LPAP

You might also like

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 9

BANGHAY ARALIN

Sa Pagtuturo ng Araling Panlipunan 7

I. LAYUNIN
Pagkatapos ng 60 minuto, 75% ng mga mag-aaral ay inaasahang:
a. natutukoy ang paraan ng pagpapahayag ng mga Tsino nang kanilang pagtutol mula sa
panghihimasok ng mga dayuhan sa kanilang bansa.
b. napapaliwanag ang layunin ng rebelyong taiping at rebelyong boxer.
c. nakakabuo ng panata na nagpapakita ng pagmamahal sa bayan.
II. NILALAMAN
a. Paksa: Pag-unlad ng Nasyonalismo sa China
b. Sanggunian: ASYA: Pagkakaisa sa Gitna ng Pagkakaiba
c. Kagamitan: Manila Paper, Pentelpen

III. PAMAMARAAN

Gawain ng Guro Gawain ng Mag-aaral


a. PANIMULANG GAWAIN:

1. Pagdarasal

Inaaanyayahan ang lahat na magsitayo para sa


isang panalangin.

2. Pagbati

Magandang umaga sa lahat! Magandang umaga rin po Ma’am.

Bago tayo magsimula, magkakaroon muna tayo


ng alituntunin sa klase. Ito ay tatlong “M”.
Makinig, makilahok, at huwag mag-ingay kung
hindi naman kinakailangan. Maliwanag ba? Opo Ma’am.

3. Balik-Aral

Ngayon, magkakaroon tayo ng balik-aral.


Naaalala n’yo pa ba ang ating talakayan
tungkol sa Una at Ikalawang Digmaang Opyo
sa China? Opo Ma’am.

Magaling! Kung ganoon, ano nga uli ang


naging dahilan ng naturang digmaan? Ang sapilitang pagpapasok po ng mga taga
England ng mga opyo sa bansang China
Ma’am.
Tama! At paano nagtapos ang naturang
digmaan? Natapos po ang una at ikalawang digmaang
opyo sa pamamagitan ng paglagda ng mga
kasunduan.

Tama! At anu-anong kasunduan ba iyon? Ang mga kasunduang nanking at Tientsin po


Ma’am.
Magaling! Ano ang napapansin n’yo sa mga
kasunduan, patas ba ang mga nakapaloob dito? Hindi po.
Bakit? Dahil po ang mga nakapaloob sa kasunduan
ay base lamang sa interes ng mga bansang
nanakop sa bansang China.

Tama! Ano naman ang naging epekto ng mga


kasunduang nilagdaan sa bansang China? Nang dahil dito, nagkaroon ng mga
patakarang sphere of influence at open door
policy na naging dahilan ng malayang
pagpasok ng mga dayuhan sa bansang China.

Magaling! Ngayon, sa tingin ko ay handa na


ang lahat para sa panibagong diskusyon.

a. PAGLINANG NG ARALIN:

1.PAGGANYAK

Ngayon naman, may ipapakita muna ako sa (Pagpapakita ng video patungkol sa Edsa
inyong video. Revolution)

Ano ang inyong masasabi sa naturang video? Nagpapakita po ito ng pagkakaisa.

Tama! Sa tingin n’yo, bakit nagkakaisa ang


mga tao sa panahong ito? Dahil may mga bagay po silang hindi
sinasang-ayunan sa pamamalakad ng
namamahala sa bansa.

Magaling! Ano ang ginawa ng mga tao sa video


para pigilan diktatoryal na nangyari sa bansa? Nagkaisa po sila at nagtatag ng rebelyon sa
pamamagitan ng mapayapang
demonstrasyon.

Tama! At ang ginawa nilang pagkakaisa ay


nagpapakita ng pagmamahal sa bayan. At ano
ang tawag sa pagmamahal na ito? Nasyonalismo po.

Ngayon, base sa inyong mga nakita sa video,


ano ang sa tingin ninyo ang magiging paksa
natin sa umagang ito? Tungkol po sa pag-unlad ng nasyonalismo.

