Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 3

Pagsulat ng Editoryal

Editoryal o Pangulong Tudling


- Ito ay isang bahagi ng pahayagan, na naglalaman o naglalahad ng mga
reaksiyon, pananaw, kuro-kuro ng editor o patnugot ng pahayagan tungkol sa
maiinit na isyu o pangyayari sa bansa.
Layunin :
1. Magpabatid at magpakahulugan
2. Manghikayat
3. Magbigay-puna
4. Magbigay-puri
5. Nanlilbanag

Katangian ng Editoryal
1. May kapangyarihang humikayat at makatotohanan.
2. Kawili-wili at maliwanag ang paglalahad.
3. Makatarungang pangangatwiran at pagpapasya.
4. May kaiklian at iisang paksa lamang ang tinatalakay.
5. Hindi nagmumura, nangangaral o nagsesermon.

Bahagi ng Editoryal
a. Panimula – dito binabanggit ang isyu o balitang tatalakayin, kailangan maikli
lamang ngunit makatawag pansin.
-
b. Katawan – naglalahad ng mga tala, detalye o paninindigan laban o sang-ayon sa
paksa.
c. Pangwakas o konklusyon – maaaring isang pagtitibay sa mga kuro-kuro o di
naman kaya ay tagubilin o mungkahi sa tinatalakay na isyu.
Mga Uri ng Editoryal
1. Nagpapakahulugan (Editorial of Interpretation) - ipinaliliwanag nito ang
kahalagahan o kahulugan ng isang mahalagang pangyayari.
2. Nagpapabatid (Editorial of Information) - ito ay nagbibigay ng kaalaman o linaw
sa ilang pangyayaring hindi gaanong maunawaan.
3. Namumuna (Editorial of Criticism) – pumupuna ito sa isang kalagayang ng isang
tao o pangyayari.
4. Nanghihikayat (Editorial of Persuasion) – may layuning makakuha ng mga
kapanig sa paniniwala at kung mangyari’y makapagbunsod ng pagbabago.
5. Nagpaparangal at nagbibigay-puri (Editorial of Appreciation, Commendation, or
Tribute) – nagbibigay ito ng papuri sa isang taong may kahanga-hangang
nagawa, nagpapahayag ng pagpapahalaga sa isang katangiang gawain, o
nagpaparangal sa isang taong namayapa na may nagawang pambihirang
kabutihan.
6. Nagpapahalaga sa natatanging-araw (Editorial of Special Occasion) –
ipinaliliwanag nito ang kahalagahan ng mga tanging araw o okasyon.
7. Nanlilibang (Editorial of Entertainment) – hindi ito karaniwang sinusulat, ang
paraang ginagamit dito ay di-pormal, masaya, kung minsan ay sentimental at
karaniwang maikli lamang.

Mga tuntunin sa pagsulat ng Editoryal


1. Magkaroon ng kawili-wiling panimula na maikli lamang upang akitin ang mga
mambabasa.
2. Buuin ang katawan sa pamamagitan ng paglalahad ng mga katibayan nang
maayos at malinaw.
3. Iwasan ang pagbibigay ng pangkalahatang patakaran. Sa halip ay: a) gumamit ng
mga halimbawa at paglalarawan upang pagtibayin ang simulain, b) gumamit ng
mga paghahambing at pag-iiba-iba, c) banggitin ang mga pinagmulan ng mga
nilalahad na kalagayan.
4. Tapusin ng naaangkop.
5. Tandaan na ang pinakamahalagang bahagi ay ang panimula at ang pangwakas.
6. Gawing maikli lamang.
7. Huwag mangaral o mangsermon. Ilahad lamang ang katwiran at hayaan ang mga
mambabasa na gumawa ng kanilang sariling pagpapasya ukol sa isyu.
8. Sundin ang lahat ng simulain ng mabisang pagsulat: 1)kaisahan (unity), 2)malinaw
(clarity), 3)pagkakaugnay-ugnay (coherence), 4)may diin (emphasis).
Panimula – balitang-batayan, tala o detalye ng paksa, reaksiyon sa balita, at dapat
maikli lamang.
- Bumabanggit sa talakayan, at karaniwang napapanahon o kalagayan sa lipunan.
d. Katawan – naglalahad ng mga tala, ideya o paninindigan laban o sang-ayon sa
paksa.
Ito ay kuro-kuro o palagay ng sumulat ng paksa.
- Nagpapahayag ng opinyon o kuro-kuro ng pahayagan sa pamamagitan ng
pagpapaliwanag o paglalahad ng isyu sa paraang madaling unawain at malinaw
para sa mga mambabasa.
e. Pangwakas o konklusyon – maaaring isang pagtitibay sa mga kuro-kuro o di
naman
kaya ay mga tagubilin o mungkahi sa tinalakay na isyu.
- Nagpapahayag ng kaisipang nais ikintal. Maaari itong maglagom o magbigay diin
sa kaisipang tinatalakay. Dito ipinapahayag ang panghihikayat at pagpapakilos sa
mambabasa tungo sa pagbabago.

You might also like