Thesis

You might also like

Download as odt, pdf, or txt
Download as odt, pdf, or txt
You are on page 1of 50

KABANATA 1

PAGPAPAHALAGA SA SULIRANIN AT SALINGAN NG PAG-AARAL

PANIMULA

Ang Teknolohiya ay mayroong higit sa isang kahulugan. Isa sa mga

kahulugan ang pagsulong at paglapat ng mga kasangkapan, makina, kagamitan,

at proseso upang tumulong sa paglunas ng mga suliranin ng tao. Bilang isang

gawain ng tao, ang teknolohiya ay nauna kaysa sa agham at inhinyeriya.

Kadalasang inuugnay ang katagang Teknolohiya sa mga imbento at

gadget na ginagamit na kailan lamang natuklasang na proseso at prinsipyong

maka-agham. Gayon pa man isinalarawan din ng teknolohiya na kahit na ang

pinakalumang naimbento katulad ng gulong.

Isa pang kahulugan na ginagamit ng Ekonomiya, nakikita ang Teknolohiya

bilang kasalukuyang kalagayan ng ating kaalaman kung papaano pagsasama-

samahin ang mga kakayahan upang magbunga ng ninanasang produkto (at

kung anumang ibinubunga ng ating kaalaman). Sa gayon, nakikita natin ang

pagbabago sa teknolohiya kung nadadagdagan ang ating kaalaman dito.

Ayon sa katipunan ng mga karapatan, at Artikulo XIV, Seksyon 10 ng

Kontribyuson ng Republika ng Pilipinas na:

“Napaka halaga ng teknolohiya sa pambansang pag-unlad at pagsulong.


Dapat mag-ukol ng prayoridad ang estado sa pananaliksik at pagbubuo,
imbensyon, inobasyon, at sa pagpapasagamit ng mga ito; at sa edukasyon,
sa pagsasanay at mga lingkurang pang-agham at pangteknolohiya dapat
suportahan nito ang mga kakayahang siyentipiko at teknolohikal na tutubo,
angkop at umaasa sa sariling kakayahan at ang kanilang kabagayan sa
mga sistemang pamproduksyon at pambansang kapamuhayang pambansa.”
Ang Departamento ng Filipino ng Philsin College Rizal Inc., ay

nagdiriwang ng buwan ng wika tuwing Agosto at nagsasagawa ng mga aktibidad

tulad ng pagsulat ng Islogan, pagsulat ng Sanaysay, paggawa ng Poster,

paglaban ng mga piling mag-aaral ng Philsin College sa Sabayang Pagbigkas sa

pangunguna ng mga butihin, masipag, at magaling na mga guro sa paaralang

ito.

Ang pananaliksik na ito ay tumatalakay sa mga epekto ng “Makabagong

Teknolohiya” sa mga pakikipagkapwa at pag-aaral ng mga estudyante. Isa nga

sa pinakikinabangan nito ay ang pakikipagkomunikasyon sa mga taong malayo

sa atin kaya naman nauso ang networking sites. Kaya naman ganap na tanyag

na ang mga Websites sa panahon ngayon. Katulad ng Google, Facebook,

Instagram, Twitter, at marami pang iba. Ngunit ano nga ba ang epekto ng Social

Media o Teknolohiya sa mga kabataan ngayon na patuloy na gumagamit nito?

Ang Teknolohiya o Social Media ay madalas na nabibigyan ng

negatibong panayam. Ngunit, tayo ngayon ay nasa makabagong panahon na,

kung saan nakadepende na sa Teknolohiya ang mga gawain ng tao. Ang

Teknolohiya ay isang imbensyon ng paglapat ng kasangkapan, kagamitan,

makina at proseso upang mapadali ang mga pang-araw-araw na gawain ng tao.

Umuunlad na nga ang ating panahon ngayon. Marami na ang mga

bagong teknolohiya katulad na lamang ng telepono, kompyuter, IPod, MP3, MP4,

at marami pang iba. May ilan na nagtatalo talo kung may maidudulot na mabuti o

maidudulot na masama ang teknolohiya sa ating lipunan.

Ngunit marami namang pabor sa pag-angat ng teknolohiya sa

kadahilanang nagbibigay ito ng magandang dulot ng sa pamumuhay ng mga

pilipino. Ngunit, minsan ay nasosobrahan na sa paggamit ang mga tao at wala


na sa lugar, gaya nang kapag nasa hapag-kainan ang buong pamilya at ang

bawat isa ay gumagamit ng cellphone. Kaya kailangan nating malaman ang

mabuti at 'di mabuting dulot ng teknolohiya.

Ang mga kabataan ang lubos na apektado ng mga negatibong epekto ng

teknolohiya. Ang iba ay napapabayaan na ang kanilang pag-aaral dahil naaadik

na sa paglalaro ng mga Games sa Kompyuter, cellphone o tablet. Lubos na

ngang umuunlad ang Makabagong Teknolohiya ngayon, ngunit lagi nating

tandaan na hindi puro mabuti ang naidudulot ng Teknolohiya.

Kaya huwag nating abusuhin ang paggamit ng teknolohiya at kung kaya

nating balensahin ang paggamit ng teknolohiya, gawin natin.

Magdudulot rin ito ng masamang epekto sa mga kabataan dahil maaaring

bumaba ang kanilang mga marka dahil sa pagkalulong sa teknolohiya, maaari rin

silang magkaroon ng mga kagalit o kaaway dahil sa away sa social media.

Samantalang ang mabuting epekto nito ay makakahuha ng mga magagandang

impormasyon sa pag gamit ng mga makabagong teknolohiya. Maganda rin ang

eppekto nito sa atin dahil kadalasan ay ito ang ating ginagamit para mabilis

tayong makakuha ng mga pinapahanap sa atin ng ating mga guro. Mas maigi

nang kontrol natin ang paggamit ng mga teknolohiya kasya naman tayo ay

masira ng dahil dito.

Sa pagsisimula ng pag-aaral na ito, nais ng mga mananaliksik na

maipaalam ang Epekto ng Makabagong Teknolohiya sa mga mag-aaral sa ika-12

na Baitang sa kursong Accountancy Business Management o ABM. Layunin

nitong maipaalam ang magaganda at hindi magagandang epekto na maidudulot

sa mga kabataan ang paggamit nito.

Lugar ng Pag-aaral
Ang pag-aaral na ito ay isinagawa sa Philsin College Rizal Inc., na sa

isang kolehiyong paaralan na matatagpuan sa lungsod ng Maynila, Philippines.

Ito ay itinatag noong 1995 at kasalukuyang pinamumunuan ni Engr. James T.

Pahati. Ang mga kursong inaalok nito ay Bachelor of Science in Marine

Transfortation o BSMT, Accountancy Business Management o ABM at TVL,

mayroon rin ditong STEM o Kaugnay nito ang Mission at Vission ng Paaralan:

Mission

Philsin College Rizal Inc. Basic Education Division aims to develop a

discipline and God fearing citizens with high intellectual, social, moral, and

spiritual values.

Vision

Philsin College Rizal Inc. Basic Education Division shall be the prime

mover of Education for the youth of Teresa, Rizal and it's neighboring towns.

Ang Departamento ng Filipino ng Philsin College Rizal Inc., ay

nagdiriwang ng Buwan ng Wika tuwing Agosto at nagsasagawa ng mga aktibidad

tulad ng pagsulat ng Islogan, pagsulat ng Sanaysay, paggawa ng Poster at

paglaban ng mga piling mag-aaral ng Philsin College sa Sabayang Pagbigkas sa

pangunguna ng mga butihin, masipag, at magaling na mga guro sa paaralang

ito.

Ipinapakita ng Pigura 1 ang Mapa ng mga karatig na lugar sa Philsin

College.
TERESA,
PALENGKE
CHURCH
OF
CHRIST TO ANTIPOLO

SAN GABRIEL

TO MORONG
TERESA,
JOLLIBEE

D
A
L ST. ROSE OF
TERESA LIMA
ELEM. I
G PARISH
SCHOOL CHURCH

PHILSIN
COLLEGE
RIZAL INC.

PIGURA 1

Mapa ng mga Karatig Lugar ng Philsin College Rizal Inc.

