Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 25

KAHALAGAHAN NG PAGPAPALAWAK NG NASYONAL NA DAAN SA

HINUNANGAN

KABANATA 1

Rasyonale
Ang malaking daan o highway ay isang pampublikong daan na nagkokonekta

sa ibat ibang mga lugar. Ito ay tinuturing na mataas na daan dahil haba nito na aabot ng

libo-libong kilometro. Ito ay karaniwang dinadaanan ng mga pampublikong mga sasakyan

at bus dahil nagkokonekta ito sa ibat ibang lungsod.

Tumutukoy ang sistema ng lansangang bayan sa Pilipinas sa sistemang

lansangang bayan ng Pilipinas. Isa itong sistema ng mga pambansang daan na

pagmamay-ari at pinapanatili ng Kagawaran ng Pagawaing Bayan at

Lansangan (DPWH), at nakaayos ang mga ito sa tatlong uri batay sa gamit o layon na

pinaglilingkuran ng mga ito sa sistema: pambansang primera, pambansang sekundarya,

at pambansang tersiyaryo. Ang mga pambansang daan na nag-uugnay ng mga

pangunahing lungsod ay nakabilang na N1–N49. Kadalasan ang mga ito ay mga pang-

isahan at pandalawahang daanan na nag-uugnay ng tatlo o higit pang mga lungsod.

Importante na malaman ang kahalagahan ng malaking daan dahil dito nakakapunta ang

sinumang nagnanais na maglakbay sa ibat-ibang panig ng bansa dahil sa highway na

siyang nagkokonekta sa ibat ibang mga bayan. Hindi natin namamalayan ang

kahalagahan nito sa atin dahil parang normal lang ito, pero kung mawala ang mga daan

lubos tayong maapektuhan dahil mga tao lang din ang gumagamit nito. Ngayon, sa

henerasyon na ito dumadami na ang mga sasakyan na nagdudulot ng mga traffic at

aksidente dahil sumisikip na ang daan, kinakailangan na nitong palakihin ang highway sa

1
halip na 2 lanes lang ito gagawin na, na 4 lanes upang malilimitahan na ang trapiko at

iba pang mga balakid. Sa pananaliksik na ito ang pananaliksik naming ay tumutukoy sa

kahalagahan ng pagapapalawak sa malaking daan sa Hinunangan upang maagapan ang

pagsisikip ng daan dulot ng pagrami ng sasakyan at mga aksidente sa lansangan.

Dito sa Probinsiya ng Katimogang Leyte, partikular sa Lungsod ng Hinunangan.

Sa ngayon ang daan ay maliit pa at karaniwang pang pinapalaki at ginagawang 4 lane

road. Mahalaga ito dahil naka benepisyo ito sa lahat hindi lang sa mga motorista kundi

sa mga lokal din dito sa Lungsod ng Hinunangan. Sa karaniwang sitwasyon ngayon

marami ng mga sasakyan at motorsiklo sa daan, dahil dito nakapagdudulot ito ng trapiko

at iba pang mga problema sa daan kaya kinakailangan talaga ang pagpapalawak ng

daan.

Pagpapahayag ng Layunin at Suliranin

1. Sino-sino ba ang nakabenepisyo nito?

2. Nakapapagaan ba ang pagpapalaki ng daan sa mga commuters?

3. Ano ang epekto nito sa mga pedestrian at commuters?

4. Nakapababa ba ng aksidente ang pagpapalawak ng daan?

5. Ano-ano ang maidudulot sa pagpapalawak ng daan sa Hinunangan?

Ipotesis

Ho1: Walang maidudulot sa pagpapalawak ng daan sa Hinunangan.

Ho2: May nakapababa ba ng aksidente ang pagpapalawak ng daan.

2
Teoritikal- Konseptual na Balangkas

Sa ating mga nalalaman, ang aksidente talaga ay kadalasan nangyayari sa daan,

maraming mga buhay ang nawawala sa aksidente at meron ding mga nasisira nang dahil

nito. Dapat talagang bigyan ng halaga ang mga pangyayari sa daan dahil isa ito sa mga

problema ng lipunan. Isa sa mga paraan ng pagbaba ng aksidente sa lipunan ay ang

pagpapalawak ng daan.

