Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 4

Main Campus

Sanciangko St., Cebu City


A.Y. 2019-2020
Fil 21-Panunuring Pampanitikan
Pangalan:_________________________Kurso/Taon:_____________________Petsa:________________Iskor:_______
Pangkalahatang Panuto: Basahan at unawain ang hinihingi ng bawat bilang. IWASAN ANG PAGBUBURA.

1. Sinasabing ito raw ay sumasalamin sa kultura at paniniwala ng isang tao at siyang nagbibigay ng identidad sa bawat
lipunang kinalakhan o kinapamumuhayan.
A. Panitikan B. Wika c. Sanaysay
2. An0 ang tatlong kaanyuan ng panitikan?
A. Patula, Patuluyan, at Patanghal B. Pabula, Patula, at Pasalaysay C. Pasalaysay, Patula, at Pabula
3. Katangian itong taglay na nagbubunsod sa mambabasa na mag-isip upang yumaman at umunlad ang kanyang diwa o
isipan.
A. Bisa sa isip B. Bisa ng kaasalan C. Bisa sa pandamdamin
4. Ang akda ay hindi lamang nilikha upang magbigay ng dunong sa mambabasa. Nilikha rin ito upang magbigay aral at
humubog ng katauhan.
A. Bisa sa pandamdamin B. Bisang Kaasalan C. Bisa sa isip
5. Sinasabing ang bisang ito ang siyang pinakamahalagang katangian ng isang akdang pampanitikan.
A. Bisang Kaasalan B. Bisa sa Isip C. Bisa sa pandamdamin
6. Sa pagsusuri ng isang akda, kinakailangang_______________________________________.
A. Ang kritiko ay matapat sa sarili, itinuturing ang panunuri ng mga panitikan bilangisang sining
B. Ang kritiko ay dapat katakotan ng mga may akdang sinusuri
C. Ang kritiko ay matapat sa sarili at handing pagsabihan ang manunulat sakanyang pagkakamali
7. Ang kritiko ay handang kilalanin ang sarili bilang manunuri ng akda, hindi nglipunan, manunulat o mambabasa. Ano
ang gustong iparating nito?
A. Ang kritiko ay may paninindigan sa sarili
B. Ang kritiko ay walang pinapanigan
C. Ang kritiko ay tapat sa sinumpaan niya upang sumuri ng isang akda ayon sakabisaan nito
8. Ang kritiko ay ____________________________________________________.
A. Kailangang bukas sa pananaw sa mga pagbabagong nagaganap sa panitikan.
B. Kailangang sunod"sunoran sa mga sinasabi o opinion ng ibang kritiko.
C. Maaawain at may malambot na damdamin upang hindi makasakit ng ibang kritiko.
9. "Pero minsa'y naisip ko ngang kahit saan tayo pumunta sinusundan tayo ng trahedya" Ano ang kahulugan ng
matalinghagang pahayag na may salungguhit?
A. Swerte B. Kabiguan C. Hamon D.Masaklap na pangyayari
10. Sa kwento ni Mabuti ang ama ng kanyang anak ay namatay at ibinurol sa bahay na hindi siyang tinitirhan ni Mabuti
at ng kanyang anak. Anong bisang pangkaisipan ang hatid nito sa inyo?
A. Hindi si Mabuti ang tunay na asawa ng ama ng kanyang anak
B. Magkagalit si Mabuti at ang ama ng kayang ank
C. Magkaiba si mabuti at ang ama ng kanyang anak
D. Hindi mahal ni Mabuti ang ama ng kanyang anak
11. "Pagkat ang salitang isang kahatulan sa bayan sa nayo'y mga kaharian at ang isang tao'y katulad kabagay ng alinmang
likha noong kalayaan"
Halaw sa tulang, Sa Aking Kababata ni Dr. Jose Rizal
Ang saknong ay nangangahulugang____________________________.
