Revised SCRIPT in Rizal

You might also like

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 18

MAIN CHARACTERS

JOSIE MERCADO – VJ Claveria


LEON RIVERA – Joshua Chy
TEODORA ALONZO – Melania Mabanag
BLUMENTRITT – Justine Anggalao
JOSEPH BRACKEN – Darwin Taloza
CLAIRE – Giselle Gammad
PACQUING – Jiro Cardenas
ANDREI – Israel Gatcho
JOHN – Mike Kim Leoag
HIPOLITO – Glenda Bulauan
GOV. VILLAR – Bien Ryan Ruiz
MAYOR DALISAY – Jexarelah Ulep
CARDO – Michael Usal
PRINCESS – Janine Baquiran

MINOR CHARACTERS - suggested


Nanay ni Leon - Jessi
Judge – Rogin Castro
Witness 0 – Marisse Muñoz
Witness 1 – Shailah Zamora
Lawyer 1 – Joram Saquing
Chismosa 1 – Grace Casibang
Chismosa 2 – Rica Apalla
PROLOGO
[Gunshot. Scream.]
[Misa. Papasok ang tunog ng koro habang nagbubukas kurtina. Papasok ang masayang pamilya ng mga Mercado.
Papasok ang pari kasama ang kanyang mga sacristan. Magpapatuloy ang pagkanta ng koro ngunit sa kalagitnaan
nito ay ang palakas ng putok ng baril. Magkakagulo ang mga tao sa loob ng kapilya kasabay ng pagsarado ng
kurtina, paglilipat ng kanta. Mula sa malumanay na kanta, magiging malungkot papuntang galit ang tono nito.]
[Patuloy sa pagkanta ang koro – pahina nang pahina.]
Bang bang!
*Namatay si Cardo Hipolito Sr.*
*Nakita nilang may hawak na baril si Teodora*
CHISMOSA 1: Si Teodora! May hawak na baril si Teodora! Si Teodora ang salarin! Si Teodora Mercado ang
nakita kong pumatay kay Mayor Hipolito!
REPORTER: Nagbabagang balita! Ang kilalang politoko na si Cardo Hipolito Sr. ay hinihinalang pinatay sa loob
ng isang simbahan sa Calamba, Laguna nitong umaga. Ayon sa ilang nakakita, isa umanong ginang ang tinuturong
bumaril sa nasabing politico na naghudyat naman ng kaguluhan sa mga taong nakimisa.
[Magbubukas ang kurtina. Magpapakita ang nakakulong nang si Teodora habang kaharap nito ang isang chief of
police at pinipilit itong paaminin sa isang krimen na hindi niya ginawa.]
PULIS: Umamin ka na Mrs. Mercado. Hindi naman mahirap ang pinapagawa namin sa’yo. Kailangan lang namin
ng ituturong pumatay kay Mayor Hipolito, hindi naman masamang akuin mo na lang iyon.
TEODORA: Mahirap lamang kami ngunit wala sa bokabularyo ko ang pumatay ng tao. Mayroon akong mga anak
na kailangan ako sa labas nitong rehas at hindi ko gugustuhing manatili rito ngunit hindi rin ako aamin sa krimeng
hindi ko ginawa, sir.
[Bibitbitin si Teodora patungo sa loob. Magsasarado ang kurtina.]
[Intense music fades in. Fades out.]

SEQUENCE 1
[Magbubukas ang kurtina. Papasok ang magkakapatid na Mercado – Pacquing, Josie at Claire. Nakaupo sa
harapan ng hapag si Pacquing habang si Claire ay naghahain saka papasok si Josie.]
PACQUING: Saan ka galing?
JOSIE: Galing po ako sa munisipyo, nagpasa ako ng application namin ni Claire para sa scholarship ng mga
Dalisay. Malaking tulong din po iyon Kuya Pacquing kapag nakuha ako lalo na at magka-college na ako sa
susunod na taon.
CLAIRE: Thank you, ate Josie! [yayakap kay Josie]
PACQUING: Maganda nga ‘yan, pero kaya ko naman kayong pag-aralin na dalawa. Mayroon naman tayong
sakahang lupa –
JOSIE: [uupo sa tabi ni Pacquing] Na pagmamay-ari ng mga Villar.
PACQUING: [magdadabog sa mesa] Josie!
JOSIE: [iritado] Po?
[katahimikan; buntong-hininga]
CLAIRE: [hahawakan ang kamay ni Josie] Ate… [iiling]
JOSIE: Ilang taon na tayong naninilbihan sa mga Villar. May lupa nga tayong sinasaka pero hindi naman atin –
[magdadabog si Pacquing; katahimikan] Kuya Pacquing, sorry po.
PACQUING: [mahinahon] Hindi ‘yan ang katwirang itinuro ng mga magulang natin. Ibinilin kayo sa akin ni
Nanay bago siya nakulong, ang sabi niya ay patuloy ko kayong turuan na pahalagahan ang bawat bagay na
mayroon tayo. Saan ako nagkulang sa pagpapalaki ko sa inyo?
JOSIE: Kuya, sorry po talaga.
[aalis si Pacquing]
CLAIRE: Ate Josie, hindi naman mali ang sinabi mo pero mas makatwuran pa rin si Kuya Pacquing. Dahil kung
wala ang mga Villar ay sa kangkungan tayo pupulutin –
JOSIE: Pasensya na. Hindi ko naman sinasadya – napapagod na kasi akong makita na araw-araw tayong
naghihirap para pagsilbihan ang monopolyong nagaganap sa lupa natin.
CLAIRE: Gets ko naman po, pero kapag walang tiyaga, walang tinola. [tatawa]
JOSIE: Joke yown? Nakakatawa? Happy?
CLAIRE: Eeeengk! [magtatawanan ang magkapatid] Ay ate, may contest pala next week! ‘di ba magaling kang
tumula? Pera din yun!
~*~
[Araw ng contest]

Let us all welcome, contestant number 4!


*sayaw*
Last but not the least, contestant number 5!

TULA
Paraiso kung tawagin ang lupang aking sinilangan,
Naging tahanan ng aking lahi ang perlas ng silangan,
Lugar na malaya; isang ginintuang lupa;
Liwanag ng sibilisasyon ay nagpakita
Ngunit hindi lahat ng liwanag ay may aninong maganda,
Nilukob nito ang pag-asa, kalayaan at kayamanan ng masa.
Ang mangmang ay naging kawawa,
Ang may-alam ay nanlamang,
Saka tayo iginapos sa kadenang bitbit ng isang dayo;
Ang tawag niya sa atin ay indio at sa bayan natin, nagdala siya ng idolo.
Ginawa nila tayong alila sa ating sariling lupa,
Ninakaw ang ating kalayaan, dinamitan tayo ng pagdurusa.

