Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 22

KABANATA 1

SULIRANIN AT KALIGIRANG KASAYSAYAN

PANIMULA

Sa paglipas ng panahon, sa pag-usbong ng bagong henerasyon, tunay na ang wika nga ang

siyang pinakamahalagang sandata upang maiparating ng isang bansa sa kanyang mga mamamayan

ang mga pangyayari, kasaysayan at bahagi ng ekonomiya nito. Wika ang siyang nagbibigkis sa

mga mamamayan na siyang dahilan ng ating pagkakaunawaan. Ngunit, batid ba natin ang tunay

nitong epekto sa pagkatuto ng kabataan?

“Ang wika ay susi ng puso’t diwa, tuluyan ng tao’t ugnayan ng bansa.” Isa ito sa mga

tanyag na kasabihan na nagmula kay Marisol Mapula. Ang Wika ay hindi lang basta bastang

sinasambit. Ito ay isinasapuso at isinasabuhay. Ito ang pinakamabisang kasangkapan sa maayos na

pakikipagtalastasan. Ang wika’y kalipunan ng tunog, simbolo at kaugnay na bantas upang

maiparating ang nais nating sabihin. Ginagamit ito upang maiapaabot natin ang ating mga

saloobin, kaisipan at damdamin pasalita man, o pasulat. Ito’y isang sisidlan upang maitago at

maipasa ang kultura’t kasaysayan ng isang bansa. Nagsisilbi itong lubid upang manatili silang isa

at buo sa kanilang puso’t diwa.

Gamit ang wika, naipararating ng isang tao ang kaibuturan ng kanyang damdamin, ang

tunay niyang katauhan, ang lawak ng kanyang kaalaman, at ang kasanayan niya sa anumang

larangan. Samakatuwid, ang wika ang nagsisilbing paraan upang maipakita ng isang tao at bansa

ang tunay niyang pagkakailanlan.


Matagal ng napag-uusapan ang may kinalaman sa epekto ng ginagamit na wika bilang

midyum ng pagtuturo sa pagkatuto ng mga mag-aaral. Ano nga ba ang dapat gamitin? Ang Wikang

Filipino ba o ang Wikang Ingles? May ilan na nagsasabi na dapat Ingles ang gamitin sapagkat may

mga salitang walang tranlasyon sa Filipino. Ani nila mas naiintindihan daw nila ang tinuturo kapag

ito’y nasa Wikang Ingles lalo na sa mga asignaturang Metematika at Agham. Ang iba nama’y

nagsasabi na mas nauunawaan nila kapag Wikang Filipino ang ginagamit dahil “mother tongue”

daw nila ito. Pinapakita rin nito ang pagmamahal sa sariling wika.

Ang pagsasaliksik na ito ay ginawa sapagkat isa ito sa mga kontrobersiyal at


napapanahong paksa. Layunin ng mga mananaliksik na magbigay ng mga impormasyon,
istatistika, at konkretong datos ukol sa epekto ng wikang ginagamit sa pagtuturo sa pagkatuto ng
mga mag-aaral. Layunin din ng mga mananaliksik na sagutin ang mga tanong at suliranin ng pag-
aaral at maisapubliko ang mga saloobin ng mga estudyante tungkol sa epekto ng wikang
ginagamit ng guro bilang midyum ng pagtuturo sa pagkatuto ng mga mag-aaral. Ito ay
magpapalinaw hindi lamang sa pagiisip ng mga mananaliksik kung hindi pati na rin sa mga
estudyante at higit sa lahat ang institusyon.

Sa tesis na isinagawa ni Mamauag (2015), masasabing wala pa ring resulta ang iba’t-ibang

pananaliksik na nagpapatunay na talagang dapat na Ingles ang gamiting midyum sa matematiks at

wala pa ring malaking pagbabago sa antas ng pagkatuto ng mga mag-aaral. Gayundin, wala ring

matibay na batayan na mas mainam kapag Ingles ang gamit sa pagtuturo,

Habang lumilipas ang panahon, mas lalo ring lumalaganap ang globalisasyon sa mundo,

partikular na sa Pilipinas. Hindi lang nito basta-bastang naiimpluwensiyahan ang ekonomiya ng

bansa, ngunit pati narin ang lenggwaheng ginagamit ng mga mamamayan. Totoong kailangan din

nating gamitin ang Wikang Ingles sapagkat mas ginagamit nga naman ito sa mga kumpanya at
trabaho gaya ng “Call Center”. Isipin natin kung anong mangyayari sa ating mga Pilipino kapag

mas lalong bumaba ang kaalaman natin sa Wikang Ingles. Mas lalong maghihirap ang ekonomiya’t

industriya ng Pilipinas kung hindi natin ito gagamitin. Mahihirapan din tayo sa pakikipag-usap sa

mga dayuhan kung hindi natin ito lilinangin at gagamitin.

