Filipino Handout

You might also like

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 9

MGA KONSEPTONG PANGWIKA

WIKA
KAHULUGAN NG WIKA
-Nagsimula sa salitang Latin na “lengua” na ang kahulugan ay dila. Ito’y isang masistemang gamit sa
pakikipagtalastasan na binubuo ng mga simbolo at panuntunan. Ito’y paraan ng pagpapahayag ng damdamin at
opinion sa pamamagitan ng mga salita upang magkaunawaan ang mga tao.

Ayon kay…
Henry Gleason: Ang wika ay masistemang balangkas ng sinasalitang tunog na pinili at isinaayos sa paraang arbitraryo
upang magamit ng mga taong kabilang sa isang kultura.
Sa depinisyon ni Gleason na binanggit sa aklat ni Rolando A. Bernales et. al., lahat ng wika ay
nakabatay sa tunog na kung tawagin ay ponema, na ang maagham nap ag-aaral rito ay tinatawag na ponolohiya.
Kapag ang ponema ay pinagsama-sama, maaaring makabuo ng maliliit nay unit ng salita na tinatawag na morpema.
Sintaksis naman ang tawag sa makaagham na pinag-ugnay-ugnay na mga pangungusap. Diskors naman kapag
nagkaroon ng makahulugang palitan ng dalawa o higit pang tao.

George Lakoff: Ang wika ay politika. Nagtatakda ito ng kapangyarihan, kumukuntrol ng kapangyarihan kung paanong
magsalita ang tao at kung paano sila maunawaan.

Jose Villa Panganiban: Ang wika ay paraan ng pagpapahayag ng damdamin at opinion sa pamamagitan ng mga salita
upang magkaunawaan ang mga tao.

Nenita Papa: Wika ang ginagamit natin upang malayang maipahayag ang ating iniisip at nadarama.

Pamela Constantino at Monico Atienza: Ang wika ay mahalagang kasangkapan sa pag-unlad kapwa ng indibidwal at
ng bansa.

Archibal A. Hill: Ayon sa kanyang papel na “What is Language?” na binanggit sa aklat ni Alcomtiser P. Tumangan et.
al., ang wika ang pangunahing anyo ng simbolikong gawaing pantao. Ang mga simbolong ito ay binubuo ng mg
atunog na nililikha ng aparato sa pagsasalita at isinasaayos sa mga klase at patern na lumilikha sa isang komplikado
at simetrikal na istruktura.

San Buenaventura (1985): Ang wika ay isang larawang binibigkas at isinusulat. Isang kahulugan, taguan, imbakan o
deposito ng kaalaman ng isang bansa. Isang ingat-yaman ng mga tradisyong nakalagak dito. Sa madaling salita, ang
wika ay kaisipan ng isang bansa kaya’t kailanman ito’y tapat sa pangangailan at mithiin ng sambayanan. Taglay nito
ang haka-haka at katiyakan ng isang bansa.

MGA KATANGIAN NG WIKA:


1. Ang wika ay pantaong tunog.
-Hindi lahat ng tunog na maririnig ay maituruing na wika. Ang wika ay nabubuong tunog sa pamamagitan
ng samgkap ng pagsasalita tulad ng labi, dila, ngipin, ngalangala, babgtingang tinig at iba pang bahagi ng
speech o organ o mga bahagi ng katawan sa pagsasalita ng tao. Masasabing ang wika ay wikang sinasalita,
ang mga nakasulat na mga salita ay larawan o simbolo lamang ng wikang ginagamit.
2. Ang wika ay masistemang balangkas.
-May sistema ang wika. Ito ay ang palatunugan (ponolohiya), paabuuan (morpolohiya), at palaugnayan
(sintaks). Mapapatunayan din ito sa pamamagitan ng kataga, ang gamit ng katinig at patinig sa pagbuo ng
salita. Gayundin ang gamit, ayos at anyo ng pangungusap (nauuna ang simuno sa panaguri o ang panaguri
sa simuno).
3. Ang wika ay arbitraryo.
-Ang wika ay pinili at isinaayos ang mga tunog sa paraang pinakagsunduan sa isang pook o lugar. Ang
pagbabagong naganap ay dala marahil ng impluwensiya ng ibang bansang nagging kaugnay ng isang bansa
dahil sa pampulitika, panlipunan o pang-ekonomiyang karanasan.
TAGALOG PAMPANGA PANGASINAN AKLAN WARAY
baliktad Baligtad baliktar baliskad balikad

