Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 4

FLA # 6: NILAY PAPIL

Kung atin lamang babaliktanawin ang buong maalimuot na katotohanan sa likod ng

kasaysayan natin upang makamit lamang ang pagiging isang malayang lahi ay tunay nga bagang

hindi natin makakalimutan ang isang tunay na pilipinong tapat na nagpagal at namumukod tangi

higit sa lahat na iyon ay walang iba kundi ang ating pambansang bayani na si Dr. Jose P. Rzal.

Kaakibat ng kaniyang pagiging bayani ay ang kaniyang taglay na katalinuhan sa paglikha ng

makapangyaring mga salita gamit ang panulat na papel at pluma. Kaya nama’y muli nating

sasariwain ang ilan sa kaniyang tanyag na mga akdang naisulat sa pamamgitan ng gamay na mga

tanong. Una, anu-ano nga ba ang analitikal na pananaw na makukuha sa dalawang nobela?

Pangalawa, ano ang implikasyon nito sa pagtuturo ng nobela?

Para sa akin bilang isang nilalang na may sariling lahi, kulay, wika at higit sa lahat bilang

isang mamayang Pilipino, ang kahalagahan ng pag-aaral ng mga akdang naisulat ng ating

pambansang bayani na si Dr. Jose Rizal partikular na ang mga nobelang Noli Me Tangere at El

Filibusterismo ay isinulat upang lagi nating maalaala ang naging puhunan niya sa pagkakamit natin

ng ating kalayaan na kung saan kasalukuyan at patuloy parin nating tinatamasa hanggang ngayon.

At upang bigyang tuon ang kagitingang ipinamalas niya sa kabila man ng mga ginawa sa atin ng

mga dayuhang nanakop sa ating bansa noon. Una na rito ay ang kanyang naging nobela na Noli,

kung saan ito ang unang pumukaw sa mga natutulog na isipan ng mga Pilipino. Ito rin ay naging

gabay sa atin ngayon upang baliktanawin natin ang mga pangyayari naganap sa ating bansa noong

nakaraan. Nagdilat din ito sa maraming mamayanan natin noon sa kung ano talaga ang totoong

nagyari sa inang bayan. Pangalawa, ang mga nabanggit na dalawang nobelang ito ay naging parte

ng ating makulay na kahapon at nagpatingkad ng ating kasaysayan ngayon. Ang mga akdang ito
rin ay nagbigay ng inspirasyon at pag-asa sa ilan pang magigiting nating kababayan noon.

Pangatlo, malaki ang ginagampanan nito sa atin na mga Pilipino, kung saan pinapalawak nito ang

ating kaalaman hingil sa ating kasaysayan at maging ang mga aral na ating napulot mula rito ay

maari nating magamit sa personal na buhay at hindi lamang ngayon kundi kahit sa mga susunod

pang mga henerasyon. Gayunpaman, ang mga nasabing nobelang ito ay pinagmumulan rin ng mga

gintong aral.

Sa Noli Me Tangere, ipinamamanhid nito ang payapang pakikipaglaban para sa pagtatamo

ng kalayaan. Kaya nga para kay Rizal, ang pakikipaglaban ay hindi paggamit ng dahas gaano man

kalaki ang naging kasalanan ng tao sa atin. Isa pa ang napakamakapangyarihang mensahe ni Rizal

ay ang “hindi paglalagay ng batas sa ating mga kamay”. Kaya naman hindi natin mapagkakaila

ang taglay na kabutihan ng ating bayani. Na kahit sa kabila man ng pagmamalupit at pang-aapi ng

mga kastila at kasamaan ng mga dominikong pari noon kay Rizal ay hindi niya naisipan na

maghigante gamit ang madahas na pakikipaglaban. Bagkus, dinaan niya ito sa isang mapayapang

pamaraan upang tayo ay lubos na makalaya sa pagmamalupit ng mga Espanyol. Bagama’t dawit

din siya sa kaso patungkol sa mga prayle noon dahil sa kaniyang mga nobelang naisulat ay talaga

nama’y nagpapakita ng tunay na kulay ng mga prayle. Na kung saan ito ay naging sanhi ng

pagkagalit ng mga kastila sa ating pambansang bayani at rason kung bakit nakamit natin ang

kalayaan matagal ng inaasam-asam ng bawat isang Pilipino. Habang sa nobela niya naman na El

Filibusterismo, ay nangingibabaw rito ang paksang patungkol sa pampulitiko na nagpadama,

nagpapahiwatig at mas lalo pang nagpagising sa maalab na hangaring makapagtamo ng tunay na

kalayaan at karapatan ng bayan. Mahalagang pag-aralan din ito sapagkat ito ay naging instrumento

upang imulat ang mga ninonong Pilipino na makipaglaban noon para sa kalayaan. Ito rin ay

nagpapakita sa ilang sakit ng bayan natin noon na hanggang ngayon ay patuloy parin nating
nassaksihang nagaganap sa kasalukuya. At sa panghuli, inilalarawan din dito ang kaibahan ng

kalagayan ng simabahan at gobyerno noon kesa sa pamamahalang meron tayo ngayon.

Sa makatuwid ang mga nobelang ito ay tunay lamang na naglalahad ng katotohanan. Ang

kaisipan ng bayaning lumikha ng mga nobelang ito ay isang taktika niya upang ipaglaban tayo sa

mga mapang-abusong Esapanyol. Ang kaniyang malawak na kaisipan ay nagbigay daan sa

pagkamit natin ng tunay na kalayaan. Kaya marapat lamang na malaman at suriin natin ang

kasaysayan ng ating sariling bansa at maunawaan ang kahalagan ng ating bansang sinilangan at

pagkakakilanlan.
-745 WORDS

You might also like