Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 3

PAG-USBONG NG BOURGEOISIE

Ang terminong bourgeoisie ay iniuugnay sa mga mamamayan ng mga bayan sa medieval


france na binubuo ng mga artisan at mangangalakal. Ang mga artisano ay ang mga
mangagawang may kasanayan sa paggawa ng mga kagamitang maaaring may partikular na gamit
o pandekorasyon lamang. Sa uring panlipunan, mas mataas sa kanila ang mga landlord o
panginoong maylupa. Ang terminong bourgeoisie ay ginamit upang tukuyin ang gitnang uri ng
france at ng iba pa pang mga bansa sa Europe.

Sa huling bahagi ng ika-17 siglo, naging isang makapangyarihang puwersa ang


bourgeoisie sa Europe. Binubuo sila ng mga mangangalakal, banker(nagmamay-ari o
namamahala ng bangko), mga shipowner(nagmamay-ari ng barko), mga pangunahing
mamumuhunan at mga negosyante.

Sa ika-17 at ika-18 siglo, sinuportahan ng bourgeoisie ang mga prinsipyo ng


konstitusyonalidad at likas na karapatan (natural right) laban sa banal na karapatan (divine right).
Ang likas na karapatan ay unibersal na karapatan gaya ng karapatang mabuhay ng may kalayaan.
Ang banal na karapatan ay nagtatakda na ang hari ay hindi napapasailalim sa anumang
kapangyarihan dahil ang kapangyarihan niya ay nanggagaling sa diyos. Samantala, ang
konstitusyonalidad ay isang kondisyon kung saan ang isang tao, grupo ng tao o bansa ay
kumikilos batay sa isinasaad ng konstitusyon o saligang batas. Ang liberalismo ay paniniwalang
nag-ugat sa Europe na binibigyang-diin ang karapatan ng indibidwal.

PAG-IRAL NG MERKANTILISMO
Ang Merkatilismo ay isang sistema na ang pangunahing mga layunin ang politikal. Ang
mga layuning ito ay ang magkaroon ng malaking kitang magbibigay-daan upang ang hari ay
makapagpagawa ng mga barko, mapondohan ang kanyang hukbo, at magkaroon ng pamahalaang
katatakutan at rerespetuhin ng buong daigdig.

Ang doktrina ng bullionism ay sentral sa teorya ng merkantilismo. Sa ilalim ng


doktrinang ito, ang tagumpay ng isang bansa ay masusukat sa dami ng mahahalagang metal sa
loob ng hangganan nito.

Isang elemento ng merkantilismo na nakatulong sa pagkabuo at paglakas ng mga


nation-state ay ang tinatawag na nasyonalismong ekonomiko. Ibig sabihin nito, kayang tustusan
ng isang bansa ang sarili nitong pangangailangan. Kaakibat ng merkantilismo ang konsepto ng
paternalismo. Isa itong sistema ng pamamahala kung saan ang pamahalaan ay namamahala naq
parang ama sa kanyang mamamayan.

PAGTATATAG NG NATIONAL MONARCHY


Malaki ang naitulong sa pagtatatag ng national monarchy o pambansang monarkiya sa
paglakas ng Europe. Matatandaan na sa panahon ng piyudalismo, walang sentralisadong
pamahalaan. Mahina ang kapangyarihan ng hari. Ang hari ay itinuturing lamang na pangunahing
panginoong maylupa.

Subalit nagbago ang katayuan ng monarkiya sa tulong na mga bourgeoisie. Ang hari na
dating mahina ang kapangyarihan ay unti-unting namayagpag. Bilang resulta, ang katapatan ng
mamamayan ay lumipat mula sa panginoong maylupa tungo sa pamahalaan na may kakayahang
protektahan sila. Handa silang magbayad ng buwis para sa proteksiyong ito.
Sa pamamagitan ng buwis, nagkaroon ng pondo ang hari upang mag-bayad ng mga sundalo.
Dahil dito, nakalaya ang hari mula sa proteksiyon na dating ibinibigay ng mga knight ng
panginoong maylupa.

PAG USBONG NG NATION-STATE

Ang nation state ay isang estado na pinananahanan ng mga mamayan na may


magkakatulad na wika, kultura, relihiyon at kasaysayan dahil sa kanilang mga pagkakatulad ay
nagkaroon sila ng pagkakaisang lahi sila rin ay nakatira sa isang tiyak na teritoryo at may
pamahalaang kasarinlan. Sila’y mga nagkakaisang lahi at may katapatan sa kanilang bansa.

