Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 13

Pagsusulit sa Pagbasa Antas Senior High School

(Cruz, 2017)

Pangalan:_________________________________ Baitang at Pangkat:__________________

Pangkahalatang Panuto: Basahin ang mga teksto at bilugan ng letra ng tamang kasagutan.

TEKSTO I

Itigil Ninyo yan!

Patuloy na pinagtatalunan ang pagbabawal sa pagpapalabas ng mga


malalaswang pelikula sa lahat ng sinehan na pag-aari ng SM. Ayon sa tagapamahala
ng SM ang mga ganitong uri ng pelikula ay hindi makatutulong sa pagpapataas ng uri
ng industriya sa pelikula manapa’y lalo lamang bababa ang tingin sa ating mga
Pilipino ng mga dayuhan. Ito’y sinang-ayunan ng higit na nakararaming Pilipino. Sa
aking pananaw, tama lang ang naging desisyon ng SM Management dahil ang mga
ganitong klase ng pelikula ay talagang nakapagpapababa ng ating moralidad. Ang
mga kabataang bagama’t nasa hustong gulang pag nakapanood ng ganitong pelikula
ay nakapag-aasawa nang wala sa oras. Nagiging dahilan din io para makalikha ng
krimen ang ibang tao. Panahon na upang baguhin ang imahe ng industriya ng
pelikulangPilipino.

Ngunit sa kabila ng magandang hangaring ito ng SM Management, maraming


artista ang tumutol dito. Paano nga naman, mawawalan ng kita ang mga artistang
hindi naman bihasa sa pag-arte at tanging pagbibilad lamang ng katawan ang alam na
gawin. Dahil din dito ay mapipilitan din ang mga prodyuser na gumawa ng pelikulang
de kalibre at may makabuluhang istorya. Kung magkagayo’y lalaki ang gastos nila sa
bawat pelikulang gagawin. Hindi nila masang-ayunan na sila’y gumastos nang malaki
dahil sa pangambang kumita lamang sila nang maliit.

Tama na ‘yan! Kung gusto ninyo talagang kumita hindi na kailangan pa ang
paghuhubad sa pelikula. Dapat ay gumawa ng mga pelikulang makapagpapabago ng
masamang pag-uugali at mag-aangat sa kalagayang panlipunan ng mga Pilipino.
1. Bakit sinasabing ito ay isang tekstong persweysib?

a. subhektibo ang mga pahayag mula simula hanggang huling talata


b. obhektibo ang mga pahayag mula simula hanggang huling talata
c. gumamit ng mga panghalip na nasa ikatlong panauhan
d. nagpapakita ng sunod-sunod na pangyayari
2. Anong kahulugan ng mga salitang “Tama na ‘yan!” sa huling talata sa tekstong nabasa?

a. Sapat na ang mga malalaswang pelikulang ipinapalabas sa mga sinehan


b. Huwag ng mangatwiran sa pagpapasya ng SM Management na tumutungkol sa isyu
c. Gumawa ng mga iba pang de kalibreng pelikula na magiging makabuluhan sa kultura
d. Tangkilikin na lamang ang mga banyagang pelikula upang maiwasan ang mga palabas

3. Sa pahayag na “Dapat ay gumawa ng mga pelikulang makapagpapabago ng masamang pag-


uugali at mag-aangat sa kalagayang panlipunan ng mga Pilipino” mas maiuugnay natin ito sa?

a. sarili b. komunidad c. bansa d. Daigdig

4. Ang tekstong nabasa ay matatantiyang isang ______________

a. Editoryal b. Balita c. Lathalain d. Tula

5. Ang tekstong persweysib na nabasa ay may katangi-tanging elementong pagiging ________.

a. Logos (Lohika) b. Pathos (Kredibilidad) c. Ethos (damdamin) d. Lahat ng nabanggit

TEKSTO II

Wikang Ingles: Bilang Midyum ng Pagtuturo?