SEQUENCE 2
[Sa kolehiyo, sa loob ng classroom ay mayroong impormal na Debateng nagaganap tungkol sa Death Penalty.
Ang grupo ni Josie, Andrei at John ang against opposition.]
*ADLIB – Mauuna ang pro-Death Penalty. Dalawang sagutan saka magsasalita si Professor Blumentritt upang
patigilin ang debate. Mag-e-explain siya sa mga mahahalagang punto ng debateng naganap at sasabihing panalo
sila Josie.
[Pagkatapos ng klase ay magsisialisan lahat ng estudyante, ngunit matitira sa classroom ang anak ng yumaong si
Mayor Hipolito, kasama si Princess Villar at si Josie na abala sa pag-aayos ng gamit]
CARDO HIPOLITO JR.: Mercado, [uupo sa tabi ni Josie] ang galing mo kanina sa debate ah. Halatang may
pinanghuhugutan ka, balita ko kasi ay ibabalik ang death penalty para sa mga kriminal katulad ng nanay mo. Ano
na nga ulit ang kaso n’un kaya nakulong? Ah, oo, pinatay niya lang naman ang tatay ko.
JOSIE: Hindi kailangang involved ang emosyon sa debate, Cardo Junior. Ang mga sinabi ko kanina ay pawang
katotohanan kaya kami nanalo at hindi ang grupo niyo.
PRINCESS VILLAR: Talaga? Go tell that to your father’s grave. Palibhasa kasi ay galing ka sa pamilya ng mga
kriminal kaya malamang ay ayaw mo rin sa death penalty. Perhaps, that would save your mother’s life a little
because Cardo’s Family is making sure she’s living hell behind bars.
JOSIE: If you are here to intimidate me, Cardo Junior and Princess, hindi ko na kayo papatulan sa pamimintang
niyo sa mga magulang ko.
CARDO: [galit] Killer ang nanay mo, ang tatay mo naman ay pusher kaya sino ka para sabihan kaming mahalaga
ang buhay? [hahawakan si Josie sa magkabilaan braso; galit na galit] The blood of criminals are running in your
veins.
JOSIE: Bitiwan mo ako, Cardo Junior! This is harassment –
PRINCESS: Harassment mo mukha mo! [sasabunutan si Josie]
[Dedepensahan ni Josie ang sarili, gugulong sila sa sahig habang sinusubukan ni Princess na saktan siya nang
husto. Sa isang tabi ay manonood lang si Cardo Junior at magchi-cheer pa nga kay Princess. Darating si Joseph
upang pigilan si Princess at tulungan si Josie. NOTE: Si Andrei ay nakamaskara na pang payaso, yung parang sa
Joker.]
JOSEPH: Tama na! Tama na!
PRINCESS: May araw rin kayo sa akin!
CARDO: Not every day is the same, Mercado!
[Aalis ang dalawa.]
JOSEPH: Tulungan kita, halika – dalhin kita sa clinic. [aakayin si Josie] Ako pala si Joseph, ikaw?
JOSIE: Josie.
[Darating sina Andrei at John.]
ANDREI: [bahagyang aalisin ang maskara] Josie, anyare? Okay ka lang, Josie?
JOSEPH: Mukha ba siyang okay?
ANDREI: Paano ba ang okay?
JOHN: Umayos ka. Babatukan na kita.
JOSIE: Nasakal ako ni Princess kanina mabuti na lang dumating itong si Joseph. [katahimikan, uupo sila] Tinawag
nilang kriminal ang mga magulang ko. [iiyak] Hindi naman pusher ang tatay ko, biktima lang din siya ng
extrajudicial killing noong kasagsagan ng laban sa droga. ‘Yung nanay ko – pinagbintangan lang siya – alam ko.
Hindi kasi niya magagawa ‘yun.
ANDREI: Mah friend, life is never fair. Injustice is everywhere – kinalakhan at kinamulatan na ng bawat Pilipino
ang kulturang ‘yan. Spanish era pa lang ay laganap na ang injustice – what have we done before our heroes was
born? We waited 300 years before we rebelled against Spain, another four decades under Americans. Twenty
years before we kicked out the Marcoses and now, we are counting more deaths before we move against this
tyranny we are experiencing. May it be related to drugs or not, basta kalaban ng pamahalaan [signs death] ngek.
JOHN: Nangangamoy aktibista rito sa loob. Napakasangsang ng amoy.
ANDREI: [maiiwan mag-isa sa stage; tatayo sa gitna] Activism is not a crime! It is the only sane reply in this
crazy evil time. [puts on his mask; tatawa(joker style)]
[Habang tumatawa si Andrei, papasok nang nakapila yung mga kasama niyang magra-rally – kailangan may
isigaw sila, pero hindi ko pa alam kung ano. Music fades in – recommend is Manghuhula by Bita and the Botflies,
at speed 1.25. Magsasayaw sila hanggang sa may pumasok na mga pulis. Magkakagulo. Gunshots and screams.]
[Close curtains. Music fades out.]
~*~
[Office ng school Publication]
PROF. BLUMENTRITT: [knocks on the door] Ms. Mercado?
JOSIE: Sir?
PROF. BLUMENTRITT: Can I have a word with you? [tatango si Josie] I heard what happened to Mr. Bonifacio
at the rally. Napag-usapan na namin iyon kasama ang mga namumuno sa itaas – we condemn his actions, but as
an individual, I am one with his independence of moving for his people. I also long for the true freedom of this
nation, too –
JOSIE: Professor Blumentritt, bakit sa akin niyo po sinasabi ‘yan?
PROF. BLUMENTRITT: Because I know you’d understand at isa ka sa mga nakikita kong magiging kasama ni
Andrei Bonifacio sa mga nakikibaka para sa bansa.
JOSIE: But I don’t want any of it.
[Ngingiti lang si Blumentritt. Humahangos na papasok si John sa loob ng office at babati kay Blumentritt.]
PROF. BLUMENTRITT: Hello, Mr. Luna. It seems like you have something important to say. Anyway, iiwan
ko na kayo ni Ms. Mercado – take care of each other. Kayo ang magiging future ng bansang ‘to [ngingiti]. Take
my word, Josie – you’ll join Mr. Bonifacio someday. Pero hindi pa ngayon. [aalis]
JOHN: Sinasabi n’un? Anyway, Josie! Si Andrei – si Andrei…he was suspended.
~*~
[Salu-salo sa bahay ng mga Dalisay, pangunahing panauhan si Governor Villar kasama ang anak na si Princess,
si Senator Hipolito at ang anak na si Cardo, at si Joseph Bracken. Sa hapag kainan sila ay magkakaharap habang
pinag-uusapan ang negosyo, trabaho sa pamahalaan at eskwelahan.]
GOVERNOR DAMASO VILLAR: Mayor Dalisay, hindi nga ba at alaga mo ang mga anak ng kriminal na mag-
asawang Teodora at Francisco Mercado.
SENATOR ARA HIPOLITO: [sign of the cross] Sumalangit nawa ang kaluluwang ng adik na si Francisco
Mercado. Ama, patawarin niyo po ang mga pagkakasala niya.
MAYOR ERILDA DALISAY: [tatawa] Nagdadasal ka pa rin pala, Senator Hipolito. [katahimikan] Anyway,
Governor Villar, hindi ko po alaga ang magkakapatid na Mercado; ang pagbibigay ko po sa kanila ng scholarship
ay isang kawang-gawa. Taos sa puso ko ang pagtulong sa mga kababayan natin at sa mga nangangailangan at
hikahos. Iyon naman ang hangarin nating lahat bago tayo pumasok sa pamumulitiko.
GOB: [tatawa] Naku, bata ka pa ngang maituturing, Mayor Dalisay. Hindi ka pa marunong sa mga gawi natin –
ang politika ay negosyo. Kabuhayan natin ang kahirapan at kamangmangan ng mga kababayan natin.
PRINCESS: IKR, Dad! Hindi ko nga alam kung bakit niyo pa sila binigyan sa parte ng lupa natin – like, we
should not be acquainted to poor people like the Mercado’s. Nakakasira sila ng image – like Francisco Mercado
was a drug addict and Teodora killed CJ’s father. [babaling kay Cardo] I’m really sorry for that and Tita Ara.
Hindi ko na dapat sinabi iyon but I am so mad, lalo na sa Josie na iyon!
SEN: It’s fine iha. [sign of the cross] Sumalangit nawa ang kaluluwa ni Cardo Hipolito Sr. Ama, magdusa po
sana ang pumatay sa kanya.
CARDO: Mama, alam mo bang noong isang araw ay pinagtulungan kami ni Josie kasama ang kaibigan niyang
hampaslupa na si Andrie Bonifacio at ang anak ng kumare mong si Ginang Luna.
JOSEPH: [titikhim] Paumanhin? I was there when you attacked Josie, I was the one who helped her get up while
Princess was dragging her down. Mukhang may mali sa mga mata mo Cardo Junior o tumatakbo talaga sa dugo
ninyo ang pagiging sinungaling.
SEN: Excuse me? Hindi ko pinalaking sinungaling ang aking mi amore, Joseph. Kung ano ang sasabihin ng aking
anak ay siyang katotohanan sapagkat sa mga dila namin nagmumula at tumitindig ang batas.
JOSEPH: Hindi pa po malabo ang mga mata ko, Senadora. Malinaw kong nakita kung paano nila kinawawa si
Josie Mercado noong isang araw. Kung patuloy ninyong kukunsintihin ang inyong anak, mas magandang ibalik
niyo na lamang siya sa inyong sinapupunan at kalimutan niyo na lamang na iere siya.
MAYOR: Iho, huminahon ka.
JOSEPH: Tiyo, busog na po ako. [tatayo] Paumanhin sa iyong mga panauhin. I’m going to my room.
GOV: Mukhang may pinapanigan na ang iyong pamangkin. Kailangan mong putulin ang sungay niyan bago ikaw
mismo ang suwagin.
~*~
[Curtain rolls. Nakaupo si Andrei habang nakatambay sa labas ng boarding house nila. Dadating si Josie at John
– uupo sila sa tabi ni Andrei.]
ANDREI: Nasa state university lang tayo – pera ng mga pulitiko ang nagpapagana sa programang natikman ko
rin – free tertiary education. Halos apat na taon din sa college – ang sabi nila pinapaaral daw tayo ng Gobyerno –
[tatawa] ha, ano ulit ‘yun? Bakit? Saan ba galing ang pera ng Gobyerno? Sa mga tao! Sa mga nagbabayad ng
buwis –
JOSIE: Freedom comes with great responsibility, Andrei. Kung gusto mo ng kalayaan, kailangan mong ipakitang
kaya mong angkinin ang kalayaang inaasam mo – hindi iyon sa ganitong paraan. Lahat ng bagay ay nadadaan sa
diplomasya at pag-uusap nang masinsinan –
ANDREI: Lahat din nauuto at napapaniwala sa pangakong napapako naman.
JOHN: Ano bang pinaglalaban mo, Andrei ha? Hindi ka naman ganito noon – wala ka ngang pakealam sa rules
and regulations noon sa school e. Bakit nagpapapansin ka ngayon? Hindi ka namin maintindihan.
ANDREI: Hindi ako nagpapapansin! Pare-pareho lang tayong biktima tapos ngayon kinukwestyon ninyo kung
saan ako nangggaling? Mali bang gusto ko lang ipaglaban ang mga kapwa ko Pinoy? Hindi naman masamang
maghangad ako para sa bayan ko.
JOSIE: Hindi nga masamang maghangad, pero mali ang paraan mo sa pagkuha sa mga hangarin mo. Hindi
kailangang mayroong masaktan para maangkin natin ang kalayaan kaya nga may mga batas!
ANDREI: Batas! Ha? They were implemented to patronize the politicians and the rich, not the citizens. You want
me to name one? Rice Tariffication Law! TRAIN Law –
JOHN: [galit; masasapak si Andrie] Tumigil ka na! [katahimikan] Graduating na tayo e – isang sem na lang,
internship, compre tapos graduate na tayo oh. Bakit sinayang mo pa?