Sa kabilang banda, nararapat din na gamitin ang Wikang Filipino sa pagtuturo sapagkat ito

ang wika natin. Ito ang pambansang wika ng Pilipinas. Mas ginagamit din ito sa pakikipag-usap.

Mas madali itong intindihin kumpara sa Ingles dahil ito nga ang nakagisnang wika natin. Ito ang

sumisimbolo sa pagkakainlanlan ng sambayanang Pilipino.

KALIGIRANG PANGKASAYSAYAN NG PAG-AARAL

Ang pagsasaliksik na ito ay tumatalakay sa mga epekto ng ginagamit na wika ng guro

bilang midyum ng pagtuturo sa pagkatuto ng mga mag-aaral mula sa ika-11 na baiting ng ABM

sa Unibersidad ng Our Lady of Fatima- Quezon City Campus.

Ang wikang dapat gamitin sa pagtuturo ay isang kontrobersiyang paksa na hindi parin

nabibigyang-linaw hanggang ngayon. Sa wika nagkakaugnay-ugnay ang mamamayan ng isang

bansa. Ito ang nagsisilbing pagkakailanlan nila sapagkat ditto sila nakikilala. Gamit nito,

maipapakita nila ang kanilang mga saloobin, kaisipan at damdamin.

Ayon kay Vilegas, noong 2003, ang kabataan ay binigyan na ng pagkakataong magsalita

at makinig sa wikang Filipino sa kanilang araw-araw na buhay. Gayunpaman, karamihan ng

kabataan ay hindi nabibigyang pagkakataong magsalita at magensayo ng paggamit ng wikang

Ingles. Ang malinaw lamang sa ating sitwasyon, ang wikang Ingles ay patuloy na nararanasan ang

pribilehiyo nito sa Pilipinas.


Ang wika ay isang malaking salik sa pagkatuto ng mga mag-aaral. Ito ang tulay ng

pagkakaintindihan ng guro sa kanyang mga estudyante. Kay tagal ng ginagamit ang wikang Ingles

sa pagtuturo sa asignaturang Mathematika at Agham. Ngunit, ito nga ba ang pinaka-epektibong

paraan sa pagtuturo nito? Ang aming pananaliksik ay nagsisikap matuklasan kung ano nga ba ang

pinakaepektibong midyum ng pagtuturo para sa mga mag-aaral. Kailangan itong pag-aralan upang

umunlad ang estado ng pagtuturo at pagkatuto sa Sistema ng Edukasyon ngayon.

Base sa pag-aaral ni Amamio noong 2000. Ang kaugalian daw ng mga estudyante, guro,

at mga magulang patungkol sa wikang Ingles at Filipino bilang midyum ng pagbibigay

impormasyon at direksyon ay nagkaroon ng kawili-wiling pagtutulad. Ang mga estudyante at guro

ay mas pabor sa paggamit ng wikang Ingles bilang midyum ng pagbibigay ng impormasyon at

direksyon sapagkat ramdam nilang mas napapaliwanag nila ang mga bagay-bagay sa wikang

Ingles. Dagdag ng mga guro na, ang wikang Ingles ay isang intelektwal na lingwahe at isang

mahalagang kagamitan sa pagkuha ng impormasyon at paggamit ng teknolohiya. Sa dako naman

ng mga magulang, sila ay panig sa paggamit ng wikang Filipino sapagkat sinasabi nila na, ito ang

wikang malaya nilang nagagamit at naipapahayag ang kanilang mga sarili. Ito ang lenggwahe na

mas madali nilang naiintindihan at mas madali nilang naipapaintindi.


BATAYANG TEORETIKAL

Ayon kay Sibayan (1987) na ang isang tao ay kailangang may sapat na kaalaman sa wikang

ginagamit sa pamahalaan, administrasyon, hukuman, agham at teknolohiya, negosyo at industriya,

midya at iba pang larangan. Sa sitwasyong ng Pilipinas, kailangang maging mahusay sa Filipino

at Ingles ang mga mag-aaral.

