Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 6

POONG HESUS NAZARENO NAMING MAHAL

Debosyon ng Bayan

Lars Raymund Ubaldo at Michael Charleston “Xiao” Chua

2018
alay

sa lahat ng namamanata sa NPJN


Talaan ng Nilalaman

UNANG BAHAGI
ANG MAHAL NA SEÑOR, ANG SENTRO NG DEBOSYON NG BAYAN

1. Ang Mahal na Señor: Ang Nazarenong Itim


2. Mula Mexico hanggang Pilipinas: Ang Señor
3. Ang NPJN sa Iba’t Ibang Yugto ng Kasaysayang Pilipino

IKALAWANG BAHAGI
SA QUIAPO: ANG TAGPUAN NG DEBOSYON NG BAYAN

1. Quiapo: Ang Tahanan ng Señor


2. Quiapo bilang sentro ng Debosyon sa NPJN
3. Mga Binhi ng Debosyon: Mula Cofradia tungong Hijos/Hijas

IKATLONG BAHAGI
DEBOSYON AT PAMIMINTUHO SA MAHAL NA SEÑOR

1. Sa daloy ng Pananampalatayang Bayan


2. Mga Elemento sa Debosyon
3. Sa Diwa at Gawa

IKA-APAT NA BAHAGI
PRUSISYON BILANG RUROK NG DEBOSYON

1. Pula ang kulay sa kalendaryo ng Enero 9: Prusisyon/Traslacion


2. Kasaysayan ng mga Prusisyon ng Señor

IKA-LIMANG BAHAGI
BUOD NA DIWA NG DEBOSYON

1. Mga Salaysay ng mga Deboto


2. Mga Temang Mahahalaw mula sa mga Salaysay/Buod na Diwa ng Pamamanata
3. Ang Debosyon sa NPJN: Yaman ng Pananampamalatayang Pilipino

Introduksiyon: Mga Debosyong Nakasulat sa Puso

Nang nagsimula kaming kapanayamin mga deboto ng Nazareno para sa pananaliksik sa aklat na
ito, lumitaw ang isang katotohanan: Hindi kailanman maisusulat ang kumpletong “karanasang
Quiapo”/”karanasan ng pamamanata sa Nazareno” dahil ang malaking bahagi nito ay nakasulat
sa puso ng mga deboto/namamanata. Ang pagkakakintal ng mga istoryang Nazareno sa puso ng
taong naniniwala at nagtitiwala sa Kanya ay kalimitang hindi rin para sa kabatirang pampubliko.
Sapat nang makita ang mga panlabas na manipestasyon ng debosyon ngunit ang mas malalim at
mas masalimuot na dahilan na nagtulak sa isang deboto na pangatawanan ang kanyang panini-
wala ay hindi malimit na isinasalaysay. Malimit na maririnig sa mga deboto kung sila’y tatanun-
gin sa dahilan ng kanilang pamamanata na “Ang Mahal na Señor lang ang nakakaalam.”

Totoong hindi sapat ang salita upang ilarawan ang simula at ang tinutungo ng mga pamamanata.
Hindi rin ganap na maisasalaysay ni mahuhuli ng mga larawan at iba pang representasyong
biswal ang mga pagpapahayag ng kanilang debosyon. Ang malinaw lamang, ang pamamanata ay
ipinagpapatuloy at ginaganap sa abot ng kanilang kakayanan. Sa lahat ng araw—lalo na kung
Biyernes at kung “pista”—makikita ang maraming mukha ang debosyon ng bayan sa Mahal na
Poong Hesus Nazareno ng Quiapo mula sa mga payak na pananalangin at pagdalo sa misa,
pagkakawanggawa, hanggang sa mga “pisikal” na manipestasyon ng “sakripisyo” sa prusisyon.