Teyoritikal na Batayan

Ayon sa teorya ni D. Chandler, binago ng Teknolohiya ang lipunan sa


lahat ng antas kabilang ang mga institusyon, mga interpersonal na pakikipag-

ugnayan at maging ang indibidwal. Ito ay tumutukoy na umuusbong lingid sa

kontrol at kaalaman ng tao at nagbabago sa ilalim ng sarili nitong momentom at

walang taros na humuhubog sa lipunan.

Ang patuloy na pag-unlad ng Makabagong Teknolohiya ay may

pakinabang para sa mga kabataan lalo na sa mga mag-aaral. Malaki ang

naidudulot nito para sa pagpapadali ang pag-aaral at maging isang epektibong

mamamayan at sa mga estudyante. Posible nga ba para sa isang kabataan at

mag-aaral ang buhay na walang internet, mobile phones at iba pang

makabagong Teknolohiya? Ang kabataan at mag-aaral sa panahon ngayon ay

may bagong uri ng pamumuhay gamit ang makabagong Teknolohiya. Ang

bagong henerasyon ngayon ay gusto ng pagbabago, gaya ng pagbabago sa

paraan ng pamumuhay nila sa panahon ngayon, mas gusto nila ang madali at

komportable na walang anumang iniisip na problema. Para sa kanila ang

pinakamagandang pagbabago ngayon ay ang Makabagong Teknolohiya. Ngunit,

mayroon itong positibo at negatibong epekto.

Sinasabing ang pakikipagkomunikasyon gamit ang teknolohiya ay isa sa

makabagong paraan upang mapadali ang ugnayan ng bawat isa. Ito ay

nakakapagpababa din sa kakayahan ng isang katauhan upang malinang ang

kanyang personal na pakikipagkomunikasyon sa kapwa. Ngayon, marami na ang

nabago sa pamamaraan ng ating pamumuhay gayun din sa ating pribadong

buhay.

Ang papel na ginampanan ng Tekonolohiya sa teoryang ito ay upang

padaliin ang lahat ng aspeto ng pakikipag-ugnayan. Ang paggamit ng email

,online conferencing, web data base, groupware, at audio or video conferencing


ay makabuluhang pinapataas ang lawak at kadalian sa pakikipag-ugnayan sa

gitna ng lahat ng kabilang sa internet, pati na rin ang pag-access impormasyon.

Ang malawak na hanay ng tool software ay magagamit sa pag-aaral, disensyo,

pagpaplano, problema, at paggawa ng presentasyon.

Ang kaugnayan ng mga teoryang ito ay ang paraan ng paggamit ng

teknolohiya upang makalap ng impormasyon, nakasaad sa mga teorya ang mga

kakayahan ng bawat Teknolohiya o social media kung papaano ito ginagamit

upang makakalap, at mapaunlad ang kinabuhayan ng mga taong gagamit o

gumagamit nito.

Konseptuwal na batayan

Ang pag-aaral na ito ay gumagamit ng konseptong Lagak, Proseso, at

Kinalabasan.

Sa Unang balangkas ay pinapakita ang Lagak. Dito makikita ang

personal na impormasyon ng mga tagatugon ng Edad, Kasarian, Bilang ng Anak

sa Pamilya, Buwanang kita ng Magulang, at Natapos sa pag-aaral ng magulang.

Kaalamang pang-akademiko, Hilig sa pag-aaral at Katayuang pisikal.

Sa Ikalawang balangkas ay ipinakita ay ipinikita ang Proseso. Dito

makikita ang mga ginagamit sa pamamaraan Ng pag-alam sa Epekto ng

Makabagong Teknolohiya.

Sa Ikatlong balangkas ay ipinakita ang Kinalabasan. Dito makikita ang

balangkas na gawain upang mapaunlad ang paggamit ng Teknolohiya ng mga

mag-aaral sa ika-12 Baitang sa kursong Accountancy Business Management o

ABM.
Ang Pletsa ay nagpapakita ng Fidbak na nagpapahiwatig ng patuloy na

dulot ng proseso na nabuo ng siklo ng pag-aaral.

Pagtalata sa
1. Propayl ng pamamagitan ng: Ang epekto ng
Tagatugon makabagong
Paghahanda ng teknolohiya ay may
*edad talatanungan mabuting dulot sa ika-
*kasarian 12 na baitang sa
*bilang ng mga Pangangalap ng kursong Accountancy,
anak impormasyon Business &
sa pamilya Management o ABM
*buwanang kita ng Interpretasyon sa
Magulang nakalap na
*natapos sa pag impormasyon
aaral ng mga
Magulang Pag-aanalisa at
LAGAK pagbubuo ng
PROSESO KINALABASAN
konklusyon
2. Paggamit ng
teknolohiya na
may
kaugnay sa:

*kaalaman pang
akademiko
*hilig sa pag-aaral
*katayuang pisikal
FIDBAK

PIGURA 2

Konseptuwal na Modelo sa Epekto ng Makabagong Teknolohiya sa ika-12


na Baitang sa kursong Accountancy Business Management o ABM

Paglalahad ng Suliranin

Ang paglalahad na ito ay layunin na malaman ang sagot sa Epekto ng

Makabagong Teknolohiya sa ika-12 na Baitang sa kursong Accountancy

Business Management o ABM sa Philsin College sa taong panunuruang 2018-

2019. Nakapokus sa mga sumusunod sa tanong ang pag-aaral na ito:

1. Ano ang propayl ng mga tagatugon sa mga sumusunod:


1.2 kasarian

1.3 bilang ng mga Anak sa Pamilya

1.4 buwanang kita ng Magulang

1.5 Natapos sa pag-aaral ng mga Magulang

2. Gaano kadalas gumagamit ng mga Teknolohiya ang mga napiling

respondente?

3. Ano ang Epekto ng Makabagong Teknolohiya sa pag-aaral ng mag-aaral

ng Philsin College sa ika-12 na Baitang sa kursong Accountancy Business

Management o ABM?

Haypotesis

Ang pag-aaral na ito ay inilakip ng mga mananaliksik na walang

pagkakaiba sa mga kasagutan ng mga tagatugon, hingil sa epekto ng

teknolohiya ay kaugnay sa katayuang pisikal ayon sa Edad, Kasarian, Bilang ng

mga Anak sa Pamilya, Buwanang kita ng Magulang, at Natapos sa pag-aaral ng

mga Magulang.

Kahalagahan ng Pag-aaral

Malaki ang epekto ng teknolohiya sa mga estudyante ngayon. Maaaring

mabuti o masama ang dulot nito, depende sa taong gumagamit. Ang pag-aaral

na ito ay inaasahang magiging kapaki-pakinabang sa mga sumusunod:

Sa Mga Tagabalangkas ng Kurikulum. Ang pag-aaral na ito ay makakatulong

upang magkaroon ng ideya ang paaralan tungkol sa mga positibo at negatibong

maidudulot ng Makabagong Teknolohiya.


Sa Mga Guro. Upang bigyang ideya ang mga guro tungkol sa Teknolohiya o

Social Media na kadalasang pinagtutuunan ng pansin ng mga estudyante

ngayon. Sa pamamagitan ng mga ideyang napulot, maaaring gamitin at isagawa

ang maging mungkahing paraan at solusyon para malimitahan ng mga

estudyante ang kanilang lubos na pagkahumaling sa Teknolohiya o Social Media.

Sa Mga Mag-aaral. Sa pamamagitan ng pag-aaral na ito, magsisilbing patunay

at makakatulong para makakuha ng paraan kung paano mababago at

mapapaunlad ang kanilang pananaw tungkol sa teknolohiya.

Sa Mga Magulang. Makakatulong sa mga magulang na unawain kung ang

teknolohiya ba ay epektibong nakapagbibigay ng impormasyon sa mga mag-

aaral.

Sa Mga Mananaliksik. Ang aming pananaliksik ang mga magsisilbing gabay

upang kung sakaling ang kanilang paksa ay kauri nitong pag-aaral ay may

mapagkukunan sila ng mga kaugnay ng literatura at karagdagang kaalaman.

Saklaw at Limitasyon ng Pag-aaral

Ang pananaliksik na ito ay nakatuon sa paglalahad ng mga positibo at

negatibong epekto ng teknolohiya sa mga estudyante ng Senior High School sa

Philsin College mula sa ika-12 na Baitang sa kursong Accountancy Business

Management o ABM.

