Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 3

MARIANO MARCOS STATE UNIVERSITY

GRADUATE SCHOOL
Laoag City

Pagsusuri sa Pelikulang “Hello Love, Goodbye”


Ni Cathy Garcia- Molina

Inihanda ni:
Donna Mae A. Torres

S.Y. 2019-2020
Binigong Pag-ibig dahil sa Pangarap

Pagpili at pagtalikod, ilan lamang ito sa mga mahirap na sitwasyon sa buhay ng tao. May itataya
o isusugal, may masasaktan at may magiging masaya sa kahihinatnan ng desisyong pinili. Sa salitang
pangarap at pag-ibig, handa ka bang mamili?

Minsan, dumarating sa punto ng ating buhay na kailangan nating mamili. Pag-ibig o pangarap?
Ligaya ng puso o magandang kinabukasan? Iyong matagal mo nang pinapangarap o iyong pag-ibig na
alam mo sa sarili mo na hindi mo na mararamdaman sa iba? Mahirap maipit sa dalawang bagay na alam
mong kahit alin man sa dalawa ang piliin mo ay mananaig pa rin ang kirot sa puso mo. Bakit pa kasi
kailangan pa nating mamili? Bakit ba kasi kailangang pa nating magsakripisyo.

Pangarap, iyong nililikha ng isip at ninanais ng puso ng isang tao na siyang nagdidikta sa kanya sa
dapat niyang maabot. Pangarap na kung saan mula pagkabata ay dala-dala na niya, at nagsisilbing gabay o
layunin upang ipagpatuloy ang buhay at mithiin ang magtagumpay. Naniniwala ako na ang pangarap ay
may malaking gampanin sa buhay ng isang tao, dahil ano pa ang saysay ng mabuhay sa mundo kung wala
ka din namang pananaw at mga layunin para mabuhay. Sa kagustuhang makamit ang iyong pangarap ay
natuto kang bumangon at harapin ang bagong bukas. Nagkakaroon ng mga dahilan para sumaya at
sumabay sa agos ng buhay.

May dalawang uri ng pangarap sa buhay ng tao; una ay iyong tipong sa totoong buhay ay
makakamit mo talaga kapag may sipag at tiyaga ka. Ikalawa ay iyong alam mong imposible na ay hindi
ka pa rin nawawalan ng pag-asa. Sa pangarap, kung minsan pa ay kapag hindi ka makontento sa isang
trabaho dahil sa kokonti lang ang kinikita ay nang-raraket ka pa sa kanto. Ang iba naman ay mayaman na
ay nagpapayaman pang lalo. Ang ilan naman ay nakikipagsiksikan pa sa pila ng mga nag-uudisyon at
isinasa-Diyos pa na sana ay papasa nang sa gayon ay isang hakbang nalang sa kamera ay pasok na sa pag-
aartista. Ang tao nga naman kapag pangarap na ang pag-uusapan, lulunukin ang lahat ng kapal sa mukha
makamit lamang ang kanilang tinatamasa. Isa lang naman ang layunin ng bawat isa sa atin kung bakit
tayo nangangarap, ang guminhawa at hindi maghirap ang buhay. Sino ba naman kasi ang nangangarap na
maghirap at maging mahirap? Hindi ba wala?

Iba naman ang sa pag-ibig, dahil para sa akin ang pag-ibig ay isang komplikadong bagay sa
mundo. Hindi lamang ang puso ang mahihirapan kung pag-ibig na ang pag-uusapan, pati isip ay
kasangkot na rin nito. Sabi nga ni Jamville Sebastian (JAMICH) sa kanilang maikling pelikulang “The
Better Half”, ang pag-ibig daw ang pinakamakapangyarihan sa lahat, na sa sobrang lawak nito ay
pwedeng tamaan ang kahit na sino, na kahit kapwa hindi magkasundo ay pinagtatagpo at ang akala’y
perpektong magkasintahan ay pinaglalayo. May iba’t ibang uri ang pag-ibig. May pag-ibig sa kapatid,
pag-ibig sa ama, sa ina , pag-ibig sa Diyos, sa bayan, sa kapwa-tao, pag-ibig sa kaibigan at kaaway, pero
ang higit daw sa lahat, para sa mga taong may tinatawag na espesyal na tao sa kanilang buhay ay ang pag-
ibig sa kanilang iniirog, iniibig, minamahal,sinisinta o kasintahan. Kung pag-ibig nga naman ang pag-
uusapan ay nagiging tama minsan ang mali at nagiging pwede naman ang hindi. Minsan ang taong
nagmamahal ay nagiging bulag ng dahil sa pag-ibig, yung tipong dilat na dilat naman ang mga mata mo
sa mga katotohanang may mali sa kanya at sa relasyon ninyo pero nagawa mo pa ring ipagsigawan sa
mundo ang katagang hinding- hindi ka na makakahanap pa ng iba na kagaya niya sa mundo.

Masasalamin sa pelikula ang naging tagpuan nito- Hongkong. Kahalintulad nito ang kapital
ng Pilipinas, ang Maynila. Nakatago sa likod ng nagtataasang bilding, ang bahong taglay nito. Hindi
magkamayaw na taong abala sa kanilang trabaho na hindi alintana ang tagaktak ng pawis at pagkahapo
magkaroon lang ng pera para sa pamilya. Ang pagpasok sa mga ilegal na gawain na kahit alam mong mali
ay gagawin mo alang-ala lamang sa iyong pamilya.

Ang pag-aasawa ng nanay ni Joy sa kanyang amo. Ito’y likas na sa dugo ng isang Filipina.
Ating makikita ito panahon pa ng mga hapon na kung saan ang mga babae ay nakapag-aasawa ng mga
military na hapon. Na kung titignan sa isang banda ang negatibng epekto nito minsan na naging sex slave
lang nila ang mga babae noon. Maraming mga Pilipino ang mas pinipiling makapag-asawa ng kano o
ibang lahi sa dahil sa prinsipyong pinaniniwalaan nila na ito ang magiging daan upang umangat sila sa
buhay at matutunan ang pag-ibig.

Pag-ibig at Pangarap, dalawang salita na nanaisin ng kahit na sinumang nilalang sa mundo.


Parehong hindi dapat pagpipilian dahil nanaisin at papangarapin nating aariin ang dalawang bagay na ito.
Parehong yayakapin at parehong mithiin ng bawat isa sa atin,kaya kung mangarap ka man dapat ay
kaakibat mo ang pag-ibig dahil ito ay isang mabisang elemento sa pagtupad sa iyong mga minimithi. At
kung magmamahal ka man, dapat hindi lamang paiiralin ang puso kundi dapat ay katuwang nito ang isip
sa pagtatama ng mali hindi lamang para sa sarili kundi para sa lahat. Kung magmamahal ka man nararapat
na totoong pagmamahal ang iyong iaalay at walang halong inggit, paghahangad sa taong hindi para sa’yo
at hindi rin para sa mga luho. Kung magmamahal ka man ay hindi ka dapat makasarili at madamot, hindi
rin dapat na bigay ng bigay dahil kapag nagkagayun ay mauubusan ka lang at wala ng matitira sa’yo. At
kung magmamahal ka dapat sakto lang, walang labis at walang kulang. Dapat sa taong para lang din sa’yo
laan.Ang Pag-ibig ay isang pagmamahal sa pangarap at pagmamahal sa taong nagmamahal sa’yo at
minamahal mo ng lubusan

You might also like