Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 2

PARABULA NG TAGA SAUDI-

ARABIA
Parabula Ng Isang Mabuting Samaritano

Madaling masanay sa mga turong nababasa sa mga Kasulatan


at sa mga naririnig mula sa mga namamahayag. Ang
ebanghelyo ni Lukas ay sinulat para sa mga Kristiyanong
"nasanay" na. Alam nila kung ano ang nasusulat, nguni’t hindi
na nila napapansin — o ayaw nilang pansinin — ang mga
okasyong nag-aanyaya ng pagsasabuhay niyon. Sila ang mga
eskriba at Fariseo sa ebanghelyo ni Lukas. Sa talinghaga ng
Mabuting Samaritano ay tinuruan ni Jesus kung paanong dapat
unawain ang hinihingi ng kautusang "Ibigin mo ang iyong
kapwa tulad ng pag-ibig mo sa iyong sarili." Ang Teksto ng
Lukas 10:25-37 25 Isang dalubhasa sa kautusang Judio ang
lumapit kay Jesus upang siya’y subukin. "Guro, ano ang dapat
kong gawin upang magkaroon ako ng buhay na walang
hanggan?" tanong niya. 26 Sumagot si Jesus, "Ano ba ang
nakasulat sa Kautusan? Ano ba ang nababasa mo roon?" 27
Sumagot ang lalaki, "’Ibigin mo ang Panginoon mong Diyos
nang buong puso, buong kaluluwa, buong lakas, at buong pag-
iisip;’ at ‘Ibigin mo ang iyong kapwa gaya ng pag-ibig mo sa
iyong sarili.’" 28 Sabi ni Jesus, "Tama ang sagot mo. Gawin mo
iyan at magkakamit ka ng buhay na walang hanggan." 29
Upang huwag siyang lumabas na kahiya-hiya, nagtanong pa ang
lalaki, "Sino naman ang aking kapwa?" 30 Sumagot si Jesus,
"May isang taong naglalakbay mula sa Jerusalem papuntang
Jerico. Hinarang siya ng mga tulisan, kinuha pati ang damit sa
kanyang katawan, binugbog, at iniwang halos patay na. 31
Nagkataong dumaan doon ang isang paring Judio. Nang makita
ang taong nakahandusay, lumihis siya at nagpatuloy sa kanyang
paglakad.

32 Dumaan din ang isang Levita, ngunit nang makita niya ang
taong binugbog, lumihis din ito at nagpatuloy sa kanyang
paglakad. 33 Ngunit may isang Samaritanong naglalakbay na
napadaan doon. Nakita niya ang biktima at siya’y naawa. 34
Nilapitan niya ito, binuhusan ng langis at alak ang mga sugat at
binendahan. Pagkatapos, ang lalaki ay isinakay ng Samaritano
sa kanyang asno at dinala ito sa bahay-panuluyan upang
maalagaan doon. 35 Kinabukasan, binigyan niya ng dalawang
salaping pilak ang may-ari ng bahay-panuluyan, at sinabi,
‘Heto, alagaan mo siya, at kung higit pa riyan ang iyong
magagastos, babayaran ko sa aking pagbalik.’" 36 At
nagtanong si Jesus, "Sa palagay mo, sino kaya sa tatlo ang
naging tunay na kapwa ng taong hinarang ng mga tulisan?" 37
"Ang taong tumulong sa kanya," tugon ng abogado. Kaya’t
sinabi sa kanya ni Jesus, "Sige ganoon din ang iyong gawin." –

You might also like