Ang pag-aaral na ito ay nakapokus sa mga mag-aaral na ika-12 na

baitang. Ang mga tagatugon ay isinalarawan ayon sa Edad, Kasarian, Bilang ng

Anak sa Pamilya, Buwanang kita ng Magulang at Natapos sa pag-aaral ng


Magulang.

Ang Method na ginamit ng mga mananaliksik ay kung saan inilipat ang

sistematikong paraan ng pagpili ng mga tagatugon.

Pagpapahalaga ng mga Terminong Ginamit

Para sa higit na pagkakaunawa ng pag-aaral na ito, ang mga

mananaliksik ay nagbigay ng operasyunal na Pagpapahalaga ng mga Terminong

ginamit.

Edad. Ito ay tumutukoy sa bilang ng taon na pamamalagi ng indibidwal sa

mundong ito.

Kasarian. Ito ay tumutukoy sa pagitan ng mga babae at lalaki.

Bilang ng Anak sa Pamilya. Ito ay tumutukoy sa dami o konti ng mga anak.

Buwanang Kita. Ito ay tumutukoy sa buwanang sahod ng may trabaho sa

miyembro ng pamilya.

Natapos sa Pag-aaral ng mga Magulang. Ito ay tumutukoy sa natapos na

pinag-aralan ng magulang.

Kaalamang Pang-akademiko. Ito ay nauukol sa paaralan ang pagkatuto ng

mga mag-aaral sa kolehiyo at iba pa.

Hilig sa Pag-aaral. Ito ay tumutukoy sa pagtitiyaga at pagsisikap sa pag-aaral.

Teknolohiya. Ito ay tumutukoy sa mga makinarya at mga kagamitang ginagamit

sa produksyon, komunikasyon, at iba pang gawain ng mga katauhan.

Social Media. Ito ay tumutukoy sa pakikihalo-bilo sa lipunan ng mga tao sa

buong mundo sa pamamagitan ng mga elektronikong gamit tulad ng

Kompyuter, cellphone, tablet, at iba pang pwedeng ibahagi ang iyong

mga ginagamit.
KABANATA 2

MGA KAUGNAY SA LITERATURA AT PAG-AARAL

Ang Kabanata na ito ay naglalaman ng komprehensibong paghalaw sa

mga Banyaga at Lokal na Literatura at Pag-aaral

Banyagang Literatura

Ayon kay D. Chandler (2000), binago ng teknolohiya ang lipunan sa

lahat ng antas kabilang ang mga institusyon, mga interpersonal na pakikipag-

ugnayan at maging ang indibidwal. Ito ay patuloy na umuusbong linggid sa


kontrol at kaalaman ng tao at nagbabago sa ilalim ng sarili nitong momentum at

walang taros na humuhubog sa lipunan.

Ang patuloy na pag-unlad ng makabagong teknolohiya ay may

pakinabang para sa mga kabataan lalo na sa mga mag-aaral. Malaki ang

naidudulot nito para sa pagpapadali ng pag-aaral at maging isang epektibong

mamamayan at sa mga estudyante.

Posible nga ba para sa isang kabataan at mag-aaral ang buhay na

walang internet, mobile phones (para sa pakikipag-text), at iba pang

makabagong teknolohiya? Ang kabataan at mag-aaral sa panahon ngayon may

bagong uri ng pamumuhay gamit ang makabagong teknolohiya. Ang bagong

henerasyon ngayon ay gusto ng pagbabago, gaya ng pagbabago sa paraan ng

pamumuhay nila sa panahon ngayon, mas gusto nila ang madali at komportable

na walang anumang iniisip na problema. Para sa kanila ang pinaka magandang

pagbabago ngayon ay ang makabagong teknolohiya.

Ang teknolohiya ay may positibo at negatibong epekto sa sosyalidad.

Sinasabi niya na ang pakikipag komunikasyon gamit ang teknolohiya ay isa sa

makabagong paraan upang mapadali ang ugnayan ng bawat isa. Ngunit, ito ay

nakakapagpababa din sa kakayahan ng isang katauhan upang malinang ang

kanyang personal na pakikipag komunikasyon sa kapwa.

Isa sa malapit na sinabi ni Chandler (2000), at B. Winston (1998),

kanyang inalisa sa kanyang artikulo na “How are Media Born and Developed”

ang mga mabubuti at masasama na naidudulot ng makabagong teknolohiya.

Naniniwala siya sa determinasyon ng teknolohiya tungo sa pag-unlad ng ating

mundo. Ngayon tayo ay nas ika-21 siglo marami na ang nababago sa

pamamaraan ng ating pamumuhay gayun na din sa ating mga pribadong buhay.


Tinalakay ni K. Croxton (2000), ang internet ay patuloy na lumalaki ay

umaabot sa mas maraming mga tao. Nakikita natin ang pagbuti patungkol sa

karunungang bumasa't sumulat dahil sa paglaro ng internet.

Ayon kay Anderson & Lee, (1995), Means, (1994), ang kompyuter ay

kilala sa mga pantrabahong lugar, at ang paggamit nito sa bawat tahanan ay

lalong lumalaki. Ang argumento para sa tumataas na teknolohiya ng kompyuter

sa mga paaralan ay ang kahalagahan nito sa paghahanda ng mga estudyante

para sa digital na hinaharap (Reinking,1997). Kapag ang guro ay tumanggap ng “

Sa pagpeprepara ng ating mga estudyante para sa mga pagsubok ng kanilang

bukas, ang internet at ang mga darating pang teknolohiya ay siyang magiging

sentro ng ating misyon” (Leu, 1997, p.63), nangangailangan nitong maibigay ang

mag kagamitan para mangyari ang mga iyon.

Maraming estado at pambansang inisyatibong edukasyunal ang sumusuporta sa

teknolohiyang nagreporma ng panahon sa mga paaralan. Napaglimi ng mga

guro na ang komunikasyong elektrikal ay nagiging maliit ang pagkakataong hindi

iprayoridad at mas nagiging kailangan para sa tagumpay ng mga estudyante sa

ika-21 siglo. Hindi nakapagtatakang ang mga opisyal ng gobyerno sa nasyonal

na lebel ay nananawagan na bawat estudyante ng estados unidos ay may

kaugnayan sa internet.

Tinatalakay ni David Kirkpatrick (1994) sa kanyang pag-aaral mula sa

facebook na ito ay mas higit na ginagamit sa paanaliksik, sapagkat ito ay

napakadaling gamitin. Naniniwala si na abg teknolohiyang ito ay mas lalawak pa

at mas magiging mas pakipakinabang, at ayon sa kanya na ito ay lubos na

ginagamit upang makakonekta sa iab pang lugar upang kumilanlan at

makipagkomukasyon.
Lokal na Literatura

Ayon kay Bai-Rhema S. Marmay (2016), Isang malaking bahagi ang

teknolohiya upang mas maayos na maipakita ang mga aralin na ituturo sa loob

ng klase. Marami nang mga naimbentong teknolohiya simula pa noong mga

nakalipas na siglo. Halimbawa na lamang nito ay ang unang praktikal na

teleskopyo noong ika-17 na siglo. Ito ay nagsisilbing mahalagang instrumento sa

mga mag-aaral ng astronomiya. Sunod dito ay makinarya na nagbigay daan para

sa hustong pagbabago ng sistema ng pagtuturo kung saan mas napabilis at

epektibo ang pagbuo ng mga basahin. Sa loob lamang ng ilang dekada, ang

kompyuter naman ay naging pangunahing kagamitan para sa pagtuturo sa ika-

21 na siglo.

Iba't ibang klase ng teknolohiya ang ginagamit sa loob ng klase depende

sa kung anong asignatura o paksa ang kanilang pinag-aaralan. Sa huling

kahalati ng ika-20 na siglo, ang simpleng prodyektor na ang ginagamit sa

klasrum ng mga estudyante at mga pagpupulong. Ito ay may kakayahan na

palakihin ang mga imahe upang mas maayos na maipakita ang mga halimbawa

ng mga tagapagturo. Ngunit sa makabagong panahon ngayon, ang

pinakamalawak at pangunahing instrumento na ginagamit sa edukasyon ay ang

mga kompyuter na maaaring maka-access ng internet.

