Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 3

Republic of the Philippines

Department of Education
Region 02
School Division of Quirino
Saguday National High School
Saguday, Quirino
S.Y. 2018-2019

Unang Markahan
Edukasyon sa Pagpapakatao 8

Pangalan: ___________________________________________________ Puntos: __________


Baitang at Seksyon: __________ Petsa: ____________
Pagpipili-pili
Para sa bilang 1-25. Panuto: Basahing mabuti ang bawat katanungan at piliin lamang ang titik ng tamang
sagot isulat malaking titik sa patlang bago ang bilang. Hanggat maari iwasan ang anumang pagbubura ng
kasagutan sa inyong papel.
______1. Alin sa mga sumusunod ang pinakapangunahing unang humuhubog sa pagkatao ng isang bata.
A. Politiko B. Magulang C. Guro D. Estranghero
______2. Ano ang pinakapangunahing karapatan ng bata para makihalubilo sa kapwa bata at para matuto?
A. Pagkain B. Tahanan C. Edukasyon D. Buhay
______3. Tuwing sabado at lingo si Ana ay malagod na tumutulong sa gawaing bahay pagluluto, paglalaba at
paghuhugas ng plato. Ano ang magandang naipakita ni Ana na katangian?
A. Maasikaso B. Maalaga C. Matulungin D. Maganda
______4. Kung walang pagmamahalan, ang pamilya ay hindi matatawag na___________.
A. Pag-asa ng bayan C. Natural na institusyon ng pamilya
B. Paaralan ng pagmamahalan D. Pamayanan ng tao
______5. Ano ang pinakamaliit na unit sa lipunan sa paghubog ng isipan ng isang bata?
A. Komunidad B. Paaralan C. Pamilya D. Simbahan
______6. Ang kawalan ng pagkakaisa sa pamilya ay nagkakaroon ng posibleng epekto sa paglaki ng bata. Ano
ang mga posibleng resulta kung ang pamilya ay walang pagkakaisa?
A. Posibleng maging maganda ang kalabasan ng ugali ng bata
B. Natutong tumayo sa sariling paa ang isang bata at naiintindihan ang kalagayan ng pamilya
C. Kawalan ng pagkakaisa ay pagkakaroon din ng kawalan sa pagtitiwala sa sarili.
D. Kung ano ang nakikita ng bata sa loob ng pamilya ay maisasabuhay niya at ito rin ang
gagawin niya balang araw.
______7. Ang “Law of free giving” ay nangangahulugang ang mga magulang ay…
A. Pagtulong sa loob ng bahay ampunan
B. Pagtulong sa lahat ng batang may kapansanan para mabigyan ng inspirasyon sa buhay
C. Pagaampun sa isang bata walang kakayahan sa buhay upang maibigay ng pangangailangan
D. Pagtulong ng magulang sa isang anak upang matustusan ang pangangailangan ng walang
hinihinging kapalit.
_____8. Ang pamilya Santos ay nagkakaroon bonding tuwing sabado at linggo upang mapagbuklod-buklod ang
pagkakaisa ng pamilya. Ito ay nangangahulugang…
A. Marunong makisama sa barkada C. Nagkakaroon ng magandang samahan
B. Attensyon sa bawat isa D. Nawawalan ng oras para sa mga bata
_____9. Ang mabuting pakikitungo sa pamilya ay daan para sa mabuting pakikipagkapwa tao. Ano ang bunga
nito sa isang tao kung ito ay palagi niyang isinasabuhay?
A. Magkakaroon ng madaming suliranin sa buhay
B. Matutong makipag tyesmisan sa mga nakakatanda
C. Magkakaroon ng madaming pangungutangan
D. Pundasyon ng bata ang pamilya, dala hanggang sa pagtanda
_____10. Alin sa mga pamilya ang kawalan ng ugnayan sa bawat isa, maliban sa?
A. Ang pamilya ni Ana ay nakatira sa isang nayon nagbubuklod-buklod sila
B. Ang magulang ni Jack Ammo ay nasa ibang bansa nagtratrabaho
C. Ang pamilya ni Mang. Jack ay buong-buo tatlong beses kumain sa isang araw