SEQUENCE 3
[News flash music fades in and continues to the background.]
REPORTER: [radio] Nito lamang Nobyembre Bente y uno ay binigyan ng pangulong Dingdong ng parol ang
dalawampu’t dalawang inmates sa Women’s Correctional. Ayon sa pahayag ng pangulo sa kanyang interbyu, ay
nais niya raw bigyan ng pangalawang pagkakataon ang may edad nang inmates na mamuhay sa labas ng rehas
habang patungo na sila sa huli ng kanilang mga araw. Giit niya pa, hindi naman masama na bigyan ng ikalawang
buhay sa labas ng kulungan ang mga ito dahil sa pagbabagong nakita sa dalawampu’t dalawang babaeng inmates.
Nagbabalita, Carmi Carina. Basta radio, bombo!
PACQUING: [ngiti] Josie! Josie! Halika rito!
JOSIE: [excited] Ano yun kuya? Anong meron?
[Kakatok si Teodora sa pintuan]
JOSIE: Ang inay!
[Tatakbo ang magkapatid sa pintuan. Sabik na pagbubuksan ang bisitang kumakatok. Sa kanilang pagbukas ay
bubungad ang matanda nang si Teodora na kanilang ina. At tila ba parang mga bata, iiyak ang mga ito habang
yakap yakap ang ina.]
JOSIE AT PACQUING: [iyak] Nanay!
[Magyayakapan ang mag-ina.]
TEODORA: [titingnan ang mga anak] Oh, bakit parang wala ang ating bunso? Nasaan ang aking Claire?
PACQUING: Nay, pauwi pa lang po iyon. Sa bayan po kasi nag-aaral si Claire ng senior high school. Scholar po
siya ni Mayor Dalisay at kolehiyo na rin po iyon sa susunod na taon. Itong si Josie naman ay isang sem na lang
po at graduate na siya.
[yakapan]
[Magkakatinginan ang tatlo at biglang tatawa. Bubuksan ang pakete ng shabu at isa isang hihit-hit.]
PRINCESS: I’m so sick of poor people!
[hiyawan; Party music fades in, sayawan]
PRINCESS: Hey, I have an idea! [tawa] Wanna have fun? Kung sino ang unang makikita nating dadaan dito, you
have to take that person and play with him. Or her [ngingisi] Ok, basta aakayin mo siya dito then paglalaruan mo.
[tawa] How’s that?
CARDO: That sounds like a good idea [ngisi].
[Music continues; Naglalakad si Claire pauwi nang tumunog ang kanyang mobile phone. Baby shark ringtone
fades in, out]
CLAIRE: [masaya] Oh. Hello, Kuya Pacquing! Ayieee, miss niya na naman ako! Pauwi na po ako. Anong meron?
[masayang tili] Seryoso? Nakauwi na si Inay?! (maluluha) Opo. Pauwi na ako. Miss na miss ko na si Nanay!
PRINCESS: Cardo! May biktima ka na!
[Tahimik na susundan nila Cardo ang nagmamdaling si Claire sa kalagitnaan ng dilim. Sa pagmamadali ni Claire,
biglang mahuhulog ang kanyang panyo. Titigil siya upang pulutin ito. Kukunin itong chansa nila Cardo upang
puwersahang kunin si Claire at idala sa kanilang hacienda. Iiyak si Claire, magpupumiglas at manlalaban]
CLAIRE: Kuya Cardo, wag po!
CARDO: Oh, look who’s here? [tatawa] Mercado, ikaw pala yan! Do you want to have some fun? Habang wala
pa si Ate mong Mercado din, maglaro naman tayo.
CLAIRE: Bitawan mo ako! Kailangan ko nang umuwi! Kaya bitawan mo ako!
CARDO: [bibitawan si Claire, itutulak sa sahig] You’ve said enough! Kailangan kitang patahimikin. [sampal;
magtatanggal ng pantalon]
[Magsasara ang kurtina; palahaw ng iyak ni Claire; gunshots. Sad music fades in – suggested music is Bohemian
Rhapsody by Queen. Curtains slide open, nakaupo ang dalawa sa sahig habang si Cardo na nasa gitna ay duguan
ang kamay at damit na pang itaas na punit-punit, umiiyak. First lyrics, first dance step.]
[Music continues playing in faint sound. Magbubukas ang kurtina. Makikita sa gitna ang umiiyak na si Teodora
habang akay-akay si Claire na walang buhay. Papasok ang dalawang pulis, isang magtatanggal ng yellow line at
isang magpipicture sa mag-ina.]
*ADLIB ng pagtangis ni Teodora
[close curtains, old music fades out, open curtains]
JUDGE: [hammers] Order in the court! [hammers] Order in the court!
PACQUING: Umamin ka nang hayop ka! Sino ang gumahasa at pumatay sa kapatid ko! Umamin ka na!
WITNESS 0: Wala akong aaminin dahil wala naman akong alam sa nangyari!
PACQUING: Sinungaling ka! Alam kong alam mo na ‘yang si Cardo Hipolito ang gumahasa at pumatay sa
kapatid ko! Huwag mong pagtakpan ang diyos-diyosan mo!
JUDGE: [hammers] Order in the court! Mr. Mercado, if you would not behave yourself I need to send you out!
TEODORA: Anak huminahon ka. Kailangan mong kumalma, hindi natin makukuha ang hustisya para sa kapatid
sa pamamagitan ng pananakot.
JOSIE: Salamat sa inyo at nandito kayo para suportahan kami ng pamilya ko.
JOHN: Andyan na ‘yung witness.
[katahimikan]
LAWYER 1: Ano ang nakita mo nang gabing iyon?
WITNESS: Madilim po kaya hindi ko gaanong nakita.
[tawanan mula sa kabilang kampo]
CHISMOSA 1: Sus, saan kaya nila pinulot ‘yang witness na ‘yan? Paniguradong binayaran lang yan ng mga
Mercado upang pagtakpan ang kalandian ng bunso nilang kapatid.
CHISMOSA 2: Syempre, namatay nga sa sarap si Claire Mercado e.
[tawanan]
TEODORA: [tatayo, galit, nanginginig, naiiyak] Kung hindi ninyo kayang respetuhin ang anak ko bilang isang
Mercado, respetuhin ninyo siya at ang nananahimik niya nang kaluluwa! Hindi na kayo nahiya sa mga sarili
ninyo, natawag kayong malinis, edukado at masalapi pero wala kayong puso! Pera lang ang nagpapagana sa mga
utak ninyo!
JUDGE: [hammers] Order in the court! [hammers] Continue.
[uupo si Teodora at yayakapin ng umiiyak na si Josie]
LAWYER 1: Pakituloy ang iyong sinasabi, ginang.
WITNESS 1: Gabi na po noon at madilim na pero may hawak akong flashlight noon. Nakita ko sila Cardo Hipolito
jr. sa isang lumang kuwadra ng kabayo, nagkakasiyahan sila. Pagkatapos ay naglakad si Claire Mercado,
nakasalubong ko pa nga siya pero bumalik ako nang marinig ko ang sigaw niya. Tumakbo ako papunta sa kuwadra
dahil doon nanggagaling ang ingay, nandoon si Cardo Hipolito at may dalawa pa siyang kasama pero hindi ko
sila kilala. Nag-away pa sila sa loob bago nila binaboy si Claire.
[tatayo si Pacquing, susubukan niyang sugurin si Cardo ngunit maagap ang tatlong kabigan ni Josie at pipigilan
siya habang sinisigaw ang dayalogo sa ibaba]
PACQUING: Hayop ka Cardo Hipolito! Kailangan mong mabulok sa impyerno! Hayop ka! Kailangan mong
mamatay! Hindi sapat ang pagkakakulong para pagbayaran mo at ng pamilya mo ang mga kahayupang ginawa
niyo laban sa pamilya ko!
ANDREI: Tama na po.
PACQUING: Hindi ako hihinahon hangga’t hindi ko nakikitang nabubulok sa kulungan ang baboy na ‘yan!
JUDGE: [hammers] Order in the court! [hammers in beat]
[Upbeat music fades in – Run Boy Run by Wood Kid, close curtains, evil laugh then execution ng pagbabayad
doon sa witness in a form of dance. Upbeat music fades out, sad music fades in, close curtains.]