A. Nakikilala na ang bansa ay tunay na malaya dahil sa kanyang wika
B. Naging maganda ang hatol ng bayan dahil sa kanyang wika
C. Ang bayan ay natutulad sa isang kaharian kapag may wika
D. Ang kalayaan ay likha ng mga bayang may wika
12. "Ngunit sa kanilang utak, nagsusumiksik at nanunumbat ang alingawngaw ng pagbabawal, lumalarawan ang
nananalim na mga tingin! Masama! Tukso."
Halaw sa kwentong, Bagong Paraiso ni: Efren Abueg
Tukuyin ang damdaming isinasaad ng pahayag.
A. Pagwawalang- bahala B. Pagkagalit
B. Pangangamba D. Pagsisisi
13. Patunayan na ang akdang Dekada '70 ay mabibilang sa teoryang realismo.
1. Ang mga pangyayari sa akda ay tunay na nangyayari noong Dekada ‘70
2. Inilahad ang akda nang eksakto ang kilos,pag-iisip at salitang mga tauhan
3. Inilahad dito ang obserbasyon na walang kinikilingan at sa objective na paraan
4. Higit na binibigyan pansin ang banghay ng kwento
A. 234 B. 134 C. 123 D. 124
14. Anong bisang kaisipan ang nabubuo sa mga pangyayaring sumusunod? "Mayroon si Jules ."Ang Bayan" at mga iba
pang publikasyon ng Partido Komunista ng Pilipinas. Madalas gabi na siyang umuwi. Napatay ng mga sundalo ang
kanyang kaibigang si Willie"
Halaw sa nobelang Dekada '70 ni Lualhati Bautista
A. Si Jules ay nalulong sa barkada kaya madalas ginagabi
B. Si Jules ay mahilig sa "rumble" sa kalye
C. Si Jules ay kasapi at kabilang sa mga kabataang tumutuligsa sa pamahalaan
D. Si Jules ay matalino at mahilig magbasa
15. Nang siya ay bitiwan ni aling Marta, makalayong papaurong ay naalaala niya ang kalayaan kay Aling Marta at sa pulis
na humuli sa kanya. Ano ang nais gawin ng tauhan batay sa pahayag?
A. Makaalis B. Makabitiw C. Tumakas D. Makaalpas
15. "Nakita rin kita" ang sabi niyang humihingal."Ikaw ang dumukot sa pitaka ko, Ano? Huwag kang magkaila" Tiyakan
ang kanyang pakakasalita; ibig niyang sa paglito ng bata sa pag-aapuhap ng isasagot ay masukol niyang
buung-buo. Ngunit ang bata ay mahinahong sumagot. "Ano hong pitaka?" Ang sabi..Wala ho akong kinukuha sa
inyong pitaka.
Halaw sa kwentong Ang Kalupi ni Benjamin Pascual
Ang paniniyak ni Aling Marta na ang bata ang kumuha ng kanyang kalupi nang walang ebidensya ay maliwanag
na______________________________________.
A. Paniniil B. Pananakot C. Pagbibintang D. Pagmumura
16. Ang mundo'y kumitid sa lipad ng dunong
Nalakbay ang langit ng bakal na ibon
Halaw sa tulang Hudyat ng Bagong Kabihasnan ni Simon Mercado
Ipinahahayag sa mga taludtod na______________________.
A. Napadali ang pagdating
B. Madaling naabutan
C. Napabilis ang pagdating dahil sa mga nnatuklasang sasakyang panghimpapawid
D. Napatagal ang pagdating
17. Sa maalong dagat ng buhay sa mundo'y nag-isang lumayag
Iniwan sa pampang ang timbulang baon ng aking tinanggap
Halaw sa tulang LUHA ni Rufino Alejandro
Ipinahahayag sa mga taludtod ay ang______________________________.
