Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 5

Republic of the Philippines

Department of Education
Region IV- B MIMAROPA
Division of Oriental Mindoro
Puerto Galera District
Isidoro Suzara Memorial School
S.Y. 2015- 2016
____________________________________________________________________________________

Banghay- Aralin sa Filipino


Baitang III- Cheerful

I. Layunin
Nailalarawan ang tao, bagay, hayop at lugar.

II. Paksang- Aralin


Mga salitang naglalarawan
Sanggunian: Teacher’s Guide p. 179
TX: Bagong Filipino p. 182
Kagamitan: mga laruan, larawan papel at lapis

III. Pamamaraan
Gawain ng Guro Gawain ng mga Bata
A.Panimulang- Gawain

1. Pamukaw- Sigla: Magandang araw mga


bata! Bago tayo magsimula ng ating leksyon
tayo muna umawit. Alam ba ninyo ang
awiting “Ang Aking Alaga”? Magsitayo ang Aawit ang mga bata ng may kasamang galaw.
lahat. Sabayan ninyo ako. “Ako’y may alaga,
asong mataba. Buntot ay mahaba, maamo ang
mukha. Siya’y mahal ko, ako’y mahal niya.
Kaming dalawa ay laging magkasama.”
2. Balik- aral: Mga bata, balikan natin ang
tinalakay ni G. Cañares, ang pagbasa ng mga
balita. Saan natin kadalasang nakikita o Sa dyaryo o telebisyon po.
nababasa ang mga nangyayari sa ating
kapaligiran?
> Magaling mga bata! Ang bawat balitang ito
ay may kaakibat na mga larawan. (Ipapakita
ang dyaryo)

B. Panlinang na Gawain Lahat ng bata ay makikilahok sa gawain.


1. Pagganyak: Mga bata, may mga bagay
ako na ipapakita sa inyo. Bawat mesa ay

PONCE, MARIA VICTORIA C. 1


bibigyan ko nito at mag- isip kayo ng mga
salitang naglalarawan dito. Paramihan kayo
ng salitang maiisulat sa papel sa loob ng
tatlumpung segundo.
> Magaling mga bata, mahusay ninyong
nailarawan lahat ng bagay na ibinigay ko sa
inyo.

2. Paglalahad: Mga bata, may tula akong Lahat ay babasahin ang tula.
nkahanda dito. Sabay- sabay nating basahin
ang tula.
Sa Bukid
Ibig kong magbakasyon sa malayong bukid
Doon ay payapa’t lunti ang paligid.
Maraming halaman klima ay malamig
Kakilala ng lahat tao’y mababait.

Hangin ay malinis tunay na dalisay


Ang dagat ay asul ang langit ay bughaw,
Bukid ay malawak sagana sa palay
Tanawi’y marikit at kaakit- akit.

