Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 2

Kahalagahan ng pag-aaral

Ang pananaliksik na ito ay mahalaga sa mga sumusunod:

 Mananaliksik

Maaring sumalamin ang pag aaral na ito sa mga mananaliksik kung sa kanilang sarili ay may mga bagay sila na dapat
baguhin lalo na sa pag gamit ng wikang filipino sa mga kanilang sinasaliksik.

 Mga mag-aaral

Ang impormasyon na ito ay nagbibigay ng ideya sa mga mag-aaral ukol sa kanilang mga nalalaman at limitasyon sa
tamang pag gamit ng wikang filipino bilang isang sentro ng komunikasyon.

 Guro

Ang mga guro ay magkakaroon ng dagdag kaalaman sa pananaliksik na enensyal sa pagbuo at pag gamit ng mga
basehan sa pagtuturo ng wikang filipino na siyang sentro natin.

 Magulang

Ang pananaliksik na ito ay mahalaga upang mapatnubayan at masubaybayan ang kanilang mga anak tungo sa pag
yakap ng sariling wika na siyang nakasanayan nga mga magulang sa kanilang panahon upang makamtan ang
mabuting asal gamit ang wikang filipino.

 Pampaaralang Tagapamahala/ Punong Guro

Ito ay magsisilbing kanilang gabay upang makahanap ng angkvop na basehan at maging paraan upang matulungan
kung ano kaya ang kahalagahan ng ating wika kung ito paba ay patuloy na dumadaloy sa kanilang nasasakupang
paaralan.

 Komunidad

Ang kahalagan nito sa isang komunidad ay masusukat ang pagbibigay importansya ng mga mamamayan kung
patuloy pa nga ba ang pag daloy ng wikang filipino sa kanilang lugar bilang sentro ng komunikasyon.

 Sa mga administrasyon

Makakatulong ang pananaliksik na ito upang magkaroon ng kaalaman kung ano ang kanilang maaaring ibahagi tungo
sa wastong pag aaral at panghikayat sa mga estudyante na mas pag-aralan pa ang wikang filipino.
Saklaw at Limitasyon ng paga-aaral

Perspektibo ng kabataan sa wikang filipino.

Ang pananaliksik na ito ay nakatuon sa perspektibo ng kabataan sa wikang Filipino bilang sentro ng kanilang
komunikasyon. Layunin nito na makapag-bigay ng pagsasalarawan at pagbibigay mukha sa isang kabataang pilino na
gumagamit ng wikang Filipino sa araw-araw na pakikisalamuha at pakikipag-usap. Saklaw din ng pag- aaral na ito
kung ano ang epekto sa kanila ng ating modernong panahon kasabay pa ng pag usbong ng iba’t ibang uri ng wika.
Sasaklawin sa pananaliksik na ito ang kasaysayan ng wika hanggang sa panahon ngayon. Kasugnay nito tatalakayin
din kung ano ang nagiging epekto sa mga kabataan, kung may pagbabago bas a kanilang pag-uugali, pag-kilos at pag-
iisip sa iba’t ibang aspekto ng lipunan at pakikipag-interaksyon gamit ang wikang Filipino.

Mahalaga ang datos ng impormasyong nakalahad dito dahil nakalahad dito ang ibang detalye patungkol sa
pananaliksik at napakalaki ng maiitulong nito sa mga mambabasa upang mas maunawan pa ang nais namin iparating
at mula sa mga nakalap na datos magbibigay ang mananaliksik ng konkretong pagsasalarawan, pagpapakahulugan at
pagtingin tungkol sa mga perspektibo ng kabataan sa wikang Filipino bilang sentro ng kanilang komunikasyon,
bibigyang pansin at solusyon ang suliraning umu-usbong sa modernong panahon at pag-unlad ng komunikasyon.
Nalimitahan ang pag-aaral na ito sa Valley High Academy, Senior High School sapagkat mas mapapadali ang pag-aaral
patungkol sa napiling topic at mas lubos pa na mauunawaan ang panananliksik na ito dahilan na din ang kaligtasan
ng ating mananaliksik.

Samantala naging isang malaking limitasyon sa isinagawang pag-aaral ang oras at panahon sapagkat kokonti at sapat
lamang ang nakalap na impormasyon at datos para sa aming pananaliksik. Maliban pa dito ang pagiging isang
sensitibo ng napiling paksa sapagkat kokonti pa lamang ang pag-aaral na nakapaloob dito kaya kinakailangan ng
lubusang pananaliksik at pagunawa sa saklaw ng paksa. Isang konsiderasyon din ang kaligtasan ng aming
mananaliksik dahil hindi na kami nagtangkang kumuha ng panayam sa labas ng aming paaralan at gumawa ng pag-
aaral na ito sa labas ng paaralan.

Ang pananaliksik na ito ay iikot lamang sa Perspektibo ng kabataan sa wikang filipino bilang sentro ng kanilang
komunikasyon sapagkat konti palang ang gumagawa ng pag-aaral dito kaya’t pinili ng aming grupo na ibigay ang
pinaka eksatong pagpapahayag at pagsasalarawan para dito.

You might also like