Download as doc, pdf, or txt
Download as doc, pdf, or txt
You are on page 1of 3

Bernard R.

Javier
(BSED-IV)

Maikling Banghay-Aralin
I. Layunin:
Sa pagtatapos ng apatnapung minutong aralin, ang mga mag-aaral ay inaasahang:
A. natutukoy ang pagkakaiba-iba ng tatlong antas ng pang-uri,
B. napapahalagahan ang gamit ng tatlong antas ng pang-uri sa pangungusap; at
C. nakasusulat ng mabilisang pangungusap gamit ang salita sa bawat antas ng pang-uri.
II. Paksang Aralin:
A. Paksa: Kaantasan ng Pang-uri
B. Sanggunihan: hiyas wika 5, PP. 130-138, google.com
C. Kagamitan: larawan, plaskard, comic strip, pentel pen, cartolina, kahon, at laptop
D. Pagpapahalaga:
Kahalagan ng Sipag at Tiyaga para sa pag-
unlad
III. Pamamaraan:

 Pagbati
Babatiin ni guro ang mga mag-aaral.

 Panalangin
Magtatawag ang guro ng isang mag-aaral para pangunahan ang panalangin

 Pagtala ng Liban
Ang guro ay aalamin kung may mag-aaral bang lumiban sa klase.

 Paglatag ng Alituntunin
(Ipapalam ng guro ang kaniyang mga alituntunin.)

 Pagsasanay:
Magpapakita ang guro ng mga salitang natalakay noong nakaraang talakyan at ipapabsa
sa klase

 Balik- Aral:
Magtatanong ang guro ng mga pinag-aaralan sa nakaraang talakayan.

 Pangganyak
Ipapaskil ng guro sa pisara ang isang larawan:
Babasahinng dylogo, ang mga lalaki ang magbabasa sa linya ng mga lalaki at ang
mga babae naman ang magbabasa sa linya ng babae sa larawan)
naintindihan ba klase?
 Paglalahad
Aalamin at pag-aaralan natin kung ano-ano ang mga kaantasan ng pang-uri.

 Pagtalakay sa Aralin

Kaantasan ng Pang-uri
LANTAY, PAHAMBING at PASUKDOL
1.Lantay- itoy naglalarwan ng isang katangian ng tao, bagay, lugar at pangyayari.
2.Pahambing ay nagtutulad o pinaghahambing ang katangian ng dalawang tao, bagay, lugar
at pangyayari.
Dalawang uri ang pahambing

A. pahambing na magkatulad - nagtataglay ng pagkakatulad ng katangian, kung saan


ginagamitan ito ng pananda o mga panlaping maka-uri tulad ng Sing, kasing, magkasing at
magsing.

B. pahambing na di-magkatulad- ang pinaghahambing ay hindi magkapantay ang


katangian.

3. pasukdol- itoy nagpapakita ng pinakamatindi o pinakasukdulang katangian sa


paghahambing ng higit sa dalawang tao, bagay, lugar at pangayayari.
Gumagamit ng panlaping pinaka, napaka, pagka at mga salitang ubod ng, hari ng, reyna ng,
sakdal at sobra

 Paglalahat
Magtatanong ang guro tungkol sa mga Tinalakay.

 Paglalapat
Pangkatang gawain: Papangkatin ang klase sa dalawang grupo. Bawat grupo bibigyan ng
tig-isang flag.
Pipili ang isang mag-aaral ng katunggali sa kalabang grupo. Ang grupong mas maraming
nakaunang miyembro na nakapagbigay ng pangungusap ang siyang panalo.

 Pagpapahalaga
(Magtatanong ang guro)
Ano ang dapat ninyong gawin kung bibigyan kayo ng gawain upang umunlad.

IV. Pagtataya:
Ang mga mag-aaral ay susulat ng pangungusap gamit ang mga kaantasan ng pang-uri.

V. Takdang Aralin:
Magbibigay ang guro ng gawain sa bahay.
Sa buong isang papel sumulat ng isang sanaysay, ilarawan ang katangian ng
inyong pamilya gamit ang mga salitang lantay, pahambing, pasukdol at bilugan ang
mga ito.

You might also like