Naging isang mainit na usapin ang iniutos ng pangulo na pagpapagamit ng Ingles


bilang midyum ng pagtuturo sa paaralan. Hangad ng pangulo na maibalik ang wikang Ingles
.
dahil sa rekognisyon at pakikipagkumperensiya ng mga Pilipino sa daigdig. Ayon sa pangulo,
tama lang na pag-ukulan nang pansin ang bumababang antas ng literasi sa Ingles ng mga
Pilipino. Subalit, para sa akin ang paggamit ng Filipino bilang midyum ng pagtuturo ay hindi
naman sagabal sa pagpapataas ng literasi sa Ingles ngmga Pilipino. Sa halip na gawing Ingles
ang midyum ng pagtuturo ay paghusayan nalamang ang pagtuturo ng Ingles sa elementarya
patungo sa mataas na lebel. Patuloy nahumubog ng mga magagaling na gurong magtuturo ng
sabdyek na ito.

Ang panukalang ito ng pangulo ay hindi sinang-ayunan ng mga guro sa Filipino.


Marami sa kanila ang nagsabi na ang isang mag-aaral ay matututo sa sarili niyang wika o
wikang kinagisnan. Natututo siya ng dayuhang wika kapag alam na niya ang sariling wika.
Ayaw nilang tanggapin ang pananaw na ang paggamit ng Wikang Filipino bilang midyum ng
pagtuturo sa paaralan ang dahilan ng pagbaba ng kaalaman sa Ingles. Tunay na maganda ang
layunin ng pangulo naisulong ang Wikang Ingles upang madali ang pakikipagtalastasan sa
iba’t ibang panig ng mundo sa pag-asang ito ang magiging susi ng pag-unlad ng ating bansa.
Subalit dapat nating isipin na higit nating kailangan ang isang pambansang wika na
magsisilbing pwersa na magbubuklod sa atin bilangi sang lahi at isang bansa.

Huwag nating hayaang mapabayaan ang wikang nagbibigkis sa puso at diwa ng


sambayanang Pilipino para sa pinakamimithing pagkakaisa at pagkakaunawaan. Paunlarin at
palaganapin ang paggamit ng Wikang Filipino.
6. Ano ang naging paksa ng inilahad na teksto?

a . Pagpapagamit ng Ingles bilang midyum sa pagtuturo sa paaralan.


b. Pagpapagamit ng Filipino bilang midyum sa pagtuturo sa paaralan.
c. Pagpapaunlad ng Wikang Filipino.
d. Pagbaba ng literasi sa Ingles ng mga Pilipino.

7 . Alin sa mga salita ang nagpapahayag ng pagsang-ayon?

a. pagbaba ng kaalaman sa Ingles


b. Tunay na maganda ang layunin
c. Huwag nating hayaang
d. paghusayan nalamang ang pagtuturo

8. Ang teksto ay masusuring isang argumentatibo dahil sa iisang dahilan. Alin sa mga ito?

a. Napagsunod-sunod nito ang mga hakbang upang makatwiran na mailahad ang isyu
b. Gumamit ng mga tayutay at mga malalalim na salita upang maisalarawan ang teksto
c. Malawak na impormasyon ang ibinahagi ukol sa paksang tinatalakay
d. Obhektibo ang teksto na ginamit nito ang iba pang reperensiya para sa pangangatwiran

9. Ang salitang Filipino sa tekstong nabasa ay nangangahulugang?

a. Isang banyagang wika sa loob ng bansa na binabaliwala


b. Pinagtatanggol ng mga mamamayang may pagmamahal sa wika
c. Isang pambansang wika na nakikipagtunggali sa wikang Ingles
d. Mga mamamayang nakatira sa bansang Pilipinas
TEKSTO III