4. Ang wikang ay patuloy na nagbabago o daynamiko.


-Ang panahon ay patuloy na nagbabago kaya ang pamumuhay ng tao ay nagbabago din dulot ng agham at
teknolohiya. Gayundin ang wika, patuloy na lumalawak ang talsalitaan ng wika kaya kailangang magbago
rin ang ortograpiya at alfabeto maging ang sistema ng palabyabayan.

Alibata (17) → Abakada (20) → Abicedario (31) → Alpabeto (20+8) → Alfabeto (28)

5. Ang wika ay kabuhol ng kultura.


-Ang wika at kultura ay dalawang bagay na hindi pwedeng paghiwalayin. Nakikilala ang kultura ng isang tao
ayon sa kanyang wikang ginagamit. Sa pamamagitan ng wika, nakakaalam at nagkakaugnayan sa
pamumuhay, saloobin, tradisyon, mithiin at paniniwala ang mga tao.
6. Ang wika ay komunikasyon.
-Ang wika ay behikulo ng komunikasyon ng dalawang taong nag-uusap. Ginagamit ang wika upang ipahayag
ang ating damdamin, pangangailangan, at iniisip. Ang wika ay ginagamit sa pakikipagtalastasan sa lahat ng
pagkakataon.
7. Ang wika ay malikhain.
-Taglay ng wika ang set ng mga tuntunin na makapagbubuo ng kahit na anong haba ng pangungusap. Naging
malikhain din ito sa paraang nakabubuo tayo ng tula, kuwento, awitin, sanaysay at iba pang akdang
pampanitikan gamit ang wika.
8. Ang wika ay natatangi.
-Ang bawat wika ay may kanyang set ng mga tunog, mga yunit panggramatika at kanyang sistemang
palaugnayan. Ang bawat wika ay may katangiang pansariling naiiba sa ibang wika. Walang wika na
magkatulad na magkatulad. Kung may pagkakatulad marahil ito ay nasa piling salita lamang.

