Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 3

Ang Konsepto ng Pangangailangan

at Kagustuhan
Posted on May 1, 2013 by Beylee Boiles
Kagustuhan at Pangangailangan
Ang tao ay mayroong walang katapusang kagustuhan at pangangailangan na kailangan niyang matugunan. Gaano man
karami ang mga pinagkukunang-yaman kung walang hanggan naman ang pangangailangan at kagustuhan ng mga tao, hindi rin
mabibigyan ng solusyon ang suliranin sa kakapusan. Ang kaalaman ukol sa kagustuhan at pangangailangan ng bawat isa ay
makatutulong nang malaki sa paggawa ng mga desisyong may kaugnayan sa suliranin sa kakapusan.

Isa sa basic needs ng isang tao ay ang pagkain.

Pangangailangan – ay mga bagay na lubhang mahalaga upang ang tao ay mabuhay kabilang dito ang mga basic needs – damit,
pagkain, at tirahan. Kapag ipinagkait ang mga bagay na nakatutugon sa mga pangangailangan ng tao, magdudulot ito ng sakit o
kamatayan.

Kagustuhan – ang paghahangad ng mga bagay na higit pa sa batayang


pangangailangan (basic needs). Ito ang mga bagay na maaaring wala ang isang tao subalit sa kabila nito ay maaari pa rin siyang
mabuhay. Hinahangad ito ng tao sapagkat ito ay magbibigay kaginhawaan, kasiyahan, kaunlaran, at karangalan.
Teorya ng Pangangailangan ni Maslow

Abraham Harold Maslow, isang Amerikanong psychologist na nagpanukala ng hirarkiya ng mga pangangailangan ng tao.

“People are motivated to achieve certain needs. When one need is fulfilled a person seeks to fulfil the next one, and so on.” -
Maslow (1943)
Ang hirarkiya ng mga pangangailangan (Hierarchy of Needs)na ito ay kadalasang inilalarawan sa anyo ng isang piramide:
1. Physiological needs (pisyolohikal) – ang pinakamababang bahagi ng piramide, kabilang dito ang mga bayolohikal na
pangangailangan sa pagkain, tubig, hangin, at tulog.
2. Safety needs (pangkaligtasan) – ito ay nauukol sa mga pangangailangan para sa kaligtasan at katiyakan sa buhay,
kabilang dito ang katiyakan sa hanapbuhay at kaligtasan.
3. Love/Belonging needs (Pangangilangang makisalamuha, makisapi at magmhal)– ito ay nauukol sa
pangangailangang panlipunan tulad ng pakikipagkaibigan at pagkakaroon ng pamilya dahil sa kailangan ng tao ang
pagmamahal at pagtanggap ng ibang tao.
4. Esteem needs ( pangangailangang mabigyan ng pagpapahalaga ng iba)– nauukol sa pagkakamit ng respeto sa sarili
at respeto ng ibang tao.
5. Actualization (pangangailangang maipatupad ang kaganapang pagkato) – ang pinakamataas na antas sa hirarkiya.
Dito ang tao ay may kamalayan hindi lamang sa kanyang sariling potensyal, ngunit higit sa lahat sa kabuuang potensyal
ng tao.
Batay sa teorya, nagagawa lamang matuon ng tao ang kanyang pansin sa mas mataas na antas kung napunan na ang nasa
ibabang antas.

Teorya ng Pangangailangan ni McClelland

David McClelland, isang Amerikanong psychologist, ayon sa kanya, may mga pangangailangan ang tao na natatamo sa matagal
na panahon at hinuhubog ng mga karanasan

1. Nagawa (achievement) – inilarawan ni McClelland ang katangian at saloobinng taong may mataas na pangangailangan
sa nagawa
o Ang nagawa ay higit na mahalaga kaysa mga gantimpalang material at salapi.
o Ang makamit ang layunin ay nagbibigay ng personal na kasiyahang higit sa makatanggap ng papuri at pagkilala.
o Mahalaga ang feedback upang masubaybayan ang pag-unald na nakamit.
2. Kapangyarihan(Power) – ito ay may dalawang uri – personal at institusyonal
o Personal – ito ay kadalasang hindi maganda dahil sa pagnanais na magtuos sa iba
o Institusyonal – ito ay nakatuon sa mga pagsisikap upang maging maayos ang layunin ng samahan
3. Pagsapi (affiliation) – ang pagsapi ay nagnanais ng maayos na pakikisalamuha sa ibang tao at kailangang makadama na sila rin
ay tinatanggap ng ibang tao.
Ang walang hanggang pangangailangan at kagustuhan ng tao ang itinuturing na pinakaugat ng suliraning may kaugnayan sa
kakapusan. Kaya nararapat na maging matalino sa pagpapasya ukol sa paggamit ng may kakapusang pinagkukunang-yaman.
Kinakailangang bigyang-tuon ang mga bagay na makapagbibigay sa tao ng higit na kapakinabangan at kasiyahan.

You might also like