SARIWA O DELATANG PAGKAIN

Malaki ang kaibahan ng lasa ng dalawang pagkaing ito. Masarap ang lasa ng sariwang
pagkain dahil naroroon ang lahat ng sangkap ng isang natural na pagkain, kung kinokonsumo
agad ito pagkatapos anihin. Hindi kasinsarap ang mga delatang pagkain dahil nahahaluan ito ng
mga sangkap na kemikal. Sa pagluluto, lalong sumasarap ang mga sariwang pagkain dahil
nailalagay rito ang anumang rekadong nakapagpapasarap. Ang delatang pagkain ay luto na at
limitado na lamang ang magagawa upang lalong sumarap ito. Ngunit, kung hindi ka gaanong
marunong magluto, maaaring mas bagay sa iyo ang delatang pagkain.
Sa pangkalahatan, mas masustansya ang sariwang prutas at gulay kaysa delatang prutas at
gulay—kung niluluto agad ito pagkatapos anihin. Ngunit kapag matagal bago ito lutuin, lalo na
kung malantad ito sa araw at hangin, mababawasan hindi lamang ang lasa kundi pati na rin ang
sustansya nito. Sa kabilang dako, kapag isinalanta agad ang mga prutas at gulay pagkatapos
anihin, maaaring hindi mawala ang sustansiya nito at maaari rin mas masustansya pa ito sa mga
prutas at gulay na sariwa para matagal namang makunsumo. Ayon pa rin sa mga pag-aaral
nababawasan ang bitamina at lass ng mga sraiwang gulay at prutas kapag nagtagal ang mga ito
sa refrigerator.
Sa halaga, lamang din ang mga sariwang pagkain. Mas mahal ang delata kaysa mga
sariwang pagkain. Lalong totoo ngayon nang magmahal ang halaga ng tin na ginagamit sa
paggawa ng lata. Ngunit, may mga delatang mas mura kaysa mga sariwang pagkain, lalo na sa
panahong hindi inaani ang mga ito.
Sa oras na nakukunsumo sapaghahanda, lamang ang delatang pagkain. Mahabang oras
ang nagagamit sa pagluluto ng sariwang pagkain samantalang ang maraming delatang pagkain ay
makakain kaagad pagkatapos buksan ito.
Samakatwid, kanya-kanyang bentahan ang sariwa at de latang pagkain. Nasa sa iyong
pagpapasiya kung ano ang pipiliin mo.

10. Tungkol saan ang teksto? Ang hinahanap na sagot ng tanong na ito ay
A. Ideya B. Paksa C. Tapik D . Sagot sa b at c

11. Alin sa mga sumusunod ang uri ng tekstong impormatibo ang ginamit?
A. Pag-uulat Impormasyon B. Pagpapaliwanag C. Historical Accounts

12. Alin sa mga sumusunod na pahayag ang halimbawa ng pansuportang detalye sa binasang
Teksto?

A. Masarap ang lasa ng sariwang pagkain dahil naroon ang lahat ng sangkap ng isang
natural na pagkain
B. Hindi kasinsarap ang mga delatang pagkain dahil nahahaluan ito ng mga sangkap
kemikal
C. Mas masarap at masustansya ang pagkaing sariwa sa pagkaing delata
D. A at B
13. Alin sa mga sumusunod ang maituturing na pahayag na katotohanan batay sa katangian ng
tekstong impormatibo?

A. Responsible tayo sa ating kinakain


B. Kapag nagtagal ang mga ito sa refrigerator.
C. Mas mura ang sariwang pagkain sa delatng pagkain
D. Ayon sa mga pag-aaral, nababawasan ang bitamina at lasa ng mga sariwang gulay
at prutas

14. Anong konklusyon o paglalahat ang mabubuo batay sa teksto?


A. May kanya-kanyang bentahan ang pagkaing sariwa at pagkaing delata
B. Mas mainam na kainan ang pagkaing sariwa kaysa pagkaing delata
C. Sa oras na nakukunsumo sa paghahanda lamang nakahihigit ang pagkaing delata
D. Lahat ng nabanggit