Ang pagpapalawak ng daan ay makukunan ng benipisyo sa mga mamamayan ng

Hinunangan sapagkat pinapalawak nito ang daan na nagreresulta ng magandang daloy

sa mga sasakyan. Hindi lang ito para sa seguridad kundi ang transportasyon ay

mapapabilis kung merong malaking daan sa kalye. Ang pagpapalawak din ng daan ay

nagpapababa sa trapiko ng isang lugar.

3
Pagpapalawak ng Daan

Pagbawas sa aksidente Mabilis na transportasyon

Pagbaba ng trapiko

Positibong Epekto sa mga Mamamayan

Pigura 1: Teoritikal-Konseptual na Balangkas

4
Kahalagahan ng Pag-aaral

Ang mga mananaliksik ay gumawa ng pag-aaral na ito upang alamin ang epekto

at kahalagahan ng maayos at magandang daan sa lipunan. Inaasahan din sa pag-aaral

na ito na maihatid ang mga kailangang ipahatid at mga importanteng mensahe sa ating

mamamayan at lipunan.

Pedestrian- Ang pananaliksik na ito ay nagbibigay alam sa mga pedestrian tungkol sa

mga batas at mga mahahalagang gawin sa daan. Napapagaan ng paglalawak sa daan

sa pamamagitan ng pag baba ng trapiko.

Commuters- Sa mga commuters ang kahalagahan ng pagaaral na ito ay mapapadali

ang transportasyon at mapapaligtas ang biyahe ng mga commuters.

Magulang- ang pananaliksik na ito ay mahalaga sa sa mga magulang dahil dito

masubaybayan nila ang kanilang anak tungo sa mabuting kinabukasan.

Mananaliksik- ang pananaliksik nito ay mahalaga sa mga studyante dahil maaari nila

itong gamitin at maging referensiya sa mga pananaliksik.

Guro- mahalaga ang pananaliksik na ito sa mga guro upang malaman nila ang

kahalagahan ng pagpapalawak ng daan.

5
Katawagang Pananaliksik

Aksidente- ay isang pangyayari na may mali at hindi inaasahan ang kaganapan.

Commuters- isang tao na naglalakbay ng ilang distansya upang makarating sa

distinasyon.

Daan- ay isang uri ng landas o ruta na pangtransportasyon, pampaglalakbay, o

pangtrapiko ng sasakyan o kaya ng mga tao o maaaring mga hayop lamang na nag-

uugnay ng isang lokasyon papunta sa isa pa.

Pedestrian- isang taong naglalakad sa isang kalsada.

Saklaw at Delimitasyon

Ang pag-aaral na ito ay nakatuon sa kahalagahan ng pagpapalawak ng national

highway sa probinsiya ng Hinunangan. Ito ay nakabase lamang nasyonal na daan na

nagkokonekta sa iba’t-ibang lungsod sa Southern Leyte. Gagawa ang mga mananaliksik

ng survey tungkol sa pagaaral na ito sa mga mamamayan ng Hinunangan lamang.

Organisasyon ng Pag-aaral

Ang Pananaliksik na ito ay kinapapalooban ng limang kabanata. Sa unang

kabanata ay ang “Problema at ang Saklaw nito”. Dito makikita ang rasyonale ng pag-

aaral, layunin at suliranin ng pag-aaral, teoritikal-konseptwal na balangkas, kahalagahan

ng pag-aaral, ipotesis, saklaw at delimitasyon ng pag-aaral, depinisyon operasyonal, at

organisasyon ng pag-aaral.

Sa ikalawang kabanata naman ay ang “Rebyu ng Kaugnay na Literatura”.

Napapaloob dito ang mga kaugnay na literature, Sa kaugnay nap ag-aaral ay

6
napapalooban ng mga pag-aaral, dayuhan man o local at ang pagbibigay katanungan ng

pagaaral sa kasalukuyan.

Sa ikatlong kabanata ay ang “metodolohiya”. Nakapaloob dito ang mga

pamamaraang pananaliksik, lugar ng pag-aaral, kalahok ng pananaliksik, ang sabjek,

instrumento ng pananaliksik, dukomento ng pananaliksik, pagsusuri ng mga datos,

pagsusuring istatistika at mga katawagang pananaliksik.

Ang ikaapat na kabanata ay napapaloob ang mga paglalahad, pagsusuri,

pagpapakahulugan ng mga datos.

Sa ikalimang kabanata ay napapaloob ang mga kabuuan ng mga natuklasan,

konklusyon at rekomendasyon.