MGA TEORYA NG WIKA


1. Bow-wow- Kalikasan. Isinasaad ng teoryang ito na ang tunog na nalikha ng kalikasan, anuman ang
pinagmulan ay ginagad ng tao.
2. Ding-dong- Bagay. Ipinalagay sa teoryang ito na ang lahat ng bagay sa kapaligiran ay may sariling tunog na
siyang kumakatawan sa nasabing bagay.
3. Pooh Pooh- Tao. Ipinalalagay na ang tai ang siyang lumikha ng tunog at siya ring nagbibigay ng kahulugan.
Dahil sa hindi sinasadya ay napabulalas sila bunga ng mga masisidhing damdamin tulad ng sakit, tuwa,
sarap, kalungkutan, takot, pagkabigla, at iba pa.
4. Yo-he-ho- Pinaniniwalaan ng linggwistang si A. S. Diamond (2003), na ang tao ay natutong magsalita bunga
diumano ng kanyang pwersang pisikal.
5. Ta-ta- Sa mga kumpas at galaw ng kamay na ginagawa sa partikular na okasyon ay ginagaya ng dila hanggang
ito ay makalikha ng tunog at natutong magsalita ang mga tao. Ang tawag ditto ay ta-ta na sa French ay
nangangahulugang paalam o goodbye.
6. Sing-Song- Inimungkahi ng linggwistang si Jesperson na ang wika ay nagmula sa paglalaro, pagtawa,
pagbulong sa sarili, panliligaw. Iminungkahi pa niya na taliwas sa iba pang teorya, ang mga naunang salita
ay sadyang mahahaba at musical, at hindi bulalas.
7. Tarara-boom-de-ay- Sa mga tunog na galling sa ritwal ng mga sinaunang tao ang nagging daan upang
matutong magsalita ang tao. Ang mga sayaw, sigaw, incantation at mga bulong ay binigyan nila ng
kahulugan at sa pagdaan ng panahon ito ay nagbago-bago.
8. Hocus Pocus- Ayon kay Boeree (2003), maaaring ang pinanggalingan ng wika ay tulad ng mahikal o
relihiyosong aspeto ng pamumuhay ng ating ninuno.
9. Eureka!- Sadyang inimbento ang wika ng ating mga ninuno.
10. Rene Descartes- Hindi pangkaraniwang hayop ang tao kung kaya’t likas sa kaniya ang gumamit ng wika na
aangkop sa kaniyang kalikasan bilang tao. May aparato ang tao lalo na sa kanyang utak gayundin sa
pagsasalita upang magamit sa mataas at komplikadong antas ng wika.
11. Plato- Nalikha ang wika bunga ng pangangailangan. Necessity is the mother of all invention. Sa paniniwalang
ito, gaya ng damit, tirahan at pagkain, pangunahing pangangailangan din ng tao ang wika kung kaya’t
naimbento ito ng tao.
12. Charles Darwin- Nakikipagsapalaran ang tao kung kaya’t nabuo ang wika. Survival of the fittest, elimination
of the weakest. Ito ang simpleng batas ni Darwin. Upang mabuhay ang tao, kailangan niya ng wika. Ito ay
nakasaad sa aklat ni Lioberman (1975) na may pamagat na “On the Origin of Language”.

ANTAS NG WIKA
1. Balbal- Pinakamababang antas ng wika. Karaniwang likha lamang ang mga ito. Mga salitang pangkalye o
panlansangan.
Halimbawa: erpats, mudra, bes, siz at iba pa
2. Kolokyal- Mga salitang ginagamit sa pang araw-araw na hinalaw sa mga pormal na mga salita. Ginagamit sa
okasyong impormal at isinasaalang-alang ditto ang mga salitang madaling maintindihan.
Halimbawa: titser, miting, klaklase at iba pa
3. Lalawiganin- Ang wikang ito ay ginagamit sa isang rehiyon lamang at ang mga tagaroon lamang ang
nakakaunawa nito.
Halimbawa: vakul (Batanes), malong (Maranao), tupig (Pangasinan)
4. Teknikal- Gamit sa iba’t-ibang disiplina/sitwasyong akademiko.
Halimbawa: Accountancy, Internet, Computer, at iba pa
5. Masining o Pampanitikan- Pinakamataas na antas ng wika. Itinuturing na pinakamayamang uri ng wika.
Kadalasa’y ginagamit ang salita sa ibang kahulugan. Gumagamit ng idyoma, tayutay, at iba’t-ibang tono,
tema at punto.
Halimbawa: salamisim, kadaupang-palad

WIKANG PAMBANSA, WIKANG PANTURO, WIKANG OPISYAL


1. Wikang Pambansa
-Sinasabing wikang pinagtibay ng pambansang pamahalaan ang wikang Pambansa na ginagamit sa
pamamahala sa at pakikipag ugnayan sa mamamayang kaniyang sakop. At kung ang bansa ay multilingguwal
na tulad ng Pilipinas, dapat lamang asahan na ang wikang Pambansa ang magiging tulay na wika sap ag-
uugnayan ng iba’t-ibang pangkat sa kapuluhan na may kani-kanilang katutubong wikang ginagamit. Bukod
ditto, ito rin ang pambansang daluyan ng komunikasyong tulad ng telebisyon, radio at mga pahayagan,
gayon din naman ang mga kilalang polyiko, komentarista, mga manunulat at makatang gusting maabot ang
buong bansa.