A. Pagiging masunurin ng anak sa kanyang mga magulang
B. Pagsasawalang bahala ng anak sa mga bilin ng magulang
C. Pagpapahalaga sa mga aral na natanggap
D. Pagiging ulila ng anak sa mga magulang
18. Celing: Oo,Teban, ihanda mo ang mga palayok ha? hiramin mo ang kaserola ni Ate Nena.
Teban:Opo,opo (lalabas sa pintuan sa kusina)
Kulas: Ngunit paano tayo maghahanda? Ngayon lang natalunan tayo nang mahigit apat napung-piso
Celing: Hindi Bale, ibig kong ipagdiwang ang iyong huling pagpapaalam sa sabungan.
Halaw sa dulang Sa Pula,Sa Puti ni FS Rodrigo
Ang dayalog ng dula sa itaas ay nagpapakita ng layuning____________________________________.
A. Literatura et utile B. Literature et dulce C. Literatura et dulce et utie D. Lahat na nabanggit
19. Ang nais lamang niya ay makaalpas sa matitigas na bisig ni Aling Marta. Ano ang denotasyon ng makaalpas?
A. Manatili B. Nakakapit C. Nakahawak D. Makakawala
20. "Tinungkod ako nang tinungkod" ang pag-uulit ng salitang tinungkod ay nagpapahiwatig ng:
A. Paulit-ulit na ginawa B. Isang beses na ginawa C. Madalang na ginawa D. Palaging ginawa
21. "Sa dagat man, Irog ng kaligayahan,
Lahat pati puso,ay naagnas ding marahan-marahan.
Anong siklo ng buhay ang angkop sa inilahad na kaisipan ng mga taludtod?
A. Ang buhay ay parang gulong,minsan sa ibabaw,minsan sa ilalim
B. Kapag may lungkot,may ligaya
C. Kapag may isinuksok,may madudukot
D. Kapag maaga ang lusog,maaga ang ahon
22. "Manunulay kata,
Habang maaga pa,
Sa isang pilapil
Na nalalatagan ng damong may luha ng mga bituin."
Ang pariralang may salungguhit mula sa tulang sa "Tabi ng Dagat" ay nangangahulugang_____________________.
A. Dami ng bituin B. Halumigmig ng gabi C. Hamog sa umaga D. Patak ng ulan
23. "Binawi po niya ang aking saka" ito ay may himig na:
A. Nangatwiran B. Nagmamakaawa C. Dumadaing D. Pakikiramay
24. "O, ina ko, ano po ba at naisipang hatiin. Ang lahat ng munting yamang maiiwan sa amin? "Wala naman, yaong
sagot," baka ako ay tawagin ni Bathala, mabuti nang malaman mo ang habilin"Ano ang angkop na damdamin o gawi
ng tauhan?
A. Pagiging handa sa pangyayari? B. Pantay na pagtingin sa mga anak
C. Pagiging maagap D. Pagiging tapat
25. Aling taludtod ang nagpapakita ng tonong aliterasyon?
A. Sa aking paanan ay may isang batis C. Maghapo magdag na nagtutumangis
B. Sa mga sanga ko ay nangagkasabit D. Ang pugad ng ibon tunay na malaya
26. Ang teoryang pampanitikan na nagbibigay diin sa interaksyon ng tauhan sa kapwa at sa lipunan.
A. Sikolohikal B. Arketaypal C. Pormalistiko D. Sosyolohikal
27. Ang teoryang pampanitikan na nakatuon sa mga katangiang positibo ng tao.
A. Humanismo B. Realismo C. Naturalismo D. Romantisismo
28. Ang teoryang nagpapakita ng mga bagay na tulad ng mga simbolo, imahe o padron ng sirkumtansya o siklo ng
Buhay.
A. Humanismo B. Simbolismo C. Arketaypal D. Imahismo
29. ‘Inay", ang tawag niyang muli, "Bakit wala pa si Tatay? Anong oras na ba? Anong angkop na damdamin o gawi ng
tauhan?
A. Pag-aalala B. Pagkainip C. Pagkatakot D. Paghihinala
30. Habang isinusulat ang akda ang kahulugan ng nilalaman nito ay nasa may-akda, ngunit sa sandaling ito ay
mapasakamay ng mambabasa ang kahulugan ng akda. Ito ay pananaw na__________________________.
