Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 3

Carlos Dominico B.

Valdez
STEM11B6

A. PAMAGAT- (Ang Bayad)


Bayad ang pamagat sa kwento ngunit kung atin itong titingnan sa pinaka malalim na
perspektibo hindi lang simleng bayad ang kahulugan nito. Sa kwento ang unang tauhan ay
kinakailangang magbayad ng isang daang piso kahit walang batas siyang nilabag. Ngunit kung
titinan natin ang naging buhay ng sumulat ng kwento ay magiging mas makabuluhan kung
bakit iyon ang naging pamagat. Sa mga naranasan ni Carlos Bulosan ay nakaranas ito ng
‘Racism’ na sa gantong paraan mararanasan mo ang pang aapi ng iba kahit wala kang
ginagawang masama na parang ito ang kabayadan ng isang tao dahil ganto ang iyong pisikal
na itsura o tradisyon at marami pang iba. Marami pang pwedeng iangkop sa salitang “Bayad”
kung iyong malalaman ang karanasan ng sumulat ng teksto kung iyong babasahin at
aantindihing mabuti.
B. MAY AKDA- (Carlos Bulosan)
Si Carlos Bulosan ay ipinanganak sa Pilipinas sa nayon ng bukid ng Mangusmana, malapit sa
bayan ng Binalonan (Pangasinan Province, Luzon island). Siya ay isang magsasaka at ginugol
ang kaniyang mga oras sa kanayunan kasama ang kanyang pamilya. Tulad ng maraming
pamilya sa Pilipinas, ang pamilya ni Carlos ay nagpupumigong makaligtas sa mga ng
kahirapan sa ekonomiya. Maraming pamilya ang nahirapan at nagdusa dahil sa mga
kundisyon sa Pilipinas na nilikha ng kolonisasyon ng US. Ang pamilyang taga bukid tulad ng
pamilya ni Carlos ay nakaranas ng malubhang pagkakaiba-iba ng ekonomiya dahil sa
lumalaking konsentrasyon ng kayamanan at kapagyarihan sa kamay ng mga piling pang-
ekonomiya at pampulitika. Natukoy na tulungan ang pag suporta sa kanyang pamilya at higit
pa ang kaniyang edukasyon, nagpasya si Carlos na pumunta sa Amerika upang matupad ang
mga pangarap at hangarin nito. Naglakbay sa barko, dumating si Carlos sa Seattle noong
Hulyo 22, 1030 sa edad na labing pito. Sa pamamagitan lamang ng tatlong taon ng edukasyon
mula sa Pilipinas, si Carlos ay nakakapagsalita ng kaunting Ingles at halos walang ipon. Nag
hangad na mabuhay, nagsimula siyang magtrabaho ng ibat ibang pagkakakitaan na may
mababang pasahod: serbisyo sa mga hotel, pag aani sa mga bukid, at pati na rin sa mga
Aleman ng Canneries. Sa kaniyang paghihirap sa paghahanap ng trabaho, nakaranas si
Carlos ng maraming kahirapan sa ekonomiya at karahasan sa lahi na nag resulta ng pagkasira
ng kaniyang kalusugan at kalaunan ay nagbago ang kanyang pagkakakilala sa Amerika. Mula
sa maraming taon na pag-atake ng rasista, gutom, at karamdaman, si Carlos ay dumaan sa
operasyon para sa tuberculosis sa Los Angeles. Ang kaniyang kalagayan na may dinalang
sakit na TB ay nagpilit sa kanya na sumailalim sa tatlong operasyon kung saan nawala ang
karamihan sa kanang bahagi ng kaniyang mga buto buto at pagkasira rin ng kaniyang isang
baga. Gayunman, nakabawi sya at nanatili sa ospital ng halos dalawang taon kung saan
ginugol niya ang maraming oras sa pagbasa at pagsulat. Ang diskriminasyon at hindi
magandang pamamalakad sa pagtratrabaho na naranasan ni Carlos ay hinikayat siya na
lumahok sa ibat ibang organisasyo/unyon pang Pilipino at marami pang iba. Si Carlos ay
naging edukado at may kasanayang manunulat na determinadong ipahayag ang mga
pakikibaka na dinanas niya bilang isang Pilipinong pumunta sa Amerika at pakikibakang
nasaksihan niya sa ibang tao. Tulad ng marami sa kaniyang kapwa Pilipino sa kanyang
panahon, si Carlos ay hindi kailanman nagkaroon ng pagkakataon na bumalik sa Pilipinas.
Matapos ang maraming taon na paghihirap siya ay namatay sa Seattle na nagdurusa sa
malalang sakit na “bronchopneumonia”. Nakalibing siya ngayon sa Queen Anne Hill sa
Seattle.
C. BUOD-
(SIMULA)
Si Kardo ay isang magsasakang napadaan sa bahay ng isang mayamang matanda na
nag ngangalang Tandang Panyong. Nakaamoy sya ng masarap na ulam at sinabing piniritong
manok iyon habang tumutulo ang kaniyang laway sa takam. Pag-uwi sa bahay ni Kardo
napabuntong hininga sya at nag wika na “Sumasarap ang kanin pag nakakaamoy ako ng
masarap na ulam!”. Nagbiro lamang ang asawa ni Kardo na si Aring na sinabi na dalhin ang
kaniyang kanin sa kusina ng matandang mayaman at doon kumain, naging resulta ay doon
nga kumain si Kardo. Nang umuwi ang lalaki ay tuwang tuwa ito at tila napapasayaw pa
kadahilanan na napakasarap daw ng kaniyang ulam. Tinawanan lamang iyon ni Aring at nag
mungkahi na ilipat ang maliit nilang bahay sa tabi ng bahay ng matanda. Sumang-ayon naman
agad dito si Kardo at kina-umagahan ay inilipat nga ito ng mag-asawa.
(GITNA)
Naging masarap na ang pagkain araw-araw ng mag-asawa dahil sumasabay sila sa
pagkain ng matanda at kung minsan ay umuuna na agad sila sa pagkain kapag masarap ang
amoy ng nilulutong ulam ng kusinera. Makalipas ang ilang buwan tumaba ang mag asawa.
Isang araw ay tinanong ng matanda ang mag asawa kung bakit sila tumataba, tumugon ang
mag asawa na kaya sila tumaba ay dahil sa amoy ng kaniyang ulam. Ng malaman ng matanda
ang kwento pinagbintangan ang dalawa na sila ang nagnanakaw ng sarap sa kaniyang
pagkain kaya hindi tumataba ang matanda. Kinakailangan magbayad ng isaang daang piso
ang mag asawa sa salang ginawa nila sabi ni Tandang Panyong. Pumayag si Kardo na
magbayad at humingi ng isang oras na palugit upang makapangutang.
(WAKAS)
Pumunta si Kardo sa bahay ng matandang mayaman at bago niya ito bayadan ay nag
tanong ito ng maraming katanungan. Sa bawat tanong ni Kardo ay kumukuha ito ng pisong pilak at
nilalagapak ito sa mesa habang kumakalansing. Paulit ulit lang niyang nilalagapak ang piso sa mesa
at mahigipit isang daan beses niya itong ginawa. Nagpaalam si Kardo sa matanda at sinabing bayad
na siya. Nagpaliwanag si Kardo sa matanda na kumakain sila habang inaamoy lamang ang pagkain
ng matanda kaya’t babayadan din niya ang matanda gamit ang paglagapak at pagkalansing ng piso.
At umuwi na ng bahay si Kardo.