2. Wikang Panturo
-Ang wikang Pambansa na itinadhana ng batas ay gagamitin bilang wikang panturo. Gagamitin ito upang
makatulong sa pagtatamo ng mataas na antas ng edukasyon. Mahalaga ang mabilis nap ag-unawa sa tulong
ng wikang panturo upang makaagapay sa akademikong pag-unlad. Magiging makahulugan ang pagkatuto
gamit ang wikang panturo. Gaya ng isinasaad sa Probisyong Pangwika ng Artikulo XIV ng Saligang-batas ng
1987, Sek. 6 kaugnay ng wikang panturo:

“Sek. 6 – Ang wikang Pambansa ng Pilipinas ay Filipino. Samantalang nililinang, ito ay dapat na payabungin
at pagyamanin pa salig sa mga umiiral na wika sa Pilipinas at iba pang mga wika. Dapat magsagawa ng mga
hakbangin ang pamahalaan upang ilunsad at puspusang itaguyod ang Filipino bilang midyum ng opisyal na
komunikasyon at bilang wika sa pagtuturo sa sistemang pang-edukasyon.”

3. Wikang Opisyal
-Tinatawag na wikang opisyal ang principal na wikang ginagamit sa edukasyon, sa pamahalaan, at sa politika,
sa komersyo at industriya. Ipinahayag naman sa Sek. 7 ng Artikulo XIV ng Saligang-batas ng i987 na:

“Ukol sa mga layunin ng komunikasyon at pagtuturo, ang mga wikang opisyal ng Pilipinas ay Filipino at
hangga’t walang itinatadhana ang batas, Ingles.”
Tinatanggap din na ang Ingles ay isa sa wikang opisyal maliban sa Filipino. Maaari itong gamitin sa
pakikipagkomunikasyon at edukasyon, hangga’t walang batas na nagbabawal gamitin ang Ingles sa nasabing
mga sitwasyon, kaagapay ito ng Filipino bilang wikang opisyal.

BILLINGGUWALISMO AT MULTIBILINGGUWALISMO

BILINGGUWALISMO MULTIBILINGGUWALISMO
Nagtatakda na Ingles ang gagamitin bilang Paggamit ng maraming wika ang
wikang panturo sa asignaturan Agham at Matematika multilingguwalismo. Nagiging laganap na ang ekposyur
at wikang Filipino sa lahat ng iba pang asignatura sa ng isang indibidal sa maraming wika. Sa paggamit nito,
mababa at mataas na paaralan. maaaring may positibong epekto ito sa mga tao.
Ang Edukasyong Bilingguwal ay Nagkaroon ng isang pag-aaral tungkol sa paggamit ng
nangangahulugan ng magkahiwalay na paggamit ng maraming wika, Nakita sa nasabing pag-aaral na ang
Filipino at Ingles bilang mga midyum ng pagtuturo sa kakayahan upang gamitin ang isang wika ay nagdudulot
mga tiyak na asignatura. Dapat masunod ang ng magandang bentahe sa isang indibidwal.
magkahiwalay na paggamit ng Filipino at Ingles sa
pagtuturo.
Dapat na matamo ang kahusayan sa pagbasa
sa mga wikang panrehiyon, sa Filipino at Ingles nang
yugto-yugto. Sa mga lugar na hindi katutubong
sinasalita ang Tagalog maaaring iturong pasalita ang
Filipino na gumagamit ng mga paraan, Teknik, ata
kagamitan na kinakailangan sa pagtuturo ng Filipino sa
mga di-Tagalog.