Karamihan sa mga paaralan dito sa Pilipinas lalo na ang mga pribado ay

gumagamit na ng mga kompyuter na may access sa internet. Mayroon silang

tinatawag na computer laboratory kung saan natitipon ang lahat ng mga

kompyuter. Nang dahil dito, mas naging maginhawa at madali ang pagkalap ng

mga impormasyon. Mas epektibong naibabahagi ng mga guro ang kanilang


leksyon nang dahil sa internet.

Masasabi natin na malaking tulong ang teknolohiya sa pag-unlad ng

iba't ibang aspeto ng kaalaman at ng edukasyon. Subalit kailangan nating

tandaan na nararapat nating gamitin ito ng wasto. Huwag natin hayaan ang ating

sarili na abusuhin ang teknolohiya. Maaaring makapagdulot ito ng mga

masasamang epekto sa atin kapag ito ay nagamit sa hindi tamang paraan.

Sa pag-aaral ni Janella (2012), gumagamit ang mga kabataan ng

kompyuter upang makapagsearch o maghanap ng makatutulong sa pag-aaral ng

nakararami. Maraming gamit ang didyital ng kagamitang ito. Maraming mabuting

naidudulot ito para sa kabataan. Tulad na lamang ng pag-search na malaking

tulong dahil sa internet. Sa halip na maghahanap ka pa sa mga ga-tambak na

libro ay i-search mo na lamang.

Dito ay pwedeng-pwede kang maghanap nang maghanap ng mga

gustusin mo na dagdag impormasyon at mas mapa-unlad pa ang kaalaman sa

pag-aaral. Napakaswerte naman natin na ibinigay sa atin ang teknolohiya.

Malawak na impormasyon at kayaman sa kaalaman.

Teknolohiya sa tama natin gamitin at huwag itong aabusuhin upang ito'y

hindi maka-apekto sa atin. Ang teknolohiya a paka-ingatan para na rin sa

magandang kinabukasan. Atin pa itong pagyamanin dahil ang teknolohiya ay

minsan nang ibinigay sa atin. Hindi naman habambuhay ay ito'y ating

magagamit. Ito lamang ay isang instrumento na makatutulong na mapaunlad pa

ang ating kaalaman at impormasyon.

Ayon sa kanilang blog na sina Gergimar John Alinsangao, Ryan Nawal,

Renan Sansait, at Clark Lachica(2000), Na makikita sa isang website. Sa

panahon ngayon, maraming gadyet na ang nagsisilabasan. Iba't ibang brand at


model ng cellphone, laptop at iba pang patuloy na humuhuli sa interes ng mga

tao. Nakapagdudulot ang mga ito ng kasiyahan. Napapadali at nagiging

organisado ang mga gawaing akademiko at propesyonal. Mas napapadali ang

komunikasyon at marami na ring mga paraan upang makakuha at makapagbigay

ng impormasyon. Nangangahulugan lamang ito na ang mga Pilipino ay

nakakasabay sa modernisasyon at isa sa naaambagan nito ang paaralan.

Dahil sa teknolohiya, nagiging maayos at napapadali ang mga gawainn

sa paaralan lalo na ng mga mag-aaral na nangangailangan ng kalidad na

edukasyon. Sinisikap ng paaralan na mapadali ang pagkatuto ng mga mag-aaral

at mapaunlad pang lalo ang kakayahan at intelektwal na kapasidad ng mga ito

Sa tulong ng mga netbook, prodyektor at higit sa lahat ng internet, mas

napabilis ang paglikom ng impormasyon para sa kanilang takdang-aralin,

research work at pag-uulat. Nagkakaroon sila ng bagong kaalaman at repleksyon

dahil sa pagsisiyasat sa internet.

Sa kabila ng mga pakinabang na ito, may mga bagay na hindi

maiiwasan at nakakaabala sa pag-aaral. Ang popularidad ng Facebook at iba

pang social networking sites ay nagiging bahagi na ng buhay ng isang

estudyante. Ang oras sa pag-aaral kung gabi ay nauubos sa pagfe-Facebook.

Nagiging dahilan din ito upang mawala sa pokus sa pag-aaral. Umaasa na

lamang sila sa mga impormasyon sa internet at kadalasan ay “copy-paste” na

lamang ang ginagawa. Nagiging limitado na lamang ang kakayahang intelektwal

ng mga mag-aaral sa ganitong paraan. Sa oras ng klase ay hindi na nakikinig sa

guro dahil inuuna ang pagtext. Minsan, nauubos ang pera sa paglalaro ng online

games sa internet cafe. Minsan nama'y inuumaga sa pagtulog dahil sa panonood

ng movies.
Ang makabagong teknolohiya ay sadyang malaki ang naiaambag at

naitutulong. Isang paalala lamang ang paggamit nito sa mabuti, produktibo at

responsableng pamamaraan.

Sa isang website na udyong.net. Marami sa mga kabataan natin

ngayon ang may mga mabababang marka. Hindi ito dahil sa hindi nila

maintindihan ang mga itinuturo sa kanila sa klase. Ito marahil ay sa kadahilanang

marami na silang pinagkakaabalahan bukod sa kanilang pag-aaral. Talagang

napakalayo na ng narating ng teknolohiya sa paggawa ng mga makabagong

kagamitan sa ating bansa at maging sa ibang bansa man. Ang mga makabagong

kagamitang ito o mga “gadgets” ay ang mga kinalolokohan na ngayon ng

maraming mag-aaral ng Pilipinas. Ito ang pinipiling pagtuunan ng pansin sa

kadahilanang kapansin-pansin. Lalo na sa mga klase, na imbes na libro at

bolpen ang dala ng mga mag-aaral, ang mga dala nila ay PSP, IPod, Laptop at

Cellphone.

Ayon sa Filipino Juanbee (2014) inilahad nila ang mga Positibo at

negatibong epekto ng Teknolohiya. Sa panahon ngayon, nagkalat ang iba’t ibang

makabagong teknolohiya sa ating mundong patuloy na umuunlad katulad ng

kompyuter ang isa sa mga teknolohiya na sikat sa mga mag-aaral dahil sa

pamamagitan ng kompyuter ay makakagawa sila ng isang account sa anomang

social networking sites tulad ng facebook, twitter at iba pa at ditto din napapadali

ang mga gawain ng mga mag-aaral.

Marami ang naniniwala na ang teknolohiya ay may masamang epekto sa

ating lipunan, pero marami rin ang pabor sa pag-unlad ng teknolohiya dahil ito ay

nagbibigay ng magandang dulot sa pamumuhay ng mga Pilipino. Isa sa mga

positibong epekto ng teknolohiya ay ang Pag-unlad ng antas ng libangan, Mas


mapapadali ang pagresponde sa mga kaganapan, Mas mapapabilis at madami

ang gawaing maaaring magawa, at mas mapapalapit sa iba sa pamamagitan ng

komunikasyon gamit ang teknolohiya.

Ang mga negatibong epekto naman nito ay nakakadulot ng pagiging

tamad ng mga tao, Maaaring gamitin sa karahasan, Nakakasira ng kalikasan at

lalo na ang makabagong teknolohiya sa larangan ng gaming at internet access

ay maaaring makasira o maka-apekto sa pag-aaral ng mga mag-aaral.

Kaya dapat ang paggamit ng teknolohiya ay nililimitahan at wag inaabuso dahil

malaki talaga ang naitutulong nito sa isang mag-aaral ngunit kung aabusuhin mo

ito ay madami itong magiging masamang epekto lalo na sa kalusugan.

Ayon kay Oro (2013). ang Social Media ay isang bahagi ng makabagong

teknolohiya at ito ay may malaking epekto sa mga mag-aaral na kabataan. At

dahil dito maaari nitong mabago ang pananaw ng mga mag-aaral na kabataan.

Sa ngayon, nauso na ang Facebook, Twitter, Blogs, at chatting, na mas

nagpabilis ng pagpapakalat ng mga impormasyon at mas madali na ito makita

para sa marami. Nang dahil dito ang edukasyon ay naging mas madali, at mas

epektibo.