TEKSTO IV
Mga Pulubi Dagsa na Sa Kalye
Dalawampu’t siyam na araw na lamang at Pasko na. At habang papalapit ang Pasko, lalo
namang dumadagsa sa kalye ang mga pulubi. Hindi na maawat ang kanilang pamamalimos na
parang mayroon silang lisensiya dahil Pasko naman. Pero delikado ang ginagawang
pamamalimos dahil maaari silang masagasaan o di kaya’y mahulog sa dyipni. Kapag napag-
usapan ang tungkol sa mga pulubi at mga batang palubi, ang Department of Social Welfare and
Development (DSWD) ang lagi nang mababanggit. Ang DSWD ang may responsibilidad sa mga
ito. Pero hindi yata nagagawa ng DSWD ang kanilang tungkulin dahil patuloy sa pagdagsa ang
mga pulubi.
Nang kapanayamin sa TV si Secretary Dinky Soliman ukol sa mga nagkalat na pulubi
wala siyang nailahad na konkretong solusyon kung paano ito masosolusyunan. Walang
nakahandang plano. Karamihan sa mga pulubi ay mga bata at babaing may kargang sanggol na
sumasampa sa mga dyipni at nag-aabot ng sobre. Ang ilan ay may bitbit na lata at tinatambol.
May mga batang pulubi na sasampa sa dyipni at walang pakialam kung mahulog o tumalsik sa
biglang arangkada ng dyipni.

Maraming pulubi sa Osmeña Highway, Quiapo, Carriedo, Rizal Avenue, España,


Araneta, Quezon Avenue, EDSA-Kamuning, North EDSA, Philcoa at Novaliches, QC. Sila ay
karaniwang tanawin na lamang sa lansangan. Walang pakialam ang pulis, MMDA at maski ang
barangay. At dahil walang humuhuli sa kanila, inaakalang tama ang kanilang ginagawa.

Ayon sa DSWD, karamihan sa mga batang pulubi ay ginagamit ng sindikato para mamalimos.
Pinahihirapan at sinasaktan ang mga bata para mapilitang mamalimos. Payo ni Soliman, huwag
maglilimos sa mga pulubi. Kapag nilimusan sila, muli silang babalik sa kalsada sapagkat may
nagbibigay sa kanila. Tama ang payo ni Soliman na huwag limusan ang mga pulubi o batang
kalye. Pero gumawa sana ng paraan ang kanyang tanggapan para ganap na mapigilan sa
paglipana sa kalsada ang mga pulubi lalo ang mga bata. Magandang tingnan ang lansangan na
walang namamalimos.
15. Ano ang paksa ng teksto?
a. mga pulubi b. pagdami ng pulubi sa kalye
c. solusyon ng gobyerno sa mga pulubi d. lahat ng nabanggit

16. Alin sa mga sumusunod ang ginamit na sanggunian upang patunayan ang mga
impormasyong nakalap maliban sa isa?

a. Pag-iintebyu sa Sekretarya ng DSWD


b. Reperesensiya galing sa ahensiya
c. Mga pulis na nasa daanan ng mga pulubi
d. Obserbasyon sa lugar na nasaan ang mga pulubi

17-18. Payo ni Soliman, huwag maglilimos sa mga pulubi. Kapag nilimusan sila, muli silang
babalik sa kalsada sapagkat may nagbibigay sa kanila. Ang payong ito galing sa sekretarya ng
DSWD ay maiuugnay sa pagpapayo nito sa ___________ at sa ___________ .

a. sarili b. komunidad c. daigdig d. pamilya

TEKSTO V

Ang Pag-ibig ay ‘Di Kasal

Ngayo’y nakasangla ang tuwa ko


sa iyak ng isang bata
wala akong ipantubos sampatak mang luha
ang pag-ibig ay di kasal, totoo nga,
gunitang isinuko sa kapwa gunita,
daigdig na sumupling
sa isang dakot na lupa.