Magkahiwalay na gamit ng Filipino at Ingles ang tungkol sa bilingguwalismo, samantalang paggamit ng Mother
Tongue tungo sa pagkatuto ang MTB-MLE (Mother Tongue-Based Multilingual Education). Ang mga sumusunod ay
mga Kautusang Pangkagawaran na may kaugnayan sa bilingguwalismoat multilingguwalismo:

o Kautusang Pangkagawaran Blg. 25, S. 1974


-Nilagdaan ni Kalihim Juan Manuel ng Kagawaran ng Edukasyon at Kultura na nagtatakda ng panuntunan
ng pagpapaunlad ng Patakaran ng Edukasyong Bilingguwal.

o Kautusang Pangkagawaran Blg. 52, S. 1987


-Atas Tagapagpaganap Blg. 335 na nag-aatas sa lahat ng mga kagawaran, kawanihan, opisina, ahensiya,
instrumentality ng pamahalaan na gamitin ang Filipino sa opisyal na mga transaksiyon, komunikasyon, at
korespondiya.

o Kautusang Pangkagawaran Blg. 74, S. 2009


-Institusyonalisasyon ng Mother Tongue-Based Multilingguwal na Edukasyon (MTB-MLE).

REGISTER, BARAYTI, HOMOGENOUS, HETEROGENOUS


1. REGISTER
Maraming naghahambing ng register sa diyalekto. Ang register ay baryasyon batay sa gamit,
samantalang ang diyalekto ay batay sa gumagamit.
Tinatawag ding estilo sa pananalita ang register. Ang isang tao ay maaaring gumamit ng iba’t-ibang
estilo sa kaniyang pagsasalita o maging sa pagsulat upang maipahayag ang kaniyang nadarama.
Iba ang register ng guro kapag kausap niya ang punong-guro, iba rin ang gamit niyang register kapag
kausap niya ang mga kasamahang guro, at lalong naiiba ang register niya kung kaharap ang
kaniyang mga mag-aaral.
Isang pinanggagalingan ng mga baryasyon ng pananalita ng indibidwal ay depende sa mga
sitwasyon ng paggamit. Hindi lang kaso ito ng kung sino tayo kundi kung anong mga sitwasyon ang
kinapapalooban natin.
Halimbawa ng ilang sitwasyon:
 Bibigyan kita ng reseta para sa sakit.
Pagsusuri: Mahihinuhang doctor ─ sa pasyente ang usapan.
 Igisa ang bawang, sibuyas, at kamatis. Lagyan ng kauning tubig, pakuluin, timplahan, ilagay
ang giniling, huli ang patatas.
Pagsusuri: Mula naman sa isang resipe.
 Alis mantsa, alis amoy, malambot sa damit.
Pagsusuri: Isang adbertisment.

2. BARAYTI
Ipinahayag ni Alonzo (2002) na ang barayti ng wika ay isang maliit na grupo o pormal o
makabuluhang katangian na nag-uugnay sa partikular na uri ng katangiang sosyo-sitwasyonal. Ayon
kay Catford, may dalawang uri ng barayti. Una, ang humigit-kumulang ay permanente para sa
tagapagsalita/tagabasa (performer). Ikalawa, humigit-kumulang ay pansamantala dahil nagbabago
kung may pagbabago sa sitwasyon ng pahayag.

