Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 5

Kabanata 1

Ang Suliranin at ang Kaligiran nito

Introduksiyon at Kaligiran ng Pag-aaral

Buod

May isang batang mahirap na tahimik lang palagi sa kanyang

klase. Ang kanyang damit ay luma na at tinapay lamang ang kanyang

baon palagi. At ang mga bagay na ito ang dahilan kung bagit siya

inaasar ng kanyang mga kaklase. Naiintindihan niya ang sitwasyon

ng kanilang pamilya. Isang araw biglang nagkatinig ang bata,

nagmmamalaking sinabi na mayroon siyang isandaang damit.

Ikinuwento niya sa kanilaang bawat detalye ng kanyang damit. At

simula noon ay naging malapit na siya sakanyang mga kaklase. Ngunit

nang magsimulang lumiban sa klase ang bata, nagtaka ang kanyang

mga guro at ka-eskwela kaya napagdesisyunan nilang puntahan ang

bata sa kanilang tahanan. Nakita nila ang sira-sirang bahay ng

bata, ngunit hindi siya ang kaagad nilang hinanap kundi ang

sandaang damit ng bata, at nakita nila itong nakadikit sa dinding,

isandaang damit na pawang mga drowing lamang.

Ang Sandang Damit ay isang maikling kuwento na isinulat ni

Fanny Garcia taong 1994. Sa maikling kwento na ito mapapansin na

ang ibang pangyayari na naganap sa kwento ay nangyayari din sa

totoong buhay. May mga bata na nag-aaral na kapos palad na pilit


pa din itaguyood ng kanilang mga magulang, mayroon rin mga

estuyadyante na nabubully dahil sa estado ng kanilang buhay. Lahat

ng mga halimbawa na nabanggit na iyon ay nangyari sa hindi

maitatanggi na sa babasahin lamang nangyayari madaming tao ang

nakakaalam noon. Masasabi na inihango sa totoong buhay ang mga

pangyayari sa kuwento, bawat ppangyayari ay maiuugnay sa totoong

buhay.

Teoretikal/Konseptuwal na Balangkas

Input Process Output

 Mga guro at  Pagkalap ng mga  Ang ilang


mag-aaral. impormasyon sa pangyayari na
 Mga kaugnay na mga tungkol sa naganap sa
literature at isang daang isang daang
pag aaral. damit. damit ay
 Mga katanungan  Pagsasagawa ng nararanasan
interbiyu. din sa totoong
buhay.

Figure 1.2
Figure 1.1 Figure1.3

Ayon sa figure 1.1 kinakailangan ng mga guro at mag aaral

upang mapatunayan na kinakailangan nga bang suriin ang maikling


kuwento na ito. Gamit ang mga kaugnay na literature ito ang

magpapatunay na lahat ng mga impormasyon na nakalap ay nakabase sa

katotohanan. Ang huli ay ang mga katanungan na magsisilbing susi

na makapangalap ng mga impormasyon sa mga piling respondente.

Figure 1.2 kung saan nakatala kung paanong paraan

makakapangalap ng mga impormasyon sa aming respondent. Sa

pamamagitan ng pakikipanayam sa mga respondent na magbibigay

kasagutan sa katanungan na hinahanapan ng solusyon o kasagutan.

Figure 1.3 output dito nakasulat ang inaasahang maging

kalalabasan ng isinasagawang pagsusuri.

Paglalahad ng Problema

Ang pagsusuri na ito ay bibigyang kasagutan kung ano ang

nagiging kaugnayan ng akdang Sandaang Damit sa buhay ng mga high

school students.

Ang pagsusuri na ito ay inaasahang sagutin ang mga sumusunod na

katanungan:

1. Paano mo maiuugnay ang akdang ito sa iyong buhay?


2. Bakit sa tingin mo importante isulat ang ganitong uri ng

kwento?

3. Paano nakakaapekto ang ang ganitong uri ng babasahin sa iyo?

Kahalagahann ng Pag-aaral

Ang pananaliksik na ito ay magsisilbing gabay at makakatulong

sa mga sumusunod:

Mag-aaral. Makatutulong ito ang pagsusuri na ito upang magbigay-

aral sa mga estudyante na huwag kutya ng kapwa at tanggapin ang

ibang tao ano man ang estado nito sa buhay.

Guro. Mas magkakaroon pa sila ng kaunawaan kung gaano nakaka-

impluwensiya ang mga akdang pampanitikan sa kaugalian ng mga

estudyante

Magulang. Mas mapapaliwanagan pa nila ang kanilang mga anak kung

gaano kahalaga ang pagkakaroon ng magandang asal ng mga bata.

Institusiyon. Mas mapag-iinam pa nila ang kanilang mga panuntunan

kaugnay sa hubog ng magandang kaugaliaan ng kabataan.


Hinaharap na Mananaliksik. Maaari nilang gawing basehan ang mga

nakalap na impormasyon dito sa pagsusuri na ito. Maaari din nila

na palaguin ang naunang pagsusuri na ito upang makapagdagdag

impormasyon.

Saklaw at Limitasyon ng Pag-aaral

Ang pagsusuri na ito ay saklaw lamang ang sampung

sekondaaryang mag-aaral ng School of Mount St. Mary na ang

Sandaang Damit ay Teoryang Realismo upang patunayan na ang mga

pangyayari sa kwento ay nagagap sa totoong buhay. Ang balangkas na

panahon ng pagsusuri na ito ay simula taong 2009 hanggang sa

kasalukuyan 2019.

Katuturan ng mga Katawagang Ginamit

Mga salita na hindi pamilyar kung saan isinaayos ng sunod-

sunod:

Teoryang Realismo- Ang teoriya ng realismo ay tumatalakay sa

katotohanan sa lipunan. Karaniwan nitong pinapaksa ang kalagayan

na nangyayari sa lipunan tulad ng kurapsyon, katiwalian, kahirapan

at diskriminasyon.

You might also like