Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 5

Baitang Baitang Walo

Asignatura Edukasyon sa Pagpapakatao


Modyul 14: Pambubulas ay Iwasan, Palaganapin ang Pagmamahalan sa
Paksa
Paaralan
Mga
Kasanayan Sa 14.1. Nakikilala ang mga uri, sanhi at epekto ng mga EsP8IP-IVc-14.1
umiiral na karahasan sa paaralan
Pagkatuto
14.2. Nasusuri ang mga aspekto ng pagmamahal sa EsP8IP-IVc-14.2
sarili at kapwa na kailangan upang maiwasan at
matugunan ang karahasan sa paaralan
14.3. Naipaliliwanag na: EsP8IP-IVd-14.3
a. Ang pag-iwas sa anomang uri ng karahasan sa
paaralan (tulad ng pagsali sa fraternity at gang at
pambubulas) at ang aktibong pakikisangkot upang
masupil ito ay patunay ng pagmamahal sa sarili at
kapwa at paggalang sa buhay. Ang pagmamahal
na ito sa kapwa ay may kaakibat na katarungan –
ang pagbibigay sa kapwa ng nararapat sa kanya
(ang kanyang dignidad bilang tao.)
b. May tungkulin ang tao kaugnay sa buhay- ang
ingatan ang kanyang sarili at umiwas sa kamatayan
o sitwasyong maglalagay sa kanya sa panganib.
Kung minamahal niya ang kanyang kapwa tulad ng
sarili, iingatan din niya ang buhay nito.
14.4. Naisasagawa ang mga angkop na kilos upang EsP8IP-IVd-14.4
maiwasan at masupil ang mga karahasan sa
kanyang paaralan

Mga Tiyak Na
Layunin
Layunin sa Pagkatuto Batay sa GCED UNESCO Framework
Kognitibo Natataya ang pinakaugat ng mga pangunahing isyung local, pambansa
at global at ang pagkakaugnay ng mga lokal, pambansa at
pandaigdigang salik.
Sosyo- Naipapakita ang pagpapahalaga at respeto sa Pagkakaiba-iba at
Emosyonal dibersidad, nalilinang ang empatiya at solidaridad sa ibang tao at
grupong panlipunan.
Pangkagawain Naanalisa ang mga hamon at dilemma kaugnay ng panlipunang hustisya
at pananagutang etikal, at napag-iisipan ang mga implikasyon para sa
indibidwal at kolektibong aksyon

I. PANGKALAHATANG ARALIN
Ang Pambubulas ay isang uri ng karahasan na naglalayon na paulit-ulit na takutin o
saktan ang kapuwa. Maraming uri at pamamaraan ang pambubulas at kadalasang
matagal, malalim, at masakit ang epekto na dulot nito. Ang nararanasan na karahasan sa
loob at sa labas ng paaralan ay sadyang nakasasakit at nagdadala ng takot sa kaninuman.
Ang araling ito ay naglalayon na lubos maunawaan ang isyu ng pambubulas upang
maitagala ang sarili sa pagsugpo nito saan man at kailan man. Gayundin, ang pagsisikap na
iwasan at ihinto ang pambubulas ay tanda ng pagkilala sa kahalagahan ng buhay at
paggalang sa pakikipag-ugnayan sa kapuwa. Bagkus, sa pamamagitan ng kolektibong
pagkilos at pagkukusa na matugunan ang karahasan sa paaralan, makakamit at matatamo
ang kaayusan at kapayapaan sa lipunan.

II. MGA GAWAIN SA PAGTUTURO


a. Panimulang Gawain
Gawain 1: “Ano ang Pambubulas?”

Naghanda ang guro ng mga flash card at mga larawan ng pambubulas at ididikit ito
sa pisara. Aatasan ng guro ang mag-aaral na ayusin at pagtapat-tapatin ang
pagkakaugnay ng mga ito.

