Professional Documents
Culture Documents
PRAYERS-OF-THE-FAITHFUL-cba 2017
PRAYERS-OF-THE-FAITHFUL-cba 2017
1. Para sa Simbahan, ang ating Ina at Guro, nawa siya’y patuloy na maging tapat
sa kanyang misyon ng pagtuturo, pag-gabay at pagpapalago ng kanyang mga
anak, ang kawan ng Diyos, Manalangin tayo
2. Para sa Santo Papa, mga Obispo at mga pari, nawa’y patuloy silang biyayaan
ng lakas na makapagpastol sa kawang ipinagkatiwala sa kanila ni Hesus, ang
Mabuting Pastol. Manalangin tayo
3. Para sa lahat ng mga may katungkulan sa ating lipunan, nawa’y patuloy silang
makapaglingkod ng may kapakumbabaan, dangal at katapatan, alinsunod sa
mga turo ni Kristo. Manalangin tayo
4. Para sa mga nasa laylayan ng lipunan, mga may sakit, nasa bilangguan at mga
nahihirapan sa buhay, nawa’y patuloy silang palakasin ng ating pagmamahal
at mga panalangin. Manalangin tayo
5. Para sa College of Business Administration, ang ating dekano, mga
tagapamanihala, guro, kawani at mga mag-aaral, nawa’y patuloy nating
maisabuhay ang pagiging mga indibidwala para sa Diyos at Bayan.
Manalangjn tayo
6. Para sa ating pagdiriwang ng CBA Days 2018, nawa’y gabayan tayo ng
Panginoon at ating paunladin ang ating kapatiran sa iba’t ibang mga gawaing
nakatakda nating gawin. Manalangin tayo