2 Uri ng Barayti ng Wika:


1) Permanenteng Barayti
-Binubuo ng idyolek at diyalekto ang permanenting barayti.
a. Idyolek- Ito ang tawag sa kabuuan ng mga katangian sa pagsasalita ng tao. May iba’t-ibang
salik nanakapaloob ditto kung bakit ito nagaganap. Ang mga salik na ito ay ang gulang,
kasarian, hilig o interes, at istatus sa lipunan.
b. Diyalekto- ito naman ang barayti na batay sa lugar, panahon, at katayuan sa buhay.
i. Diyalektong Heograpiko- baryasyon sa diyalekto batay sa espasyo.
Hal: Ang bilang na lima. Sa Rehiyon III─ Tagalog ang diyalekto sa Bulacan at Bataan;
may bahagi sa Tarlac na Ilocano ang diyalekto ngunit ang mga nasabing lugar ay
pare-parehong ginagamit ang salitang lima. Magkakatabi ang mga nasabing
lalawigan na nasa isang rehiyon, ngunit dahil sa heograpikong kalagayan ay may
mga salita na pareho lamang ang gamit at baybay.
ii. Diyalektong Temporal- baryasyon sa diyalekto batay sa panahon
Hal: Ang salitang banas ng mga taga-Quezon sa Rehiyon IV-A ay nagpapahayag na
mainit ang panahon.
iii. Diyalektong Sosyal- baryasyon sa diyalekto batay katayuang sosyal.
Hal: Ang salitang sugba sa Visayas ay ihaw ang ibig sabihin. Ang daga sa Bicol ay
lupa, samantalang sa Tagalog ay isa itong uri ng hayop.

2) Pansamantalang Barayti
-Ang pansamantalang barayti ng wika ay kaugnay sa kagyat na sitwasyon ng pahayag. Nabibilang
ditto ang register, mode, at estilo.
a. Register- ang register ay barayting kaugnay ng higit na malawak na panlipunang papel na
ginagampanan ng tagapagsalita sa oras ng pagpapahayag.
b. Mode- Ang mode o yaong barayting kaugnay sa midyum na ginagamit, maaaring pasalita o
pasulat.
c. Estilo- Ang estilo ay maaaring pormal, kolokyal at intemeyt.

3. HOMOGENOUS
-Sa konseptong ito ng wika, ipinahahayag na may iisang katangian ang wika tulad ng language universals.
Ibig sabihin, lahat ng wika ay may bahagi ng pananalitang pangngalan at pandiwa. Karaniwang isa lamang
ang layunin at ang gumagamit. Isa lamang ang gamit ng wika.

4. HETEROGENOUS
-Sa konseptong ito ng wika, iba-iba ang gamit, layunin, at gumagamit. Iba-iba ang wika dahil sa lokasyong
heograpiko, pandarayuhan, sosyo-ekonomiko, political, at edukasyonal na katangian ng isang partikular na
lugar o komunidad na gumagamit ng naturang wika. Halimbawa, sa Pilipinas, ang pagiging multilingual ay
nagsasabi na nag-iiba ang wika.
LINGGUWISTIKONG KOMUNIDAD, UNANG WIKA, PANGALAWANG WIKA
1. Linggwistikong Komunidad
-May kaugnayan sa pagpapaunlad ng wika. Isinasaalang-alang din ang tungkol sa idyolek, sosyolek, at
diyalek ng pangkat ng tao sa isang komunidad.
2. Unang Wika
-Wikang natutuhan ng isang tao mula noong kaniyang kapanganakan. Batayan para sa pagkakakilanlang
sosyolingguwistika ang unang wika ng isang tao. Tinatawag din itong katutubong wika. May simbolong L1.
3. Pangalawang Wika
-Iba pang wikang pinag-aaralan o natutuhan maliban pa sa unang wika
Halimbawa:
Kung ang unang wika ay ang kinagisnang wika (mother tongue) at kapag pinag-aralan ang iba pang
wika, ito ang kaniyang pangalawang wika maging ang iba pang wikang pinag-aralan: Simbolo nito ang L2.
Ang kasalukuyang wikang Pambansa na Filipino ang pangalawang wika ng nakararaming Pilipino.

GAMIT NG WIKA SA LIPUNAN


Pasalita man o pasulat, may kani-kaniyang gamit ang wika sa lipunan. Mahalaga ang nasabing mga tungkulin
o gamit ng wika sa epektibong pakikipagkomunikasyon. Ang mga sumusunod ang mga gamit ng wika sa
lipunan:

PANG-INSTRUMENTAL
Katangian: Tumtutugon sa mga pangangailangan. Nagpapahayag ng pakiusap, pagtatanong, at pag
uutos.
Pasalita Pasulat
Pakikitungo, Pangalakal, Pag-uutos Liham Pangalakal
PANREGULATORI

Katangian: Kumokontrol/Gumagabay sa kilos at asal ng iba.