SEQUENCE 4
[Sa school, mag-uusap ang magkaibigang sila Josie, Joseph, John ]
JOSIE: (crying bitterly) Sa lahat ng puwede nilang biktimahin, si Claire pa. Napakabuting bata ng kapatid ko.
Wala siyang ginawang kasalanan. Napakabata pa niya. (iiyak) Alam nyo bang sa aming magkakapatid, siya ang
pinaka-inosente at pinakamalambing? Tapos ganun nalang gagawin nila sa kanya?
JOSEPH: [Lalapit at yayakapin si Josie] Gagawan natin ng paraan ang pagkawala ng hustisya na ginawa sa iyong
kapatid. Magpakatatag ka. Maging malakas ka para sa iyong kapatid.
JOHN: Nakakasiguro ako na ang gumawa ng kalapastangan na iyon ay si Cardo. Alam kong ginamit nila ang
kapangyarihan nila bilang mga Hipolito.
JOSIE: Ano na ang gagawin ko? [patuloy nap ag-iyak] Ang hustisya sa bansa natin ay para lamang sa mga
masalapi.
JOSEPH: Kailangan nating kumuha ng matibay na ebidensiya na magtuturo kay Cardo bilang lumapastangan sa
kapatid mo. Paano kung mag-imbestiga tayo?
[Close curtains. Papasok ang mga la liga Filipina writers para sumayaw; Voice over ng poem ni Josie]
LA! LIGA! FI! LI! PINA!
[Music fades in. Papasok ang mga politiko; interpretative dance na tatakpan nila bibig ng mga la-liga writers at
mawawala sila isa-isa. Maiiwan si Andrei, “joker dance”. Music fades out. Convo. Open curtains, nagpapaskil si
Josie ng pictures ng missing person habang nag-uusap ang mga kasam niya]
ANDREI: Hindi ba kayo nagtataka? Nawawala ang mga perdyodista ng La Liga – nitong school publication.
PROF. BLUMENTRITT: Matagal ko nang napapansin iyan. Tila parami nang parami ang umaalis sa grupo kapag
kuwan ay sa eskwelahan din. Ayaw kong mag-isip ng hindi maganda, pero pawang mga batang manunulat sila
na direktang nagbanggit ng laban sa pamahalaan.
JOHN: Sana ay hindi totoo ang tumatakbo sa isip ko ngayon.
JOSEPH: Lahat ng mga kasamahan nating nawala ay mga peryodistang nagsulat ng opinyon laban kay Governor
Villar at Senator Hipolito. I don’t want to point fingers at them, but they were the only big people who have
motives to do bad things. Ilang ulit na rin nilang niligawan si Mayor Dalisay na sumali sa kanilang illegal na
negosyo, pero tumatanggi si Tiya.
ANDREI: Ayaw kong maghintay hanggang sa ang bilang ng mga nawawalang peryodista rito ay lagpas na sa
bilang ng daliri ko.
JOHN: Gusto kong kumilos tayo, Josie. Kasama rin natin ang mga batang iyon at kapareho natin ay may maganda
pa silang kinabukasang naghihintay.
PROF. BLUEMENTRITT: Use your logic, mga anak. Hindi lahat ng pag-atake ay sinasagot ng pag-atake.
[katahimikan. Graduation song fades in while playi ung voice ni Josie na background about sa poem niya
expressing her bitterness. Habang malungkot silang nagmamartsa at ang isang kamay ay may hawak na diploma
ngunit hindi sila naka-toga. Parang zombie na magmamartsa suot ang joker na mask maliban kay Josie.]