7
KABANATA II

REBYU NG KAUGNAY NA LITERATURA

KAUGNAY NA PAGBASA

REPUBLIC ACT NO. 917

Isang batas para magbigay ng epektibong administrasyon sa haywey, baguhin ang

pagbahagi ng pundo sa haywey upang ibigay sa ibat-ibang mga probinsiya, paupahang

lungsod at municipalidad para sa konstruksiyon ng mga daan, at sa iba pang layunin.

KAUGNAY NA LITERATURA

ARTICLE I.-Pamagat at Saklaw ng Batas

SEKSYON 1. Maikling pamagat.-Ang Batas na ito ay maaaring ituring bilang "Philippine

Highway Act ng labinsiyam na daan at limampu't tatlo."

SEK. 2. Saklaw ng Batas.-Ang mga probisyon ng Batas na ito ay dapat kontrolin ang pag-

aayos ng lahat ng mga pondo na naipon sa Highway Special Fund; ang disposisyon ng

mga pangkalahatang pondo kapag ipinagkaloob ng batas; ang paraan ng pagbabahagi

at mga kondisyon kung saan ang pagbibigay ng ganitong pagbabayad ay ilalabas; ang

pagpili at pagtatalaga ng mga highway o mga proyekto sa highway upang makatanggap

ng pambansang tulong; ang pangangasiwa, pagpapanatili, pagpapabuti, pagbabagong-

tatag at mga paggasta sa konstruksiyon sa mga proyekto sa highway; ang pag-uuri ng

mga highway; at ang mga lapad, pagkuha at paggamit ng mga karapatan-ng-daan.

ARTICLE II.-Mga Kahulugan

8
SEC. 3. Ang mga salita at parirala ay tinukoy.-Kapag ginamit sa Batas na ito at sa

kasunod na Mga Gawa na may reference dito, maliban kung ang konteksto ay

nagpapahiwatig kung hindi man:

(a) Ang terminong "highway" ay kinabibilangan ng mga karapatan-ng-daan, tulay, ferry,

istruktura ng paagusan, mga palatandaan, daang bantay, at proteksiyon na istruktura na

may kaugnayan sa mga haywey.

(b) Ang terminong "Division of Highways" ay nangangahulugan ng dibisyon ng Bureau of

Public Works na namamahala sa pangangasiwa ng mga haywey, at kinabibilangan ng

anumang panlalawigang panlalawigan o lungsod, regional engineering division, seksyon,

engineering district, o opisina na may angkop na kagamitan at organisado o opisyal na

may sapat na kapangyarihang magpatupad ng mga tungkuling kinakailangan dito.

(c) Ang terminong "pagpapanatili" ay nangangahulugang ang patuloy na paggawa ng

kinakailangang mga pag-aayos upang mapanatili ang isang makinis na ibabaw na

haywey, at pagpapatakbo ng mga kasalukuyang ferry, ngunit hindi gaganapin upang

isama ang pambihirang mga pag-aayos o muling pagtatayo.

(d) Ang terminong "konstruksiyon" ay nangangahulugan ng pangangasiwa, inspeksyon,

aktwal na gusali, at lahat ng gastos, kabilang ang mga gastos ng karapatan sa daan,

hindi sinasadya sa pagtatayo ng isang highway, maliban sa paghahanap, pagsuri at

pagmamapa.

Lokal

Ang transportasyon sa kalsada ay ang nangingibabaw na mode ng transportasyon

sa Pilipinas, na umaabot sa 53% ng toneladang kargamento at 89% ng toneladang

pasahero. Ang Pilipinas ay may kabuuang daanan ng daan na mga 200,000 kilometro

9
(km), kabilang ang mga 29,000 km ng mga pambansang kalsada. Humigit-kumulang 70%

ng mga pambansang kalsada ang may aspaltado. Kasama sa mga pambansang kalsada

ang 15,600 km ng mga kalsadang arterya at 13,400 km ng mga sekundaryong daan.

Humigit-kumulang 79% ng mga pambansang arteryal na kalsada ang may aspaltado, at

48% nito ay nangangailangan ng rehabilitasyon. Sa mga nagdaang taon, ang

pamumuhunan sa transportasyon ay mas mababa kaysa sa kailangan upang suportahan

ang pagpapanatili at katamtamang pagpapabuti; ito ay nakakahadlang sa pang-

ekonomiyang pag-unlad ng bansa. Ang mga sistema ng transportasyon ng inter- at intra-

isla ay may mahalagang papel sa pagsuporta sa pagpapaunlad ng ekonomiya ng

malawak na dispersed na rehiyon ng kapuluan ng Pilipinas. Gayunpaman, ang

kasalukuyang hindi sapat na kondisyon ng mga pasilidad sa imprastraktura at kakulangan

ng maaasahan, ligtas, at mahusay na serbisyo sa transportasyon ay makabuluhang

pumipigil sa paggalaw ng mga pasahero at kargamento sa buong bansa, kaya

nililimitahan ang direktang panloob at panlabas na mga link sa kalakalan at turismo, at

bumubuo ng isang pangunahing pagpigil sa pagtaas rehiyonal na paglago ng ekonomiya.