D. Ang pamilya ni Aling Ana ay sabay-sabay na nagsisimba
_____11. Alin sa mga sumusunod ang kahulugan ng “paternal love” sa loob ng tahanan?
A. Pagsuyo ni Tatay kay Nanay C. Pagsasabi ng tapat sa magulang
B. Pagmamahal ng Magulang D. Nagdadalawang isip sa pagmamahal ng anak
_____12. Ang kawalan ng pagtuturo ng po at opo sa panahon ngayon ay isang suliranin sa komunikasyon. Ano
ang magiging resulta nito?
A. Inilalayo ang kalooban ng magulang sa mga anak
B. Madalang lang nagkakaintindihan
C. Madaling mapikon ang kausap
D. Kawalang galang sa mga nakakatanda
_____13. Si Mang. Teban ay isang magsasaka pinag-aaral niya ang kayang mga anak at walang ibang tanging
maipapamana kundi ang edukasyon. Ano ang pangunahing dahilan kung bakit gustong pag-aralin ni
Mang. Teban ang kanyang anak?
A. Para may ipagmamayabang sa mga kapwa magsasaka
B. Para makatulong sa gastusin sa bahay
C. Upang makapag ipon pambili ng sariling lupain
D. Tanging edukasyon lamang ang pwedeng maipamana at hindi kailanman mananakaw
______14. Ang pamilya ni Mang. Jack ay palaging buong pusong kasama ang kanyang may bahay at anak na
pumupunta sa kanilang simbahan. Ano ang pinapakita ng pamilya ni Jack?
A. Maasahan ang pamilya ni Mang. Jack sa simbahan
B. Naghuhugas kamay si Mang. Jack
C. Nagdadala ng swerte ang pagsisimba
D. Ang panginoon ang nagbubuklod sa bawat pamilya
______15. Ano man ang suliranin nandyan parin ang panginoon para gabayan lahat ng tao sa mundo?
A. Ang Diyos ay patuloy na sandalan ng tao sa hirap man o ginhawa
B. Madalas nakakalimot ang tao sa panginoon
C. Ang taong maka Diyos patuloy na nabibiyayaan
D. Ang lahat ng tao sa mundo ay may gampanin na nakalaan para sa panginoon
_____16. Ano ang dahilan kung bakit ang pagtutulungan ay natural sa pamilya?
A. Dahil kaligayahan ng bawat kasapi na makitang mabuti ang kalagayan ng buong pamilya.
B. Dahil wala nang iba pang magtutulungan kundi ang magkakapamilya.
C. Sapagkat kusang tumutulong ang bawat miyembro ng pamilya sa abot ng kanilang makakaya.
D. Kapag may problema ang isang kasapi ng pamilya, tulung-tulong ang buong mag-anak
_____17. Ano nga ba ang komunikasyon?
A. Ang komunikasyon ay ano mang senyas o simbolo na ginagamit ng tao upang ipahayag
ang kanyang iniisip at pinahahalagahan, kabilang ditto ang wika, kilos, tono ng boses,
katayuan, uri ng pamumuhay at mga gawa.
B. Sa pamamagitan ng komunikasyon ay naipapahayag ng mga kasapi ng pamilya ang
kanilang mga pangangailangan, ninanais at ang kanilang pagmamalasakit.
C. Ang komunikasyon sa pamilya ay ang paraan kung paano nagpapalitan ng pasalita at
di-pasalitang impormasyon sa pagitan ng mga kasapi nito.
D. Lahat ng nabanggit.
____18. Ano ang “I-Thou”?
A. Sa pakikipagdiyalogo tinitingnan mo ang kapwa na may paggalang sa kanyang dignidad kaya’t
inilalagay mo ang iyong sarili at ibinibigay ang buong atensyon sa pakikipagdiyalogo sa kanya.
B. Hindi tinitingnan ang kapwa bilang tao kundi isang daan upang makamit ang nais.
C. Pakikipagpalitan ng kuro-kuro o opinion.
D. Handang makinig at marinig.
____19. Ano ang “I-It”?
A. Sunudsunuran sa sinasabi ng iba.
B. Pakikipagpalitan ng kuro-kuro o opinion.
C. Hindi tinitingnan ang kapwa bilang tao kundi isang daan upang makamit ang nais.