Tama! Ngunit lilinawin ko lang na ang video na


inyong napanood ay patungkol sa pag-usbong
ng diwa ng nasyonalismo sa bansang Pilipinas.
Ngayon naman, aalamin naman natin kung
paano ito umusbong sa bansang China.
2. PAGLALAHAD

Mungkahing gawain:

Bago ang lahat, basahin muna natin ang ating


layunin sa umagang ito. Handa Simula! Mga LAYUNIN:

Pagkatapos ng 60 minuto, 75% ng mga mag-


aaral ay inaasahang:
a. Natutukoy ang paraan ng
pagpapahayag ng mga Tsino nang
kanilang pagtutol mula sa
panghihimasok ng mga dayuhan sa
kanilang bansa.
b. Napapaliwanag ang layunin ng
rebolusyong taiping at reboulusyong
boxer.
c. nakakabuo ng panata para sa bayan.

3. PAGTATALAKAY

Ngayon, sisimulan na natin ang ating talakayan.


Ano ba ang nasyonalismo? Ang nasyonalismo ay tumutukoy sa
masidhing pagmamahal sa bayan.

Kailan ito mararamdaman ng tao? Nang


ipinanganak ba tayo meron na tayong ganitong
damdamin? Pagkakaiba-iba ng sagot.

Ang pagmamahal sa bayan ay unti-unting


nararamdaman. Depende ito sa karanasan ng
tao. Katulad nalang ng nangyari sa Edsa
Revolution kung saan nagkaroon ng people
power. Ang mga taong nakilahok noong mga
panahong iyon ay nagkaroon ng lubos na
pagmamahal para sa bayan nang dahil na rin sa
kanilang mga nasaksihan na hindi
makatarungang pakikitungo ng mga
namamahala sa ating bayan. Ang kanilang mga
karanasan ang pumukaw sa kanilang diwang
nasyonalista. Naiintindihan ba? Opo Ma’am.

Ngayon naman, aalamin natin kung paano


umusbong ang nasyonalismo sa bansang China.

Nang dahil sa mga patakarang ipinatupad na


sphere of influence at open door policy sa
bansang China ng mga dayuhan, malaya ng
nakakapasok ang mga dayuhan sa bansang
China. Nagustohan ba ito ng mga Tsino? Hindi po nagustohan ng mga Tsino ang
malayang pagpasok ng mga dayuhan sa
kanilang bansa.
Tama! Maraming tumutol na Tsino. At upang
ipahayag ng mga Tsino ang kanilang pagtutol
sa panghihimasok ng mga dayuhang bansa sa
China, ano ang kanilang ginawa? Upang ipahayag ng mga Tsino ang kanilang
pagtutol sa panghihimasok ng mga dayuhan
sa kanilang bansa, nagtatag po ang mga
Tsino nang rebelyon.

Tama! At anong pangalan ng rebelyong ito? Ang rebelyong taiping po at rebelyong boxer.

Magaling! Ngayon, hahatiin ko muna kayo sa


dalawang pangkat nang sa ganun ay malinang
ang inyong mga kaalaman tungkol sa rebelyong
taiping at boxer. Ang panuto at kriterion para sa
inyong gawain ay nakasulat sa index card na
nakapaloob sa envelope na ibinigay ko sa inyo.
Pakibasa ng sabay-sabay ang nakapaloob sa
kriterion. Handa simula!
Kolaborasyon------------------------2 puntos
Organisayon ------------------------1 punto
Paglalahad ------------------------2 puntos

Kabuuan ------------------------5 puntos

Bibigyan ko lamang kayo ng 10 minuto para sa


pagsagot at 5 minuto naman para sa pag-uulat.
Simulan na ang inyong mga gawain.

Pangkat I

Panuto:

d. Pumili ng lider, tagasulat, at tagapag-


ulat.
e. Sagutin ang mga sumusunod na
tanong:

REBELYONG TAIPING

f. Kailan nangyari ang rebelyong


Taiping?
g. Ano ang layunin ng rebelyong
Taiping?
h. Ano ang naging bunga ng rebelyong
Taiping?

Pangkat II

Panuto:

i. Pumili ng lider, tagasulat, at tagapag-


ulat.
j. Sagutin ang mga sumusunod na
tanong:

REBELYONG BOXER
k. Kailan nangyari ang rebelyong
Boxer?
l. Ano ang layunin ng rebelyong
Boxer?
m. Ano ang naging bunga ng rebelyong
Boxer?

