Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 1

Gabisay, Patricia S.

Setyembre 12, 2018

Grade 10- Bohr Gng. Fe Montolo Bonono

Editoryal

“Kulturang Kinalimutan”

Panahon na naman ng pagdaraos ng mga Surigaonon sa kapiyestahan ni Sr. San Nicolas de


Tolentino. Ipinapakita sa pagdiriwang na ito ang pagyakap ng mga lokal sa iba’t-ibang kultura na handog
ng Surigao.

Mula sa mga makukulay na bandilang nakasabit sa mga poste hanggang sa pagsayaw ng mga
kalahok sa Bonok-Bonok Festival, isa lang ang layunin nila, ang magpaalala sa atin sa totoong diwa ng
kapiyestahang ito. Dapat nating tandaan bilang mga Surigaonon na ang kapiyestahan ng ating patron ay
hindi lamang para tayo ay magsaya, kundi pinapaalala nito na dapat nating kilalanin ang mga kalinangang
minsan nang nakalimutan sa paglipas ng panahon. Isa na rito ay ang pagkakaisa sa kabila ng pagkakaiba.
Tila ito ay lubusang nawala sa ating pagkatao. Tuluyang pinabayaang mawala sa ating kaparaanan bilang
mga tubong Surigao.

Sa likod ng mga engrandeng ornamento ay ang katotohanang hindi nakilala ng mga lokal. Ang
pagkakaisa sa kabila ng pagkakaiba ay nangangahulugang pagtanggap ng kapintasan ng iba at pagtulong-
tulongan na ayusin ito sa aspektong pisikal, sikolohikal, kultural, at historal. Ngunit hindi talaga ito ang
ating nakikita sa kasalukuyan, puro pang-aapi at pagkapoot ang namayani sa atin. Nagrereklamo tayo
tungkol sa ating sistema ngunit wala tayong ginagawang solusyon. Matitiis pa ba natin ang buhay na wala
ang nakalimutang kultura? Kahit man lang sa isang araw?

Totoong hindi madaling iangkop ang kulturang ito sapagkat kailangan ito ng pagmamahal at
pagunawa. Iniisip lamang natin na nagmamahal tayo, ngunit hindi. Kapag may nakikita tayong mga
kapatid na Mamanwa tuwing piyesta, pinapagalitan at inaawat natin sila dahil sa kanilang malansang
amoy, maruming damit, at maiitim na balat. Nabigo tayo sa pagtanto na wala tayong masyadong
pagkakaiba sa kanila. Tayo ay may malalansang ugali, maduduming kaluluwa, at maiitim na puso.
Nabigo tayo sa pagunawa na kapag umalok tayo ng tulong, mabubuklod-buklod natin ang ating mga
pagkakaiba at hahantong tayo sa pagkakaisa na ating inaasam. Oo, isang simpleng pakikitungo at
simpleng alok lamang ang solusyon upang mapabago natin ang ikot ng ating sistema.

Ganun na ba talaga ang mga Surigaonon?

Ngayong papalapit na ang araw ng kasayahan, handa ka na bang gumawa ng isang maalwang
hakbang para sa isang makabuluhang layunin, o sasabay ka lang ba sa agos?

You might also like