Ayon kay June Jordan (2009), “You will never teach a child a new language by scoring,

ridiculing and forcibly erasing his first language”. Sa simula ng pag-aaral, ang mother tongue ay

napakahalaga hindi lamang para mapaunlad ang mas matatag na pundasyon ng edukasyon, kundi

para mas mapatibay ang kognitibong pag-unlad ng mga mag-aaral. Sa paghubog ng kakayahang

pangliterasiya sa unang wika, ang multilingual na base sa mother tongue ay makakatulong sa

pagpapatibay ng unang wika at tumutugon sa magandang transisyon mula sa L1 (unang wika)

hanggang L2 (pambansang wika) at L3 (internasyonal na wika) na ginagamit bilang paraan at

kagamitan sa pagtuturo.

Ang teoryang innatism sa pagkatuto ay nakabatay sa paniniwalang ang mga bata ay

ipinanganak na may “likas na talino” sa pagkatuto ng wika. Ipinaliwanag ni Chomsky (1975,1965)

na ang kakayahan sa wika ay likas na nalilinang habang ang mga bata ay nakikipag-interaksyon

sa kanyang kapaligiran. Ang mga bata ay biologically programmed para sa pagkatuto ng wika at
ang wikang ito ay nalilinang katulad nang kung paano nalilinang ang iba pang tungkuling

biyolohikal ng tao.

Tinukoy ni Chomsky ang espesyal na abilidad na ito na Language Acquisition Device

(LAD). Ang aparatong ito ay karaniwang inilalarawan bilang isang likhang isip na ‘black box’ na

matatagpuan sa isang sulok ng ating utak. Sa kasalukuyan, inilaglag na ni Chomsky at ng kanyang

mga kapanalig ang terminong LAD; sa halip, Universal Grammar (UG) na ang tawag nila sa

aparatong pang-isipan na taglay ng lahat ng mga bata pagsilang (Chomsky, 1981; Cook, 1988;

White, 1989).

Ang teoryang behaviorist, ayon sa kanila, ang mga bata ay pinanganak na may kakayahan

na sa pagkatuto ng wika at ang kanilang kilos at gawi maaring hubugin sila sa kanilang kapaligiran.

Binibigyang-diin ni Skinner (1968), isang pangunahing behaviorist, na kailangang “alagaan” ang

pag-unlad na intelektwal sa pamamagitan ng pagganyak at pagbibigay- sigla at pagpapatibay sa

anumang gawi o kilos.


KONSEPTWAL NA BALANGKAS

Naisagawa ang pananaliksik sa konseptong nais bigyang kasagutan ng mga mananaliksik

ang mga katanungan na tumutukoy sa epeketo ng ginagamit na wika sa midyum ng pagtuturo sa

pagkatuto ng mga mag-aaral. Ang batayang konseptwal na ito ay magpapakita ng sistematikong

pananaw sa naging daloy ng pananaliksik.

INPUT PROSESO AWPUT


 Nagsagawa ng sarbey
 Ano-ano ang mga epekto  Inaasahan ng mga
 Nagsagawa ng interbyu mananaliksik na ang
ng wikang ginagamit ng guro
bilang midyum ng pagtuturo  Nagkalap ng mga kalalabasan ng kanilang
sa pagkatuto ng mga mag- pag-aaral ay mabigyan
impormasyon galing sa
aaral? ng impormasyon at
internet patungkol sa kalinawan ang mga
 Mas madali nga bang
matututo ang mga estudyante paksa mag-aaral sa epekto ng
wikang ginagamit bilang
kung Wikang Filipino ang  Nagbasa ng mga artikulo
gagamitin bilang midyum ng midyum ng pagtuturo sa
mula sa iba’t-ibang pagkatuto nila.
pagtuturo?
 Mas mauunawaan ba ng librong nailathala  Nais ng mga
mananaliksik na
mga estudyante kung  Nagkonsulta sa mga iba
Wikang Ingles ang gagamitin mabatid kung saan mas
pang sanggunian natututo ang mga mag-
bilang midyum ng
pagtuturo?  Pagsuri sa mga naunang aaral sa wikang
ginagamit bilang
 Mas madali nga bang pag-aaral o pananaliksik
maiintindihan at matutunan midyum ng pagtuturo.
ng mga estudyante kung ang
Wikang Filipino at Wikang
Ingles ay parehong
gagamitin sa pagtuturo
Pigura 1: Paradigma ng pag-aaral

PAGLALAHAD NG SULIRANIN

May mga suliranin na napag-usapan ang mga mananaliksik ukol sa kanilang paksa. Ang

pag-aaral na ito ay naglalayong matukoy at masuri kung ano ang mga epekto ng wikang ginagamit

bilang midyum ng pagtuturo sa pagkatuto ng mga mag-aaaral ng ika-11 na baiting ng ABM sa

Unibersidad ng Our Lady of Fatima- Quezon City Campus.