A. Eksistensyalismo B. Sikolohikal C. Dekonstruksyon D. Markismo
31. Isang paniniwalang naglalarawan sa transpormasyon ng tauhang babae na naging dahilan ng kanilang pagbabago.
A. Humanismo B. Feminismo C. Formalismo D. Naturalismo
32. "Ang araw na humalili'y tigib ng pangamba at ng mga katanungang inihahanap ng tugon". Ang pariralang may
salungguhit mula sa maikling kwento "Bangkang Papel" ni Genoveva Matute ay nangangahulugang_________.
A. Puno ng suliranin B. Maraming problema C. Lipos ng pagkatakot D. Tadtad ng pagdurusa
33. "Di ba maliwanag? Si tatay ang nagwasak ng aming tahanan. Siya'ng dahilan ng pagka-ospital ni Nanay,
ng pagkamatay ng aking kapatid...ng aking pagkakaganito!" Ano ang angkop na damdamin o gawi ng tauhan?
A. Pagkagalit B. Paninisi C. Pagtatakwil D. Pagkainis
34. Ang teorya ng panitikan na nagsaalang-alang sa mga ikinilos ng mga tauhan kung makatarungan o hindi ang kanilang
mga naging kapasyahan.
A. Sosyolohikal B. Arketaypal C. Sikolohikal D. Moralistiko
35. Sa tuwing akoy makakita ng Bangkang papel ay nangbabalik sa aking gunita ang isang batang lalaki. Isang batang
lalaking gumagawa ng tatlong malalaking bangkang papel na hindi niya napalutang sa tubig kailanman"
Ano ang ipinahiwatig ng pahayag na ito?
A. Malaki ang naganap na pagbabago sa dating lugar at sa kanya
B. Kalungkutan sa kabiguan ng tao
C. Mahalaga ang pagbabasa
D. Malaki ang naganap na pagbabago sa dating lugar at sa kanya
36. "Tatay..Hm.ang nakilala kong ama’y anim na taon nang p-patay!" Ano ang ipinahiwatig ng pahayag na ito?
A. Pagtatakwil sa ama
B. Di makapagsalita ang lahat,waring nahahahabag sa kanya.
C. Mahalaga ang pagbabasa
D. Lubos ang paniniwala sa Panginoon.
37. Aling pahayag ang nagsasaad ng likas na kabutihan ng tao?
A. “Ikaw pala ang taong matagal kong hianahanap upang mapaghigantihan. Ang nuno mong si San Pedro
Elbarramendia ang taong naging dahilan ng aming kasawian"
B. "Kailangang kong mabalitaan na napatay mo ang alperez kung hindi ibulgar ko ang tunay mong pagkatao kay
Ma. Clara,"Pagbabanta ni Donya Victorina kay Linares.
C. Dalhin mo ang baliw na ito."Sabihin nya kay Maria na bigyan mo ng ibang Baro at gamutin, pakainin at bigyan
ng mabuting hihigan."
D. Huwag kayong lumipit. Panahon na upang tapusin ang pang-aapi ng taong ito sa aking ama. Dapat siya'y
mawala sa mundong ito.
38. Sa pilak ng kanyang buhok na hibla ng katandaan, nababakas ko ang maraming taong niyang kahirapan. Ano ang
ipinahiwatig ng pahayag na ito?
A. Matagal nang panahon ang balon na iyon.
B. Malaki ang naganap na pagbabago sa dating lugar at sa kanya
C. Lubos na umaasa sa balon ang mga mamamayan
D. Marami nang pinagdaan sa kanyang buhay
39. “Hindi ako naniniwala sa mga milagro. Ang Panginoong Diyos ay hindi gagawa ng milagro para lang mapagtakpan
ang pagkukulang sa pananampalataya ng mga tao." Ano ang ipinahiwatig ng pahayag na ito?