Mula sa kuwento ng mga taong may matagal nang debosyon, paulit-ulit nilang isinasalaysay ang
mahigpit nilang pakikipag-ugnay sa Mahal na Señor. Mula ito sa antas na personal tungo sa antas
na komyunal. Ipinahahayag ang personal na pakikipag-ugnay sa pamamagitan ng “pagkapit” sa
Mahal na Señor na kaisa ng tao sa bawat yugto ng kanyang buhay. Interesanteng metapora ang
maiuugnay dito—ang pagkapit sa lubid na nakakonekta sa andas na pinipilit mahawakan ng mga
namamanata tuwing prusisyon. Ang saglit na pagkapit sa lubid ay tila baga panghabambuhay na
pagkapit sa Señor. Kaya hindi nakapagtatakang ngayon na lamang karubdob ang pagnanais na
ito’y mahawakan habang inuusal ang mga sariling hiling at pasasalamat. Kahit na minsa’y (o
maraming ulit na) bumibitaw, para sa mga namamanata, hindi naman talaga sila lumalayo. Na-
roon pa rin ang pagnanais na tumugon sa paanyaya ng Mahal na Señor na kumapit muli. Hindi
nagtatapos ang pamamanata sa paghiling. Nagpapatuloy ito hanggang sa yugto ng pasasalamat
tungo sa pagpapatuloy ng pagtupad sa hangad na mabuhay sa ganap na biyaya at awa ng Diyos.
Ang antas na komyunal ay nararanasan sa nagpapatuloy at buhay na diwa ng kapatiran. Pinaka-
matingkad ito sa mga samahan at maging sa mga hindi organisadong pangkat ng mga nama-
manata na nagkakaugnay sa sentido ng pagkakatulad ng kanilang pakikipag-isa sa Mahal na
Señor. Malalim ang kahulugan ng pagturing na “kapatid” ng bawat manananampalataya sa kani-
lang kapwa. Tumutulay ito sa “nagkakaisang” ugnayan ng mananampalataya sa itinuturing ni-
lang “nuestro padre”—ang Mahal na Señor. Ang pagsasalaysay ng kasaysayan ng pamamanata
sa Mahal na Señor ay hindi kailanman matatapos dahil tulad ng patuloy na pagdaragdag taon-
taon ng mga debotong namimintuho sa Kanya, wala ring patid ang pagdaragdag sa makapal nang
kuwento ng nagpapatotoo sa kanilang sariling karanasan.
Mula sa mga tinipong salaysay ng mga mananampalataya para sa aklat na ito, makikita ang itinu-
turing ng nakararami bilang “kakaibang” katangian ang debosyon sa Nazareno na ang isa sa
pinaka manipestasyon lalo’t higit sa kalalakihan ay ang paglahok sa prusisyon at pagpasan ng
andas ng Señor. Ang “pagpasan: ay isang uri ng sakripisyo na ang layunin, ayon sa mga nama-
manata, ay “makiisa” o “tumulad,” “kahit papaano” at “kahit na simboliko lamang” sa sakripisyo
ng Mahal na Señor na hindi naman talaga mapapantayan. Kaugnay ng pagpasan ang dinagdagsa
ring pamamanata tuwing araw ng Biyernes—pagdalo sa misa, pakikiisa sa nobenaryo, pagtitirik
ng kandila, pagdaramit ng maroon (na kakulay ng damit ng Nazareno) at paghalik sa paa o sa
krus ng Señor. Sa mga pagkakataong gaya nito, napatitingkad ang relasyon ng mga deboto sa
pinaglalaanan ng kanilang pamimintuho: ang anak ng Diyos na namayan sa Nazareth, ang taga-
paglitas na nagpasan at ipinako sa krus at matagumpay na ginanap ang pagsakop sa kasalanan ng
mundo hanggang sa Kanyang muling pagkabuhay. Naging palatandaan ito ng pagpapahayag ng
bayan sa kanilang paniniwala na ang pinakabuod ay ang pagtananw ng utang na loob sa Anak ng
Diyos na nagmalasakit at nagpakasakit para sa kanila.

Maituturing na isa sa mga pagkakakilanlan ng pananampalatayang Pilipino ang debosyon sa


Nazareno. Nabuo at nilikha ang debosyon sa sariling inisyatiba ng mga tao na nagnanais na ilapit
ang kanilang sarili sa Nuestro Padre Jesus Nazareno.

Sinadya sa aklat na ito na pagtagpuin ang nakaraan at kasalukuyan. May “tinig” ang mga doku-
mentong pangkasaysayan at may “tinig” din ang mga mananampalataya ng kasalukuyan.
Sinadyang ihanay at pag-ugnayin ang dalawang tinig na ito upang makabuo ng salaysay na kahit
na paano’y makapagbabahagi ng kuwentong “nakasulat sa puso” ng mga mananampalataya. Sa
aklat, nililingon at pinahahalagahan ang nakaraan upang maunawaan kung bakit ganito ang ki-
nasapitan ng debosyon sa kasalukuyan. Hindi mapasusubalian ang halaga ng debosyon ng bayan
sa Nuestro Padre Jesus Nazareno. Ito ay isang yaman—yaman ng simbahan, yaman ng nananalig
na samabayan, yaman ng Kapilipinuhan.

You might also like