Talagang totoo ito sa maraming mahihirap na rural na lugar ng Pilipinas, kung saan mas

madaling ma-access ang mga gastos sa pagmemerkado para sa mga lokal na

produktong pang-agrikultura, mapabuti ang pag-access ng lokal na populasyon sa mga

serbisyong panlipunan at mga oportunidad sa ekonomiya, at maging katalista para sa

mga pamumuhunan upang bumuo ng mga lokal na mapagkukunan. Ang isang

pangunahing isyu para sa transportasyon ay hindi sapat na pagpopondo para sa

pagpapanatili ng mga umiiral na mga asset sa imprastraktura. Ang taunang

pangangailangan para sa pagpapanatili ng mga pambansang kalsada ay tinatantya sa

humigit-kumulang na P16 bilyon.3 Ang pagsasaayos para sa pagpapanatili ng kalsada

ay lumaki nang malaki mula pa noong 2004, dahil sa mas mataas na kita mula sa mga

10
singil sa user ng daan; Gayunpaman, ang mga ito ay kasalukuyang mga isang-katlo ng

tinatayang pangangailangan.4 Ang financing para sa mga pambansang kalsada ay

ibinibigay mula sa pangkalahatang badyet. Habang ang bansa ay may Special Road

Support Fund at ang mga itinalagang kita ay idineposito sa pondo, kadalasan sa mga

kamakailan lamang na mga badyet lamang tungkol sa kalahati ng mga deposito na kita

ay inilaan para sa mga pambansang kalsada. Ang underinvestment sa pagpapanatili ng

kalsada ay tinatantya sa tungkol sa 0.5% ng gross domestic product. Ang opisyal na

tulong sa pagpapaunlad ay kumukuha ng tungkol sa kalahati ng pagtustos para sa

pamumuhunan sa mga pambansang kalsada. Ang DPWH ay responsable sa

pagpapanatili ng pambansang network ng kalsada. Nakamit nito ang pagpapabuti ng

network ng kalsada sa pamamagitan ng pagbuo ng sistema ng suporta sa pamamahala

ng impormasyon sa kalsada, at pagtaguyod ng Espesyal na Suporta sa Road 1 Ang

PPTA ay unang lumitaw sa ADB Business Opportunities noong Nobyembre 12, 2007. 2

Komisyon sa Ekonomiya at Panlipunan ng United Nations para sa Asia at Pasipiko. 2005.

Habang ang karamihan sa mga umuunlad na bansa sa Asya ay nakaranas ng

makabuluhang paglago sa haba ng network ng kalsada sa huling 20 taon sa

pagdaragdag ng haba ng kalsada ng Republika ng Tsina, India, Indonesia, Pakistan, ang

Pilipinas ay epektibong stagnated. 3 World Bank. 2005. Pilipinas: Mga Hamon sa

Infrastructure sa Pagpupulong. Washington DC. 4 World Bank. 2008. Programa sa

Pagpapaunlad at Pamamahala ng Pambansang Kalsada (Phase 2) Programa ng

Proyekto sa Pagsusuri ng Dokumento ng Proyekto. Washington DC. 2 Fund5 at Road

Board. Gayunpaman, ang mga hindi sapat na aktibidad sa pagpapanatili ay isang

pangunahing hadlang para sa pagbuo ng pambansang sistema ng highway. Ang World

Bank ay tinutulungan ang Gobyerno upang mapabuti ang financing ng imprastraktura ng

kalsada, kabilang ang pagpapanatili ng kalsada, mula noong 2000. Ang unang yugto ng

11
National Roads Improvement and Management Program6 ay nagkaloob ng tulong sa

paglikha ng Special Road Support Fund, bilang karagdagan sa pag-upgrade ng daanan

ng daanan at pagpapanatili. Ang pinahintulutang ikalawang yugto ng National Roads