19. Anong konklusyon ang mabubuo sa siniping tula?


A. Ang tauhan ay nahihirapan sa pag-aalaga ng bata.
B. Malungkot ang tauhan dahil sa maagang pag-aasawa.
C. Ang tauhan ay nagpakasal dahil sa pagdadalangtao.
D. Nagsisisi ang tauhan sa kanyang pagpapakasal dahil sa pagdadalangtao.

20. Ang paggamit ng mga pahayag na may malalim na kahulugan at makukulay na mga salita ay
maituturing na isang tekstong ________________.

a. Persweywib b. Naratibo c. Impormatibo d. Deskriptib


TEKSTO VI

Ang pagtatakda ng presyo o halaga ng isang bagay ay batay sa interaksyon


ng mga namimili at nagbibili sa isang bilihan. Sa mga mamimili, ang kanilang
hilig at panlasa ay nakabatay sa konsepto ng demand. Ang mga mamimili ay
naghahangad na bumili ng isang bagay – produkto o serbisyo – ayon sa presyo
nito. Kadalasan, nakikita natin na kapag ang presyo ng isang bagay ay mataas,
ang demand dito ay maliit lamang.
Samantala, ang suplay ng isang produkto ang buod ng kakayahan ng mga
prodyuser na magbenta ng produkto sa iba’t ibang alternatibong presyo. Sa mga
prodyuser, gaya ng nabanggit na, ang mataas na presyo ay insentibo upang
palawakin nila ang kanilang produksyon.

21. Ano ang paksa ng siniping teksto?


A. pagtatakda ng presyo ng isang bagay C. kakayahan ng mga prodyuser
B. hangarin ng mamimili D. suplay ng produkto

22. Ang tekstong nabasa ay matuturing na seryoso, kung gayon ito ay isang tekstong ?
A. Deskriptibo C. Persweysib
B.Argumentatibo D. Impormatibo

23. Alin ang ibinigay na suportang kaisipan sa siniping teksto?


A. Ang halaga ng bilihin ay depende sa suplay ng bilihin at demand ng mga mamimili.
B. Sinasamantala ng mga prodyuser ang mga mamimili.
C. Maraming gustong bilhin ang mamimili.
D. Pataas na nang pataas ang bilihin sa kasalukuyan.

24. Ano ang ibig pakahulugan ng demand ayon sa tekstong sinipi?

A. Ang pagtatakda ng presyo o halaga ng isang bagay ay batay sa interaksyon ng mga


namimili at nagbibili sa isang bilihan
B. Ang mga mamimili ay naghahangad na bumili ng isang bagay – produkto o serbisyo
– ayon sa presyo nito
C. Sa mga mamimili, ang kanilang hilig at panlasa ay nakabatay sa konsepto ng demand
D. Lahat ng nabanggit
25. Madalas ang ganitong usapin ng demand at suplay ay hindi lamang sa buong bansa
katanggap-tanggap kundi katanggap-tanggap ito sa buong?

a. pamilya b. daigdig c. pamilya at daigdig d. wala sa nabanggit

TEKSTO VII
Masaya ang kulay ng gabi sa Fields Avenue.. Isang mundo sa isang daang metro.. isang mundo
ng mga dayuhan... Sa Field Avenue niyayakap ng mga pinay ang mga dayuhang para sa kanila
ay may datung na katumbas. Dolyar para sa amerikano, Yen sa mga Hapon. Bawat puti, singkit,
negro, malalaki at matatabang Australiano at ang tinuring na mapagkunwaring kauntutang dila at
diyos-diyosang Koreano ay sadyang sinasamba ng mga tagapagbigay-aliw at mukhang pera. Sa
Fields avenue waring nalibot mo ang daigdig. Pagpasok ay waring nasa ehipto, outer space
naman ang isa, cowboy ang motiff ng isa, Horror naman ang iba, depende sa trip.

