Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 1

Apolinario Mabini

Si Apolinario Mabini ay isa sa mga dakilang tao sa kasaysayan ng ating nagdaang himagsikan. Siya
ay ipinanganak sa Tanaga, Tanawan, Batangas, noong Ika-22 ng Hulyo, 1864. Ang kanyang ama ay
si Inocencio Mabini, at ang kanyang ina ay si Dionisia Maranan. Siya ay matalino ngunit masasakitin
kaya’t kung tawagin siya’y “Dakilang Lumpo.”

Sa San Juan de Letran na kanyang pinapasukan ay hindi mabiling ang mga gantimpala na kanyang
tinamo, sa paaralang ito siya ay nagtapos sa pagka-Bachiller en Arts at pagka-propesor sa Latin.
Ang kanyang huling natapos na kurso ay ang pagkamanananggol.

Natawag ang pansin ni Heneral Aguinaldo sa katalinuhan ng batang abogado at sa pakiusap ng


heneral ay pumayag siyang tagapayo nito. Nang itatag ang Unang Republika ng Pilipinas si Mabini
ang ginawang kalihim estado, at isinulat niya ang mga kautusang batas at pamahayag ng
pamahalaan.

Utak ng Himagsikan at Pinakakanang-kamay ni Heneral Emilio Aguinaldo sa ikalawang bugso ng


himagsikan. Ang marami sa kaniyang mga sinulat ay pawing tungkol sa pulitika, sa pamahalaan, at
sa pagpapalaganap ng damdaming makabayan.

 Programa Constitucional dela Republica Filipina


 El Desarollo y Caida dela Republica Filipina
 Sa Bayang Pilipino
 El Simil de Alejandro
 Ang Tunay na Sampung Utos ng Diyos

Jose Palma (1876-1903)

Si Jose Palma ay kumita ng unang liwanag noong ika-6 ng Hunyo, 1876 sa Tundo, Maynila. Siya
Kapatid ni Rafael Palma na naging pangulo ng Unibersidad ng Pilipinas at sumulat ng “Pride of the
Malay Race”

Si Jose Palma ay nag-aral sa Ateneo de Manila, at dito ay nakatagpo niya si Gregorio Del Pilar na
naging pinakabatang heneral ng mga hukbong manghihimagsik. Sa gulang na labimpito, siya ay
hinangaan ng marami sahil sa pagpapalimbag ng isan aklat ng mga tula.

Mga akda:

1. Melencholias (Mga Panimdim)


2. De Mi Jardin
3. Himno Nacional Filipino (Pambansang Awit ng Pilipinas

You might also like