Banyagang Pag-aaral

Sa pag-aaral ni S. Wilson (2007), sa kanyang artikulo na “The

Influence of Technology on College Students” sinasabi niya na ang kailangan ng

tao sa paggamit ng teknolohiya ay ang disiplina. Ang bawat henerasyon ay may

iba't ibang disiplina batay na rin sa kanilang kinagisnan na komunidad.

Ayon kina Coomes at Debard (2004), at Howe at Strauss (2003),

sinasabi nila na ang disiplina ng tao ay ang pinaghalong environmental factor at


social factor kagaya ng impluwensya ng pamilya, ng media, ng relihiyon, ng mga

kaibigan, ng pag-aaral at ng politika. Ang disiplina ay mahalaga para sa mga

mag-aaral lalo na sa mga kolehiyo kung paano sila makitungo sa kanilang

kapaligiran.

Ngayon, ang mga mag-aaral ng kolehiyo ay mayroon ng makabagong

teknolohiya gaya ng cellphones, Ipod, MP3 players, at online social networks

gaya ng facebook, twitter, instagram. Ang mga napapanood naman nila sa

telebisyon at mga laro sa kompyuter ay maaaring makapag-pabago sa uri ng

kanilang pag-iisip. Ang mga ito ay may malaking impluwensya sa academic

performance nila sa loob ng klase. (Strauss, Howe at Markiewicz, 2006).

Ayon kay Arend (2005), sinasabi niya na isa sa paniniwala ng mga

estudyante na ang pag-aaral ay isang pag-aaksaya lamang ng kanilang oras,

kung kaya't ang iba sa kanila ay mas pinipili na lang gumamit ng makabagong

teknolohiya at ubusin ang oras sa mga walang kwentang bagay.

Ayon sa pag-aaral ni Sadler (2007), kadalasan maririnig natin sa mga

mag-aaral ngayon na sinasabi kung gaano sila nagpuyat sa paggawa ng mga

aralin at kung gaano sila kaaga gumising para pumasok. Sinasabi nila ito upang

maipagmalaki sa iba kung ano ang kanilang nagawa. Ang mga mag-aaral

ngayon ay kayang pagsabayin ang pagtetext at pag-aaral, iba na talaga ang mga

kaugalian ng mga estudyante ngayon. Wala na silang sapat na disiplina sa

paggamit ng kanilang oras at kung paano ito mawawaldas ng may katuturan.

Gemmil at Peterson (2006), sila ay nagtanong sa mga mag-aaral kung

gaano kalaki ang nagagamit nilang oras para sa paggamit ng makabagong

teknolohiya at kung malaki ba ang naidudulot nitong stress. Base sa kanilang

nagawang pag-aaral, halos 25% na kanilang oras ay nagagamit sa teknolohiya


at may malaking parte din ito sa stress na nararanasan ng mga estudyante.

Llyod, Dean at Copper (2007) ay nagsasagawa ng pag-aaral ukol sa

parte ng media sa pag-aaral ng mga mag-aaral. Napag-alaman nila na mayroon

itong malaking impluwensya sa pamamaraan ng pakikitungo ng mga mag-aaral

sa kanilang kaibigan, kamag-aral, at guro.

Lokal na Pag-aaral

Ayon kay Bertlo (2011) sa kasaysayan ng pag-aaral na malaki ang

naitutulong ng teknolohiya dahil napapadali at mabisa ito sa kanilang pag-aaral.

Ang teknolohiya ay nagbibigay hindi lamang ng kaalaman at libangan sa mag-

aaral dahil na rin sa internet. Masasabi nating malaki ang naiambag ng

teknolohiya sa pamumuhay natin sa pang-araw-araw. Ito ay isang katibayan na

nabago ng teknolohiya ang paraan ng pamumuhay natin. Ngunit nawawalan ng

disiplina ang mag-aaral sa paggamit nito.

Ayon kay Kristal Inah Cielo Lawang (2014), isa sa mga patok na gamit

ay ang kompyuter.Marami kasing gamit ang isang kompyuter lalo na sa mga

pilipinong mag-aaral ngayon. Isa sa mga gamit nito ay ang pagbibigay ng

internet. Kung may internet connection maaaring makagawa ang isang indibidwal

ng account sa anomang social networking sites tulad ng facebook, ito ay ang

mga serbisyong web-based na nagbibigay sa mga indibidwal para bumuo ng

isang pangpublikong profile. Alam din nating lahat na halos lahat ng

impormasyon ay nakukuha na ngayon sa internet. Bukod sa mga libro na

ginagamit ng mga estudyante, dito din sila kumukuha ng dagdag impormasyon.

Ayon kay Espina at Borjaang (2017) komunikasyon ay isang


makabuluhang kasangkapan upang maangkin ng bawat nilikha ang kakayahang

maipaliwanag nang buong linaw ang kanyang iniisip at nadarama. Dito kusang

umuusbong ang isaang matatag na pagkakaunawaan at relasyon ng mga tao sa

isang lipunan.

Nagiging aaral ang isipan sa mga pangyayari sa loob at labas ng ating

bansa at nagsisilbing tungkol ng karamihan, ngunit sa kabilang dako, nagiging

bulag tayong mga estudyante sa maaaring dulot o epekto nito sa ating pag-aaral

at pati na rin sa thesis.

Dahil na rin sa nagaganap na modernisasyon sa ating mundo, marami

ang nagbabago. Kabilang na dito ang pagbabago sa pananaw ng mga

estudyante sa mga bagay ng produkto ng makabagong teknolohiya, mga larong

online, maging ang paraan ng kanilang pakikislamuha teknolohiya kapwa.

Masasabing mas mahabang oras ang inilalaan ng epekto estudyante sa ngayon

ang pumuntang computer shop para buksan ang kanilang account, maglaro ng

online games, kaysa sa pagbisita ng silid-aklatan at igugol ang bakanteng oras

para mabasa ng mga aklat at mag-aaral.

Ayon kay Danah Boyd (2007), ginagamit ang internet upang makalikha

ng liham o mensahe upang makagawa ng isang komunikasyon. Ayon sa kanya

na ang kadalasang ginagamit sa pakikipagkomunikasyon ay ang facebook, sa

kadahilanang madali itong gamitin.

Ayon naman kay Marc Prensky (2001) na hindi lamang damit ang

mabilis na nagbago, maging ang paraan na din ng pakikipagkomunikasyon. Ayon

sa na kahit bata pa lamang ay nakakayanan na gumamit nito, sapagkat sadyang

madali itong gamitin.


KABANATA 3

METODOLOHIYA AT PAGKALAP NG DATOS

Ang kabanatang ito ay naglalaman ng paraan ng pananaliksik, mga

kalahok sa pag-aaral, instrumento sa pag-aaral, balidasyon ng instrumento,

paraan ng pagsasagawa, at paglalapat ng istatistika patungkol sa mga datos na

ipinamahagi ng mga mananaliksik, upang malaman ang epekto ng makabagong

teknolohiya sa mga mag-aaral.

Paraan ng Pananaliksik

Ang pamaraan ng isinagawa sa pananaliksik na ito ay “Descriptive

Method”. Ito ang napili ng mga mananaliksik upang malaman ang Epekto ng

Makabagong Teknolohiya sa mga mag-aaral sa ika-12 na Baitang sa kursong

Accountancy Business and Management o ABM.

Ayon kay Calmorin (2010), ang Deskriptong Pananaliksik ay nakapokus

sa mga sitwasyon at obserbasyon. Ito ay isang paraan ng pagbuo ng bagong

kaalaman na kung saan inilalarawan ang mga naobserbahang sitwasyon,

kaganapan at mga bagay.

Ang isinagawang pananaliksik ay nakakatulong sa mga mag-aaral,

guro, at maging sa mga magulang. Sa pamamagitan ng pag-aaral na ito,


nalalaman ang mga positibo at negatibong epekto ng Makabagong Teknolohiya

gaya ng paggamit ng cellphone, pagtuklas ng mga bagay ang internet at ang

panunuod ng mga palabas sa telebisyon. Dahil sa mga impormasyon na nakalap

at pinagtutuunan ng pansin na pag-aaralan ang mga epektong ito, maaari itong

magsilbing gabay sa mga mag-aaral at maaari rin itong magbigay ng

karagdagang kakayahan tulad ng pagsulat ng liham, pakikisalamuha sa ibang

tao, at pakikipag-ugnayan sa komunidad at paaralan.

