Filipino Scrapbook Grade 9

You might also like

Download as doc, pdf, or txt
Download as doc, pdf, or txt
You are on page 1of 13

Alamat ng Bulkang Pinatubo

Masagana ang Kahariang Masinlok. Magandang maganda noon ang umaga. Maningning ang sikat ng
araw .Sariwa ang hanging amihan. Lunti ang mga halaman sapaligid. Masigla ang awit ng mga ibon.
Bughaw ang kabundukan. Subalit ang kagandahan ng umaga ay hindi nakasiya sa Datu.Wala siyang
madamang kaligayahan sa lahat ng namamalas.

Malungkot na nakapanungaw ang Datu.Nakatuon ang ma paningin sa sa bughaw na kabundukan.


Nakakunot ang noo at tikom ang mga labi. Nagbuntong-hininga nang malalim.

"Malungkot na naman kayo, mahal na Datu," narinig niya sa may likuran. Bumaling ang Datu. Nagtanong
ang mga mata ni Tandang Limay. Isa ito sa bumubuo sa "Konseho ng Matanda."

"Ikaw pala. Nalulungkot nga ako, Tandang Limay. Naalaala ko ang aking kabataan," at nagbuntung-
hininga muli. Humawak siya sa palababahan ng bintana.

"Nakita mo ba ang bundok na iyon?" nagtaas ng paningin ang Datu.

"Oo, aking Datu, ngunit ano ang kinalaman niyon sa inyong kalungkutan?" tanong ni Tandang Limay.
Napag-usapan na ng "Matatanda" ang napapansin nilang pagkamalungkutin ng Datu. Siya nga ang
naatasang magsiyasat tungkol dito.

"Doon ako sa mga bundok na iyon laging nangangaso. Natatandaan mo marahil na malimit akong mag-
uwi ng baboy-ramo at usa sa aking ama at mahal ko sa buhay."

"Opo, Kayo mahal na Datu ang kinikilalang pinakamagaling sa pana noon. Napabantog sa ibang kaharian
ang inyong katangian sa pangangaso," sang-ayon ni Tandang Limay.

"Iyan ang suliranin ko ngayon. Para bang gusting-gusto kong magawa uli ang mga bagay na iyon, ngunit
napakatanda ko na upang pagbalikan ang kabundukang iyon. Napakalayo na ang mga pook na iyon para
sa mahina kong katawan," at muling nagbuntung-hininga ang Datu.
"Hindi na nga ninyo makakayanan ang maglakbay nang malayo. Ngunit maaari naman kayong magkaroon
ng ibang libangan," pasimula ni Tandang Limay.

"Bahagi na ng aking buhay ang pangangaso. Hindi na rin ako makadarama ng kasiyahan kung iba ang
aking magiging aliwan," malungkot na umiling ang Datu.

Naging usap-usapan sa buong kaharian ang suliranin ng Datu. Nabalita rin sa ilang bayan ang
pagkamalungkutin ng pinuno ng Masinlok.

Makalipas ang ilang araw, dumating sa palasyo ang isang salamangkero. Matanda na siya at mabalasik
ang mukha. Malaki ang paghahangad niya sa kamay ni Prinsesa Alindaya, prinsesa ng Masinlok ngunit
malaki rin ang pag-ayaw nito sa kanya.

Nagbigay ng kaukulang paggalang ang panauhin.

May magandang panukala ako tungkol sa inyong suliranin kung inyong mamarapatin, mahal na Datu,"
saad ng salamangkero.

"Sabihin mo at handa akong magbayad sa inyong kapaguran," turing ng Datu.

"Magpapatubo ako ng isang bundok sa kapatagan ng Masinlok na malapit sa inyong palasyo para sa
inyong pangangaso ipakasal lamang ninyo sa akin si Prinsesa Alindaya," pahayag ng panauhin.

"Kung matutupad mo ang iyong sinabi ay ibibigay ko sa iyo ang kamay ng aking anak," mabilis na pasiya
ng Datu.
Madaling kumuha ng isang maliit na batumbuhay ang salamangkero. Ito'y parang isang batong mutya.
Itinanim niya itong tila isang binhin ng halaman. Biglang-biglang sumipot sa pinagtamnan ang isang
maliit na puno. Tumaas nang tumaas iyon. Lumaki nang lumaki hanggang sa maging isang bundok.

"Aba, anong laking bundok! Di ba iyan tumubo sa itinanim na batong mutya ng salamangkero?" paksa ng
usapan ng mga tao.

