Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 3

“WALANG SUGAT”

(UNANG PANGKAT)

TAGPO 1:
Tenyong: Mahal kong Julia, pwedi ko babng tingnan ang binuburdahan mo?
Julia: Huwag na Tenyong , huwag mo nang tingnan, masama ang pagkakayari, nakkahiya.
Tenyong: Kahit isang silip lamang, hindi ko hihipuin, ganoon lang!
Julia: Sa ibang araw, pagkatapos na , oo, ipapakita ko sa iyo.
Tenyong: Ano ang ibig sabihin nito mahal ko?
Julia:Hindi nagkakamali ka! Hindi ukol sa iyo ang panyong iyan.
Tenyong: Sinungaling1 At kaninong pangalan ito? A- Antonio, N-Narciso at F-Flores?
Julia: namamali ka, hindi mo pangalan iyan.
Tenyong: Hindi pala akin at kanino nga?
Julia: Sa Among! Iya’y iaalay ko sa kanya ngayong kaarawan ng pasko.
Tenyong: Bakit ang letra ay A, N at F? Magsabi ka ng katotohanan,para sa kura nga ba? Kapag hindi ko
sinilaban ay sinungaling ako.
Julia: Huwag mong silaban ang tunay mong pangalan!
Tenyong: Naiintindihan ko mahal kong Julia, salamat, salamat Juling poong ko.!

TAGPO 2:
Lucia: Mamang Tenyong,Mamang Tenyong ang iyong tatang ay dinakip ng buluntaryong Santa Maria.
Tenyong: Anu? Ang tatang?!
Lucia: Oo, dinakip ang iyong tatang.
Tenyong: Saan siya dinala?
Lucia: Sa pagkakaalam ko po’y dinala siya sa Bulacan.
Tagapagsalaysay: Sa kasalukuyan, nagpasya si Tenyong na tingnan ang kanyang tatang at gayundin ang ina ni
Tenyong pati sina Julia at Juana sa bilangguan at sa Bulacan ay maraming bilanggo ang nakatali sa rehas at isa
si Kapitan Inggo sa mga iyon.

Kapitana Putin: Mahal kong Inggo. Oh asawa ko.(humihikbi ang damdamin)

Tenyong: Tatang, tatang.( umiiyak)

Tagapagsalaysay: Ang gayong pangyayari kay Kapitan Inggo ay lubhang dinamdam ni Kapitana Putin, hindi
niya nakayanan ang pangyayari at siya naman ay nakaramdam ng pananakip ng dibdib at siya’y napahandusay.
Nagpasya si Tenyong na gumawa ng hakbang upang ipaghiganti ang kanyang mga magulang at iniwan niya sa
pangangalaga ni Julia ang kanyang ina.

Tenyong: Julia, huwag mong pabayaan ang aking ina, subalit kailangan kong bigyan ng hustisya ang aking
tatang at ipaghiganti ang aking ina.

Julia: Tenyong, huwag mong ikabahala ang Kapitana Putin, siya ay aking alagaan at huwag pabayaan.

Tenyong: Salamat Julia.

Julia: Walang anuman Tenyong.


Tagapagsalaysay: Bagkos, hinimok ang mga pananalig na magtayo ng isang hukbo na magpapakita ng
paglaban sa mga kastila.

Tenyong: Julia, hinihingi ko lamang sa paglisan ko’y magpadalhan tayo ng sulat.

Julia: Ganoon paman Tenyong aking gagawin ang iyong hinihiling, huwag kang mag-alala, gawin mo kung
anu nasa’y puso’t isip mo basta huwag mong pabayaan ang sarili mo at mag-ingat ka.

Tenyong: Salamat Juliang poon ko ( nagyakapan ang dalawa)

TAGPO 3 :

Tagapagsalaysay: Samantala, si Aling Juana , ina ni Julia ay naging magaan ang kalooban kay Miguel na
manliligaw ng dalaga. Na napagkasunduan ng kanilang mga magulang para sa kanilang kasal. Labag sa
kalooban ni Julia dahil si Tenyong ang kanyang iniibig.

Julia: Ina, bakit mo nagawa sa akin to? Ngunit wala akong pagtingin kay Miguel sapagkat si Tenyong ang
aking iniibig.

Juana: Kayo ang dapat magkatuluyan ni Miguel, at hindi si Tenyong. Nakakasigurado ako marangya ang iyong
buhay sa piling niya.

Julia: Ngunit ina!!!

Juana: Tama na! Nakatakda na ang iyong kasal.

Tagapagsalaysay: Walang nagawa si Julia kundi sumang-ayon sa kagustuhan ng ina. Subalit nagawa niyang
magpadala ng sulat kay Tenyong sa pamamagitan ni Lucia na ipinaalam ang nagging kasunduan nina Aling
Juana at Tadeo.

Tenyong: (laking panlulumo at galit)

Heneral: Huwag kang manlumo Tenyong, galit ay pigilan mo! Tutulungan kita.

Tenyong: Salamat heneral, Lucia pakisabi kay Julia na nabasa ko na ang sulat.

Lucia: Opo Tenyong.

Lucia: Julia, ipinaalam ko na kay Tenyong ang nangyari.

Julia: Salamat Lucia.

TAGPO 4:

Tagapagsalaysay: Pagkalipas ng limang araw.

Padre: Ngayon simulan na natin ang kasalan nina Miguel at Julia.Miguel, tinatanggap mob a si Julia bilang
kabiyak ng iyong buhay?

Miguel: Opo Padre.

Padre: Julia, tinatanggap mo ba si Miguel bilang kabiyak ng iyong buhay?

Julia: Opo padre.

Padre: Sino ang gusting tumutol magsalita na.


Tenyong:Padre!!

Julia: Tenyong anong nangyari sayo?

Babae: Naghihingalo na si Tenyong. Pero mayroon siyang kahilingan nab ago siya mamatay na maikasal kay
Julia.

Juana: Ipapakasal kay Julia? Bakit? Julia totoo ba? Totoo bang may salittan kayo ni Tenyong?

Julia: Opo inang.

Juana: Lelong anak!

Julia: Inay?

Juana:Hindi kita anak!

Padre: Kung ganoon simulant na natin ang kasaln nina Julia at Tenyong….Tenyong, tinatanggap mob a si Julia
bilang kabiyak ng iyong buhay?

Tenyong: Opo padre.

Padre: Julia, tinatanggap mob a si Tenyong bilang kabiyak ng iyong buhay?

Julia: Opo padre.(nagyakapan)

Julia: Salamat Tenyong at naparito ka.

Miguel: (hinila at tiningnan si Tenyong) WALANG SUGAT!

You might also like