Improvement and Management Program7 ay magkakaloob ng karagdagang tulong sa

lugar na ito. Ang sektor ay naghihirap mula sa hindi mahusay na paggamit ng

mapagkukunan, na tinutugunan ng Gobyerno at mga kasosyo sa pag-unlad. Nagbigay

ang World Bank, bilateral donors, at ADB ng teknikal na tulong para sa patakaran at

reporma sa institusyon. Upang makamit ang mga layunin ng Medium-Term Infrastructure

Development Programme (2005-2010), ang DPWH ay nagtatrabaho upang itatag ang

mga napabuti na proseso ng pagpaplano na binuo sa ilalim ng sistema ng suporta sa

pamamahala ng impormasyon sa kalsada. Habang nagawa ang ilang pag-unlad, lalo na

sa pagbubuo ng mga sistema para sa pagbabago ng mga panloob na proseso sa DPWH

at mga institusyon para sa pagpapanatili ng kalsada, kinakailangan ang karagdagang

trabaho. (Greenwood, 2008)

Dayuhan

Ang network ng kalsada ng anumang lungsod ay ang lifeline nito at ang pagsusuri

ng kanilang pagganap ay kinakailangan para sa hinaharap na pagpaplano ng trapiko,

disenyo, pagpapatakbo at pagpapanatili, atbp. Ang daloy ng trapiko sa karamihan ng mga

lungsod ng India ay isang magkakahalo na mga katangian ng trapiko at ang kasikipan ng

trapiko ay ang karaniwang problema sa karamihan sa mga pangunahing lungsod sa

India. Sa Bengaluru city, ang karamihan sa mga kalsada ay nahihirapan at nagpapatakbo

sa Antas ng Serbisyo E o F. Ang layunin ng kasalukuyang pag-aaral ay upang mapabuti

ang pagganap ng operasyon ng network ng kalsada sa pamamagitan ng pagpapanukala

ng tamang mga alternatibo upang mapahusay ang kapasidad ng trapiko. Upang makamit

12
ang layuning ito, ang isang kumpletong pamamaraan para sa pag-aaral ng halo-halong

daloy ng trapiko sa loob ng 2 km mula Koli Farm Gate patungong Jalli Machine sa Quezon

City, kasama ang Bannerghatta road, ay pinili at pinag-aralan. Ang mga pag-aaral ng

trapiko ay natupad bago lumawak ang kalsada sa anyo ng dami at bilis at daloy ng daloy

na relasyon ay itinatag upang maunawaan ang LOS at dami ng trapiko para sa mga

darating na taon na inaasahang malaman ang pagbaba sa LOS. (Konthoujam, 2015)

C.C. Itinuturing ni Bhattacharya ang kaligtasan bilang pangunahing layunin at

ipinakilala ang mga diskarte sa pagpapatahimik ng trapiko. Ang nag-iisang ideya para sa

pag-aaral na ito ay upang ipatupad ang isang kontrol ng bilis sa 15 hanggang 20 km /

oras, na itinuturing na isang ligtas na bilis ng paglalakbay. Ang mga pamamaraan na

ginawa at dinisenyo sa pag-aaral na ito ay binago sa pag-align ng kalye, pag-install ng

mga hadlang at pag-install ng iba pang mga aparato sa kontrol ng trapiko bilang mga

pangangailangan ng mga sitwasyon. Ang pagbabawas sa bilang at kalubhaan ng mga

aksidente, pagpapabuti ng mga pasilidad para sa mga di-motorized na mga mode,

nadagdagan sa mga halaga ng ari-arian at iba pa ay ang mga benepisyo ng trapiko na

tumatahimik. (C.C. Bhattacharya 1995)

nagsagawa ng isang pag-aaral sa mga katangian ng daloy ng trapiko na kasama

ang bilis ng trapiko, lakas ng tunog, density, at iba pa sa dalawang stretches ng national

highway na No-5 na hinahawakan ang Bhubaneswar, kabisera ng Odisha. Ang patlang

na pag-aaral ay natupad para sa 1km haba sa bawat kahabaan. Ang unang pag-abot ay

sa pagitan ng Bhubaneswar patungo sa Cuttackand ang ikalawa ay sa pagitan ng

Bhubaneswar at khurda. Ang mga eksperimento ay isinasagawa sa pagitan ng average

na peak period sa mga araw ng linggo. Ang mga densidad ng trapiko at mga bilis ng

sasakyan ay sinusunod sa pamamagitan ng mga equation ng pagbabalik. Ang bilis-daloy