Ang mga tiyak na suliranin na layuning masagot ng mga mananaliksik ay ang mga

sumusunod:

1. Ano-ano ang mga dahilan kung bakit hindi madaling maunawaan ng mga mag-aaral ang

wika na ginagamit sa pagtuturo?

2. Gaano kalaki ang naging epekto ng mga dahilan kung bakit hindi madaling maunawaan ng

mga mag-aaral ang wikang ginagamit sa pagtuturo?

3. Bakit mas ginagamit ang wikang Ingles bilang midyum sa pagtuturo?

4. Ano-ano ang mga positibo at negatibong epekto ng mas paggamit ng Wikang Ingles bilang

midyum ng pagtuturo?

5. Ano-ano ang mga positibo at negatibong epekto ng mas paggamit ng Wikang Filipino

bilang midyum ng pagtuturo?


6. Paano matitiyak na ang midyum ng wika na ginagamit sa pagtuturo ay nakatutulong o

nakahahadlang sa pag-unawa ng nga magaaral?

ISKOP AT DELIMITASYON NG PAG-AARAL

Ang pananaliksik na ito ay nakatuon sa pagbibigay datos, istatistika, at konkretong datos

ukol sa epekto ng wikang ginagamit sa pagtuturo sa pagkatuto ng mga mag-aaral. Binubuo rin ito

ng iba’t-ibang pag-aaral at literatura sa loob at labas ng bansa. Naniniwala ang mga mananaliksik

na mayroong positibo at negatibong epekto ang mga wikang ginagamit sa pagkatuto ng mga mag-

aaral. Sa tulong ng mga estudyante ng Unibersidad ng Our Lady of Fatima Lungsod ng Quezon

City, edad labing lima hanggang edad dalawampu, kumuha ang mga mananaliksik ng limampung

respondente mula sa mga mag aaral ng ng ika-11 na baiting ng ABM sa Unibersidad ng Our Lady

of Fatima-Quezon City Campus. Ang sarbey na gagawin ay sa loob lamang ng unibersidad taong

2019-2020.

Ang mga mananaliksik ay pumili lamang ng mga kalahok na may sariling karanasan at

kaalaman patungkol sa paksang pinag-aaralan.


KAHALAGAHAN NG PAG-AARAL

Ang wika ay isang mahalagang kasangkapan sa paglaganap ng edukasyon sa bansa. Isipin

natin kung sa paanong paraan tayo magkakaroon ng kaalaman sa iba’t-ibang larangan kagaya ng

sining at agham kung wala tayong sariling wikang pinanghahawakan. Ang wika ang siyang

nagbibigay daan upang magkaroon tayo ng iba’t-ibang kasanayan at kaalaman sa ating kapaligiran.

Kaya ang pag-aaral na ito ay mahalaga sa mga sumusunod:

Sa mga mag-aaral

- Makatutulong ito upang mabigyang sila ng linaw sa mga epekto ng wikang ginagamit sa

pagtuturo sa kanilang pagkatuto. Sila ang pangunahing pokus sa pag-aaral na ito kaya mas

mauunawaan din nila ang epekto ng mga dahilan kung bakit hindi madaling maunawaan

ng mga mag-aaral ang wikang ginagamit sa pagtuturo.

Sa mga guro

- Malalaman nila kung saan nga ba mas natututo ang kanilang estudyante at anong wika ang

dapat nilang gamitin upang mas maging epektibo pa ang kanilang pagtuturo sa pagkatuto
ng kanilang mga mag-aaral. Malalaman rin nila kung ano-ano ang mga dahilan kung bakit

hindi madaling maunawaan ng mga mag-aaral ang wika na ginagamit sa pagtuturo.

Sa mga magulang

- Makatutulong ito dahil sila ang mas nakakaunawa at mas nakakaalam kung ano ang

nakabubuti sa kanilang anak. Mahalagang salik ang mga magulang sapagkat sila ang unang

mga guro ng mga kabataan. Isa sila sa mga taong nakakaapekto sa pagkatuto ng mga mag-

aaral.

Sa mga susunod na henerasyon ng mananaliksik

- Maaari itong gawing sanggunian ng mga susunod pang henerasyon ng mananaliksik. Ang

mga nasaliksik sap ag-aaral na ito ay puwede nilang gawing gabay at ideya kung saan nga

ba talaga dapat tayo mag pokus sa wikang ating gagamitin.


TERMINOLOHIYANG GINAMIT

Filipino

 Ito ay hango sa wika'ng Tagalog na siya'ng pangunahing wika ng Kalakha'ng Maynila at

mga kalapit nito'ng lalawigan tulad ng Laguna at Bulacan. Isa ito sa dalawa'ng opisyal na

wika ng bansa kung saan Ingles ang isa pa.