26. Masasabing sa buong tekstong nabasa, mauuri ito bilang isang tekstong ______________.

a. Naratibo b. Persweysib c. Prosidyural d. Deskriptibo

27. Maiuugnay ang siniping teksto sa mga nangyayari sa partikular na lugar. Kung gayon ito ay
higit na mailalapit at maipapaliwanag sa persprektibo ng ______________ na ginagalawan.

a. sarili b. komunidad c. bansa d. Daigdig

28. Mula sa tekstong nabasa, masasabi nating nabigyang kahulugan ang Fields Avenue bilang
lugar na?

a. malayo sa kaguluhan at puro saya ang makikita


b. nagsama-sama ang iba’t ibang uri ng tao upang kalimutan ang kalungkutan ng mundo
c. magulo at walang mapupulot na mabuti sa sariling kakayahan
d. malapit sa kaguluhan ng dahil sa mga dayuhang lagi na lamang nakikipag-away

29. Anong pinapaksa ng tekstong sinipi?

a. Masaya ang gabi sa Fields avenue


b. Malungkot ang buhay sa Fields avenue
c. Maraming dahuyan sa Fields avenue
d. Pagtakas sa kalungkutan ang Fields avenue
TEKSTO VIII 30-32
Piliin at isulat ang letrang pahayag na angkop sa bawat patlang na makikita sa ibaba upang
mabuo ang detalye ng isang talatang naglalahad ng malinaw na presentasyon ng kaalaman.

a. Maaaring ngayon ay malakas tayo ngunit bukas makalawa ay may mabigat na


karamdaman na. (31)
b. Hindi lamang karamdaman ang dapat nating paghandaan kundi mga sakuna at ‘di-
inaasahang pangyayari. (32)
c. Bawat tao ay kailangang matutong mag-impok para sa hinaharap. (30)

TEKSTO IX

PUWEDE PA BA AKONG UMUTANG?


Salanga, Elyrah L.
Dapat nga siguro ay may kurso tungkol sa pangungutang. Kailangan nating mga Pinoy ng
survival skills sa usapin ng pera. Umaabot na kasi sa puntong nakakasama sa kalusugan ng tao
ang utang at pera. Madalas mabalitaan sa telebisyon ang mga nagtatangkang magpakamatay sa
pamamagitan ng pagtalon mula sa matataas na overpass at billboard, para lang iwasan ang utang.
Kung minsan pa nga, may mga taong nababaliw dahil sa dami ng kanilang utang, sa laki ng
kailangang bayaran. Ang iba nama'y pumapayat nang husto, ginagawang diet pills ang mga
nakaambang na bayarin. Samantalang ang iba'y nagkakaroon na ng insomnia sa kakaisip kung
paano mangungutang o kung papaano iiwasan ang inuutangan. Dagdag pa natin ang paranoia at
phobia sa listahan.

Sakit na nga ang pangungutang. Parang paninigarilyo. Tunay na hazardous to our health. At
dahil sakit, dapat may madiskubre na sanang lunas. Mabuti pa ang paninigarilyo, maaari kang
tumigil kung gugustuhin. Maaaring tiisin dahil may mga nicotine bubble gum na at patches. Pero
paano naman ang adiksyon natin sa pangungutang? Sana ay may makadiskubre ng gamot na
ituturok lang sa 'yo, mawawala na ang tendensiya mong mangutang. Kung babayaran mo ang
gamot na ito at di uutangin.

Ito ang parikala ng pangungutang: nangungutang tayo para mabuhay nang matiwasay.
Nangungutang tayo para tumagal ang ating buhay. Nangungutang tayo para hindi tayo masiraan
ng bait. Nangungutang tayo dahil pinagkakautangan natin ng loob ang mga taong bumubuhay sa
atin.