13
ng mga relasyon ay inilabas at concluded na ang bilis ay nabawasan na may nadagdagan

sa lakas ng tunog. Sa Bhubaneswar -Kurur na pag-abot sa dami ng trapiko ng humigit-

kumulang na 750 na katao / oras, ang pinakamababang average na bilis ay 30 kmph at

33 kmph sa Bhubaneswar-cuttack kahabaan sa tungkol sa 850 veh / oras. (P.K

Sahooet.et al, 1996)

14
KABANATA III

METODOLOHIYA

Desinyo ng Pananaliksik

Ang pananaliksik na ito ay isang uri ng deskriptibong pananaliksik, kung saan

inilalarawan nito ang kahalagahan ng pagpapalawak ng daan. Ipinapaliwanag din dito

ang mga maaring epekto ng pag-aaral o pananaliksik sa mga pedestrian, drivers at

commuters. Ang deskriptibong pananaliksik ay isang dinisenyo ng pag-aaral upang

ilarawan ang mga kalahok sa tumpak na paraan. Higit pang simpleng pagsulat, ang

mapag-aralan pananaliksik ay tungkol sa naglalarawan ng mga tao na makilahok sa pag-

aaral.

Lugar ng Pananaliksik

Ang pananaliksik na ito ay isinagawa sa paaralan ng Holy Rosary Academy,

Senior High School Department, sa barangay Salog, Timugang Leyte. Kung saan

nagsasagawa ng pananaliksik ay ang mga mag-aaral ng grade 12 sa nasabing paaralan.

Ang pokus na lugar ng mga mananaliksik ay ang nasyonal haywey ng Hinunangan na

nagsisilbing tulay o daan papunta sa iba’t-ibang lungsod at iba’t-ibang barangay.

Pagkilala ng Sampol

Ang pag-aaral na ito ay nakatuon sa mga driver at commuters sa Poblacion,

Hinunangan, Timugang Leyte. Mayroong 30 respondante.

15
Sampol ng Pananaliksik

Ang paraan ng pagkuha naming ng sampol sa mga kalahok naming ay judgmental

sampling o lubos na kilala sa tawag na purposive sampling. Ito ang ginamit naming

paraan dahil ang mga purposive sampling ay isang non-probability sampling method na

kukuha ng datos batay sa tingin ng mananaliksik na bagay sila sa ginawang pananaliksik.

Isa pa dahil ang pananaliksik namin ay nagbabanggit ng daan o nasyonal haywey mga

driver, pedestrian at commuters talaga ang makikinabang nito.

Sabjek

Ang sabjek ng pag-aaral na ito ay ang mga driver at commuter sa barangay

Poblacion, Hinunangan, Southern Leyte. Mayroong 30 na respondante.

Respondante Lalaki Babae Kabuuan

Driver 15 0 15

Commuter 8 7 15

% 77.00 23.00 100.00

Instrumento ng Pananaliksik

Sa pananaliksik na isinagawa, ang mga mananaliksik ay bumuo ng paraan at

teknik upang makakalap ng mga datos o impormasyon na nanggagaling sa mga taong

makakabenepisyo nito. Para makakalap ng datos ito ay ginamitan ng kwestiyuner. Sa

tulong ng Kwestyuner, maipalabas nila ang kanilang mga saloobin o kung sang ayon ba

sila o hindi ukol sa ideya ng pagpapalawak ng daan. Kwestyuner ang instrumento na

ginamit ng mga mananaliksik dahil kapag kwestyuner ang ginamit, mapapadali nito ang

paglikom ng mga datos at sa gayun mapapabilis ang proseso.

16
Pagbalido sa Instrumento

Ang pananaliksik na ito ay ginamitan ng mga angkop na instrumento upang

maging balido ang ginawa ng mga mananaliksik. Ang mga mananalisik ay gumamit ng

deskriptibong desinyo sa pagbuo ng pananaliksik, dahil pawang naglalarawan lang ang

pag-aaral na ito kung ano ang kabuluhan sa pagpapalawak ng daan. Sa pagkuha ng

datos ay ginamitan ito ng kwestyuner upang mapabilis at maintindihan ng mga

respondante ang inilahaad na mga katanungan. Nangalap din ang mga mananaliksik ng

impormasyon sa internet para mas maging kapani-paniwala sa mga mambabasa.