 Pambansang wika ng Pilipinas

Ingles

 Isang wika na nagmula sa mga wikang Aleman na isang sangay ng Indo-

Europeong pamilya ng mga wika.

 Pangalawang wika ng mga Pilipino

Mother Tongue

 Ang unang salita o wika na ating natutunan mula sa pagkabata.

Wika
 Kalipunan ito ng mga simbolo, tunog, at mga kaugnay na bantas upang maipahayag ang

nais sabihin ng kaisipan.

 Bahagi ng pakikipagtalastasan

KABANATA II

REBYU MGA KAUGNAY NA LITERATURA AT PAG-AARAL

Sa pag-aaral na ito, nakapaloob ang mga kaugnay na literatura at pag-aaral na

inilahad ng mga mananaliksik upang magkaroon ng mabuting pananaw sa mga suliranin

na napapaloob sa pananaliksik na ito.

BANYAGANG LITERATURA

Ang wika ay isang likas at makataong pamamaraan ng paghahatid ng mga kaisipan

damdamin at mithiin. (Edward Sapir, 2014)

Ayon kila Bartlett (2015), maraming sistemang pang-edukasyon sa buong mundo na

ipinipilit ang ekslusibong paggamit ng isa o ilang pribilehiyongmga wika kahit na

nangangahulugan itong pagliban sa iba pang wika na sanay nang sinasalita ngmga bata. Tinutuon

ng sistemang pang-edukasyon ang paggamit at paghasa ng isa o iilang mgawika na hindi

isinasaalang-alang ang pang-unawa ng mga mag-aaral.


Sinabi ni Ibrahim (2017) sa kanyang artikulo na “English as a medium of instruction:

Challenges to Nigerian primary schools” na mas mainam gamitin ang “mother tongue” ng mga

mag-aaral sa pagtuturo kaysa sa paggamit ng wikang Ingles. Ito’y sa kadahilanang mas nagagawa

nang maayos ng mga estudyante ang ipinapagawa sakanila.

Ayon sa artikulo ni Galloway (2017), Sinasabing mas ginagamit ang wikang Ingles sa

pagtuturo sa mga mag-aaral ng STEM sa Netherlands at Scandinavia dahil mas mabilis ang paglaki

at paglaganap nito kumpara sa ibang wika. Sinasabi ring mas marami ang natututo kapag ginagamit

ang Wikang Ingles sa pagtuturo.

Dapat isaalang-alang ng mga guro ang wikang kanilang ginagamit sa pagtuturo. Hindi lang

ito basta-bastang lenggwahe, ito ay parte na rin ng kanilang araw-araw na pamumuhay. Sinabi rin

ni Mulovhedzi (2017) na mas mainam na ituro na ang una at pangalawang wika habang sila’y bata

pa lamang.

BANYAGANG PAG-AARAL

Nakasaad sa pag-aaral na ginawa ni Madriñan (2014), dapat daw ay may sapat ng kaalaman

ang mga mag-aaral sa kanilang “mother tongue” kung nais nilang aralin pa ang ibang wika. Ito

raw ang pinakamabisang paraan sa pagkatuto ng kabataan.

Sa parehong pag-aaral na isinagawa rin ng unang nabanggit, sinasabi na mas makakatulong

sa paghasa ng “cognitive system” ng isang bata kung magbabasa, magsusulat at tuturuan ito gamit

ng kanyang “mother tongue”. (Madriñan 2014)

Ayon sa National Education Support Strategy ng United Nations Educational, Scientific

and Cultural Organization (UNESCO) (2015), lubhang nakakabahala na mababang kalidad ng

edukasyon sa elementarya sa Pilipinas base sa achievement rates. Dalawampu’t anim na porsiyento


(26%) lamang ng mga mag-aaral sa ika-anim na baitang ang may mastery of English (ang mastery

ay nangangahulugang 75% o higit pa ang marking nakuha). Tatlungpu’t isa (31%) ang may

mastery of Mathematics at 15% naman ang sa Agham. Ganun rin ang isinasaadng istatistika sa

High School: 7% na kahusayan sa Ingles; 16% sa Matematika, at 2% sa Agham.

Nakasaad sa tesis na ginawa ni Mamauag (2015) ang aklat na International Accounting na

sinulat ni Steve Lawrence, hindi malaking suliranin ang wika sa pag-aaral dahil maraming nang

alam na paraan ang mga tao sa pagsasalin nito. Maaaring may pinag-aralan din ang ilan sa mga

banyagang wika kaya nagiging madali ang pagpapahayag ng impormasyon tungkol sa Pagtuturo.