Ginamit ang Descriptive Method upang malaman ang mga Epekto ng

Makabagong Teknolohiya sa mga mag-aaral sa ika-12 na Baitang sa kursong

Accountancy Business and Management o ABM ng Philsin College Rizal Inc.

Nalaman ang mga epekto ng Makabagong Teknolohiya sa madalas na paggamit

ng mga mag-aaral.

Mga Tagatugon sa Pag-aaral

Ang mga tagatugon sa pag-aaral na ito ay ang mga mag-aaral sa ika-

12 na Baitang sa kursong Accountancy Business and Management o ABM ng

Philsin College Rizal Inc. Taong panuruan 2018-2019. Ang kabuuang populasyon

ng mga tagatugon ay (11) labing isa. Pinili ng mananaliksik ang lahat ng mag-

aaral sa ika-12 na Baitang sa kursong Accountancy, Business and Management

o ABM ng Philsin College Rizal Inc. upang tumugo sa mga datos na

kinakailangan.

Talahanayan 1

Mga Tagatugon sa Pag-aaral

Pangkat Strand
12 ABM
Instrumento sa Pag-aaral

Ang pananaliksik ay isang pag-aaral na kung saan ang layunin

ay ang mabigyang solusyon ang suliranin o paksang napili. Ang

isinagawang pananaliksik ay tungkol sa epekto ng Makabagong

Teknolohiya sa mga mag-aaral sa ika-12 na Baitang sa kursong

Accountancy Business and Management o ABM ng Philsin College

Rizal Inc. Gumawa ng talatanungan ang mga mananaliksik na kanilang

ipinamahagi sa mga mag-aaral ng ika-labindalawang baitang sa

kursong ABM bilang tagatugon sa pananaliksik. Ang talatanungan na

ginawa ay binubuo ng dalawang bahagi na nagpakita ng propayl ng

mag-aaral at epekto ng Makabagong Teknolohiya sa mga mag-aaral.

Ang kabuuang populasyon ng mga mag-aaral sa ika-12 na

baitang sa kursong ABM ay labingisa (11). Pinili ng mga mananaliksik

ang lahat ng mga mag-aaral sa ika-12 na baitang ng Philsin College

Rizal Inc.

Eskala Sakop na Antas Berbal na Interpretasyon

5 4.50-5.00 Napakadalas

4 3.50-4.49 Madalas

3 2.50-3.49 Paminsan-minsan

2 1.50-2.49 Bihira

1 1.00-1.49 Hindi Kailanman


Balidasyon ng Instrumento

Ang talatanungan ay ipinasa sa guro, propesor sa pananaliksik,

at estatistiyan para sa balidasyon ng nilalaman. Ang mga mungkahi

para sa pagbabago ng mga talatanungan ay inilakip. Ang mga

suhestiyon ng mga eksperto ay idinagdag upang mapaganda ang

pananaliksik.

Paraan ng Pagsasagawa

Ang mga mananaliksik ay nagbase sa mga artikulo at pag-aaral

tungkol sa epekto ng Makabagong Teknolohiya para sa mga mag-aaral.

Nailahad nila ang mga mungkahing paksa at sinuri ng propesor sa

pananaliksik kasama ang mga kapwa mag-aaral at kinalaunan ay

inaprubahan ang mga espesipikong mga suliranin.

Ang mga mananaliksik ay gumawa ng talatanungan na binubuo

ng dalawang bahagi. Ang ginawang talatanungan ay ipinamahagi sa

mga mag-aaral sa baitang labing dalawa sa kursong ABM ng Philsin

College Rizal Inc. upang malaman ang epekto ng Makabagong

Teknolohiya patungkol sa kanilang pag-aaral.

Ipinaliwanag ng mga mananaliksik ang kanilang pag-aaral sa

harap ng grupo ng mga tagasuri upang bigyan ng suhestiyon at

opinyon ukol sa ginawang pag-aaral.

Ang mga mananaliksik ay nagpasa ng kabuuang kopya sa

dekana ng edukasyon para ibigay ito sa silid-aklatan.


Paglalapat ng Estadistika

Pagkatapos makalap ang mga datos na ipinamahagi sa ika-12

na Baitang sa kursong Accountancy, Business and Management o

ABM, ang mga mananaliksik ay kumuha ng isang tabulator para sa

kasagutan ng mga tagatugon base sa layunin ng pananaliksik upang

maanalisa at maintindihan ang mga datos.

Upang malaman ang propayl ng mga mag-aaral, ginamit nga

mga mananaliksik ang distribusyon ng bilang, bahagdan at ranggo.

Upang malaman ang epekto ng Makabagong Teknolohiya sa

ika-12 na Baitang sa kursonng Accountancy, Business and

Management o ABM ng Philsin College Rizal Inc. gumamit ang mga

mananaliksik ng Weighted Mean.

KABANATA 4
PRESENTASYON, PAGSUSURI, AT INTERPRETASYON NG MGA

DATOS

Sa kabanatang ito, ang mga mananaliksik ay naglalayong

ipakita ang interpretasyon at pagtatasa ng mga datos na kanilang

nakalap.

Ang Propayl ng mga Tagatugon

Ipinapakita ng Talahanayan 2 ang dami ng, bahagdan at

ranggong distribusyon ng mga tagatugon ayon sa kanilang edad.

Talahanayan 2

Dami, Bahagdan, at Ranggong Distribusyon ng mga Tagatugon


Ayon sa kanilang Edad

Edad f % R
17 na taong gulang 1 9.09 3
18 na taong gulang 8 72.73 1
19 na taong gulang 1 9.09 3
20 na taong gulang 1 9.09 3
Kabuuang Bilang 11 100

Ipinapakita ng talahanayan 2, na karamihan sa mga tagatugon

ay nasa edad na labing walong taong gulang na may dami na 8 at may

porsyentong 72.73. At ang huli sa ranggo ay ang nasa edad na labing

pito, labing siyam, at dalawampu na may bilang na 1 o 9.09 na

porsyento.

Ipinapakita ng Talahanayan 3 ang dami, bahagdan at ranggong

distribusyon ng mga tagatugon ayon sa kasarian.


Talahanayan 3

Dami, Bahagdan at Ranggong Distribusyon ng mga Tagatugon


Ayon sa kaniang Kasarian

Kasarian F % R
Lalaki 1 9.09 2
Babae 10 90.90 1
Kabuuang Bilang 11 100

Ipinapakita ng talahanayan 3, na karamihan sa mga tagatugon

ay mga babae na may dami na 10 at may porsyentong 90.90. At ang

lalaking tagatugon ay may bilang na 1 o 9.09 na porsyento.

Ipinapakita ng Talahanayan 4 ang dami, bahagdan at ranggong

distribusyon ng mga tagatugon ayon sa bilang ng mga Anak sa

pamilya.

Talahanayan 4

Dami, Bahagdan At Ranggong Distribusyon ng mga Tagatugon


Ayon sa Bilang ng mga Anak sa Pamilya

Bilang ng mga Anak sa Pamilya F % R


Isa 1 9.09 4.5
Dalawa 3 27.27 2
Tatlo 1 9.09 4.5
Apat 2 18.18 3
Lima at higit pa 4 36.36 1
Kabuuang Bilang 11 100

Makikita sa talahanayan na ang may pinakamaraming bilang ay

ang limang anak pataas sa pamilya na may apat na bilang ng mga

tagatugon na may katumbas na 36.36 porsyento. Sinundan ito ng may

dalawang anak sa pamilya na may bilang na tatlo na may katumbas na

27.27 porsyento. Ito ay sinusundan pa rin ng may apat na anak sa


pamilya na may bilang na dalawa na may katumbas na 18.18

porsyento. At ang panghuli ay may isa at tatlong anak sa pamilya na

may bilang na isa na may katumbas ba 9.09 porsyento.

Ipinapakita ng Talahanayan 5 ang dami, bahagdan at ranggong

distribusyon ng mga tagatugon ayon sa buwanang kita ng pamilya.

