreng nagbabadya

Ngunit babaeng ito'y aking mahal

Sa buhay ko'y hindi naging sagabal

Tunay na kapatid ang ikinintal

Dito sa pusong may pagmamahal.


PARA SA AKING MGA KAIBIGAN

Ilang taon na lamang ang ating hirap

Maraming pagsubok ang ating hinarap

Ngunit tayo'y patuloy na nagsisikap

Upang toga'y masuot sa hinaharap

Napakatagal man bago 'to malasap

Ngunit tagumpay nati'y napakasarap

Kapag nakamit ang ating mga pangarap

Para bang tayo ay nasa alapaap

Sa paaralan, maraming karanasan

Naririyan ang iyakan at tawanan

Mga proyekto na sadyang nahirapan

Kahit mahirap ay kinakaya naman

Matinding pagsusulit ay naririyan

Magbasa at ito'y ating pag-aralan

Ang ila'y tunay ngang pinaghahadaan

Bagsak na grado ay kinatatakutan

Mag-aral nang mabuti ang kailangan

Ipakita sa guro ang kahusayan

Kahit lagi tayong pinahihirapan

Para ito sa ating kinabukasan.


K-A-I-B-I-G-A-N

Kapag ako'y nalulumbay

at kalooban ko'y parang niluluray

Alam kung nandiyan ka

upang ako'y tulungan

Ikaw ang nagbibigay saya sa akin

upang labanan lahat ng tiisin

Bagamat tanging kasiyahan ko

ang siya lamang hinahangad ko

itinuring mo ako

ba hindi iba sa iyo

Ginampanan mong lahat

at may pagmamahal na sapat

Ako'y wala nang mahihiling pa

sa isang katulad mo'y walang hihigit pa

Nasa iyo na lahat ng katangian

dahil isa kang tunay na kaibigan.


SA AKING MGA KAIBIGAN

Sa aking mga kaibigan

Ako’y nandito lamang

Maaaring makakuwentuhan

Huwag mahiyang maging takbuhan

Sa aking mga kaibigan

Maaari ba ninyo akong damayan

Ako’y may kalungkutan

Pagdating ninyo’y inaasahan

Sa aking mga kaibigan

Salamat at kayo’y nariyan

Sa lungkot man o kasiyahan

Kayo’y laging maasahan

Sa aking mga kaibigan

Patibayin natin ang samahan

Upang maging pangmatagalan

Sa hianaharap ako’y inyong masasandalan.


PANATANG KAIBIGAN

Iniibig ko ang aking mga kaibigan

na sumusuporta sa aking kailangan

Ako’y kanilang kinukupkop

at tinutulungan upang maging

malakas, maligaya

kahit ako’y walang pakinabang

Bilang ganti, ibibigay ko

ang aking tiwala

at ililibre kapag ako’y

may allowance na

Susundin ko kapag ako’y

may sasakyan na

Sisipain at ipaglalaban ko

sa mga umaaway sa kanila

sa ulo, sa hita, at sa mukha.


INANG KALIKASAN PAGKAINGATAN

Ibong malayang lumilipad nang walang sawa

Mga luntiang puno na nakakaakit sa mata

Mga isdang lumalangoy nang may sigla

Bakit sa kasalukuyan ay unti-unting nawawala?

Tapon doon, tapon dito

Sunog doon, sunog dito

Kailan ba ito hihinto?

Ating Inang kalikasan umabot na sa peligro

Sagot ng mga ito’y namumukod-tangi

Lunas nito’y disiplina sa sarili

Itapon nang maayos basurang marumi

Para sa huli’y hindi magsisisi.


YONMA

Ganda mo’y walang kapara

Nagniningning sa’king mata

Hugis mo’y napakaganda

Gandang ‘di naman kaila

Minsan ikaw ay mailap

Nagtatago sa mga ulap

Mga tao’y nangungusap

Sa sandali mong pagsulyap

Sa sandaling ika’y galit

Huwag sanang maningkit

Bunganga mong nagngangalit

Buhay ng tao’y kapalit.


DEAR MANILA BAY

Naaalala ko noo’y iniiwan ka

Mga tao'y naniniwalang tapunan ka

Nakita kitang walang sigla

Tingin nila’y usa kang walang kuwenta!

Ngunit ako’y nabigla

Ikaw ay nag-iba

Lumabas ang tunay mong ganda

Gandang sayo’y nagpasigla

Mga tao’y lumapit sa'yo

Nabighani sa ganda mo

Pinapasyalan ka ng kahit sino

Mga bata’y masayang naglalaro

Sana’y mapanatili mo

Kagandahsng taglay mo

Asahan mong papasyal ako

Baka kahit ako’y mabighani mo.

Nagmamahal

Dyanna
KALIKASANG KAY GANDA!

