Anak NG Pasig

You might also like

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 2

Anak ng pasig

Akoy umusbong sa tabi ng pasig

Nagisnan ang ilog na itim ang tubig

Lumaking paligid ng bundok na umuusok

Langhap na langhap ang amoy ng basurang bulok

Ito ang buhay nang anak ng pasig

Pa swimming swimming sa itim na tubig

Playground lang ang bundok ng basura ,o

Musikay ugong ng kotse at bangkay nyo

Anak ng pasig naman kayo

Kalat doon, kalat ditto

Natakpan na ang langit kong ito

Nilason din ang ilog ko

Akala koy ganoon talaga ang mundo

Hanggang nakakita ako ng lumang litrato

Di maniwalang pasig din ang tinititigan ko

Kaibigan ano ang nangyari ditto?

(ano ang nangyari, ano ang nangyari)

Anak ng pasig naman kayo

Kalat ditto, kalat doon

Natakpan na ang langit kong ito

Nilason din ang ilog


Anak ng pasig naman tayo

Tapon doon, tapon dito

Di niyo alam ang tinatapon niyo

Ay bukas ko at nang buong mundo

Huli na ba ang lahat

Patay na ba ang ilog at dagat

Kapag pasig ay pinabayaan

Parang bukas ang tinalikuran

Anak ng pasig naman kayo

Kalat doon, kalat dito

Natakpan na ang langit kong ito

Nilason din ang ilog ko

Anak ng pasig naman kayo

Tapon ditto, tapon doon

Di niyo alam ang tintapon niyo

Ay bukas ko at nang buong mundo

Anak ng pasig naman kayo

May bukas pa an gating mundo

You might also like