Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 3

sharamae.manalansan@deped.gov.

ph

Ang Luha sa Lupa

Kraaakk! Ayan ang tunog na pinakaaabang ng mga magulang ni Pipit at ng kaniyang mga kapatid.
Siya lamang ang itlog na pinakamalaki sa kanilang pitong magkakapatid at kaisa-isa siyang hindi pa
napipisa.

Nakatulala ang lahat habang inaabangan ang pagbukas ng siyel ni Pipit. “Siguradong napakalaki
ng ating kapatid dahil siya lamang ang nag-iisang malaking itlog sa ating lahat.” Ang bulong ni Tisiw sa
kaniyang mga kapatid.

Nagulat ang lahat sa pagbukas ng siyel ni Pipit sapagkat kung anong laki ng kaniyang itlog ay siya
namang liit nito at halos kalahati lamang sa katawan ng kaniyang mga kapatid ang kaniyang katawan.

“Ha!ha!ha! Napakaliit mo naman pala!” ang panunudyo sa kanya ng kaniyang mga kapatid. Ito
ang sumalubong sa kaniyang paglabas sa siyel na naging dahilan ng kaniyang kalungkutan.

Pinagsabihan ng kaniyang ina ang kaniyang mga kapatid at sinabi sa kaniya, “Huwag mo silang
papakinggan anak dahil isa kang espesyal para sa amin ng iyong ama.” sabay ngiti ni Pipit sa kaniyang
mga magulang.

Habang tumatagal nakita nila na kakaiba talaga si Pipit. Naiiba ang kulay ni Pipit dahil ang kaniyang
mga kaptid ay mapuputi samantalang siya ay maabo ang kulay. Ang kaniyang tuka ay walang tulis dahil ito
ay malapad. Mabagal din ang paglaki ng kaniyang pakpak kung kaya hindi siya nakalilipad kagaya ng
kaniyang mga kapatid na palaging namamasyal at kumakain ng prutas sa iba’t ibang matatas ng puno na
kahit minsan ay hindi pa niya nasusubukan. Naramdaman ni Pipit na talaga siya ay naiiba at hindi siya
tanggap ng kaniyang mga kapatid.

Minsan, sumunod si Pipit sa kaniyang mga kapatid para makihalubilo at masubukang kumain ng
prutas ng tsiko, “Mga kuya at ate! Maaari niyo ba akong bigyan ng tsiko? Matagal ko na kasing gustong
matikman iyang kinakain ninyo.” Ang sabi ni Pipit na hindi makalipad sa puno.

“Ah, ito bang tsiko? Baka hindi mo ito makain dahil sa liit mo, ni wala ka ngang matulis na tuka.”
ang sabi ni Bani sabay tawanan ng magkakapatid habang tumutuka ng tsiko. Ang kapatid nitong si Kisa na
isa ring maramot ay may naisip na hindi maganda.

Napagkaisahan nilang lahat na ibigay ang mga buto ng tsiko kay Pipit.

“Ito ang mga tsiko Pipit! Saluhin mo!” Masayang hinantay ni Pipit na saluhin ang mga buto ng
tsiko mula sa kaniyang mga kapatid na nasa itaas ng puno. Ngunit nagtaka si Pipit kung bakit hindi bilog
ang hugis nito, maliliit na malalapad ang mga nangalaglag sa kaniya at maitim pa ang kulay na kaiba sa
kaniyang nakikita sa itaas.

Alam ni Pipit noon na siya ay pinagkakaisahan na naman ng kaniyang mga kapatid. Kaya naisip
niyang umuwi na lamang sa kanila at ibinulsa ang tatlong buto ng tsiko na inihulog sa kaniya ng mga
kapatid na mararamot.
Sa paglalakad ni Pipit natanaw niya sa di kalayuan ang kanilang bahay na parang may malaking
ibon na kulay itim na nakatayo rito. Mabilis siyang tumakbo pauwi sa kanila at biglang lumipad ang
malaking ibon na isa palang uwak.

Umiyak Pipit nang makita niya ang kanyang ina at ama na kapwa duguan. Naabutan pa niyang
naghihingalo ang kaniyang ina subalit ang ama niya ay wala ng buhay. Malakas ang pag-iyak ni Pipit habang
niyayakap ang kaniyang mga magulang.

“Anak, mahal na mahal namin kayong magkakapatid.” Ang naghihingalong bigkas ng kaniyang ina
bago itong tuluyang mawala.

Iyak nang iyak noon si Pipit at noon din ay dumating na ang kaniyang mga nakatatandang kapatid.
Nakita nila ang dugo sa katawan ng kanilang magulang at pati si Pipit ay may mga dugo. Dahil doon inisip
nilang si Pipit ang may kagagawan nito.

