Doktrina - 58 KAHALAGAHAN NG SUGO

You might also like

Download as doc, pdf, or txt
Download as doc, pdf, or txt
You are on page 1of 2

ANG KAHALAGAHAN NG BUHAY NA SUGO

Bakit mahalaga ang buhay na pamamahala at patnubay ng sugo ng Dios sa kawakasan ng huling araw?
Narito ang mga patunay.

Sa simula’t simula pa ng kasaysayan ng pananampalataya at paglilingkod sa Dios, ang hindi


maaaring mawala ay ang pagtawag ng Dios ng Kaniyang sugo. Higit sa lahat, kailan man ang Dios ay
humihirang at tumatawg ng Kaniyang susuguin. At ang Kaniyang mga sinusugo ay mga sugong buhay.
Bakit mahalaga na ang mga sugo ng Dios ay buhay? Sapagkat ang mga sugo ng Dios ay
tagapangasiwa ng gawain ng Dios sa Kaniyang Iglesia. Kailan man ay hindi magagawa ng isang patay ang
mangasiwa. Ang pamamahala ay isang gawain ng taong buhay. At narito ang ilang mga bagay na dapat
pangasiwaan ng mga buhay na sugo.

Sa Pagpapatupad ng Disiplina sa Iglesia.


Ang pagpapatupad ng displina ay isa sa mga gawain ng mga sugo bilang itinalagang katiwala ng
Dios sa Kaniyang Iglesia. “Yamang nahahayag ka kayo’y sulat ni Crsito, na pinangasiwaan naming,
hind isnulat ng tinta, kundi ng Espritu, ng Dios na buhay, hindi sa mga tapyas ng bato kundi sa mga
tapyas ng pusong laman” (2 Corinto 3:3). Kaya ang mga kapatid sa Corinto ay pinangasiwaan ni Pedro,
isang buhay na sugo ng Dios.
Isang magandang halimbawa ay itong tinuran ng Panginoon ng karapatan ng mga apostol,
“Katotohanang sinasabi ko sa inyo, na ang lahat ng mga bagay na inyong talian sa lupa ay tatalian sa
langit: at ang lahat ng mga bagay na inyong kalagan sa lupa ay kakalagan sa langit. Muling sinasabi
ko sa inyo, na kung pagkasunduan ng dalawa sa inyo sa lupa ang nauukol sa anomang bagay na
kanilang hihingin, ay gagawin sa kanila ng aking Ama na nasa langit” (Mateo 18:18-19). Ang pag-aalis
at pagpapanumbalik ng isang bahagi ng Iglesia ay nasa pangangasiwa ng buhay na sugo. “Sapagkat ano sa
akin ang humatol sa nangasa labas? Hindi baga kayo nagsisihatol sa nangasa loob?” (1 Corinto 5:12-
13). “Upang ang ganyan ay ibigay kay Satanas sa ikawawasak ng kaniyang laman, upang ang espiritu
ay maligtas sa araw ng paghuhukom” (1 Corinto 5:5). Ito ang karapatan at kapamahalaan na ibinigay ng
Dios sa Kaniyang buhay na sugo (Apostolic Mandate).

Pagpapatibay at Pagpapalago ng Iglesia sa Espiritwal at Materyal na Kalagayan (Efeso 4:11-13).


Ang pagsusugo ng mga magiging katuwang sa pangangasiwa (2 Timoteo 4:17; 2 Corinto 9:23).
Pangangasiwa ng mga kaloob ng Espiritu, “Sapagkat ninanasa kong Makita kayo, upang ako’y
makapamahagi sa inyo ng kaloob na ukol sa espiritu, upang kayo’y mangagsitibay” (Roma 1:11; 1
Corinto 8:4). Pangangasiwa ng mga kaloob na ukol sa misyon (2 Corinto 8:4; 9:12; Gawa 4:37).