Tapos na ang 10 minutong ibinigay ko sa inyo.


Ngayon, ipaskil n’yo na ang inyong mga
ginawa sa pisara at iulat ito sa klase sa loob ng
2 at kalahating minuto. (Pag-uulat)
Pangkat I

REBELYONG TAIPING

n. Kailan nangyari ang rebelyong


Taiping?
-Disyembre 1850-Agosto 1864
o. Ano ang layunin ng rebelyong
Taiping?
-Layunin ng rebelyong Taiping na
mapabagsak ang dinastiyang Qing.
p. Ano ang naging bunga ng rebelyong
Taiping?
-Nagapi ng dinastiyang Qing (Manchu)
ang rebelyong aiping sa tulong ng British at
French.

Pangkat II

REBELYONG BOXER

q. Kailan nangyari ang rebelyong


Boxer?
-Sumiklab ang rebelyong boxer
noong 1899.
r. Ano ang layunin ng rebelyong
Boxer?
-Layunin ng rebelyong boxer na
patalsikin ang lahat ng mga dayuhang
nasa bansang China, kabilang dito
ang mga kanluranin.
s. Ano ang naging bunga ng rebelyong
Boxer?
-Nagapi ang mga boxer dahil sa
pagtutulungan ng mga dayuhang
imperyalista.

Magaling! Bigyan ang mga sarili ng


masigarbong palakpakan!

Mahusay! Ngayon, base sa inyong mga ginawa,


may pagkakapareho ba ang dalawang rebelyon? Opo.

Tama! Ano ang pagkakapareho ng dalawa? Pareho po sila ng layunin na patalsikin ang
mga dayuhang namumuno at nananakop sa
kanilang bansa.

Naisakatuparan ba ang mga layuning ito? Hindi po.

Tama! At dahil hindi sila nagtagumay,


masasabi ba nating nauwi lang sa wala ang
lahat? Hindi po.

Magaling! Dahil kahit nabigo ang dalawang


rebelyon sa kanilang mga layunin na patalsikin
ang mga dayuhang namumuno at kumukontrol
sa kanilang bansa, ito naman ay naging dahilan
para mapukaw ang diwa ng nasyonalismo sa
mga Tsino.

Ating alalahanin na lahat nang buhay sa mundo


ay importante. Ang maraming buhay na
naibuwis ng mga Tsino para ipaglaban ang
kanilang mga karapatan at kalayaan bilang
isang mamamayan ay naging makabuluhan nan
gang naging resulta naman nito ay ang
pagpukaw ng pagkakaisa at diwa ng
nasyonalismo sa bansang China.

PANGWAKAS NA GAWAIN
1. PANLAHAT

Batay sa ating tinalakay, paano ipinakita ng


China ang kanilang pagtutol sa pagpasok ng
mga dayuhan sa bansang China? Ipinakita po ng mga Tsino ang kanilang
pagtutol sa pamamagitan ng pagkakaisa sa
pagbuo ng rebelyon laban sa mga dayuhan.

Tama! Nagtagumpay ba ang mga rebelyong


binuo sa pagpapatalsik ng mga dayuhan sa
bansang China? Hindi po.
Bakit? Hindi po nagtagumpay ang mga rebelyon ng
bansang China sa pagpapatalsik sa mga
dayuhan sapagkat nagpadala ng puwersang
militar ang mga dayuhan at walang laban ang
bansang China.

Ano ang naging epekto ng pagbuo ng mga


rebelyon ng bansang China sa mga
mamamayan nito? Nang dahil po sa mga rebelyong naisagawa,
napukaw po ang diwa ng nasyonalismo sa
mga Tsino.

2. PAGPAPAHALAGA

Magaling! Ngayon, bilang isa mag-aaral,


gagawin n’yo rin ba ang ginawa ng mga Tsino
kung ito ay nangyari sa sarili mong bansa? Opo Ma’am. Kase ang pagsali sa rebelyon ay
nagpapakita ng pagmamahal para sa bayan.