Marami na ring kumpanya ang multilingual o gumagamit ng dalawa o marami pang wika upang

maging mas madali ang pagpapalitan ng mga transaksyon sa isa’t-isa.

Ayon naman sa pag-aaral na isinagawa ni Bolatin (2019), ipinaliwanag nina Baker at Jones

kung bakit ang mga batang minorya ng wika na tinuturuan lamang sa pamamagitan ng ikalawang

wika ay maaaring mabigo sa paaralan at kung bakit ang mga bata na nakapag-aral sa mga

programang pang-bilingual ay maaaring magkaroon ng cognitive advantage sa mga monolingual

na mag-aaral.

LOKAL NA LITERATURA

Ayon kay Gutierrez (2017) ang Wikang Filipino ay napakahalaga dahil ito ay ginagamit

natin sa pangaraw-araw na pakikipagusap. Bilang isang kabataan, dapat ay hindi natin ito ikahiya

kundi dapat itong gamitin at ipagmalaki.

Mula sa artikulo ni Mojica (2017), ang Wikang Filipino raw sa kasalukuyan ay unti-unti

nang nawawala dahil sa paggamit ng karamihan sa Wikang Ingles. Bilang Pilipino, dapat natin

itong pahalagahan, pagyamanin at huwag hayaang makalimutan.


Base naman sa artikulong nailathala ni Contreras (2014), hindi na raw dapat isalin pa ang

ilang Ingles na salita sa Filipino lalo na sa mga asignaturang Sipnayan at Agham. Giit niya rin na

magkakaroon lamang ng hindi pagkakaunawaan ang mga mag-aaral kung isasalin pa ito sa

Filipino. Ito ay sa dahilang ang layunin dapat ng wika ay ang magkaunawaan.

Sinabi ni Allaine, (2012) Sa ngayon, hindi makakatapos ng pag-aaral ang isang Pilipino na

wikang Filipino pa lamang ang kayang salitain sapagka’t maraming termino sa agham,

matematika, algebra, medisina, trigonometri, at pisika ang wala pa ring katumbas o “counter-part”

sa Filipino. Isa pa, ang mga kaalamang ito ay hindi rin nagmula sa sarili nating bayan kaya

karamihan ng mga aklat, ensayklopedia, at mga diksyunaryo na ginagamit natin ngayon sa pag-

aaral ay nakalimbag sa wikang Ingles. Panitikan pa lamang ang aspeto ng wikang Filipino ang

intelektwalisado sa ngayon.

Ang Wikang Filipino at Ingles ay parehong mahalaga, hindi dapat natin ito

ipinagkukumpara. Wikang Ingles na nakakatulong sa pagkuha ng trabaho at Wikang Filipino na

sumisimbolo sa ating pagkapilipino. Estabaya (2017).

Ipinatupad ng pamahalaan ang Executive Order (EO) No. 210 noong Marso 17, 2003 na

muling nagtatakda sa wikang Ingles bilang pangalawang wikasa pagtuturo sa mga pribado at

pampublikong paaralan. Nilalayon ng kautusangito na paunlarin pa ang kasanayan ng mga

estudyanteng Pilipino sa wikang Ingles.

LOKAL NA PAG-AARAL

Ang wika ay isa sa mga mahahalagang bagay na dapat bigyan ng atensyon dahil ito ay ang

mahusay na susi sa pag-aaral at tagumpay ng mga estudyante sa iba't ibang mga lugar ng

akademikong paksa. Ang bilingualism ay tumutukoy sa paggamit ng dalawang wika sa ilang


bahagi upang mapadali ang pag-aaral ng mga mag-aaral na may kakayahan sa kanilang sariling

wika at nakakakuha ng kasanayan sa iba. Ang Pilipinas ay isang bilingual na bansa. Higit pa rito,

ito ay isang multilingual na bansa. Gorgonio (2014)

Ayon sa isinagawang eksperimento ng GMA News" kung saan sinubukan nilang alamin

mula sa mga kabataan ngayon at ilan sa mgamatatanda ang kahulugan ng mga lumang salita

kagaya ngalimpuyok" papagayo at salakat"wala sa mga modernong kabataan ang nakakuha ng

tamang sagot o kahulugan ng mgasalitang ito subalit may isang matanda ang nakakuha naman ng

tamang sagot. Ayon saulat naito" masasabi nating mahirap para sa mga kabataan ngayon ang

pagpapalaganap ngkaalaman tungkol sa wika mula sa ating kasaysayan.