“Pinatay niya ang ating mga magulang, tignan niyo kaniyang kamay at katawan may dugo rin!”
ang galit na sigaw ni Tisiw.

“Hindi! Hindi ko sila pinatay, mahal na mahal ko ang ating mga magulang at hindi ko kaya itong
gawin sa kanila.” ang humihikbing sabi ni Pipit. “May nakita ako kaninang malaking ibon na kulay itim,
iyon ang may gawa sa kanila.” ang dagdag na paliwanag pa ng inosenteng si Pipit.

Ngunit dahil sa ayaw nila si Pipit, hindi sila naniwala sa kaniya at siya ay pinalayas ng kaniyang mga
kapatid sa kanilang tahanan.

Naglakad papalayo si Pipit hanggang sa maabot sa isang kagubatan. Walang tigil noon sa pag-iyak
si Pipit habang nakadapa sa lupa.

Nabasa ang lupa noon ng kaniyang luha at dahil sa kakaiyak siya ay napagod at nakatulog sa lupa.
Hindi niya namalayan na ang kaniyang bulsa-bulsang buto ay nalaglag sa lupa at kusang lumubog ang buto.

Kinabukasan laking gulat ni Pipit na may maliit na puno ng tsiko sa kaniyang tabi na abot na abot
niya. Nakalimutan noon ni Pipit ang kaniyang kalungkutan at pagdadalamhati.

Naging masaya si Pipit dahil sa mumuting puno ng tsiko ay mayroon na siyang matitirahan at
lubusan pa ang naging galak niya nang mamunga ito na abot na abot niya.

“Sa wakas makakatikim na rin ako ng bunga ng tsiko.” ang masayang sabi sa sarili.

Ang bunga ng tsikong ito ay araw-araw namumunga kaya hindi nauubusan si Pipit ng tsiko.
Nagkaroon pa si Pipit ng napakagandang bahay sa loob ng punong ito at may hagdan pa paakyat sa taas
ng puno para abutin ang mga tsiko. Naging masaya si Pipit at nakalimutan ang lahat ng kalungkutan.

Samantala, dumating naman ang malakas na bagyo sa lugar kung saan nakatira ang kaniyang mga
kapatid. Nasira ang lahat maging ang kanilang bahay. Nangamatay ang mga puno na kanilang
pinagkukunan ng pagkain sa araw-araw.

Noon din ay nasubukan nilang pagdamutan ng pagkain ng mga kapitbahay na ibon. Gutom na
gutom na noon ang mga nakatatandang kapatid ni Pipit kaya sila ay lumipad upang maghanap ng punong
matutuluyan at prutas na makakain. Sa kanilang pagod sa kalilipad sila ay bumaba sa isang gubat at doon
din ay nakakita silang isang puno na maliit.
“Ito ay isang napakagandang munting bahay ng ibon.” ang sabi ni Tisiw sa mga kapatid.

“Tiyak na mayaman ang nakatira dito.” ang dugtong pa ni Kisa.

“Tama, at kay rami pa ng kanyang tsiko, baka tayo ay makahingi.” sambit naman ni Kirang.

Lumapit ang magkakapatid sa munting bahay at laking gulat ng mga ito nang lumabas ang isang
maliit na ibon at ito pala ay si Pipit ang kanilang bunsong kapatid na dati nilang pinagdamutan ng bunga
ng tsiko at pinalayas dahil sa pambibintang.

“Mga ate at kuyang ibon?” ang nagulat na sambit ni Pipit sa sarili. “Ano ang ginagawa niyo rito sa
gubat? Bakit lagas-lagas ang inyong mga balahibo at hindi na kasing puti ng dati?” ang pag-aaalalang
tanong nito.

Ipinaliwanag ng magkakapatid ang nangyari sa kanila at agad namang tinanggap ni Pipit ang mga
ito.

Pinakain niya, pinapaligo at binigyan nang maayos na damit ang kanyang mga kapatid nang buong
puso at walang halong panunumbat.

“Pipit, salamat sa iyong pagtanggap at pag-aaruga sa amin na kahit ikaw ay aming pinagdamutan
noon tinanggap mo pa rin kami nang buong puso. Sana ay mapatawad mo kaming lahat sa aming nagawa
sa iyo.” ang pagsisising sinabi ng magkakapatid kay Pipit.

“Wag niyo nang sisihin ang inyong mga sarili. Kung hindi dahil doon ay hindi ako magkakaroon ng
isang magandang tirahan at hindi nauubusang tsiko.” ang sagot ni Pipit sa mga kapatid. Nagyakapan ang
mga magkakapatid nang may pagmamahalan.

Simula noon sila ay magkakasama na sa munting tirahan ni Pipit. Namuhay sila nang masaya at
nagbibigayan.

You might also like