Mahalaga ba ang pagkakaroon ng pagmamahal


sa bayan? Bakit? Opo. Dahil ang pagmamahal sa bayan ay
parang pagmamahal sa iyong sarili. At
kagaya ng pag-aalaga natin sa ating mga
sarili, kailangan rin natin itong pangalagaan.

Dahil pag may hindi mabuting nangyayari sa


bayan, ito ay mararamdaman din natin. Handa
ba kayong lumaban para sa bayan kung
kinakailangan? Opo Ma’am.

Magaling! At dahil kung hindi ako, hindi kayo,


sino? Ngayon, may mga salita ako dito sa
pisara. Simple lang ang kailangan n’yong
gawin. Bumuo lamang ng panata gamit ang
mga salitang ito. Ang unang saknong ay
bubuuhin ng mga babae, ang ikalawang
saknong naman ay para sa mga lalaki.

Andres Bonifacio
katotohanang
Lee Min Ho
Mundo
Pilipino
tao

“Panunumpa sa Lupang Sinilangan” “Panunumpa sa Lupang Sinilangan”

Ako ay isang _____________ Ako ay isang Pilipino


Ako ay nanunumpang hindi ko __________ Ako ay nanunumpang hindi ko ikakahiya ang
ang katotohanang ito. katotohanang ito.
Mapadpad man sa kahit saang dako ng ______ Mapadpad man sa kahit saang dako ng
Mapalibutan man ng maraming __________ mundo
Puso ko ay para pa rin kay ______________ Mapalibutan man ng maraming Lee Min Ho
Puso ko ay para pa rin kay Andres Bonifacio.

Bayan
Kalayaan
ipaglaban
tutularan
magpakailanman
paraan
Maging ang ginawa ni Bonifacio ay _________ Maging ang ginawa ni Bonifacio ay tutularan
Handang ialay ang sarili para sa ____________ Handang ialay ang sarili para sa bayan
Noon, ngayon, at ______________, Noon, ngayon, at magpakailanman,
Bayang Pilipinas handang _______________ Bayang Pilipinas handang ipaglaban
Makamit lang ang _____________________. Makamit lang ang kalayaan.

IV. PAGTATAYA

Ngayon, bilang ebalwasyon kung may


natutunan ba kayo sa diskusyong ito,
magkakaroon tayo ng pagsusulit.

Panuto: Bilugan ang titik ng tamang sagot.

1. Paano ipinahayag ng mga Tsino ang


kanilang pagtutol mula sa
panghihimasok ng mga dayuhan sa
kanilang bansa? A

a. Sa pamamagitan ng pagsagawa ng
rebelyon.
b. Sa pamamagitan ng pagmamakaawa.
c. Sa pamamagitan ng pagkakaisa.
d. Wala sa mga nabanggit.

2. Ano ang layunin ng rebelyong taiping? A

a. Layunin ng rebelyong Taiping na


mapabagsak ang dinastiyang Qing.
b. Layunin ng rebelyong Taiping na
magparami ng populasyon.
c. Layunin ng rebelyong Taiping na
magtatag ng pilosopiyang Confucianism
sa China.
d. Lahat ng nabanggit.

3. Anong rebelyon ang naglalayon na


patalsikin ang lahat ng mga dayuhang
nasa bansang China kabilang dito ang
mga kanluranin? B

a. Rebelyong Teiping
b. Rebelyong Boxer
c. Rebolusyong Taiping
d. Rebolusyong Boxer

4. Ano ang kinalabasan ng pagkakaroon


ng mga Tsino ng rebelyon laban sa
panghihimasok ng mga dayuhan sa
bansang China? D

a. Nagpatuloy ang digmaan.


b. Tumigil ang digmaan.
c. Nanalo ang China laban sa mga
dayuhang bansa.
d. Hindi pa rin nabawi ng China ang
kanilang bansa mula sa dayuhang
namumuno dito.

5. Ito ay tumutukoy sa masidhing


pagmamahal sa bayan. B

a. Naturalismo
b. Nasyonalismo
c. Kolonyalismo
d. Paganismo

V. TAKDANG ARALIN:

Panuto: Gumuhit ng larawan na


nagpapakita ng rebelyon. Ilagay ito sa short
bond paper.

You might also like