O, ang Utang. Kay sarap sigurong mabuhay kung wala kang ganitong problema. Biruin mo,
maaari ka nang matulog nang mahimbing. Hindi mo na kailangan pang intindihin ang credit
card, ang recruitment agency, ang naisanlang alahas, ang mga produkto ng Avon at iba pa.

Isang kahunghangan. Isang pagmamalabis sa ating kamalayan. Ngunit ‘pag wala, hindi gagalaw
ang ekonomiya sa bansa. Hindi mabubuhay ang tao. Hindi mananatiling hibang ang marami.Sa
panahon ng krisis, ang nakikitang solusyon ang mangutang. At magmura ang mga bilihin. At
kung nanaisin mo'y magmura sa inis, sa galit. Utang ina talaga.
33. Ang pangungusap na nakasalunggungit sa teksto ay maituturing na isang __________.
A. Opinyon B. Katotohanan C.Atityud sa teksto D. Tone ng teksto

34. Ano ang pangkahalatang kaisipang nabatid pagkatapos basahin ang teksto?
A. Maibahagi sa iba ang kagandahan ng utang sa ibang tao
B. Mapabatid na ang utang ay isang problema ng buong kulturang Filipino
C. Mahikayat na mangutang ang lahat kasi natural lamang itong nangyayari
D. Maipakita ang kahinaan ng utang na hindi naman problema sa lipunang Filipino

35. Ang salitang utang mula sa binasang teksto ay problema na ng buong ________.
a. komunidad b. pamilya c. bansa d. Daigdig

36. Anong panauhan ang madalas magamit sa tekstong binasa?


a. unang panauhan b. ikalawang panauhan c. ikatlong panauhan d. Kombinasyon

37. Ano ang paksa ng tekstong binasa?


a. pangungutang ng mga pinoy b. problema ng mga pinoy sa pangungutang
b. A and B d. Wala sa pagpipilian

38. Anong panig ang kinakatwiran ng manunulat sa teksto?


a. Ang pang-uutang ay masama at kailangang pigilan
b. Ang pang-uutang ay tanggapin bilang bahagi ng kultura
c. Ang pang-uutang ay mabuti basta hindi sobra
d. Ang pang-uutang ay pwedeng masama o mabuti
TEKSTO X
Naibentang Cellphone ng JC Mall, LUCKY Mall, CENTRO Mall at MS Mall

2010

2009

2008
`

2007

JC Mall Lucky Mall Centro Mall MS Mall


Legend: Isangdaan

39.Anong mall ang may pinakamaraming naibentang cellphome noong 2008?

a. JC Mall b. Lucky Mall c. Centro Mall d. MS Mall

40.Ilan ang naibentang cellphone ng Centro Mall noong 2009?

a. 100 b. 200 c. 300 d. 400

41.Anong mall ang nakabenta ng dalawang daang cellphone noong 2009?

a. JC Mall b. Lucky Mall c. Centro Mall d. MS Mall

42.Anong mall ang pumapangalawa sa Lucky Mall na may pinakamaraming naibentang


cellphone mula 2007 hanggang 2010?

a. JC Mall b. Lucky Mall c. Centro Mall d. MS Mall


TEKSTO XI

43. Ilan ang populasyon ng Pilipinas noong 1950?


A. 15,000,000 B. 20,000,000 C. 25,000,000 D. 30,000,000

44. Sa anong taon mahigit sa 60 milyon ang populasyon?


A. 1970 B. 1980 C. 1990 D. 2000
TEKSTO XII
“No Simangot Policy”
Sukli sa Serbisyong Pampubliko
Sa probinsya ng Cebu, ipinatupad ni Gobernador Gwendolyn Garcia ang “No Simangot Policy”
sa kanilang kapitolyo at itinataguyod din pati sa iba’t ibang ahensiya ng lungsod ng Cebu. Ang
sinumang magpakita ng masamang pakikitungo sa mga kliyente ay makatatanggap ng
karampatang parusa. Isa itong magandang hakbang sa pagsusukli sa serbisyong pampubliko!

