Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 1

“TERORISMO”

Magandang umaga/hapon po sir mario pati narin sa aking mga kaklase, Ang aking talumpati ay tungkol sa
terorismo. Ano nga ba ang terorismo? Ang terorismo ay isang gawain na nagsusulong ng radikal o
rebolusyonaryong na layunin sa pamamagitan ng marahas na paraan. Sa kabuo-an ng kasaysayan ng
Pilipinas, isa sa masasabi nating pinakamalaking suliranin ng lipunan ay ang problema ng Terorismo at ang
masamang epekto na hatid nito sa ating bayan. Alam nating lahat na ang Terorismo ay kalingkingan
lamang ng problema natin sapagka’t ang higit na dulot nito ay kaguluhan, himagsikan, Pilipino laban sa
Pilipino, pagsara ng maraming negosyo, at malaking hadlang sa pagkamit ng ina asam asam nating
kaunlaran. Bago ako magpatuloy sa aking talumpati, sino sainyo ang may alam na grupo ng mga terorista?
Eto ang ilan sa mga pangkat ng terorista sa buong daigdig, ABU NIDAL ORGANIZATION na mga terorista sa
kanlurang asya at europe, ABU SAYYAF GROUP sa pilipinas, AUM SHINRIKYO sa japan at russia, AL-QAEDA
naman ay pandaigdigan at kabilang narin ang mga ISIS sa pandaigdigang terorismo, ang HEZBOLLAH sa
lebanon, AL-jIHAD naman sa egypt JEMAAH ISLAMIYAH sa timog silangang asya at LIBERATION TIGER OF
EALAM naman sa sri lanka, yang mga nabanggit ko ay isa mga grupo ng terorista sa ating daigdig. Ang
layunin ng terorismo ay maaring politikal, panlipunan, pang ekonomiya o pangrelihiyon. Maraming
kahulugan ang salitang ito, at kadalasan, ang mga depinisyon na ito ay kulang. Ang tunay na kahulugan ng
terorismo ay makikita sa mga mata ng mga biktima nito: dito nakikita ang ibayong takot at trauma,
kawalan ng masusulingan at kawalan ng pag-asa. Base sa magiging epekto nito sa biktima, ang terorismo
ay anumang gawaing nagnanakaw sa kalayaan ng tao na mamumuhay ng mapayapa, panatag ang loob, at
may pag-asa. Tinatanggal nito ang karapatan at kapangyarihan ng tao na gumalaw na may dignidad at
dangal sa mundo. Kaya nga’t mahirap kalabanin ang terorismo dahil ang mga pasimuno nito ay tila hindi
kumikilala sa dangal at angking dignidad ng bawat tao, kahit ano pa man ang kulay, lahi, antas sa lipunan,
at iba pa. Sa ating bansa, maraming acts of terror ang sinasabing conflict-based at pulitikal. Kadalasan, ito
ay ukol sa kapangyarihan. Ngunit, hindi rin matatwag na ang pera ay kasangkot din sa usapan na ito.Ang
oportunidad ay kailangang pantay para sa lahat. Kailangang umunlad ng pantay ang lahat ng probinsya sa
ating bayan at hindi lamang ang nasa ka-ulohan.Upang makamit itong lahat, kailangan natin ng mga
lideres na mataas ang integridad, malakas ang loob, determinado, matapang at hindi takot na lumangoy
laban sa agos ng kasamaan at katiwali-an. Kailangan natin ng mga opisyal ng gobyerno na hindi uurong sa
gitna na kahirapan at hindi nadadala sa tukso.Nasa ating lahat po ang bola – at hindi lamang sa kamay n
gating mga mamumuno. Tayong lahat ay kailangang magtulongan upang masugpo ang kahirapan na dala
ng terorismo. At sa aking pangwakas, ibig kong ipaabot sa inyo na ang problema ay hindi ang terorismo,
kung hindi pala ay pag-iintindihan, pagmamalasakit, pagtutulongan nating mga Pilipino – patungo sa
landas ng isang progresibong Pilipinas.

You might also like