Talahanayan 5

Dami, Bahagdan At Ranggong Distribusyon ng mga Guro na Tagatugon


Ayon sa Buwanang Kita ng Pamilya.

Buwanang Kita ng Pamilya F % R


₱5,000 – ₱10,000 6 54.54 1
₱11,000 – ₱20,000 2 18.18 3
₱21,000 – ₱30,000 3 36.36 2
₱31,000 at higit pa 0 0 4
Kabuuang Bilang 11 100

Ipinapakita ng talahanayan na ang may pinakamaling buwanang

kita ay ₱5,000 – ₱10,000, na may anim na bilang na may katumbas na

54.54 porsyento. Sinusundan ito ng may buwanang kitang ₱21,000 -

₱30,000 na may tatlong bilang na may katumbas na 36.36 porsyento.

Ito ay sinusundan ng may buwanang kitang ₱11,000 – ₱20,000 na may

bilang na dalawa na may katumbas na 18.18 porsyento.

Ipinapakita ng Talahanayan 6 ang dami, bahagdan at ranggong

distribusyon ng mga mag-aaral na tagatugon ayon sa natapos sa pag-

aaral ng mga Magulang.

Talahanayan 6

Dami, Bahagdan At Ranggong Distribusyon ng mga Mag-aaral na


Tagatugon Ayon sa Natapos sa Pag-aaral ng mga Magulang
Natapos sa Pag-aaral ng mga F % R
Magulang

Elementarya 0 0 3
Hayskul 5 45.45 2
Tersiyarya 6 54.54 1
Kabuuang Bilang 11 100%

Makikita sa talahanayan na ang mayorya sa mga tagatugon ay

nakakatapos ng kolehiyo o tersiyarya na may katumbas na bilang na

anim o 54.54 porsyento. At ang panghuli ay nakatapos ng hayskul na

may katumbas na bilang na lima o 45.45 porsyento.

Ang mga Pananaw sa Epekto ng Makabagong Teknolohiya sa ika-

12 na Baiting sa kursong Accountancy, Business and Management

o ABM.

Ipinapakita ng Talahanayan 7 ang computed weighted mean sa

epekto ng makabagong teknolohiya sa ika-12 na Baitang sa kursong

Accountancy, Business and Management o ABM ayon sa kaalamang

pang-akademiko.

Talahanayan 7

Computed-Weighted Mean sa Epekto ng Makabagong Teknolohiya sa


ika-12 na Baitang sa kursong Accountancy, Business and Management
o ABM Ayon sa Kaalamang Pang-akademiko

VI
Kaalamang Pang-akademiko Wẋ R

1. Nagdudulot ba ito ng 4.27 Madalas 1


maganda sa inyong sarili?
2. Araw-araw ba kayong 4.18 Madalas 2
gumagamit ng mga bagong
teknolohiya?
3. Naiiwasan mo ba ang 3.45 Paminsan-minsan 4
paggamit ng mga teknolohiya?
4. Mahilig ka ba gumamit ng 3.73 Madalas 3
mga bagong teknolohiya?
5. Nakakaapekto ba ang 3 Paminsan-minsan 5
teknolohiya sa iyong pag-
aaral?
Overall Wẋ 3.73 Madalas

Makikita sa talahanayan ang epekto ng makabagong

teknolohiya sa ika-12 na Baitang sa kursong Accountancy, Business

and Management o ABM na may kinalaman sa kaalamang pang-

akademiko. Ang nauuna sa ranggo ay ang aytem 1 na nakakuha ng

weighted mean na 4.27 at sinusundan ito ng aytem 2 na may weighted

mean na 4.18. Ito ay sinusundan ng aytem 4 na may weighted mean na

3.73. Ang pang-apat sa ranggo ay ang aytem 3 na may weighted mean

na 3.45 at ang panghuli ay ang aytem na 5 na may weighted mean na

3.

Pinatutunayan nito na ang paggamit ng makabagong

teknolohiya ay may mabuting


KABANATA 5

PAGLALAGOM, KONKLUSYON, AT REKOMENDASYON

Ang bahaging ito ng pananaliksik ay nagsasaad ng paglalagom,

buod ng mga natuklasan, konklusyon, at mga rekomendasyon.

Buod ng Natuklasan

Ayo sa kinalabasan ng pag-aanalisa at interpretasyon ng mga

datos, ang resulta ay naibuod sa pamamagitan ng mga sumusunod:

1. Ang Propayl ng mga Tagatugon

Karamihan sa mga mag-aaral ay may edad na labing walong

taong gulang at may pantay na bilang ang mga mag-aaral na lalaki at

babae, karamihan sa kanila ay may dalawa, lima at higit pang anak sa


pamilya na may buwanang kita simula ₱5,000 - ₱10,000, at ang

natapos ay tersiyerya.

2. Ang mga Pananaw sa Epekto ng Makabagong Teknolohiya sa

ika-12 na Baitang sa kursong Accountancy, Business and

Managament.

Ang epekto ng makabagong teknolohiya na ayon sa kaalamang

pang-akademiko ay may

3. Ang Pagkakaiba ng Pananaw sa Epekto ng Makabagong

Teknolohiya sa Ika-12 na Baitang sa Kursong Accountancy,

Business and Management o ABM

Ipinikikita rito na kapag sila ay pinangkat ayon sa bilang ng

mga anak ng pamilya at buwanang kita ng pamilya ay walang pagka-

kaiba sa kanilang pananaw ukol sa mga aspetong kaalamang pang-

akademiko, hilig sa pag-aaral at katayuang pisikal. Samantala, ang

edad, kasarian at natapos sa pag-aaral ng mga magulang ay mayroong

kahalagahan sa pananaw ukol sa epekto ng makabagong teknolohiya

sa ika-12 na Baitang sa kursong Accountancy, Business and

Management o ABM.

Konklusyon

Batay sa pagsususring isinagawa, napatunayan na ang


bilang ng mga anak ng pamilya at buwanang kita ng pamilya ay walang

pagkakaiba sa kanilang pananaw ukol sa mga aspetong kaalamang

pang-akademiko, hilig sa pag-aaral at katayuang pisikal. Samantala,

ang edad, kasarian at natapos sa pag-aaral ng mga magulang ay

mayroong kahalagahan sa pananaw ukol sa epekto ng makabagong

teknolohiya sa ika-12 na Baitang sa kursong Accountancy, Business

and Management o ABM.

Rekomendasyon

Ang mga sumusunod ay iminungkahi batay sa mga

natuklasan:

1. Ang mga bata ay maaaring pahintulutan na gumamit ng

teknolohiya ngunit may limitasyon.

2. Kailangan na magtaguyod ang mga taga-pamuno ng paaralan ng

isang malawakang seminar na magbibigay ng kaalaman sa mga

guro ng mga kinakailangang ksanayan sa mga guro ng Filipino sa

mataas na paaralan.

3. Ang mga taga-pamuno ay kailangang tiyakin ang kasapatan ng

mga kagamitan sa pagtuturo ng Filipino sa Mataas na Paaralan.

4. Ang balangkas ng gawain ay ipinanunukalang ipatupad.

5. Makapagsagawa ng mga pag-aaral kaugnay na naisaliksik gamit

ang ibang aspeto.


APENDISES
APENDISE A

Liham na Tagapayo

Bb. Shenna Mae Ramos


Philsin College Rizal Inc.
Dalig Teresa, Rizal

Mahal naming Bb. Ramos


Mapagpalang pagbati po para sa inyo,

May kinalaman po sa aming gagawing pagsasaliksik para sa aming di-


gwadradong thesis na may pamagat na “Epekto ng Makabagong
Teknolohiya sa ika-12 na baitang sa kursong Accountancy Business
and Management o ABM”

Amin pong hinihingi ang inyong pahintulot sa pagpili namin sa inyo


bilang tagapayo sa pagsasaliksik naming ito.

Ang inyo pong pagbibigay sa kahilingan naming ito ay amin pong


pinasasalamantan.