Paraan ng Pagsusuri ng Datos

Ang mga mananaliksik ay lumikom ng mga impormasyon at datos na nakabatay

sa paksa ng pag-aaaral at naaayon din sa baryabol ng pananaliksik na ito. Kumuha o

naglikom din ng mga ebidensiya upang masuportahan at mas magkakaroon pa ng

kredibilidad ang pag-aaral na ito.

Pagsusuri ng Istatistikal ng mga Datos

Ang nakalap na datos ay susuriin upang mas mapadali ang pagtataya rito.

Gagamit ng Deskriptibong Statistikal na pagsusuri ang mga mananaliksik upang

ipresenta ang mga datos kung saan gagamit ng mga talaan upang suriin ang mga datos.

Ito ay ang napili ng mananaliksik dahil mas madaling maintindihan ang mga datos

sapagkat nakabuod ang mga datos gamit ang iba’t ibang uri ng talaan gaya ng

talahanayan, tsart, at graph gayon din ay may pagtatalakay sa mga resulta ng datos.

17
Kalahok ng Pananaliksik

Ang pananaliksik na ito ay hindi mabubuo kung wala ang mga kalahok o target ng

pag-aaral. Ang mga kalahok ay pinili lamang batay sa kanilang relasyon o kaugnayan,

mga pedestrian, driver, at commuter sapagkat sila ang unang ma apektuhan sa

pagpapalawak ng daan dito sa lungsod ng Hinunangan.

18
KABANATA IV

RESULTA, PAGSUSURI, AT INTERPRETASYON NG MGA DATOS

Ang ikaapat na kabanata ay napapaloob ang mga resulta, pagsusuri at interpretasyon ng

mga datos.

MALAKI BA ANG IDINUDULOT SA PAGPAPALAWAK


NG DAAN?
Oo Hindi

0%

100%

PIGURA 1.

Sa pigura 1, mas maraming nagsasabing Malaki ang naidudulot sa pagpapalawak

ng daan sa Hinunangan. May 34 na respondante na sumang-ayon samantalang walang

nagsasabing hindi. Makikita na 100% ang nagsabing Oo samantalang 0% ang

nagsasabing hindi.

19
NAKAPABABA BA ITO NG TRAPIKO AT
AKSIDENTE?
Oo Hindi

0%

100%

PIGURA 2.

Sa pigura 2, makikita dito na 100% sa mga respondante ang sumang-ayon na

nagpapababa ito ng aksidente, habang wala naman 0% ang nagsasabing hindi.

NAKAPAGPAPAGAAN DIN BA ITO SA MGA


PEDESTRIAN, DRIVER, AT MGA PASAHERO?
Oo Hindi

0%

100%

PIGURA 3.

Sa pigura 3, makikita na 100% na respondante na nagsasabing nakapagpagaan

ang pagpapalawak ng Haywey sa mga pedestrian, driver, at mga pasahero. Wala naman

o 0% ang hindi sumang-ayon.

20
MERON DIN BA ITONG MAITUTULONG SA
PAGPAPALAGO SA ISANG LUGAR?
Oo Hindi

3%

97%

PIGURA 4.

Sa pigura 4, makikita dito na 100% sa mga respondante ang sumang-ayon na

nagpapababa ito ng aksidente, habang wala naman 0% ang nagsasabing hindi.

ANO ANG IYONG REAKSYON O KOMENTO SA


PAGPAPALAWAK NG DAAN SA HINUNANGAN?
A.Nasisiyahan B.Hindi Nasiyahan C.Nakuntento D.Hindi Nakuntento

3%
21%

3%

73%

PIGURA 5.

Sa pigura 5, makikita dito na may 25 o 73% na respondante na nasiyahan sa

pagpapalawak ng daan, may 1 o 3% naman ang hindi nasiyahan, may 7 o 21% na

respondante naman ang nakuntento at 1 o 3% ang hindi nakuntento sa pagpapalawak

ng daan.

21
KABANATA V

KABUOAN, NATUKLASAN, KONKLUSYON AT REKOMENDASYON

Sa kabanatang ito ay tinatalakay ang kabuoan ng mga natuklasan, konklusyon at

mga iminumungkahing rekomendasyon.