Ayon sa ginawang pagsasaliksik nina Santos et al, (2016) Mababa ang porsyento ng

kasanayan ng mgamag-aaral sa elementarya sa larangan ng mga asignaturang Matematika, Ingles

at Agham.Gayundin ang kasanayan ng mga mag-aaral sa sekondarya, ang porsyento ng kanilang

kasanayansa Ingles, Matematika at Agham ay mababa. Nangangahulugang mababa ang porsyento

ngkasanayan ng mga mag-aaral sa Pilipinas na nasa elementarya at sekondarya. Ayon kay

Nolascong Linguistic department ng Unibersidad ng Pilipinas, mas nagiging mahirap ang pag aaral

ngmga bata gamit ang wikang Ingles. Halimbawa na lamang ang isang estudyante sa Maynila na

pinalaki sa wikang Tagalog ay siguradong malilito sa pag aaral gamit ang wikang Ingles.Mahirap

pagsabayin ang wikang Tagalog sa Ingles lalo na kung sanay siyang gamitin angrehiyonal na

dayalekto na kinagisnan niya sa kanilang tahanan.

Sa tesis na isinagawa ni Mamauag (2015), masasabing wala pa ring resulta ang iba’t-ibang

pananaliksik na nagpapatunay na talagang dapat na Ingles ang gamiting midyum sa matematiks at

wala pa ring malaking pagbabago sa antas ng pagkatuto ng mga mag-aaralng matematiks;

gayundin, wala ring matibay na batayan na kapag Ingles ang gamit sapagtuturo, maganda ang
atityud ng mga mag-aaral sa matematiks. Sa ngayon, isa sa mgapinagtutuunan ng pansin ng mga

guro at mga mananaliksik ay ang posibleng epekto ngpaggamit ng wikang Filipino bilang midyum

sa pagtuturo ng matematiks. Ayon sakaranasan ng mananaliksik na ito at ng ilan pang guro sa

matematiks, kung dumarating angmga pagkakataong di maunawaan ng mga magaaral ang

kanilang aralin na itinuro sawikang Ingles, ito ay ipinapaliwanag nil a sa wikang Filipino.

Ayon kay Nolasco (2014) ng Linguistics Department ng Unibersidad ng Pilipinas, sa

cognitive aspect ng mental development ng mga bata, mas nagiging pahirap ang pag-aaral

gamitang wikang Ingles. Halimbawa, ang isang estudyante sa Maynila na malamang ay pinalaki

sawikang Tagalog, ay siguradong malilito sa pag-aaral gamit ang wikang Ingles. Lalo itong

nagingmas mahirap sa batang hindi-Tagalog ang unang lingguwahe; mahirap pagsabayin ang

Filipino atIngles ng estudyante kung rehiyonal na dayalekto (tulad ng Cebuano, Hiligaynon,

Maranao, o iba pa) ang ikinalakihan niya sa bahay.

Ayon naman sa pagsasaliksik na ginawa ni Jimenez (2017), Nais raw ni dating Pangulong

Gloria Arroyo na gamitin ang Ingles bilang pangunahing medium of instruction sa araling Ingles,

Matematika at Agham simula sa grade 3 sa lahat ng pampubliko at pribadong paaralan.

Samantalang wikang Filipino naman ang gagamitin sa asignaturang Filipino at AralingPanlipunan.

Sa kabuoan, mayroong iba’t-ibang pananaw ang mga mananaliksik at iba pa patungkol sa

paksang sinasaliksik ng aming grupo. Konektado ang mga kaugnay literatura’t pag-aaral sa isa’t-

isa. Makatutulong ito sa pagbibigay ng sapat na impormasyon at konkretong datos patungkol sa

epekto ng wikang ginagamit bilang midyum ng pagtuturo sa pagkatuto ng mga mag-aaral.


KABANATA III
METODOLOHIYANG GINAMIT
Sa kabanatang ito ay ipiprisinta ang paraan ng pananaliksik, mga pokus ng pag-aaral at

mga instrumentong pananaliksik at tritment ng mga datos.

DISENYO NG PAGLALAHAD
Sa pag-aaral na ito, gumamit ang mga mananaliksik ng pamamaraang deskriptibo o

descriptive survey. Naniniwala ang mga mananaliksik na angkop ang disenyong ito para sa

paksang kanilang sinasaliksik sapagkat mas mapapadali ang pangangalap ng datos mula sa mga

respondente. Ang pananaliksik na ito ay nagangailangan ng pananaw mula sa mga respondenteng

sasagot san mga katanungan. Ang mga mananaliksik ay gumamit ng talatanungan para makalikom

ng sapat at konkretong datos mula sa mga respondente. Limitado lamang ang mga respondente o

ang mga sasagot sa kanilang katanungan. Ang disenyong deskriptibo ay ang nakita ng mga

mananaliksik na angkop at magiging mabisa para sa pag-aaral na ito upang mas makakalap ng

impormasyon.