Isa sa mga katangian ng nation state ay pagiging sentralisadong pamahalaan sa ilalim ng


monarkiya may hukbo na umusbong sa nation state ito ay pagiging tapat ng mga sundalo sa hari.
Dahil sa nation state ay lalong lumakas ang Europe at nabuo ang mag bagong institusyong
pampulitika, panlipunan at pang ekonomiya. Nanghimasok at sinakop ng Europeong nation state
ang mga bansang America, Asya at maging ang Africa.

ENGLAND

Si william The conqueror ay duke ng normandy na sumakop sa England noong 1006.


Siya rin ang gumawa ng patakaran sa bagong nasasakupan. Inangkin din nya ang 1/6 na lupain at
ibinigay ang nalalabi sa Noble. Pinanatili din nya ang Shire , ang shire ay pinamumunuan ng
Sherrif o ahente. Nag utos si william na magsagawa ng “sensus” sa mga tao at ang naging resulta
ay inilagay sa Domesday Book.

Noong 1215 ay pinilit ng mga Landlord ang haring John na lagdaan ang Magna Carta
dito nakasaad ang mga batas na hindi maaaring Makulong ang isang taong nagkasala mna hindi
dumaraan sa paglilitis , hindi rin maaring itaas ng hari ng walang pahintulot ng Great Council.
Noong 1295 naitatag ang parlamento na House of Lords (obispo at nobility) at House of
Commons (kabalyero at bourgeoisie) ito ang mga sistemang pag bubuwis sa England.
FRANCE

Napasakamay ni CharleMagne ang France simula 771 C.E ginawa nya ang lahat upang
mapanatili ang kasarinlan at mapalawak ang teritoryo ng France sa pamamagitan ng hukbong
militar , siay ang naglunsad ng unang kontra-atake laban sa mga muslim sa spain.
Namatay sya noong 814 C.E at ipinamana ang imperyo sa kanyang anak na si Louis the Pious.
Sa pamamagitan ng Treaty of Verdun hinati ng mga apo ni Charlemagne ang imperyo. Ngunit
dahil sa di pag kakaunawaan tuluyang bumagsak ang imperyo dahil sa mga bagong mananalakay
sa Europe ito ay ang mga bansang Muslim , Magyar at Viking.

Ang capetian abg pumalit sa Carolingian at itinatag ang monarkiyang Frence sa


pamamagitan ng pagkamkam ng Teritoryo. Mula kay Louis VI hanggang kay Philip Augustus ay
lumawak ang teritoryo ng France . Lalo pa itong tumatag kay Louis IX sa pamamagitan ng
digmaan at pagpapakasal ay nadagdag ang lupain upang madagdagan ang yaman ipinatupad ang
pag bibigay ng buwis.

PAG USBONG NG SIMBAHAN AT PAPEL NITO SA PAG LAKAS NG EUROPE

Ang pang abuso ng mga hari ang naging dahilan upang lumakas ang simbahan. Noong
1073 , itinakda ni Papa Gregory VII na ang kaayusang banal ay napapasa ilalim sa batas ng
Diyos. Ang Papa ang pinakamataas at lahat ay napapasa ilalim sa kanya sa simbahan gayundin
ang Hari na di pwedeng ganitin ang kapangyarihan sa layuning kristiyano. Maari din nyang
tanggalin sa posisyon ang Hari kapag hindi sumunod sa obligasyonng kristyano.

Ang Investure Controversy ay ideya ng Papa kung saan sumasailalim na tunggaliang


interest ngunit hindi ito nagustuhan ni Henry IV . Dahil para kay Henry ang panatisismo ay
nakaka apekto sa usaping politikal. Ngunit idineklara ng Papa na eksmulgado si Henry sa
simbahan.

Ang Concrad of Worms noong 1122 ang kumilala sa tungkulin ng Obispo bilang lider-
ispiritwal at sa Landlord kung saan ang hari ay hindi napapasa ilalim sa Papa.
Ang simbahan ang pinaka makapang yarihan sa panahon ng Middle Ages , naitatag din nila ang
Republica Christiana na pinamumunuan ng hari sa patnubay ng Papa.
Ang Europe ay lalong lumakas mula 11-13 siglo nagkaroon din ng kasiglahan at mga Nation
State ang lapangyarihan ng simbahan. Ito ang mag nagging dahilan ng pag lakas ng Europe.

You might also like