Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 2

Academia de San Gabriel Archangel

City of Malolos, Bulacan 50

IKALAWANG MAHABANG PAGSUSULIT SA FILIPINO 4 (IKATLONG MARKAHAN)


PANGALAN: PETSA: ____/____/2019
GURO: Bb. Brigette Sue Jose
I. Basahin at Unawain ang mga pangungusap. Isulat ang sagot sa patlang.
_____1. Ito ang mga kataga o salitang nag uugnay ng mga salita, parirala, sugnay, o pangungusap.
a. Pangatnig b. Pang-ukol c. Pang-angkop
_____2. Ito ay bahagi ng pananalitang nag-uugnay ng salita sa kapwa salita.
a. Pangatnig b. Pang-ukol c. Pang-angkop
_____3. Ito ang pang-abay na kumakatawan sa kung saan ginagawa ang kilos.
a. Pamahanon b. Panlunan c. Pamaraan
_____4. Ito ang pang-abay na sumasagot sa tanong na paano ginanap, ginaganap, o gaganapin ang sinasabi ng Pandiwa.
a. Pamahanon b. Panlunan c. Pamaraan
_____5. Ilan ang Uri ng Pang-abay.
a. Isa b. Tatlo c. Anim
II. Pagtambalin ang mga salita. Itambal ang mga salita sa kaliwang kahon sa mga salita sa kanang kahon. Gamitin ang NA
at NG na pang-angkop.

1. Mataba 1. Bata
2. Maganda 2. Babae
3. Masipag 3. Empleyado
4. Matulungin 4. Estudyante
5. Malinaw 5. Mata

1. ___________________________
2. ___________________________
3. ___________________________
4. ___________________________
5. ___________________________
III. Hanapin ang Pandiwa at Pangatnig sa Pangungusap.
1. Ako ang kanyang kaibigan subalit may iba siyang gustong makasama.
2. Sina Mama at Papa ang aking sandigan.
3. Ang gusto ko paglaki ay maging doktor.
4. Si Ana ay matalino samantala ang kanyang kapatid ay tamad.
5. Si Juan ay nag aaral ng mabuti upang makapagtapos.
6. Si Nanay ay nagluluto para sa Noche Buena habang si Tatay ay nagkakatay ng baboy.
7. Ano ang gusto mong ulam, Adobo o Kare kare?
8. Siya ang magpapatayo ng bahay kapag nakatapos siya.
9. Ang Grade 4 at Grade 5 ay magkakaibigan.
10. Maganda ang kanyang gawa ngunit may mas maganda pa.
IV. Magbigay ng tig-limang halimbawa ng Pangatnig at Pang-angkop. Pagsamahin ito sa isang pangungusap.
1. ___________________________________________________________________________
2. ___________________________________________________________________________
3. ___________________________________________________________________________
4. ___________________________________________________________________________
5. ___________________________________________________________________________
V. Mula sa kwentong binasa na pinamagatang “Ang Araw at ang Hangin”. Sundin ang bawat panuto.
1. Gumuhit ng Araw sa kahon.
2. Gumuhit ng ulap na umiihip sa araw.
3. Lagyan ito ng taong naiinitan at nalalamigan.

MAG ARAL NG MABUTI PARA BUHAY AY BUMUTI

You might also like