SEQUENCE 5
[Papasok si Josie sa loob at sasalubungin ng galit na si Pacquing]
PACQUING: (Iwawasiwas ang mga articles ni Josie) Pinayagan kitang magsulat pero bakit ganito?! Nilalapit mo
lang ang buhay mo sa bingit ng kamatayan. Josie naman (Iiyak) Nawalan na ako ng isang kapatid. Ayaw kong
ikaw pa kailangang mawala.
JOSIE: Kuya, ginagawa ko ito para kay Claire. (iiyak) Ayaw kong may dumanak na dugo kaya hanggang kaya
ko ay sa mga sulatin ako aatake at mag-iingay.
PACQUING: Apat na taon, Josie! Apat na taon sa medtech. Sinuportahan ka namin ng apat na taon. Tapos
sasayangin mo lang? Iba ang kinuha mong trabaho sa kurso na kinuha mo. Nag-journalist ka? Seryoso ka ba
Josie? [katahimikan] Hindi lang si Claire ang ipinaglalaban mo! Bakit gusto mong buong bansa ang manalo?
JOSIE: [defeated] I’ve had a rough day kuya. Wag ngayon.
PACQUING: (sigaw) Wag mo akong ginaganyan ha Josie. Anong nangyari at nawalan ka ng respeto?!
TEODORA: (may hawak na kutsilyo at peeler) Oh eto, magpatayan kayo!
[katahimikan]
TEODORA: Walang natutuldukang gulo ang away. Kung nais ninyong magpataasan ng ihi ay huwag kayong
magpataasan ng boses sa pamamahay na ‘to!
PACQUING: Kausapin nyo yang magaling niyong anak. (walk-out)
TEODORA: (yayapusin ang mukha ni Josie) Anak, alam kong may dahilan ka sa pinasok mong trabaho. Pero
patay na si Claire –
JOSIE: Masisi niyo ba ako? Ito na lang ang paraan para maipaglaban ko si Claire! Nawalan din ako ng kapatid.
TEODORA: At nawalan din ako ng anak, masakit para sa akin bilang ina na wala akong magawa para sa bunso
ko! Ni hindi ko man lang siya nakita o nayakap bago siya namatay (may luha sa mata) Tama ang kuya mo. Sa
susunod na kakatok si Kamatayan, hindi ko kakayaning maglibing muli ng isa pang anak.
[Music fades in, Halik sa hangin.]
JOSIE (Sleeptalking): Claire? Claire? Bumalik ka na, Claire (maiyak-iyak)
CLAIRE: (Recorded) Ate, ayaw ko na dito. Ate, sunduin mo na ako. Miss na miss ko na kayo nina nanay at kuya.
Gusto ko nang makita si nanay. Gusto ko nang umuwi (Katahimikan, tense music) Ate! Ate! Andyan na sila ate.
Tulungan mo ako!
[Magigising si Josie. Hinihingal. May mapapansin sa kamay. Titignan ang pluma na hawak-hawak. Maluluha.
Sad music fades in. Close curtains.]
[Open curtains. Office.]
JOSIE: Hindi ko alam ang gagawin ko, Joseph. Ngayon ko lang ulit narinig boses niya. Ramdam kong siya yun.
JOSEPH: Ano ang ibig mong sabihin, Josie?
JOSIE: Minsan, naiisip ko na dapat may ginawa ako pagkatapos ng pagkamatay ni Claire.
JOSEPH: Everything’s in the past already, Josie.
JOSIE: Tinatawag niya ako kagabi. Humihingi siya sakin ng tulong. If only I could do better, pero sa mga salita
lang ako matamang.
JOSEPH: Then do what you feel is right, Josie. Kung ramdam mong dapat mong gawin yan. Gamitin mo ang
pluma bilang isang armas.
[Music Fades in: Tatsulok. May mag-iinterpretative dance habang nagsusulat si Josie] Creation of Noli Me
Tangere.
[Cue voice over ni Josie habang sinasabi ang tula sa Noli Me Tangere]
TULA
Takbo, Takbo, panganib ang kasalukuyan.
Takbo, takbo, ang kapatid ay iniwan.
Hinto, hinto, paano ang kinabukasan?
Yuko, iyak, wala nang kalayaan.
Ina, ina, mayroon pa bang kabutihan?
Pikit, idlip, sa panaginip ang sigawan.
Mabigat, malungkot, at mabalisa ang hakbang ni Sisa.
"Saan...Saan...Saan na ang aking mga bata?"
Hanap nang hanap pero nandiyan lang ang mga guwardiya
"Saan na ang salapi?" "Saan na ang pera?"
"Wala po, wala po, wala po silang ginawa."