Pasalita Pasulat
Resipe, Direksyon sa isang lugar, Panuto sa
Pagbibigay ng panuto/direksyon, Paalala Pagsusulit at Paggawa ng isang Bagay, Tuntunin sa
Batas na Ipinapatupad
PANG-INTERAKSIYONAL

Katangian: Nakapagpapanatili, nakapagtatatag ng relasyong sosyal.

Pasalita Pasulat
Pormulasyong Panlipunan:
Liham Pangkaibigan
 Pangungumusta, Paganyayang Kumain,
 Imbitasyon sa Isang Okasyon (Kaarawan,
Pagpapatuloy sa Bahay, Pagpapalitan ng
Anibersaryo, Programa sa Paaralan)
Biro, at marami pang iba.
PAMPERSONAL

Katangian: Nakapagpapahayag ng sariling damdamin o opinyon.

Pasalita Pasulat
Editoryal o Pangulong-Tudling, Liham sa Patnugot,
Pormal o Di-pormal na Talakayan, Debate, o
Pagsulat ng Suring Basa, Suring-Pelikula o
Pagtatalo
Anumang Dulang Pantanghalan.
PANGHEURISTIKO

Katangian: Naghahanap ng mga impormasyon o datos.

Pasalita Pasulat
Pagtatanong, Pananaliksik, at Pakikipanayam Sarbey, Pamanahong Papel, Tesis, Disertasyon
PANREPRESENTATIBO

Katangian: Nagpapahayag ng komunikasyon sa pamamagitan ng mga simbolo o sagisag.

Pasalita Pasulat
Pagpapahayg ng hinuha o Pahiwatig sa mga Mga anunsiyo, Patalastas, Paalala
SImbolismo ng Isang bagay o paligid
PANG-IMAHINASYON
Katangian: Ang pagiging malikhain ng tao ay tungkuling nagagampanan niya sa wika. Nalilikha ng tao ang
mga bagay-bagay upang maipahayag niya ang kaniyang damdamin.
Pasalita Pasulat
Pagbigkas ng Tula, Pagganap sa Teatro Pagsulat ng Akdang Pampanitikan

COHESIVE DEVICES
Ang mga cohesive device ay maraming gamit tulad ng pagpapaliwanag sa pagbibigay-halimbawa sa mga
gamit ng wika sa lipunan. Iba pang gamit ng cohesive device ay:

1. pagpapahayag ng pagdaragdag na madalas makita sa unahan ng pangungusap bagama’t makikita rin sa


