Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 3

Masusing Banghay -Aralin

Filipino 4

I. Layunin

A. Pamantayang Pangnilalaman

Naipamamalas ang kakayahan sa mapanuring panonood ng iba`t-ibang uri ng media tulad ng


patalastas at maikling pelikula

B. Pamantayan sa Pagganap

Nakapagsasalaysay tungkol sa pinanood

C. Mga Kasanayang Pampagkatuto/Layunin

Naibibigay ang kahalagahan ng media (pangimpormasyon, pang-aliw, panghikayat ) F4PDI-e-2

II. Paksa

Pagbibigay ng kahalagahan ng media

III. Mga Kagamitan

1. Sanggunian:
a. K to 12 Filipino Gabay Pangkurikulum p68
2. Iba pang kagamitang Pampagpatuturo
a. Tsart, powerpoint, videoclips

IV. Pamamaraan

Guro: Sa araling ito, inaasahang matutuhan ninyo ang pagbibigay ng kahalagahan ng media.

A. Pagganyak
a. Pangkatang Gawain
Pagbuo ng Picture Puzzle

Guro: Idikit sa pisara ang mga nabuo ninyong larawan.

Anu-ano ang mga larawang nabuo ninyo?

Mag-aaral: Mga larawan po ng radio, tv, dyaryo at magazine.

B. Paglalahad ng Aralin

Guro: Alam niyo ba kun anu-ano ang mg a ito at kun saan ito ginagamit?
Mag-aaral: (magbibigay ng kani-kaniyang kasagutan)

Guro: Ang mga larawang nabuo ninyo kanina ay mga uri ng media. Ano ba ang media?

C. Pagtalakay sa Aralin

1. Gawaing Pagpapaunawa

A. Panonood ng video clips na nagpapakita ng media.Hal. ngbibigay impormasyon, nagbibigay-aliw,


nanghihikayat.

2. Pagtalakay

Guro: ( Gamit angPowerpoint Presentation, isa-isang ipaliliwanag ang kahulugan at gamit ng media, mga
uri ng media at kahalagahan nito.)

Itanong: Mahalaga ba sa atin ang media?Bakit?

Mag-aaral: Opo. Dahil ito po ay nghahatid sa atin ng mga impormasyon at kaalaman.

Guro: Magaling ang sagot mo. (Tatanggap ng iba pang kasagutan)

Itanong: Anu-ano ang mabuti at di-mabuting dulot nito sa atin?

Sasagot isa-isa ang mga bata.

Boardwork Activity

Ibigay ang gamit ng media sa sumusunod na sitwasyon.

D. Paglalahat

Itanong:

Ano ang media?

Paano nakakatulong ang media sa ating pang araw-araw nating gawain?

E. Pangkatang Gawain

Guro: (Pagbibigay pamantayan sa pagkakaroon ng Pangkatang Gawain at Rubrics ng Pangkatang


Gawain.)

Hahatiin sa 3 grupo ang klase. Bawat pangkat ay bibgyan ng ¼ na papel na naglalaman ng


kanilang gawain. Magsasadula ng sitwasyong nagpapakita ng mabisang paggamit ng media.

Pangkat I Ang media bilang gamit sa pagbibigay ng impormasyon.

Pangkat II Ang media bilang gamit sa pagbibigay aliw

Pangkat III Ang media bilang gamit sa paghihikayat


F. Pagtataya

Ibigay ang kahalagahan ng media sa mga sumusunod na sitwasyon.

a- nagbibigay ng impormasyon.
b- nagbibigay aliw
c- nanghihikayat
__________________1. Balita sa loob at labas ng bansa
__________________2. Paligsahan sa sayaw at pag-awit
__________________3. Pagpapalabas ng variety show
__________________4. Panawagan sa gaganaping pulong
__________________5. Patalastas ng iba`t ibang klase ng gatas

G. Takdang Aralin

Gumupit ng larawan ng uri ng media. Idikit ito sa kwaderno.

Isulat ang lahat ng bagay na matatagpuana o makikita rito.

Inihanda ni

CARMELA V. SAMBO

Guro

Pinansin:

MARIA THERESA R. RUIZO Ed.D JOCELYN C. ALDE

Punongguro MT

You might also like