Pisikal na Pambubulas Uri ng pambubulas ay Panunulak, pandudura,


ginagawa sa pamamagitan paninipa, panununtok at
ng pananakit sa katawan pambubugbog
Pasalita na Pambubulas Uri ng pambubulas na Panunukso, panunuya,
gumagamit ng masasakit na pambabansag,
pananalita pagbabanta, pamimilit,
pangingikil, panlilibak ng
lahi, relihiyon at pagkatao
Panlipunan na Pambubulas Uri ng pambubulas na Hindi pamamansin, pag-
ginagawa sa pamamagitan iwas, at paglayo sa biktima,
ng pamamahiya at pagkokontrol at
tahasang paninira sa ibang pagmamanipula sa kapuwa
tao
Cyber Bullying Uri ng pambubulas na Paninira ng pagkatao sa
gumagamit ng facebook, pagpopost ng
makabagong teknolohiya at larawan o mensahe na
midya tulad ng internet. makakasira sa isang tao

Gawain 2: “ParaNorman”
Pamilyar ka ba sa palabas na Paranorman? Napapailalim sa kwentong ito ang mga
nararanasan ng isang kabataan na biktima ng pambubulas.
Pamprosesong na Tanong:
1. Sino ang mga tauhan na kabilang sa pambubulas?
2. Ano ang mga uri ng pambubulas na ipinakita sa video?
3. Kung ikaw si Norman, ano ang iyong mararamdaman sa
nangyari?
4. Ano ang angkop na maging kilos mo sa ganitong
pangyayari?
b. Paglinang na Gawain
Gawain 3: Pangkatang Gawain
Unang Pangkat: Cyber Bullying (Role Play)
KB’s First Day of School
Pangalawang Pangkat: The Ellen DeGeneration Show (Talk Show)
Student Talk Show to Stop Bullying
Pangatlong Pangkat: The Word Exposed by Cardinal Tagle (Bible Verse}
Mga Hebreo 13:6

6 Kaya't malakas ang loob nating masasabi,“Ang Panginoon ang


tumutulong sa akin, hindi ako matatakot. Ano ang magagawa sa akin ng
tao?”
Gawain 4: DO IT YOURSELF Anti-Bullying Shirt
Materials: Puting Tshirt, Fabric Paint.

Panuto: Kunin ang puting t-shirt, ihanda ang Fabric Paint, Mag isip kayo ng #HUGOT na
salita para sa Anti-Bullying o Labanan ang Pambubulas. 20 minuto para magawa niyo yan,
pag natapos ang gawain ipapakita sa klase at ipapaliwanag ang #HUGOT ninyo. Ang t-shirt
na yan ay magagamit ninyo para sa gagawin natin “Anti-Bullying Campaign”.
Gawain 5:
Gawain 6: “Plano ng Pagkilos Tungo sa Pagsugpo sa Pambubulas sa Paaralan”

1. Ipangkat ang mga mag-aaral at bigyan ng cartolina ang bawat pangkat


2. Gamit ang naunang gawain, pagnilayan kung paano matutugunan ang isyu ng
pambubulas sa paaralan
3. Gumawa ng plano ng pagkilos at gamiting gabay ang nasa ibaba
4. Tumawag ng ilang myembro upang ibahagi sa klase ang kanilang nabuong plano.

PLANO NG PAGKILOS TUNGO SA PAGSUGPO SA PAMBUBULAS SA PAARALAN


Makabuluhang Mga Tiyak na
Pagkilos Upang Hakbangin Upang Lugar at Panahong
Matugunan ang Isyu Matugunan ang Isyu Gugugulin Mga Taong Kabilang
ng Pambubulas sa ng Pambubulas sa
Paaralan Paaralan
Halimbawa:
a. Pagbabahagi ng Peer coaching Guidance office/Study Guro/Guidance
kaalaman sa mga Bubuo ng grupo na may Area Counselor
binubulas ukol sa layuning tulungan ang Tuwing unang biyernes
tamang pamamaraan mga biktima ng ng buwan Mga kamag-aral
ng pagharap sa pambubulas
pambubulas

