Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 3

Mala Masusing Banghay Aralin sa Filipino 8

Bilang ng Araw: 1
Pesta ng Pagpapatupad: Ika-25 ng Enero 2019

I. Layunin:
Sa pagtatapos ng talakayan ang mga mag-aaral ay inaasahang:
a) Naiuugnay ang mga Kaisipan sa Akda sa mga Pangyayari sa sarili (F8PD-IIgh-27)
b) *Nasusuri ang katangian ng tauhan batay sa monologo na nakabatay sa ilang bahagi
ng kuwento.

II. Pakasang Aralin: “Saranggola” ni Efren Abueg


Sanggunian: Pinagyamang Pluma 8
Kagamitan sa Pampagkatuto: Power Point, Video Presentation, Audio Presentation,
Illustration Board.

III. Pamamaraan
A. Paghahanda
 Panalangin
 Pagbati
 Pagsasaayos ng silid-aralan
 Pagtala ng mga liban sa klase

B. Pagganyak

 Ang mga mag-aaral ay naipaliliwanag ang sariling kaisipan at pananaw nang


malinaw at makabuluhan ang pangganyak na mga katanungan.
“Bakit mahalagang sundin ang payo at pangaralng magulang?

C. Pagtatalakay
 Ang mga mag-aaral ay isasagawa ang Paghawan ng Sagabal sa pamamagitan
ng isang pangkatang gawain na halaw sa larong 4pics 1Word.
Panuto sa Gawain:
 Hatiin ang klase sa limang (5) pangkat.
 Tukuyin ang hinihinging kasalungat na salitang nakahilis.
 Gaya ng larong 4Pics 1 Word, ang apat na larawan ang magsisilbing
tulong upang mukha ang hinihinging kasalungat na salita
 Gamitin sa pangungusap ang di-pamilyar nakahilis na salita.
 Ang unang pangkat na makapagtataas ng tamang sagot ang siyang
makakukuha ng dalawang puntos.

 Ang guro ay ilalahad ang mga Gabay na Tanong


 Ang mga mag-aaral ay makapanonood ng isang sampung minutong (10mins)
video presenation kaugnay sa akdang “Saranggola” na isinulat ni Efren
Abueg.
 Para sa pagpapalalim ng talakayan magkakaroon ng pangkatang gawain sa
pagsasagot sa mga Gabay na Tanong.
Panuto sa Gawain:
 Bawat pangkat ay bubunot ng isang Gabay na Tanong.
 Bibigyan ng 2minuto ang bawat pangkat upang mapagusapan ang
magiging kasagutan.
 Pagkatapos ng tinakdang oras, ang guro ay magpapaikot ng I sang bagay
sa bawat pangkat habang pinapatugtog ang awitin ni Celeste Legaspi na
“Saranggola ni Pepe” at ang mahihintuan ng awitin ang siyang
magbabahagi ng kasagutan sa klase.

D. Paglalapat
Naiuugnay ang mga Kaisipan sa Akda sa mga Pangyayari sa sarili (F8PD-IIgh-
27)
 Ang mga mag-aaral nasasagot ang katanungan na kung saan maiuugnay sa
kanilang sarling karanasan. Ang gawain ay pinamagatang “Paano Mo
Nasabi”
Panuto sa Gawain:
 Panagtwiranan ang sumusunod na katanungan
“Kung ikaw ay nasa katayuan ng bidang lalake sa kuwento, makakaya mo rin
bang magtanim ng sama ng loob sa iyong magulang sa mahabang panahon dahil
lamang sa hindi nila pagtupad sa inyong kagustuhan sa buhay.”

E. Pagtataya
Nasusuri ang katangian ng tauhan batay sa monologo na nakabatay sa ilang
bahagi ng kuwento.

 Ang mga mag-aaral ay tutukukin ang katangian ng mga tauhan batay sa


monologo nakabatay sa ilang bahagi ng kuwento.
 Panuto sa Gawain: Suriin kung sino ang nagsasalita sa pahayag at tukuyin
ang katangian ng mga tauhan. Isulat sa kalahating bahaging papel

“Anak… dalawang sapatos


“Kawawa nga ako, Tatay.
lamang ang gagamitin mo sa Anak ako ng tanging may-
pasukang ito. Kung masira, ari ng istasyon ng gasoline
saka na papalitan. Magtitipid at machine shop sa bayan
ka rin sa damit at huwag
kang gasta nang gasta. Hindi natin, pero ang itsura ko…
madaling kitain ang salapi,” parang anak ng pobre.”

“Makabubuting matuto kang


magtiis. Pagkatapos mo
naman ng pag-aaral at
magtagumpay ka sa
hanapbuhay, magiging
magaan sa iyo ang lahat.”

IV. Paglalahat
 Ang guro ay pipili ng isa o dlawang mag-aaral na nais magbuod ng napagaralan sa
araw na iyon.
V. Takdang Aralin
 Ang mga mag-aaral ay bubuo ng Akrostik sa salitang SARANGGOLA na naglalaman
ng mga prinsipyo o alituntuning dapat mong gawin bilang isang anak upang ikaw ay
magtagumpay sa buhay

Inihanda ni:
Catherine Anne L. Villanueva

You might also like