Masusing Banghay Aralin Sa Araling Panlipunan 9

You might also like

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 3

Masusing Banghay Aralin sa Araling Panlipunan 9

Pamantayang Pangnilalaman

Naipamamalas ng mga mag-aaral ang pag-unawa sa mga sector ng ekonomiya at mga


patakarang pang-ekonomiya nito sa harap ng mga hamon at pwersa tungo sa pambansang pagsulong at
pag-unlad.

Pamantayang sa Pagganap

Ang mga mag-aaral ay aktibong nakikibahagi sa maayos na pagpapatupad at pagpapabuti ng


mga sector ng ekonomiya at mga patakarang pang-ekonomiya nito tungo sa pambansang pagsulong at
pag-unlad.

Kasanayan sa Pagkatuto

Nasusuri ang bahaging ginagampanan ng agrikultura, pangingisda, at panggubat sa ekonomiya


at sa bansa. AP9 MSP-IVc-6

I. Layunin:

Pagkatapos ng araling ito, ang mga mag-aral ay inaasahang:

1. Nabibigyang kahulugan ang sektor ng agrikultura.

2. Natutukoy ang mga gawaing bumubuo sa sektor ng agrikultura.

3. Natatalakay ang kahalagahan ng sektor ng agrikultura sa pag-unlad ng bansa.

II. Nilalaman:

Paksa: Sektor ng Agrikultura

Mga Kagamitang Panturo: Powerpoint presentation, speaker, manila paper, pentel pen at
masking tape

Mga Sanggunian: Kalakaran Sa Ekonomiks

Mga Pahina sa LM: 363-368

Mga Pahina sa TM:

III. Pamamaraan:

Gawain ng Guro Gawain ng Mag-aaral


A. Panimulang Gawain
1. Pagdarasal
Jean maaari bang pamunuan mo ang Tumayoang lahat para sa pagdarasal.
pagdarasal?
2. Pagbati
Magandang umaga sa lahat? Magandang umaga din po Ma’am!
3. Pagsasaayos ng silid aralan
Pakidampot po ang kalat at isaayos ang inyong Aayusin ng mga mag-aaral ang silid-aralan at
Mga upuan. dadamputin ang kalat.
4. Pagtala ng liban sa klase
Mayroon bang liban sa klase? Wala pong liban sa klase.
5. Balik aral
Bago tayo dumako sa ating aralin, balik aral
muna tayo.
Ano ang tinalakay natin kahapon?

B. Paglinang na Gawain

Gawain ng Guro Gawain ng Mag-aaral


1. Pagganyak
Gawain 1: KANTANG BAYAN -ALAM KO
( Ipaparinig ng guro ang awiting pinamagatang
Magtanim Ay Di Biro.)
Pamprosesong Tanong:
1. Mag-isip ng limang bagay o anuman na
pumapasok sa isip mo kapag narinig ang kantang
Magtanim Ay Di Biro.
Bakit ang limang bagay na ito ang naisip mo
Kaugnay ng awiting ” Magtanim Ay Di Biro”?
2. Ano ang nabubuo o pumapasok sa isipan mo
Habang pinapakinggan ang awiting Magtanim Na hindi po biro ang
Ay Di Biro?
3. Anong sektor ng ekonomiya nabibilang ang Sektor ng Agrikultura po.
tema ng awitin?

2. Paglalahad
Ang aralin na tatalakayin natin sa araw na ito Opo.
Ay tungkol sa Sektor ng Agrikultura.
Handa na ba kayo?

C. Paglinang na Gawain

Gawain ng Guro Gawain ng Mag-aaral


1. Pangkatang Gawain
Upang lubos na maintindihan ang ating paksa ay
magkakaroon tayo ng pangkatang
gawain.Papangkatin ko ang klase sa apat ang
bawat pangkat may may kanya-kanyang paksa na
ibibigay.Mayroon kayong limang minuto upang
tapusin ang gawain.Pagkatapos ay may isang
mag-uulat sa bawat pangkat. Maaaring
magtanong ang bawat pangkat sa mag-uulat.
Naintindihan ba? Opo.

Ang mga sumusunod ay ang paksa ng bawat


pangkat:
Unang Pangkat – Paghahalaman
Ikalawang Pangkat – Paghahayupan
Ikatlong Pangkat – Paggugubat
Ika-apat na Pangkat – Pangingisda

( Magbibigay ng manila paper ang guro kung saan


isusulat ng mag-aaral ang kanilang sagot)

2. Analysis
( Matapos gawin ang ibinigay na gawain.
Magtatanong ang guro ukol sa kanilang ginawa)

Ano ang sektor ng agrikultura?

Ano-ano ang bumubuo sa sector ng agrikultura?

Paano nakatutulong ang sector ng agrikultura sa


pamumuhay ng tao sa komunidad?

Sa iyong palagay, sapat ba ang naitutulong o


pagtugon ng sector ng agrikultura sa mga
pangangailangan ng maraming Pilipino? Bakit?

May kaugnayan ba ang sektor ng agrikultura sap


ag-unlad ng isang bansa?
D. Pangwakas na Gawain

Gawain ng Guro Gawain ng Mag-aaral


1. Pagpapahalaga
Mahalaga ba ang sektor ng agrikultura sa pag-
unlad ng bansa? Bakit?

2. Paglalahat
Sa ating pinag-aralan ngayon, ano ang
mahalagang natutunan mo sa sektor ng
agrikultura?

E. Pagtataya

F. Kasunduan

Gumawa ng isang pananaliksaik tungkol sa mga Suliraning kinakaharap ng Sektor ng Agrikultura sa


kasalukuyan.

Inihanda ni:

RINA C. DIN

Teacher Applicant

You might also like