SEQUENCE 6
[Cue music: Classical music; tea party]
HIPOLITO: [signs of the cross] Ama, diyos nagpapasalamat ako sa pagkapanalo ng aming partido. Nawa’y
magpatuloy ito hanggang sa ako ay maging isang pangulo. Amen. [ngiti] Congrats, Governor – I mean, Senator
Villar.
VILLAR: [tatawa] Money works all the time.
CARDO: You said it, right, Senator. [tatawa] Sa eleksyon sa 2028, tayo na ang pinakamalakas na pwersa sa
Pilipinas.
HIPOLITO: We will be the brightest stars of our country.
PRINCESS: That’s right, Tita. After my reign as a Governor, my goal is to become a congresswoman then I’d
help Cardo to become the Governor. [baling kay Cardo] Ikaw naman kasi, bakit recently mo lang naisip na
pumasok officially sa politics?
CARDO: Nagpalamig lang ako sa Claire Mercado Rape Case. Alam naman natin ang media at mga tao, parang
mga mantsa sa damit na mahirap tanggalin.
VILLAR: Issues never die iho, pero ang mga kalaban natin – oo.
[tawanan]
PRINCESS: E paano mamamatay ang issues if there’s this Josie Mercado who always tails our actions. Parang
isang buong libro na nga yata ang naisulat niyang periodicals tungkol sa atin.
HIPOLITO: Well, she had a book published just recently. It made a loud buzz, but I am afraid, Josie would be
silenced sooner. [sign of the cross] Maaga nawang sumalangit ang kanyang kaluluwa.
[tawanan]
DALISAY: [papasok] Magandang gabi.
VILLAR: Congresswoman Dalisay, I am happy to see you here with Joseph, of course. Come have a seat and
drink some tea.
JOSEPH: Greetings to everyone. Tiya, maupo kayo rito.
DALISAY: Mukhang hindi pa naman kami nahuhuli sa kasiyahan. I like this tea party, Senator Villar – quiet and
relaxing. So, anong pinag-uusapan ninyo kanina?
CARDO: Business as usual, Congresswoman Dalisay and Princes here was talking about taking your position
next election. It’s fine for you, right? Dahil ikaw na ang susunod na papasok sa senado, you’d love that.
HIPOLITO: Just right dahil dalawa na ang papasok sa atin sa senado. Masaya iyon lalo na’t napipisil ako ng
pangulo sa ngayon na pumalit sa pwesto niya sa susunod na halalan. Huwag nga lang sana akong siraan ng nobya
mo, Joseph.
JOSEPH: With all due respect –
DALISAY: Iho, huwag mo nang ituloy –
JOSEPH: …hindi niya kailanman siniraan ang isa sa inyo. Masyado lang kayong guilty sa mga krimen ninyo.
PRINCESS: Watch your words – you are just no one here.
VILLAR: Shhh, don’t be so hard to him, my Princess. Soon, he’ll know where he actually belongs. Magugustuhan
niya rin ang paggawi ng buhay natin – hindi nga lang ngayon iyon, right Dalisay? Teach your boy right.
JOSEPH: Hindi ko kailanman gugustuhin ang buhay na mayroon kayo. Tiya, aalis na po ako. Just call me when
you need to go home. [walk out]
CARDO: He walks out all the time.
[tawanan]
VILLAR: Anyway, since this is the most quiest victory party for our success this recent election, gusto kong
magpasalamat sa walang humpay na pagsuporta sa akin ng pamilya Hipolito, ng aking anak, ng aking kaibigan,
Congresswoman Dalisay. Wala akong ibang maisip na paraan upang mapasalamatan kayo –
CARDO: There’s a nice way, tiyo Damaso and it’s easy to find…[katahimikan] Josie’s head would be just fine.
[tawanan, Turagsoy music fades in, close curtains. Continues to laugh at the background after the music.]
[open curtains, old music fades out. Bahay ng mga Mercado, sa loob ay tahimik na nakikinig ng radio si Teodora
habang si Pacquing ay hinihilot ang paa ng ina.]
REPORTER: Bagong pasok lamang na balita! Bilang ng mga raliyista ay muling tumaas sa pangatlong araw ng
kanilang pakikibaka sa kahabaan ng Taft Avenue. Kasaluuyan silang nagtitipon-tipon ngayon na nagdudulot ng
mabigat na daloy ng trapiko. Ang mga raliyistang ito ay karamihang mga estudyante at ito ay sa pamumuno ni
Andrei Bonifacio at ni John Luna. Ayon sa grupo, bukod sa pagtaas muli ng kaso ng mga extrajudicial killing asa
bansa, naging talamak daw ang dayaan nito lamang nakaraang halalan at nagbanggit pa nga sila ng mga senador
na hindi raw nararapat sa Senado – naku po! [bombo radio effect] Pinangalanan nila ang mga ito na sina: Senador
Ara Hipolito, Senador Damasao Villar, Senador Bongbong Goo at Senador Darak Rosas – na pawang mga
kapartido at kaalyado ng pangulo –
JOSIE: [kinakabahan, boses sa likod ng kurtina] Nay! Kuya Pacquing! Joseph! Naaaaay!
[patakbong lalabas sa bahay ang tatlo, mauuna si Teodora at nakaalalay naman si Pacquing, nakasunod lang si
Joseph]
TEODORA: Ano iyon? Bakit? Josie, anong mayroon?
JOSIE: [yayakap sa nanay at sa kuya] Pumasok po muna tayo. [lalapitan si Joseph] Mahal, [kiss sa cheeks,
hahawakan sa mukha at papakatitigan] tara sa loob.
PACQUING: Ano bang meron Josie? Kung makasigaw ka na lang kanina ay sobra.
JOSIE: Huwag kayong maingay. [takot] May sumusunod sa aking naka-bonet na lalaki kanina – gusto niya akong
patayin.
PACQUING: [magdadabog] ‘Yan na nga ba ang sinasabi ko e! Panigurado akong dahil iyan sa pagsusulat mo –
TEODORA: Kumalma ka nga muna, Pacquing. Pinapagana mo na naman ang init ng ulo mo. [baling kay Josie]
Nasaktan ka ba? Nagalusan? Ano?
JOSEPH: Mahal, sigurado ka ba sa sinasabi mo? Baka magnanakaw ‘yun –
JOSIE: Binanggit niya ang pangalan ni Senador Villar. Sigurado akong napag-utusan ang kawatan na iyon dahil
kung magnanakaw ‘yun ay kinuha niya na lang sana ang bag ko. Pero, buhay ko ang nais niyang kunin kanina!
[iiyak]
PACQUING: [dabog] ‘Yan! Ang tigas kasi ng ulo mo – sinabi ko na sa’yong huwag ka nang magsulat! May
lisensya ka naman bilang medtek pero ayaw mong makinig sa akin. Kapag pinagsasabihan ka naman ay hindi
lang para sa amin ‘yun! Para din ‘yun sa’yo – sa inyo nitong si Joseph!
TEODORA: May katwiran ang kuya mo, anak. Paano kayo lalagay nitong si Joseph sa tahimik kung patuloy na
may nagbabanta sa buhay niyong dalawa, lalo na sa iyo.
JOSIE: Ma, may ipinaglalaban po ako –
PACQUING: Tang’nang ‘yan! Hindi ka ililigtas ng pinaglalaban mo! Paano mo ipaglalaban ang bansa at ang
mga tao nito kung ang kalaban mo mismo ay kapwa mo Pilipino? [walk out]
JOSIE: Kung hindi man ako mahal ng mga tao sa bayan ko, mahal ko naman ang bayan ko. Pasensya na pero
itutuloy ko ang nasimulan ko… para kay Claire, kay tatay at sa marami pang biktima ng pagiging diyos-diyosan
ng mga mayayaman at makapangyarihan.
[music fades in]