Rubrics:
Pamantayan 3 Puntos 2 Puntos I Puntos
Makabuluhang pagkilos Makabuluhan ang Hindi gaanong Hindi makabuluhan ang
upang matugunan ang paraan ng pagkilos makabuluhan ang paraan ng pagkilos
isyu ng pambubulas sa upang matugunan ang paraan ng pagkilos upang matugunan ang
paaralan isyu ng pambubulas sa upang matugunan ang isyu ng pambubulas sa
paaralan isyu ng pambubulas sa paaralan
paaralan
Mga tiyak na hakbangin Nagpakita ng iba’t ibang Nagpakita ng mangilan- Nagpakita ng isang tiyak
upang matugunan ang tiyak na hakbangin ngilang hakbangin na hakbangin upang
isyu ng pambubulas sa upang matugunan ang upang matugunan ang matugunan ang isyu ng
paaralan isyu ng pambubulas sa isyu ng pambubulas sa pambubulas sa paaralan
paaralan paaralan
Realistiko ang mga Ang paraan ay maari at Ang paraan ay hindi Ang mga paraan ay
paraan ng pagkilos kayang gawin ng isang realistiko para sa lahat ng mahirap at hindi kayang
upang matugunan ang kabataan kabataan gawin ng kabataan
isyu ng pambubulas sa
paaralan

III. PAGTATAYA NG ARALIN

Piliin ang letra ng tamang sagot:


1. Ito ay isang sinasadya at madalas na malisyosong pagtatangka ng isang tao o
pangkat na saktan ang katawan o isipan ng isa o mahigit pang biktima sa paaralan.

a. Pambubulas
b. Pamamahiya
c. Pangaasar
d. Panloloko

2. Ito ay uri ng pambubulas na may layuning sirain ang reputasyon at pakikipagugnay


sa tao gamit ang pagkakalat ng tsismis.

a. Pisikal na Pambubulas
b. Pasalita na Pambubulas
c. Panlipunan na Pambubulas
d. Cyber Bullying

3. Ang sumusunod ay mga dahilan ng pambubulas sa paaralan maliban sa:


a. Pagkainggit
b. Naghahanap ng tatanggap sa kanila
c. Kagustuhang maging sikat
d. Pagiging biktima din ng karahasan
4. Alin sa mga sumusunod ang pinakamagandang gawin na aksyon ng isang
kabataan nakakaranas ng pambubulas?
a. Umiwas at wag pansinin
b. Gumanti pagkalabas ng paaralan
c. Matututong tumayo at magsalita laban sa pambubulas
d. Magsumbong sa mga kaibigan na maaring magtatanggol sayo

5. Ano ang nararapat na tugon ng mga may kinauukulan ng paaralan sa


pambubulas?
a. Hindi iintindihin dahil natural lamang sa mga kabataan ang kalikutan.
b. Pagalitan ang nambubulas pagkatapos ay pabalikin sa klase.
c. Suspindihin ang gumagawa ng pambubulas sa paaralan.
d. Humanap ng pangmatagalan at mabisang paraan sa pagsupil sa karahasan sa
paaralan.

IV. KARAGDAGANG GAWAIN

Pangkatang Gawain:
1. Ipapangkat sa 2 grupo ang klase at aatasan na gumawa ng kampanya na may
kaugyan sa paglaban sa karahasan sa paaralan.
2. Ipapakita ito ng bawat grupo sa ibang seksyon/baitang sa darating na “Anti-Bullying
Week”.

Talasanggunian

Bognot, R. M., Comia, R. R., Gayola, S. T., Lagarde, M. A., Leaño, M. R., Eugenia C. Martin, M. A., & Paras, R. T. (2013).
Edukasyon sa Pagpapakatao - Ikawalong Baitang. Pasig City: Vibal Publishing House, Inc.

Punsalan, T. G., Gonzales, C. C., Nicolas, M. V., & Marte, N. C. (2014). Pagpapakatao 8. Sampaloc, Manila: Rex Book
Store, Inc.

You might also like