Ang ginawang hakbang ay di nalalayo sa Republic Act 6713 o ang Gate of Conduct and Etnical
Standards for Public Officials and Employees ang panukalang nakatuon sa mga karapatan at
responsibilidad ng isang empleyado sa ilalim ng pamahalaan. Nakasaad dito na dapat ay
pakitunguhan ng tama at mabuti ang mga mamamayang nagnanais ng pampublikong serbisyo.

Ang hakbang na ito ay isang magandang kultura upang mapalapit ang tao sa mga pribelehiyo ng
mamamayan na makatanggap ng serbisyo mula sa gobyerno. Ang pasayang pakikitungo sa iba
ay nagbibigay ng positibong kapaligiran ng palakaibigan at medaling malalapitang empleyado ng
pamahalan ngunit ang tanong ay kailangan ba talagang may batas na maipasa bago magpakita
ng mabuting pakikitungo sa ibang tao? Ang sabi nga ng isang guro, maaaring kaligtaan ang lahat
ng konsepto sa pag-aaral, teorya at pormula pero huwag na kalilimutan ang mga leksyon sa
kagandahang asal na natutunan mo sa tahanan at paaralan hanggang maging empleyado at
maging lakas paggawa ng bansa lalo na sa tagapaghatid ng serbisyo sa bayan. Kaya, naratapat na
ipagpatuloy ang ganitong batas at maging tradisyon ang palagiang pagngiti, magiliw sa tao at
isang kagalang-galang na empleyado ng bansa.
45. Anong paksa ng tekstong binasa?

a. Pagpapatupad ng pagsimangot sa pampublikong lugar


b. Pagpapatupad ng pagbabawal ng pagsimangot sa kapitolyo ng Cebu
c. Pagpapatupad ng magandang kultura ng Cebu sa kapitolyo at iba pang lugar
d. Pagpapatupad ng turismo sa pamamagitan ng pagngiti sa mga tao sa Cebu

46. Ang tekstong argumentatibo ay may panig na binibigyang halaga. Anong panig ang
pinaninindigan ng manunulat sa tekstong binasa?

a. Ang pagsimangot ay kailangang ipagpatuloy upang dumami ang turista sa lungsod


b. Ang pagngiti at pag-iwas ng pagsimangot ay magbibigay ng magandang kultura
c. Ang pagngiti ay kinakailangang iwasan din paminsan-minsan para sa mga pasaway
d. Kinakailangang maging maagap ang mga empleyado sa serbisyong publiko

47. Ang teksto ay sadyang nagbibigay ng pagkakataong mapalapit at makumpara ito sa ating
____________ na kinabibilangan.

a. komunidad b. pamilya c. bansa d. Daigdig

48. Sa ikalawang talata, ano ang nais na ipaliwanag ng manunulat?

a. Ang pagpapatupad ng naturang aksiyon ay hindi nalalayo sa nais ng pamahalaan


b. Ang pamahalaan ng Cebu ay kumokontra sa mga nais din ng pamahalaan
c. Ang mga public officials ay hindi na pwedeng sumimangot
d. Kapag may problema kailangang ngiti lamang

49. Sa huling talata, ano ang nais na ipaliwanag ng awtor?

a. Huwag ipagpatuloy ang ganitong gawain ng pamahalaan


b. Ipagpatuloy ang ganitong gawain ng pamahalaan
c. Pag-isipang mabuti ang ganitong gawain ng pamahalaan
d. Bigyang halaga ang mga taong-bayan

50. Kung bibigyan ng pagkakataong maranasan ang no simangot policy, ano ang magiging
reaskyong mo?

a. Hindi ko alam ang magiging reaskyon


b. Magiging positibo sa serbisyong pampubliko
c. Magiging negatibo sa serbisyong pampubliko
d. Walang saysay na bigyang halaga ang ganitong bagay

You might also like