Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 2

TeoryangPagsasalin

Ang teorya ng pagsasalin ay nauukol sa mga paraan ng pagsasalin nanararapat


sa isang text, at nakasalalay sa mga teoryang pangwika. Ang teorya ng pagsasalin ay
may kinalamansapinakamaliitnabantas o tanda (tuldok, kwit,aytaliksatbp.),
gayundinsapanlahatnakahulugannaparehongmahalagasaisang text.

Halimbawa: Kahalagahanngbantas

Hindi, puti. (No, it's white.)

Hindi puti. (It's not white.)

Mga Paraan ng Pagsasalin sa Sikolohiya (Virgilio G. Enriquez)

1. Saling-angkat - Tahasang Panghihiram


- Ang mga salita na galling sa ibang wika ay tahasang hinihiram at hindi
binabago.
- Hindi binabago ang kahulugan ng mga salitang ito.

Hal. Neurosis (Ingles)


Chronic Psychotic Condition (Ingles)
Gestalt (Aleman)

2. Salitang Paimbabaw – Paimbabaw na pag-angkin ng bigkas at baybay


- Paggamit ng mga salitang galling sa ibang wika na hinihiram ngunit
binabago ang tunog at baybay.
Hal. Reimporsment (Reinforcement)
Iskima (Schema)
Saykayatris (Psychiatrist)
Histerikal (Hysterical Libido (Pranses)
Nakem (Ilocano)
Moron (Griyego)
3. Saling Panggramatika – Pagsunod sa sintaktikang Filipino
- Binabago ang ponolohiya subalit ang kahulugan ay tulad din ng
pagkahulugang orihinal.

Hal. inter-aksyongsosyal (social interaction)


agresyon (aggression)
reaksyon (reaction)
persepsyon (perception)

4. Saling-tapat – Pagtugaygay sa orihinal o pinaghirama ng wika at kultura paghahanap ng


saling "tapat" sa ideyang ipinahihiwatig sa orihinal
Hal. paniniwala (belief)
pagpapahalaga (value)
kaganapan ng gulang (adulthood)
pagpapalaking bata (child-rearing)
5. Saling-angkop – Pagdukal sa wika ng pagsasalinan
- Paghahanap ng katumbas sa pinagsasalinang wika na mas makabuluhan
kaysa tahasang pagsasalin natapat sa orihinal
Hal. isip-bata (emotionally immature)
nakikiugaling pagmamasid (participant observation)
pakikipagkapwa sa halip na sosyal na interakson (contact
person)
6. Saling-hiram- Pagsasalin ng hiram na salita
- Madalas ay hindi kasiya-siya ang unang salin kaya kailangan maghanap
ng ibang salin, lumikha o manghiram muna hangga't wala pang naiisip na
katumbas para dito.
Hal. paghuhugas-isip (mulasa brainwashing at paghuhugas-utak
pagbabagyo ng isip (mulasa brainstorming at
pagbabagyonautak)
7. Saling-likha - Paglikha at pagbuongbagongsalita
- May mga salitang likha na ginagamit minsan bagamat nagiging
tapunanng biro at panunukso, dala marahil ng kahulugan ng salitang
nililikha.

Hal. sarigawa (masturbation)


pagtatalik/pagtatalik na sekswal (sexual intercourse)

You might also like