Nagpapasalamat at gumagalang,

ANJO CAMAS

GIENEVA GARCIA

LEXIE NICOLE MONTALBAN


BRIDGET KLEIN ESPIRITU SANTO

ARMAN MANGUBAT

JAYROME ALAGOS

Binibigyang Pansin:

Bb. HENNA JENRYL I. BOBIHIS

Guro sa Pananaliksik

APENDISES B
Liham sa Punong-Guro

G.NORIEL GABALES
Principal Philsin College Rizal Inc.
Dalig Teresa, Rizal

Mahal na Ginoo,
Magandang araw po!
Kami po ay mga mag-aaral nasa ikalabingunang baitang sa kursong
Accountancy, Business and Management sa Philsin College Rizal Inc.
Kasalukuyan po kaming gumagawa ng isang pananaliksik na may
pagksang “Epekto ng Makabagong Teknolohiya sa ika-12 na baitang sa
kursong Accountancy, Business and Management o ABM ng Philsin
College Rizal Inc.” Ang pananaliksik po ay isang proyekto sa aming
asignaturang Filipino.

Kaugnay po nito, nais nais po naming hingin ang inyong pahintulot na


makapagsagawa ng isang sarbey sa inyong paaralan.

Ang inyo pong pagpapahintulot ay aming kikilalanin at pasasalamatan.

Lubos na gumagalang,

ANJO CAMAS

GIENEVA GARCIA

LEXIE NICOLE MONTALBAN


BRIDGET KLEIN ESPIRITU SANTO

ARMAN MANGUBAT

JAYROME ALAGOS

Binibigyan Pansin:

Bb. HENNA JENRYL I. BOBIHISGuro sa Pananaliksik

APENDISE C
Liham sa mga Tagatugon

Mahal naming mga Tagatugon,

Sa ngalan ng kapayapaan at kalidad ng edukasyon.

Ang mga lumagdang mag-aaral ay nagsasagawa ng isang pananaliksik


na pinamagatang, “Epekto ng Makabagong Teknolohiya sa ika-12 na
baitang sa kursong Accountancy, Business and Management o ABM ng
Philsin College Rizal Inc.”

Ikaw ay napili bilang isang respondent ng pag-aaral na ito. Mangyaring


sagutan ng buong katapatan ang aming katanungan at umaasa na lahat
ng inyong kasagutan ay aming pag-iingatan.

Maraming salamat at mabuhay!

Lubos na sumasainyo,

ANJO CAMAS

GIENEVA GARCIA

LEXIE NICOLE MONTALBAN

BRIDGET KLEIN ESPIRITU SANTO

ARMAN MANGUBAT

JAYROME ALAGOS
APENDISE D

Pagpapatibay ng Nilalaman

Ito ay upang patunayan na ang talatanungan nina Anjo

Camas, Gieneva Garcia, Lexie Nicole Montalban, Bridget Klein Espiritu

Santo, Arman Mangubat at Jayrome Alagos para sa kanilang pag-aaral

na may paksang “Epekto ng Makabagong Teknolohiya sa ika-12 na

baitang sa kursong Accountancy, Business and Management o ABM ng

Philsin College Rizal Inc.” ay nabigyang bisa ng mga sumusunod na

eksperto:

Lagda Petsa

Bb. Henna Jenryl I. Bobihis


Guro sa Pananaliksik

G. Noriel Gabales
Punong Tagapangasiwa

Gng. Joanna Rose San Nicolas


Tagapangasiwa ng Senior High

Bb. Joy Jasmine San Jose


Tagapangasiwa ng High School

Bb. Shenna Mae Ramos


Gurong Tagapayo

Apendise E

Talatanungan

Pangalan:

Edad:

Kasarian:

Lalaki Babae

Bilang Ng Mga Anak Sa Pamilya:

Isa Dalawa Tatlo Apat At Iba Pa

Buwanang Kit Ng Pamilya:

Php 5,000-Php 10,000 Php 15,000-Php 20,000

Php 25,000-Php 30,000 At Higit Pa

Natapos Sa Pag-Aaral Ng Mga Magulang:

Elementarya Hayskul Tersiyarya

Panuto: Lagyan ng tsek ( √ ) ang kolum na nagpapakita ng inyong mga

gawi sa pamamagitan at epekto ng makabagong teknolohiya. Gamit

ang mga sumusunod na interpretasyon:

5- Napakadalas

4- Madalas
3- Paminsan-minsan

2- Bihira

1- Hindi kailanman

MGA TANONG 5 4 3 2 1

1. Nagdudulot ba ito ng
maganda sa inyong
sarili?

2. Araw-araw ba kayong
gumagamit ng mga
bagong teknolohiya?

3. Naiiwasan mo ba ang
pag-gamit ng mga
teknolohiya?

4. Mahilig ka ba gumamit
ng mga bagong
teknolohiya?

5. Nakakaapekto ba ang
teknolohiya sa iyong
pag-aaral?
KURIKULUM
BITA
KURIKULUM BITA

PANSARILING PROPAYL

Pangalan : Anjo O. Camas

Tirahan : Blk 49 Lot 24 Phase 2 Sitio May-ugat Brgy.

Maybancal Morong, Rizal

Kapanganakan : September 17, 2001

Edad : 17

Magulang : Josephine Camas

Angelo Camas

Relihiyon : Katoliko

Strand : Accountancy, Business and Management

(ABM)

NATAMONG EDUKASYON

ANTAS PAARALAN

Sekondarya :Pantay National High School

Philsin College Rizal Inc.

Elementarya :Malaya Elementary School


KURIKULUM BITA

PANSARILING PROPAYL

Pangalan :Gieneva P. Garcia

Tirahan : Blk 20 Lot 20 Greenview Dalig Teresa,

Rizal

Kapanganakan : September 12, 2001

Edad : 17

Magulang : Virginia Garcia

Nestor Garcia

Relihiyon : Katoliko

Strand : Accountancy, Business and Management

(ABM)

NATAMONG EDUKASYON

ANTAS PAARALAN

Sekondarya :Pantay National High School

Philsin College Rizal Inc.

Elementarya :Teresa Elementary School


KURIKULUM BITA

PANSARILING PROPAYL

Pangalan : Lexie Nicole A. Montalban

Tirahan : Blk 19 Lot 5 Brgy. San Gabriel Teresa, Rizal

Kapanganakan : May 3, 2002

Edad : 16

Magulang : Ma. Erlie Montalban

Daniel Montalban

Relihiyon : Christian/Born Again

Strand : Accountancy, Business and Management

(ABM)

NATAMONG EDUKASYON

ANTAS PAARALAN

Sekondarya : Pantay National High School

Philsin College Rizal Inc.

Elementarya : Cembo Elementary School

Pantay Elemetary School

KURIKULUM BITA
PANSARILING PROPAYL

Pangalan : Arman D. Mangubat

Tirahan : Blk 7 Lot 3 Greenview Isle Brgy. Dalig

Teresa, Rizal

Kapanganakan :October 26, 2000

Edad : 18

Magulang : Sabrina Mangubat

Relihiyon : Born Again

Strand : Accountancy, Business and Management

(ABM)

NATAMONG EDUKASYON

ANTAS PAARALAN

Sekondarya : Pantay National High School

Philsin College Rizal Inc.

Elementarya : Pantay Elementary School

KURIKULUM BITA
PANSARILING PROPAYL

Pangalan : Bridget Klein P. Espiritu Santo

Tirahan : Pantay Buhangin Dalig Teresa, Rizal

Kapanganakan : June 11, 2002

Edad :16

Magulang : Rona Espiritu Santo

Anthony Espiritu Santo

Relihiyon : Katoliko

Strand : Information, Communication and Technology

(ICT)

NATAMONG EDUKASYON

ANTAS PAARALAN

Sekondarya : Pantay National High School

Philsin College Rizal Inc.

Elementarya : Miljohn Cristian Academy

KURIKULUM BITA
PANSARILING PROPAYL

Pangalan : Jayrome A. Alagos

Tirahan : Brgy. San Gabriel Carissa 2 Blk 23 Lot 30

Kapanganakan : November 16, 2001

Edad : 17

Magulang : Amelia A. Alagos

Noe A. Alagos

Relihiyon : Katoliko

Strand : Information, Communication and Technology

(ICT)

NATAMONG EDUKASYON

ANTAS PAARALAN

Sekondarya : Pantay National High School

Philsin College Rizal Inc.

Elementarya : Pantay Elementary School

You might also like