Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 2

28 Juan Martin Paz 11 – HURTADO

BAKIT ITIM ANG NAZARENO?

Ang populasyon ng Pilipinas ay higit kumulang 86 prosyentong Katoliko (Miller,


n.d.) at isa sa mga pinaka inaabangan ng mga Katoliko tuwing Enero ay ang pista ng itim na
Nazareno. Ang pista na ito ay dindalo ng napaka raming deboto sa bawat sulok ng bansa.
Nakikisama sa misa at prusisyon ang mga deboto na umaabot ng dalawang araw ang tagal ng
selebrasyon at pagbibigay debosyon.
Hindi maipagkakaila na ang pinaka karaniwang imahe ng Panginoong Hesukristo ay
mailalarawan na mayroong mahabang buhok, putting kasuotan, at maputing balat. Ngunit
mula sa pangalan nito, ang imahen ng itim na Nazareno ay makikilala mula sa natatangi
nitong maitim na balat at mapulang kasuotan.
Ngunit, bakit nga ba itim ang Nazareno? Inaakala noon na nakuha ng Nazareno ang
maitim nitong kutis dahil sa isang aksidente. Sinasabi na ang kutis ng Nazareno noon ay
maputi, tulad ng mga Kastila. Ngunit dahil sa isang aksidente sa isang pagpapalitan sa isang
galleon, nasunog ang rebulto ng Nazareno at umitim ang kulay nito.
Ngunit, ang kwentong ito ay hindi totoo. Ayon kay When Vengco (2018) nakuha ng
Nazareno ang maitim nitong kutis dahil sa ginagamit na kahoy ng mga Mexicanong
gumagawa nito. Ang kahoy na ito ay galing sa puno ng mesquite. Ang kahoy mesquite o
mestize ay natural na maitim at isang popular na materyal sa paggawa ng mga estatwa noong
ika-labing anim na siglo. Ito ang nagsilbing midyum sa paggawa ng statwa ng Nazareno, o
popular ngayon bilang ‘Itim na Nazareno’.
Ngayon, ang maitim na kutis ng Nazareno ay hindi na lamang nagsisilbing
nagpapatangi sa imahen na ito ng Panginoon. Taon taon dagsaan ang mga tao sa Quirino
Grand Stand, mula madaling araw hanggang madaling araw kinabukasan, nagkukumahog na
maabot at mahawakan ang imahen ng Panginoon sa kanyang estanteria. Lahat ng pagod,
pawis, at dugo ng bawat deboto ay iniaalay para lamang matupad ang bawat dasal at hiling sa
Poong Maykapal. Mula sa simpleng imaheng gawa sa mestize, ang itim na Nazareno ay
naging simbolo na ng pag-asa at ng napaka tibay na pananampalataya ng sambayanang
Pilipino sa Katolisismo.
Sanggunian

Cabal, Ruth. “Color and Culture, behind Filipinos Devotion to the Black Nazarene.” CNN
Philippines, CNN Philippines, 9 Jan. 2018,
cnnphilippines.com/lifestyle/2018/01/09/black-nazarene-devotion.html.

Damo-Santiago, Corazon. “The Black Nazarene.” Business Mirror, Business Mirror, 7 Jan.
2018, businessmirror.com.ph/the-black-nazarene/.

Miller, Jack. “Religion in the Philippines.” Asia Society, asiasociety.org/education/religion-


philippines.

You might also like