D. Sa pakikipagdiyalogo tinitingnan mo ang kapwa na may paggalang sa kanyang dignidad kaya’t
inilalagay mo ang iyong sarili at ibinibigay ang buong atensyon sa pakikipagdiyalogo
_____20. Alin sa mga sumusunod ang una at pinakapangunahing pamantayan sa paghubog ng isang maayos na
pamilya?
A. Pinagsama ng kasal ng magulang C. Pagtatanggol ng pamilya sa kanilang karapatan
B. Pagkakaroon ng mga anak D. Mga patakaran sa pamilya
_____21. Sinasabi na ang pamilya ay isang natural na institusyon sa lipunan kayat ang pamilya ang unaan daan
sa pakikipagkapwa. Alin sa mga sumusunod na pahayag ang dahilan?
A. Ang bawat pamilya ay kasapi ng iba’t ibang institusyon ng lipunan.
B. Ang mga institusyon sa lipunan ay naitatag dahil sa pagdami ng pamilya.
C. Sa pamilya nahuhubog ang mabuting pakikipag-ugnayan at pagpapahalaga sa kapwa.
D. May nagsisilbing pangulo ng pamilya ang tatay.
______22. Ang mga sumusunod ay suliranin sa pamilya maliban sa ________________________________.
A. Kawalan ng tunay na komunikasyon sa pagitan ng mag-asawa, mga magulang at mga anak.
B. Madalas na sa pakikipag-usap sa mga anak, mas mahalaga sa magulang ang maipaunawa ang
nais nila para sa kanilang anak, hindi ang pakikinig sa nais ng mga anak.
C. Ang mga anak ay tinitingnan ang mga magulang bilang mga taong walang kakayahang makinig at
umanawa kaya’t mas minamabuti pa ang manahimik at itago ang tunay na nararamdaman.
D. Laging nagtatanong ang mga magulang tungkol sa mga nangyari sa anak sa araw-araw na lagi
naming nakukulitan ang mga anak.
______23. Alin sa mga sumusunod ang tawag sa pakikipag-ugnayan sa isang tao gamit ang kanyang gestures,
simbols, at ito rin ay tinatawag na di-pasalita?
A. Pasalita B. Verbal C. Jargons D. Non-verbal
______24. “Kapag matatag ang pamilya matatag din ang isang bansa”. Ano ang pinaka-ibig sabihin nito?
A. Ang pamilya ang pundasyon ng lipunan.
B. Kapag matatag ang pamilya, matatag din ang bansa, dahil ito ang bumubuo sa lipunan.
C. Kung ano ang puno siya din ang bunga. Kung ano ang pamilya siya din ang lipunan.
D. Ang pamilya ang salamin ng isang bansa, kung ano ang nakikita sa loob ng pamilya ganoon din sa
lipunan.
______25. Mula pagkabata si Tom ay madiskarteng bata na kung saan natuto siyang tumayo sa kanyang paa at
nakabangon sa lahat ng paghihirap. Ano ang ibig sabihin nito?
` A. Kahirapan ay hadlang sa pagkamit ng mga pangarap
B. Madalas mapaglaro ang tadhana
C. Madaling mabigo o panghinaan ng loob si Tom
D. Sa oras ng kahirapan may naghihintay na liwanag na tanging pag-asa
Para sa Bilang 26-30: Mula sa ibaba
A. Global B. Simbahan C. Pamilya D. Paaralan E. Kumunidad
______26. Si Tom ay pinalaking may pananampalataya sa Diyos at ginagawa lahat ng magandang asal na turo
ng simbahan.
______27. Unang gurong humuhubog sa pagkatao ng isang bata.
______28. Natuto ang isang mag-aaral sa pakikisalamuha at ditto rin nakikilala ang kanyang mga ikalawang
magulang.
______29. Natuto ang bata sa pakikipagkapwa tao at natutong makisalamuha.
______30. Lahat ng aspekto dito lahat nagagamit ng isang bata kung paano makipagsabayan sa modernong
panahon at natutong makipagkompetensya.

Do not be afraid I am with you -Isaiah 43:5


GOOD LUCK AND GOD BLESS
Inihanda ni:

Charlie T. Meriales
Iwinasto ni:

Yolanda Tan

Ipinasa kay:

Fides R. Pascual

You might also like