gitna ng pangungusap bilang pang-ugnay sa dalawang sugnay.
Halimbawa: ganoon din, gayundin, at/at saka, bilang karagdagan, dagdag pa rito/riyan/roon, hindi
lamang…, pati na
2. pagpapahayag ng kabawasan sa kabuuan
Halimbawa: maliban sa/sa mga/kay/kina, bukod sa/sa mga/kay/kina
3. pagpapahayag ng dahilan na resulta ng isang pangyayari o kaganapan
Halimbawa: kaya/kaya naman, dahil sa/sa mga/kay/kina, pagkat/sapagkat, dahil ditto, bunga nito
4. pagpapahayag ng kondisyon na bunga ng kinalabasan
Halimbawa: sana, kung, kapag, sa sandaling, basta’t
5. pagpapahayg ng taliwasan/salungatan/contrast
Halimbawa: pero, ngunit, sa halip, kahit (na)
6. pagpapahayag ng di-pagsang-ayon, pagsang-ayon, at di-ganap na pagsang-ayon
Halimbawa: kung gayon, kung ganoon, dahil ditto, samakatuwid, kung kaya
7. pagpapahayg ng pananaw/punto-de-bista
Halimbawa: mula sa paningin ng/ng mga, alinsunod sa, ayon sa, para, kay, sa paningin nina, batay
sa
8. pagpapahayag ng probalidad, kakayahan, o paninindigan
Halimbawa: maaari, puwede, possible, marahil, siguro, sigurado, tiyak, malaki ang posibilidad
9. pagpapahayag ng pagbabago ng paksa o tagpuan
Halimbawa: gayunman, ganoon pa man, gayunpaman, sa kabilang dako, sa isang banda, samantala
10. pagpapahayag ng pagbibigay-linaw sa isang ideya, pagbubuod at paglalahat
Halimbawa: sa madaling salita, sabi, bilang paglilinaw, kung gayon, samakatuwid, kaya, bilang
pagwawakasa, bilang kongklusyon
11. pagpapahayag ng halimbawa
Halimbawa: bilang halimbawa, ilan sa mga halimbawa
12. pagpapahayag ng patunay
Halimbawa: bilang pagpapatunay, patunay nito
13. pagpapahayag ng kabaligtaran at taliwasan
Halimbawa: kataliwas nito/rito/riyan, taliwas sa ulat/paniniwala, bagkus
14. pagpapahayag ng pag-uugnayan ng mga pangungusap o talata
Halimbawa: kaugnay nito/riyan
15. pagpapahayag ng sabay na kalagayan o pangyayari
Halimbawa: kasabay nito/niyan, kaalinsabay nito/niyan
16. pagpapahayag ng pagsusunuran ng kalagayan o pangyayari
Halimbawa: kasunod nito/niyan
KASAYSAYAN NG WIKANG PAMBANSA

s
ILANG BATAS, KAUTUSAN, PROKLAMASYONG PINAIRAL SA PAGPAPAUNLAD NG WIKANG PAMBANSA:
TAGALOG/PILIPINO/FILIPINO
o Kautusang Tagapagpaganap Blg. 263 (Abril 1, 1940)- Isinasaad ang pagpapalimbag ng “A Tagalog
English Vocabulary” at “Ang Balarila ng Wikang Pambansa”. Inihayag din ang pagtuturo ng wikang
Pambansa (Tagalog) sa mga paaralang pampubliko at pribado simula Hunyo 19, 1940.
o Batas ng Komonwelt Blg. 570- Ipinahayag na isa sa wikang opisyal ang wikang Pambansa (Tagalog)
simula Hulyo 4, 1946.
o Proklamasyon Blg. 12- Ipinalabas noong mArso 26, 1954 ni Pang. Ramon Magsaysay ang
pagkakaroon ng pagdiriwang ng Linggo ng Wika mula Marso 29-Abril 4 (kapanganakan ni Francisco
Balagtas).
o Proklamasyon Blg. 186 (1955)- Inilahad ang paglilipat ng pagdiriwang ng Linggo ng Wika sa Agosto
13-19 (kapanganakan ni Manuel L. Quezon).
o Kautusang Pangkagawaran Blg. 7- Ipinalabas noong Agosto 13, 1959 ng noo’y Kalihim ng
Kagawaran ng Edukasyon na si Jose E. Romero na nag aatas na tawagin ang wikang Pambansa na
Pilipino.
o Saligang-batas ng 1987, Artikulo XIV, Seksyon 6- Filipino ang wikang Pambansa ng Pilipinas.
o CHED (Commission on Higher Education) Memorandum Blg. 59 (1996)- Nagtadhana ng 9 na yunit
na pangangailangan ng Filipino sa kolehiyo o Pamantasan.
o Prokalamasyon Blg. 1041 (1997)- Nilagdaan at ipinalabas ni Pangulong Fidel V. Ramos na
nagtatakda na ang buwan ng Agosto, ang buwan ng wikang Filipino.

You might also like