Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 1

Pamamayagpag ng mga guro ng Kasarinlan

Nagpakitang gilas sina Gng. Elizabeth M. Rural at Gng. Juvyleen O. Magpantay sa katatapos lamang na
2019 Division Story Writing and Illustration Contest noong Setyembre 2019.

Hindi lamang mga estudyante ng Kasarinlan High School ang may ibubuga pagdating sa mga patimpalak
sa labas ng paaralan kundi pati na rin ang mga guro nito.

Pinatunayan ito nang magwagi sa ikaunang puwesto sa Storybook Writing-Division Level si Gng.
Elizabeth M. Rural, isang English teacher at LRMDS Coordinator sa Kasarinlan High School.

Kasabay nito, nagwagi rin si Gng. Juvyleen O. Magpantay, ESP Department Head sa Kasarinlan High
School, sa ikalawang puwesto sa Storybook Illustration-Division Level.

Hindi man pinalad mapasama sa regional level, masaya nilang tinanggap ang nakamit nilang karangalan.

"It has been a great opportunity for me to join this type of contest as my passion is to write scripts and
stories. I am lookong forward into more storybook writing contest to join," ani ni Gng. Rural.

Hindi rin nagpahuli ang natatanging guro sa Filipino sa ikawalong baitang na si Gng. Dulce Corazon P.
Tomas na nakamit ang ikalimang puwesto sa Pagsulat ng Sanaysay sa Pandibisyong Paligsahan sa Hiraya:
Likhang Sulat Panitik na patungkol sa paggamit at pagpapanatili ng katutubong wika.

Ayon kay Gng. Tomas, pagsasaliksik lang ang naging paghahanda niya; pagsasaliksik hinggil sa
katutubong wika, lalo na ang paggamit nito sa mga probinsya, at kung paano natin mapapanatili ang
paggamit nito lalo na sa kasalukuyang panahon kung saan hindi na ito masiyadong nabibigyang-pansin.

You might also like