Pagpapasya ng mga Suliraning Nauugnay sa Pananampalataya


Nang magkaroon ng suliranin sa unang Iglesia dahil nais ng mga Judiong naging kabahagi ng
Iglesia na ang mga Gentil na naging Cristiano ay tuliin gaya nila at bawalang kumain ng mga pagkaing
hindi kinakain ng mga Judio. Ang mga Apostol ay nagpasya sa pangunguna ni Pedro at ni Santiago, na mga
Apostol sa Judio (Gawa 12). “Dahil dito’y ang hatol ko, ay huwag nating gambalain yaong sa mga
Gentil ay nangagbabalik- loob sa Dios; kundi sumulat tayo sa kanila na sila’y magsilayo sa mga
ikahahawa sa diosdiosan, at sa pakikiapid, at sa binigti sa dugo” (Gawa 15:19-20). Pumili sila ng mga
kapatid na magtuturo at maghahatid ng sulat sa mga Iglesia. Kaya ang mga Seventh Day Adventist ay
salungat sa aral na ito ng mga Apostol, ito’y matagal nang nalunasan ng mga buhay na Apostol noong una.
Maliwanag na laban sila sa aral ng mga Apostol. Ang resulta ng pasya ng mga Apostol, nagalak ang mga
kapatid dahil sa pagkaaliw (Gawa 15:31).

Pagsasanggalang at Pagpapatunay sa Evangelio


“Gaya ng matuwid na aking isiping gayon tungkol sa inyong lahat, sapagka’t kayo’y nasa
aking puso, palibhasa’y sa aking mga tanikala at pagsasanggalang at sa pagpapatunay naman sa
evamgelio, kayong lahat na kasama ko ay may bahagi sa biyaya” (Filipos 1:17).
May mga bulaan na nais pasamain ang Evangelio ni Cristo (Galacia 1:7). Ang mga bulaan ay
hindi lamang noong panahon ng unang Iglesia. Gawain ni Satanas ang magsugo ng mga bulaang propeta
hanggang sa ating panahon, na ang layunin ay iligaw ang mga alagad, “At hindi katakataka; sapagka’t si
Satanas man ay magpapakunwaring anghel ng kaliwanagan. Hindi malaking bagay nga na ang
kaniyang mga ministro naman ay magpakunwari na waring ministro ng katuwiran, na ang kanilang
wakas ay masasang-ayon sa kanilang mga gawa” (2 Corinto 11:14-15). “Nguni’t may nagsisilitaw din
naman sa bayan ng mga propeta, na gaya naman sa inyo’y magkakaroon ng mga bulaang guro, na
mangagpapasok sa lihim ng mga makakapahamak ng mga hidwang pananampalataya, na itatatuwa
pati ang Panginoon na bumili sa kanila, na mangagtataglay sa kanilang sarili ng madaling
pagkapahamak” (2 Pedro 2:1-2). Tungkulin ng mga Apostol na ipagtanggol ang katotohanan. Ang mga
bulaan sa panahon ng mga naunang Apostol ay kanilang sinawata, (Gawa 17:17). “Kung ako’y
nakipagbaka sa Efeso laban sa mga ganid, ayon sa kaugalian ng tao, ano ang pakikinabangin ko?” (1
Corinto 15:32). “Sapagka’t ang sandata ng aming pakikipaglaban ay hindi ukol sa laman, kundi sa
harapan ng Dios ay may kapangyarihang gumiba ng mga kuta; Na siyang gumigiba ng mga maling
haka, at ng bawat bagay na matayog na nagmamataas laban sa karunungan ng Dios at bumibihag sa
lahat ng pag-iisip sa pagtalima kay Cristo” (2 Corinto 10:4-5; Efeso 6:12). Hindi ito magagawa ng patay
na sugo. Buhay na sugo lamang ang makapagsasanggalang at makapagpapatunay sa evangelio. Kaya nga
ang buhay ng sugo ay napapanganib sa kamatayan (Lucas 11:49). Sa buhay lamang mangyayari ito.