3. Pagtatalakayan: Ang nabasa nating tula


ay tunay ngang napakaganda. Parang dinala Inilarawan ng tula ang malayong bukid.
tayo sa isang napakagandang lugar. Para Sa Bukid ang pamagat ng tula.
tayong namasyal sapagkat malinaw na Inilarawan ang paligid, halaman, tao, hangin,
nailarawan ng may akda ng tula. dagat at tanawin.
Ano ang pamagat ng binasa nating tula? Mga panggalan ang inilalarawan sa tula.
Ano ang lugar na inilarawan sa tula?
Ano- anong bagay ang inilarawan sa bukid?
Ano ang tawag sa mga ito? Tatayo ang mga batang tinawag.
Balikan natin ang tula. Masdan ang unang
pangungusap. Muli nating basahin ang unang
pangungusap. Alin sa mga salita ang Bukid ang pangngalan sa unang pangungusap.
pangngalan? Tama, bukid ang pangngalan. Inilarawan ang bukid na malayo.
Paano inilarawan ang bukid? Ang salitang
naglalarawan ay panag-uri. Dito naman sa Ang pangngalan sa pangalawang pangungusap
pangalawang pangungusap. Ano ang ay paligid. Inilarawan ang paligid na payapa at
pangngalan dito. Paano inilarawan ang lunti.
paligid? Dumako tayo sa ikatlong Ang halaman ay inilarawan na marami. Ang
pangungusap. Ano- ano ang pangngalan na klima ay inilarawan na malamig.
nakikita ninyo? Paano ito inilarawan? Ito Ang pangngalan sa ikaapat na pangungusap ay
namang ikaapat na pangungusap ay muli tao at inilarawan ito na mababait.
nating basahin. Ano ang pangngalan dito at
paano ito inilarawan? Ano ang tawag sa
salitang naglalarawan? Sa pangalawang Pang- uri ang tawag sa salitang naglalarawan.
taludtod naman. Pakibasa naman ng unang Inilarawan ang hangin na malinis at dalisay.
PONCE, MARIA VICTORIA C. 2
pangungusap. Sabihin ang pangngalan at Sa pangalawang pangungusap dagat at langit
paano ito inilarawan Sa ikalawang ang pangngalan at inilarawan ito na asul at
pangungusap, ano- ano ang pangngalan at bughaw. Pang- uri ang tawag sa salitang
paano ito inilarawan? Ano ang tawag sa naglalarawan.
salitang naglalarawan?Sa sunod na Dalawa ang pangngalan sa pangungusap. Ito ay
pangungusap, ilan ang pangngalan? Ano- ano bukid na inilarawan na malapad at inilarawan
ang pangngalan at paano ito inilarawan?Ano ang palay na sagana.
ang tawag sa salitang naglalarawan? Sa Pang-uri ang tawag sa salitang naglalarawan.
huling pangungusap, ano ang pangngalan Tanawin ang pangngalan sa huling pangungusap
dito? Paano ito inilarawan? Ano ang tawag sa at inilarawan ito na marikit at kaakit- akit. Pang-
salitang naglalarawan? uri ang tawag sa salitang naglalarawan.

4. Pagsasanay:
A. Bilugan ang salitang naglalarawan sa mga Tatayo ang batang tatawagin.
sumusunod:
a. bukid
b. halaman
c. klima
d. mga tao
e. hangin
f. dagat
g. langit
h. palay
i. tanawin
(Tatawag ng bata na sasagot)
Napakahusay mga bata!
B. Pagtugmain ang angkop na salitang
naglalarawan sa katapat na larawan.
1. malaki maliit marumi mataas

2. malutong mapait mainit malamig

3. mataas malago mababa payat

PONCE, MARIA VICTORIA C. 3


4. payat bilog malusog matangkad

5. mahangin malamig makulimlim mainit

C. Ang bolang hawak ko ay aking ihahagis at


ang makasasalo nito ay gagamitin sa
pangungusap ang salitang naglalarawan.
1. mataas
2. maputi
3. berde
4. malago
5. mabangis
6. malawak
7. mapagbigay
8. asul
9. malutong
10. mabango

4. Paglalahat: Ano ang tawag sa salitang


naglalarawan? Ano ang inilalarawan ng pang-
uri? Ang pang- uri ang tawag sa salitang
naglalarawan ng anyo, hugis, bilang, sukat,
kulay, uri at iba pang mga katangian ng isang
5. Paglalapat: Mga bata, humarap kayo sa tao, hayop, bagay, at pook.
inyong katabi. Ilarawan ang inyong kamag-
aral ayon sa mga sumusunod:
buhok mata ilong taas katawan Ilalarawan ng bawat isa ang kaparea.
(tatawag ng magkaparehang bata)

IV. Pagtataya

Direksyon: Bilugan ang titik ng tamang sagot sa patlang.

1. ___________ang tawag sa salitang naglalarawan.


a. pangngalan b. panag-uri c. pang- uri d. pandiwa

2. Ang lungsod ng Baguio ay ____________.


a. mababa b. mainit c. asul d. malamig

3. Ang karnibal ay ___________ tuwing gabi.


a. malungkot b. masarap c. makapal d. maliwanag
PONCE, MARIA VICTORIA C. 4
4. Ang bahag- hari ay ___________.
a. mataba b. makulay c. masaya d. mababa

5. Ang hugis ng ating watawat ay ___________.


a. baluktot b. parisukat c. tatsulok d. malapad

V. Takdang- Aralin
Magtala ng limang salitang naglalarawan. Gamitin ang bawat salita sa sariling
pangungusap.

Inihanda : Iwinasto:

Maria Victoria C. Ponce Neda C. Arellano


Practice Teacher Gurong Tagapayo

PONCE, MARIA VICTORIA C. 5

You might also like