KABUOAN

Ang pinakalayunin ng pag-aaral na ito ay upang malaman ang kahalagahan

ng pagpapalawak ng daan sa Hinunangan sa mga mamamayan, lalong-lalo na sa mga

commuters, drivers at pedestrians. Ipinapakita rin sa pag-aaral na ito kung sang-ayon ba

ang mga tao sa pagpapatupad ng proyekto at kung ano ang kanilang mga pananaw ukol

sa paksa na ito. Ang tiyak na mga tanong na sasagutin ay ang mga sumusunod: Malaki

ba ang idinudulot sa pagpapalawak ng daan? Nakapababa ba ito ng trapiko at aksidente?

Nakapagpapagaan din ba ito sa mga pedestrian, driver, at mga pasahero? Meron din ba

itong maitutulong sa pagpapalago sa isang lugar? Ano ang iyong reaksyon o comment

sa pagpapalawak ng daan sa Hinunangan? Ang ipotesis sa pag-aaral na ito ay muling

ipinahayag upang maipahayag ang kabuoan ng bawat baryabol. Ho1: Walang maidudulot

sa pagpapalawak ng daan sa Hinunangan at ang Ho2: May nakapababa ba ng aksidente

ang pagpapalawak ng daan. Para masuri pa ng mga mananaliksik ang mga hinaing ng

mga drivers, pedestrian at commuters gumamit ang mga mananaliksik ng

kuwestyonaryo.

22
MGA NATUKLSAN

Basi sa pananaliksik, natuklasan ng mga mananaliksik na mas gusto ng mga

drivers at commuters ang proyekto na pagpapalawak ng nasyonal haywey sa

Hinunangan. Mas marami ang sumang-ayon sa mga respondante dahil nababawasan

ang aksidente at trapiko. Kadalasan sa mga respondante ay positibo ang kanillang

pananaw o opinyon batay sa pagpapalawak ng daan. Kadalasan sa kanilang mga sagot

sa pigura 5 ay masaya at nakuntento sa proyekto ng gobyerno sa pagpapalawak ng daan

sa nasyonal haywey sa Hinunangan.

KONKLUSYON

Batay sa mga nakalap na impormasyon at datos ng mga mananaliksik galing sa

kanilang mga respondente, malinaw na sa kanilang kaisipan ang konklusyon ng pag-

aaral o pananaliksik na ito. Matapos suriin ng mga mananaliksik ang kanilang mga

nakalap na datos o impormasyon ay natuklasan o nakonklusyonan ng mga mananaliksik

na ang pagpapalawak ng daan sa Hinunangan ay nakatutulong, hindi lamang sa mga

drivers, pedestrian at commuters, kundi nakatutulong din ito sa pagpapalago at

pagpapaganda ng lugar. Kasama rin sa paksa ng pagpapalawak ng daan ay

makabuluhan bilang isang mamamayan sa kumunidad at nakatutulong sa mabilisang

daluy ng mga sasakyan sa lansangan at higit sa lahat, dahil dito maiiwasan na ang mga

trapiko sa daan.

REKOMENDASYON

Inerekomenda ng mga mananaliksik na sa pagpapalawak ng daan ay hindi naman

maiiwasan ang aksidente at mga sakuna, kaya hinikayat ng mga mananaliksik na mag-

ingat palagi sa daan lalong lalo na sa mga pedestrian na kapag tumatawid ay lumingon

23
sa kaliwa’t kanan para maiwasang mahagip ng mga sasakyan. ang panahon at mga

pangyayari sa buhay ay hindi natin hawak o maiiwasan kay maging maingat. Ini-

rekomenda naming ito lalong-lalo na sa mga driver na magdahan-dahan sa

pagmamaneho. Gaya ng sinabi ng isang Ginoo, dahil malaki na ang daan ay mas

mapapabilis na ang pagmamaneho ng mga driver sa haywey kaya dapat mas maingat

sa daan at maging mapagmasid. Kaya laging magiingat sa pagmamaneho at huwag

magmadali at laging magsuot ng helmet at safety gears.

24
SANGGUNIAN

http://www.officialgazette.gov.ph/1953/06/20/republic-act-no-917/

BangaloreCityTrafficPolice(2010)“TrafficManagementCentre”

https://www.bangaloretrafficpolice.gov.in (2012), accessed on 10th nov.2012.

Srinivasan N.S. “Traffic and System under Mixed Traffic Conditions”, Indian Highways

Vol. 65, pp 33-36, Nov. 1995.

Dr. L.R. Kadyali. “Traffic Engineering and Transportation Planning”. Khanna Publishers,

Seventh Edition 2007.

https://www.adb.org/sites/default/files/project-document/68076/41076-phi-tar.pdf

25

You might also like