SEQUENCE 7
[open curtains. Mapapabangon si Josie sa higaan, hinihingal]
JOSIE: Claire!
JOSEPH: [babangon din] Mahal, nananaginip ka na naman.
JOSIE: Nasa panaginip ko ulit si Claire.
JOSEPH: Siguro marahil ay gusto ka lang niyang gabayan, ‘di ba interview mo bukas sa TV? Excited din siguro
si Claire sa mga librong isinulat mo. Halina’t matulog na ulit tayo para makapagpahinga ka.
[happy music fades in]
HOST: Welcome sa ating pambansang reality check show, ang CheckCheckCheck! For today, kasama natin ang
manunulat na siyang nagpaingay sa napakaraming Pilipino! Ang check na check ang mga punto – Josie Mercado.
JOSIE: [ngiti] Good morning po. Good morning po!
HOST: So, Josie, without further ado, gusto ko lang i-confirm yung chismis – kaibigan mo ba ang leader ng mga
aktibistang sina Andrei Bonifacio at John Luna?
[tawanan]
JOSIE: To be honest, they are my college friends and up until now we are still in touch.
HOST: Ooh, a group of anti-government.
[tawanan]
HOST: Just kidding. Well, let us get straight to the point, ano ba ang meron sa mga tula at libro mo para maging
ganito kaingay ang mamamayang Pilipino?
JOSIE: Katotohanan po. Napansin ko kasing napakalaganap ng injustice sa bansa at ang hustisya ay mahal – kung
gayon ito ay nabibili at napipresyuhan.
HOST: Kung mahal ang hustisya sa ating bansa, Josie – nasubukan mo na bang bumili?
JOSIE: Hindi – bilang isang matalinong mamamayan, hindi ako nagbabalak gumastos para sa isang bagay na
libre kong makukuha.
HOST: I like you perception of justice – free, thus freedom – because you know, you have a point – bakit nga ba
bibili ang isang consumer ng libreng produkto? Only insane people would do that – oh, are Filipino people insane?
CROWD: Yes/No
JOSIE: Not everyone is insane but everyone is mad. Walang nagpapatalo sa mga Pilipino – everyone wants to
have their own version of truth and freedom. Ang kadalasan nga lang pinapaniwalaan ay ang may kaya, sikat,
makapangyarihan at mapera.
HOST: [tawa] I like this highly intelligent conversation. [ngiti] Next question, about your book Marilag: Luha sa
Tuwa, saan mo nahugot ‘yung title nito? What are your inspirations for that book? What made you write it?
JOSIE: Marilag means Majestic. Ang ating bayan ay marilag at ang mga luha ay bunga ng kasiyahan, pero sa
nakita ko nitong mga nagdaang taon, tunay ngang masaya ang mga Pilipino pero hindi tayo marunong mamili ng
mga pinuno. Ang resulta, pinagtatawanan natin ang mga mali nating desisyon dahil sa pagpili natin ng payaso.
[claps]
JOSIE: And my inspiration for this book is my family – my father was a victim of EJK, my mother was falsely
accused for murder and my youngest sister was raped and the culprit, perhaps, is still at large.
HOST: Interesting point! If ever you’ll write another book, how would you view it bukod sa mga nabanggit mong
inspirasyon mo?
JOSIE: I already wrote the second Marilag book – it was entitled Marilag: Kalungkutan sa Pag-asa. It was inspired
by the idea na lahat naman tayo ay may pag-asa ngunit para saan ba? How are we suppose to us hope as our
lifeline, as a glimmer of light in the dark? Kung para saan, para kanino, para sa tama ba o para sa mali.
HOST: Well, I heard from your lover, Joseph Bracken that this second book is as beautiful as the first book and
the chains of poems did not end at the first book. Gusto sana naming marinig ang ilang linya ng paborito mong
tula mula sa second book ng Marilag.
JOSIE: TULA
“Masisilaw ka nang kaunti sa liwanag,
Ngunit huwga kang magpapabulag.”
Bulaan ang taong may kapangyarihan,
Alipin naman ang nagbubulag-bulagan,
Kriminal ang mga sadyang ayaw makialam,
Preso ng pag-ibig at dalita ang patuloy na lumalaban.
[claps]
HOST: [tatayo] What a loud voice from this brave woman! [lalapitan si Josie] Come on, stand, genius. [tatayo si
Josie, ihaharap siya sa crowd] Everyone, Josie Mercado!
[claps]
[loud gunshot, Josie will fall to the ground, dadaluhan siya ng family niya, kaguluhan screaming of the crowd,
close curtains]