A. Di makapagsalita ang lahat,waring nahahahabag sa kanya.
B. Marami nang pinagdaan sa kanyang buhay
C. Lubos ang paniniwala sa Panginoon.
D. Kalungkutan sa kabiguan ng tao
40. Tila hindi na niya nakikilala at hindi na siya makikilala pa ng pook na binabalikan niya.
Ano ang ipinahiwatig ng pahayag na ito?
A. Pagtatakwil sa ama
B. Malaki ang naganap na pagbabago sa dating lugar at sa kanya
C. Marami nang pinagdaan sa kanyang buhay
D. Lubos ang paniniwala sa Panginoon
41. “Ang sumunod sa kanyang Enyang ay tahimik na naghain ng hapunan sa lumang dulang". Ang salitang may
salungguhit mula sa maikling kwentong "Kinagisnang Balon" ni Andres Cristobal ay nangangahulugang...
A. Hapag-kainan B. Kusina C. Pinggan D. Silid-kainan
42. "Hindi pa kayo tao, nandiyan na iyan" Ano ang ipinahiwatig ng pahayag na ito?
A. Kasabay nang pagsilang ng balon sina Eva't Adan.
B. Lubos ang paniniwala sa Panginoon.
C. Mahalaga ang pagbabasa
D. Matagal nang panahon ang balon na iyon.
43. Tukuyin kung anong uri ng tunggalian ang pahayag na ito."Nakikialam ang kura sa pagtuturo ng guro dahil ito ang
sistema ng pamamahala sa paaralan."
A. Tunggaliang tao sa tao B. Tunggaliang Tao sa lipunan
C. Tunggaliang Tao sa sarili D. Tunggaliang Tao sa kalikasan
44. Tukuyin kung anong uri ng tunggalian ang pahayag na ito "Kinayamutan ng guro ang pagtuturo. Binalak nitong
magbago ng hanapbuhhay ngunit wala siyang magawa."
A. Tunggaliang tao sa tao C. Tunggaliang tao sa lipunan
B. Tunggaliang tao sa sarili D. Tunggaliang tao sa kalikasan
45. Sa Kabanata IX- Mga Karanasan ng isang Guro. anong teoryang Klasismo ang inilahad ng bahaging " Una, sapagkat
ang mga bata buhat sa kamusmusan ay hindi nagtatamo ng anumang pagganyak sa pagkatuto at ikalawa, kung
magkakaroon ay mawawalan din ng halaga gawa ng kakapusan ng magugugol at iba pang mga pangangailangan."
A. Kabutihan B. Kagandahan C. Kasamaan D. Katotohanan
46. Tukuyin kung anong uri ng tunggalian ang pahayag na ito."Pagtanggap ni Sisa sa pagmamalupit ni Donya
Consolacion"
A. Tunggaliang Tao sa Tao C. Tunggaliang Tao sa lipunan
B. Tunggaliang Tao sa sarili D. Tunggaliang Tao sa Kalikasan
47. Alin sa mga sumusunod ang naglalantad ng pagkanaturalismo ng akda?
A. Pagtitiwala B. Pagbibigayan C. Paglalamang D. Pagkakaibigan
48. "Ang mga pagtitiis, sama ng loob, mga kahirapan sa bilangguan at ang damdaming dinaranas niya nang dahil sa
maraming walang utang na loob ay parang nagpahina sa kanyang napakatibay na katawan. Ito'y siyang naging
dahilan ng kanyang pagkakaramdam na tanging kamatayan amang ang makalulunas at nang ang lahat ay malulutas
na ay nalagutan ng hininga ang inyong ama sa bilangguan nang walang isa mang nasa kanyang piling."
Ang bahaging ito ng Kabanata IV-Erehe at Pilibustero ay_________________
A. Karumal-dumal B. Makabangis C. Walang awa D. Lahat ng nabanggit

-WAKAS-

-jbfil21 ‘19

You might also like