D. TAUHAN- Kardo- isang magsasaka na paniwalain at kontento sa buhay.


Aring- asawa ni Kardo na isang maalagaing asawa.
Tandang Panyong- isang matandang mayaman na sugapa.
E. SULIRANIN-
Ang tunggalian na nangyari ay pagbibitang ng matandang mayaman na nagnanakaw ng sarap
sa pagkain ang mag asawang Kardo at Aring gamit ang pag amoy sa pagkain. Sinulusyonan
ito sa pagbabayad ng kalansing at lagapak ng piso.
F. BISA SA LIPUNAN-
Ang epekto nito sa lipunan ay ang pagiging gahaman at sakim ng mga nakakataas sa lipunan
kagaya ng mayayaman at mga opisyal na ginagamit ang kanilang kapagyarihan upang
kutsakutsain, uto-utuin, at pagmataasan ang mga nasa laylayan sa lipunan.
G. BISA SA ISIP AT DAMDAMIN-
Magiging mulat ang bawat isa sa mga maling gawi ng mga nakakataas. Mas nakakapag isip
tayo kung ano ang mga maaaring gawin base sa problemang mga nababanggit kagaya ng
social issues/pang ekonomiya.
H. MENSAHE/LEKSYON NG AKDA-

Ipinapakita dito na kahit ikaw ay alipin huwag kang magpapaka alipin. Kahit na ikaw ay hindi
edukado ngunit alam may moral ka na pag iisip huwag kang papayag na maliitin ka ng
edukadong sakim. Palaging maging mulat sa mga nangyayare sa kapaligiran. Lumaban ka
kung nasa tama ka. Huwag kang mananapak ng iba.

You might also like