PARAAN SA PANGANGALAP NG MGA DATOS

Pagkatapos na makapili ng tiyak na paksa para sa pag-aaral, ang mga mananaliksik ay

nangalap ng datos na may kinalaman sa kanilang paksa. Maipapakita ng mga mananaliksik ang

proseso kung paano nakalap ang mga datos na ginamit upang matagumpay na masagawa ang

pananaliksik. Ito ang mga sumusunod:

1. Ang mga mananaliksik ay naghanda ng mga katanungan na kanilang pasasagutan.

2. Ang mga nalikhang katanungan ng mga mananaliksik ay pinasagutan sa mga napili nilang

mga respondente.

3. pagkatapos ay pinagsuma ang mga magkakaparehas ng kasagutan.


4.sinuri ng mga mananaliksik ang porsyento o bahagdan ng magkakaparehong kasagutan sa

katanungang ibinigay sa mga napiling respondente upang makabuo ng isang makabuluhang

konklusyon.

5. Nakamit ng mga mananaliksik ang pananaw ng mga respondente ukol sa mga salik na

nakakaapekto sa wikang ginagamit bilang midyum sa pagtuturo sa mag-aaral.

RESPONDENTE

Ang mga mananaliksik ay pumili lamang ng mga mag-aaral mula sa ika-11 na baiting na

kumukuha ng ABM strand sa Unibersidad ng Our Lady of Fatima sa lungsod ng Quezon.

Nagkaroon ng limampung (50) respondente sa pag-aaral na ginawa. Simple random sampling ang

mga napiling paraan ng pagpili ng respondente. Ang mga kalahok ay nahati sa dalawang grupo.

Ang grupong babae na may ibang pananaw patungkol sa epekto ng wikang ginagamit ng guro

bilang midyum ng pagtuturo sa pagkatuto ng mga mag-aaral at lalaki na iba rin ang pananaw sa

patungkol sa paksa.

POPULASYON

INSTRUMENTONG GINAMIT

Ang instrumentong ginamit ng mga mananaliksik sa pagkuha ng mga kinakailangang datos

sa pagaaral ay isang sarbey-kwestyoneyr o talatanungan para sa paksa ng aralin na may

partisipasyon ng mga magaaral mula sa Unibersidad ng Our Lady of Fatima Lagro Quezon City

kampus sa ika-11 na baiting ng ABM. Ito ay upang mabigyan liwanag kung ano ang iba't-ibang

pananaw ng mga estudyante ukol sa sa usaping ito. Nagamit ang nakalap na datos para sa pagaaral

upang malalaman ang pananaw ng mga mag-aaral patungkol sa paksa.


Sa kabuoan, ang instrumenting ginamit ay siyang magiging daan upang makakuha ng mga

datos na susuporta sa tesis o pag-aaral na ito.

ISTADISTIKAL TRIMENT NG DATOS

Ang pamamaraan ng estatistikang gagamitin ay ang pagkuha ng porsiyento o bahagdan

upang makuha ang resulta ng pag-aaraal na ito. Batay sa nabilang na tugon ng mga

respondente sa bawat katanungan, maaari nang makita ang prekwensi sa bawat bilang ng tugon.

Ang pagkuha ng kabuoang bahagdan ay:

𝑓
𝑃= × 100
𝑛

Kung saan ang:

P ay nangangahulugang bahagdan

𝑓ay ang bilang ng sagot

𝑛 ay bilang ng respondente

• Paano nahuhubog ng wikang ginagamit ng guro ang pagkatuto o kakayahan mga magaaral?
•Gaano kalaki ang epekto ng wikang ginagamit ng guro bilang midyum ng pagtuturo sa
pagkatuto ng mga mag-aaral?
Makatutulong ba ang wikang ginagamit ng guro bilang midyum ng pagtuturo sa pagkatuto
ng mga mag-aaral?
Napapadali ba ang pagkatuto ng mga mag-aaral dahil sa wikang ginagamit ng guro bilang
midyum ng pagtuturo?
Hadlang ba sa pagkatuto ng mga mag-aaaral ang wikang ginagamit ng guro bilang midyum ng
pagtuturo?
Napababagal ba ang pagkatuto ng mga mag-aaral dahil sa wikang ginagamit ng guro bilang
midyum ng pagtuturo?
ang wikang ginagamit ng guro sa pagtuturo ay hadlang nga ba sa pagkatuto ng mga mag-aaral?

You might also like