EPILOGUE:
[Cue Music]
APOLAKI: (Parang nanay na boses) Josie! Agriingkan! Aldawen! Charot! Di pala ako Ilokano. Tagalog god pala
ako.
LISBUSAWEN: Mukhang may hang-over ka pa sa inuman kagabi, Apolakieeee.
APOLAKI: Lapastangan! (Kulog)
Katahimikan.
APOLAKI: (Clears throat) Bumangon ka, Mortal!
Maiilimpungatan si Josie.
JOSIE: [Magmumulat ng kanyang mga mata. Unti-unti ay babangon siya habang tahimik na nagmamasid sa
paligid. Nang mapagtanto niyang hindi iyon normal ay pumiksi siya at lumayo kay Lisbusawen.] Sino ka? [Takot]
Nasaan ako?
LISBUSAWEN: [Tahimik na maglalakad habang nakatingin kay Pipay.] Mortal, ako ang diyos ng kaluluwa na
si Lisbusawen at ang boses na gumising saiyo ay si Apolaki. Humarap ka sakin.
JOSIE: Bakit ako nandito?
APOLAKI: Tapos na ang iyong oras sa lupa. Kailangan nang magpahinga ng katawang hiniram mo upang ang
ibang kaluluwa naman ang sumunod na gumamit nito.
LISBUSAWEN: Bilang diyos ng kaluluwa, nais kong sabihin sayo na ako ang aakay sa kaluluwa mo patungo sa
kabilang mundo. Sa una at huling pagkakataon ay ipapakita ko sayo ang nakaraan mo.
[music cue-instrumental; Lalabas si Jose Rizal]
APOLAKI: Josie, harapin mo ang iyong nakaraan. Sa iyong dating buhay ay isa ka ring manunulat na nakagawa
ng isang mabuting bagay sa iyong bayan at sa iyong kapwa. At dahil sa iyong kabutihan ay pinangalanan kang
isang bayani ng Pilipinas.
[Lalapit si Rizal kay Josie]
RIZAL: (ngingiti) Nagagalak akong makilala at makita ka Josie. Marami akong narinig sa mga diyos tungkol sa
kadakilaan mo sa lupa.
JOSIE: Rizal? Totoo bang ikaw ‘yan?
RIZAL: Oo, ako nga si Jose Rizal (ngingiti)
JOSIE: (magsasaya; maluluha-tears of joy) Ikinagagalak ko dn po kayong makilala, Gat Jose Rizal. Simula nang
pagkabata ay tinitingalaan na po kita. Ikaw po ang pambansang bayani ng Pilipinas at isa po akong tagahanga ng
dalawa sa inyong dakilang mga nobela. Senor Rizal, totoo po ba na ikaw ang aking nakaraan? Na ako ang
inyong…. reinkarnasyon?
RIZAL: Tama ka, Josie. Ngunit isa ka ding bayani. Lahat ng ating mga kapwa Pilipino ay may potensiyal na
maging bayani.
JOSIE: (Mawawala ang ngiti; parang nagtatampo) Hindi po lahat ng Pilipino ay pwedeng maging bayani.
RIZAL: Ramdam ko ang iyong pinanghuhugutan. Alam ko ang iyong galit. Nagustuhan ko rin ang iyong
katapangan ngunit mahalaga rin ang lugar ng kapatawaran sa iyong puso. [katahimikan] Ikaw ba Josie, naniniwala
ka bang mayroong pag-asa ang Pilipinas?
JOSIE: Naniniwala ako.
RIZAL: Kung gayon bakit hindi mo magawang maniwala sa iyong mga kababayan? Maaari ngang biktima ka ng
mga mapang-aping tao ngunit may lugar ang pagbabago sa bawat isa, hindi man ngayon ngunit sa darating na
panahon. Ang kabutihan ay nasa puso ng bawat isa sa atin, bigyan mo lamang ng tiwala ang mga kapatid nating
naligaw.
[close curtains. Katahimikan.]
TEODORA: [lalabas sa kurtina; magtitirik ng kandila] Sa pagkatok ni kamatayn, tatlong buhay ng aking
minamahal ang kanyang kinuha. Napaka-aga man, wala mang hustisyang naibigay, nais ko pa ring marinig ng
karamihan ang karugtong ng boses at sigaw ng aking anak. [starts singing]

THE END

You might also like