Pagtanggap ng Pahayag mula sa Dios


Ang Dios ay nagpapahayag sa bawat panahon maging sa panahon ng Lumang Tipan, ang Dios ay
nagpapahayag. “Tunay na ang Panginoong Dios ay walang gagawin kundi kaniyang ihahayag ang
kaniyng lihim sa kaniyang lingcod na mga propeta” (Amos 3:7). Nang pahayagan ng Dios ang mga
propeta ay hindi noong patay na sila, kundi noong nabubuhay pa sila. Sa Bagong Tipan, ang Dios ay
nagpapahayag din. Ipinahayag kay Pedro at sa ibang mga Apostol ang hiwaga ng Cristo (Mateo 16:14-17).
Ipinahayag kay Apostol Pablo ang hiwaga ng Iglesia (Efeso 3:3-5; Roma 11:17-25). Lahat ng ito’y
ipinahayag ng Dios noong sila’y nabubuhay pa, ngunit mayroong mga hiwaga na hindi pa nahahayag sa
kanila hanggang abutin sila ng kamatayan, sapagkat ang kanilang panahon ay hindi pa ang panahon ng
wakas (Daniel 12:4). Sa panahon ng wakas ipinaalm ng Dios ang hiwagang ito. May nagwakas na panahon
ng mga naunang Apostol, at ito’y ang wakas ng Lumang Tipan, subalit hindi ang panahon ng kawakasan.
Kaya sinabi ng Panginoon na hindi ukol sa mga naunang Apostol ang pagkaalam ng panahon at mga bahagi
ng kapanahunan (Gawa 1:6-7). Ang pagkakilala ng panahon at mga bahagi ng kapanahunan ay nauukol sa
panahon ng wakas kaya kailangan ang sugong buhay upang paunawaan gaya ni Noe (Mateo 24:37-38).
Kung ang lahat ng sugo ay patay na, kung gayon, wala nang papahayagan ang Dios, subalit salamat sa
Dios, sapagkat siya’y tumawag ng kaniyang lingcod na tinawag na maging Apostol. Ang Kap. na Arsenio
Tan Ferriol, siya’y buhay na nangangasiwa kasama ng mga matatanda sa Iglesia sa kawakasan ng huling
araw na siyang tumanggap ng hiwaga sa ating panahon at gumigising at nagpapaalala sa mga
mananampalataya sa ating panahon (2 Pedro 3:1-3).

Pagpapatalima sa Pananampalataya (Roma 1:5)


Alam natin na ang patay ay hindi makapagpapatalima o makapangangasiwa dahil sa patay na siya.
Kahit ang pangangasiwa ay hindi ukol sa pananampalataya, sa pribado man o sa gobyerno, ay walang patay
na makapangangasiwa, tanging buhay lamang ang makagagawa nito. Halimbawa, ang patay na maupo sa
anomang opisina ay hindi maaaring makapangsiwa. Ang pangulong nangangasiwa sa anomang bansa ay
buhay. Higit sa lahat, sa pananampalataya, buhay na sugo ang kailangang mangasiwa.
May gawain ang Dios sa kawakasang ito ng huling araw at si Cristo ay darating sa Kaniyang
Iglesia. Kung may gawain ang Dios tiyak na may sugong buhay ang Dios. Ang evangelio ay
ipinapangangaral hanggang sa katapusan ng sanlibutan (Mateo 24:14). Ang sasampalataya ay
babautismuhan at gagawing alagad (Mateo 28:18-20). Kaya may mga sugong buhay hanggang sa
kawakasan ng panahon ng mga huling araw na sila ang mangangaral, magbabautismo upang maligtas at
gawing alagad ang mga tao. At gayon din ihaharap silang sakdal kay Cristo (Colosas 1:28). Ang lahat bang
ito’y magagawa ng patay na sugo? Ang mga sugong buhay ang makagagawa nito. Ganito ang kalagayan ng
P.M.C.C. (4th Watch), may sugong buhay sa pangunguna ng tinawag sa pagka-apostol. Ito ang naaayon sa
turo ng Biblia.

To be continued…

You might also like