Ang ganda ng kalikasan ay tunay na yaman

Sana'y alagaan ng bawat mamamayan

Sapagkat ito'y pundasyon ng ating kinabukasan

Kaya't ito'y marapat na ingatan

Ang lambak na puno ng hardin

Maganda't makulay na pananim

Maraming bulaklak kahit saan tumingin

Masustansiyang pagkain ang inihain

Ang hanging sariwa'y naglilinis ng pang-unawa

Walang sawang langhapin, hindi nakakasawa

May dalang himig sa buhay ng makata

Alay niya'y himig at tulang malaya

Ang himig ng hangi'y may dalang katahimikan

Ang sinag ng araw ay walang kasing-kinang

Sari-saring buhay dito'y matatagpuan

Ito'y gubat sa bundok, gubat ng yaman

Ang pagbabago'y hindi makakamtan

Kung ang kalikasa'y mapababayaan

Dapat isaisip ng bawat mamamayan

Kapag nasira, tayo rin ang mawawalan.


BAHAGHARI

Minsan ay may handog itong kalikasan

Masisilaya't mamamasdan pagkatapos ng ulan

Tumingala at ang langit ay tingnan

Makikita mo ang tunay na kariktan

Kapag dinapuan ng sikat ng araw

Mayroong natatangi na matatanaw

Isa itong arkong makulay

Kagandaha'y walang kapantay

Nauuna sa taas ang pula

Katabi nito ay kulay narangha

Ang kulay indigo at lila sa baba

Sari-saring kulay na nakamamangha

Bahaghari ang tawag sa arkong ito

Pagtila ng ulan makikita ito

Sa pagsilip niya'y mata'y napako

Mga mukha'y masayang nakatango

Madaling maparam

Unti-unting nagpapaalam

Ngunit habang nariyan

Handog ay kasiyahan.
BAHID POLITIKA!

Ang mga tao'y lalapitan

Mangangako na tutulungan

Pero hindi na babalikan

Sasabihing ika'y nakalimutan

Kahit pagod sa lakaran

Kahit sila'y mahirapan

Aakitin ang mamamayan

Upang dumami ang kayamanan

Ang mga tao'y paglalaruan

Sa mga salitang puro kalokohan

Kunwari'y para sa bayan

Iyon pala'y magiging kawatan

Sila'y mga politiko

May magagandang kuwento

Pagkatapos iluklok sa puwesto

Nakalimutan na ang pangako.


BASURANG SISTEMA NG HALALAN

Eleksiyon na naman!

Politiko'y nag-uunahan

Makuha ang katungkulan

Na kanilang inaasahan!

Tatlong terminong nanilbihan

Ngunit gusto pa ring lumaban!

Tunay ngang gahaman!

Nakawin ang kaban ng bayan!

'Pag nakaharap ay nakangiti

Sa mga tao'y nakangisi

Lahat pala'y isang palamuti

Dahil pagtalikod ay nandidiri!

Pangako'y sari-sari

Pagtupad nama'y sawi

Pagsermon nila'y parang pari

Upang tayo'y makumbinsi

Kakatok sa gabi

Magbibigay ng salapi

Bibilangin ang kakampi

Pagsisigurong sila'y magwawagi

Sa halalan may digmaan

Marami ang magkakalaban

Kapag umiral ang kasamaan


Ihahatid sila sa huling hantungan

Pagkatapos ng halalan

Sila'y nagsiwalaan

Mga taong baya'y nakalimutan

Mga pangako'y nasaan?!

Halalan nga'y napakadumi

Sistemang nakakadiri

Walang dulot na mabuti

Ang gobyernong mapang-api!


GISING NA JUAN!

Bumaon sa tao

Kuko ng pangako

At ngiti ng politico

Hindi makita ang dulo

Tahimik sa buong taon

Maingay sa eleksiyon

Parang naghahamon

Babasagin ang garapon

Kinuhang salapi

Walang makapagsabi

Mga piping saksi

Katotohana’y hindi masabi

Tusong mga ahas

Planado’t walang takas

Walang mga pekas

Kahit isang bakas

Kalian ka titigil Juan?

Gumising ka naman

Sa mga politikong gahaman

At puno ng kasakiman.
SANA

Sana may kandidatong hindi kailangang bihisan

Ng mga barong na may kasinungalingan

Sana maging tapat sa bayan

Hindi tulad ng ibang gahaman

Sana may tumulong sa mahihirap

Hindi ang gagastos ng salapi sa isang iglap

Sana’y mapansin ng walang irap

Upang pag-unlad ay maganap

Sana’y mailuklok ang nararapat

Ang pagpili’y dapat inaalisa

Sapagkat ang adhika’y iisa

Ang umunlad ang ating bansa.

You might also like