Samantala sa palasyo, iniluhang gayon na lamang ni Prinsesa Alindaya ang naging pasiya ng ama.
Ipinagdamdam niya nang labis na tila siya ay kalakal na ipinagpalit lamang sa isang bundok. At sa lalaki
pa naming kanyang kinamumuhian. Laging lumuluha ang magandang prinsesa. Nagkaroon siya ng
karamdaman. Naging malubha ang kanyang sakit. Dumating ang araw na itinakda ng Datu sa pagkuha sa
kanya ng salamangkero.

"Ikinalulungkot ko na hindi ko mapasasama sa iyo ang aking anak. May sakit ang mahal na prinsesa.
Magbalik ka sa ibang araw," saad ng Datu sa salamangkero.

Umuwing masamang-masama ang loob ng matanda. Galit nag alit siya sa Datu. Sinapantaha niyang gusto
na nitong sumira sa usapan. Nagulong gayon na lamang ang kanyang loob. Lagi niyang naiisip si Prinsesa
Alindaya at ang kanyang kabiguan. Hindi niya napansing palaki nang palaki ang bundok. Ito'y kanyang
nakaligtaan.

"Mahal na Datu, halos natatakpan na po ng bundok ang buong kapatagan. Malapit na pong humangga
ang bundok sa tabing-dagat. Wala na pong matitirhan ang mga tao," sumbong ng matatanda sa Datu.

"Hulihin ngayon din ang salamangkero. Putulan siya ng ulo. Lubhang nakapipinsala sa kaharian ang
bundok na pinatubo niya," mabalasik na utos ng hari. Natakot siya sa maaring mangyari sa kaharian.

Namatay ang salamangkero ngunit patuloy pa rin sa paglaki ang bundok. Araw-araw ay pataas ito nang
pataas na lalong ikinabahala ng mga tao. Walang maisipang gawin ang Datu. Palubha nang palubha ang
suliranin.
Nakaabot ang balita hanggang sa malalayong kaharian. Nakarating iyon sa pandinig ni Prinsipe Malakas
ng Pangasinan. Balita siya sa taglay na lakas at kabutihang loob. Agad siyang naglakbay patungong
Masinlok. Humarap sa Datu ang matikas na prinsipe.

"Nakalaan sa inyo ang aking paglilikod, mahal na Datu," magalang na badya niya.

"Nakalaan akong magbigay ng kaukulang gantimpala. Humiling ka kahit anong bagay kapag nagtagumpay
ka. Lunasan mo ang suliranin ng kaharian, Prinsipe ng Pangasinan," pahayag ng Datu.

"Wala po akong hinihintay na gantimpala, aking Datu. Tayo na sa labas."

Si Alindaya na noo'y magaling na ay naganyak sa tinig ng panauhin. Sumilip siya sa siwang ng pintuan.
Malakas na malakas ang pitlag ng puso ng dalaga.

Nanaog ang Datu pati ang prinsipe. Madali nilang sinapit ang paanan ng bundok.

Sa isang kisapmata, binunot ng prinsipe ang bundok. Parang pagbunot lamang ng isang maliit na
punong-kahoy. At sa isang iglap din, ipinatong niya iyon sa kanyang likod na walang iniwan sa pagbalikat
ng tinudlang baboy-ramo. Mabilis din siyang humakbang na papalayo at ihinagis ang bundok sa lugal na
kinaroroonan nito ngayon.

Bumalik ang prinsipe at ang Datu sa palasyo sa gitna ng pagbubunying mga tao. Galak na galak ang
kaharian. Pagdating sa palasyo, niyakap ng Datu ang prinsipe. Iniutos niya ang malaking pagdiriwang para
sa karangalan ng prinsipe noon ding gabing iyon.

Gabi ng kasiyahan, nagsasayaw noon ang prinsesa pagkat nahilingan ng amang Datu. Walang alis ang
tingin ng prinsipe sa magandang mananayaw. Nabatubalani siya ng magandang prinsesa. Walang
humpay ang palakpak ng prinsipe matapos ang pagsasayaw nito.

Kiming umupo ang prinsesa sa tabi ng Datu. Siya'y tahimik na nakatungo.


"Ang aking anak, si Prinsesa Alindaya, mahal na prinsipe, nakangiting pagpapakilala ng Datu. Yumukod
ang prinsipe at ang prinsesa nama'y nag-ukol ng matamis na ngiti.

Walang alis ang paningin ni Prinsipe Malakas sa dalaga. Hindi matagalan ng prinsesa ang kabigha-
bighaning titig ng prinsipe.

"May sasabihin ka, Prinsipe Malakas?" tanong ng hari upang basagin ang katahimikan.

"Hinihingi ko ang inyong pahintulot na makausap ko ang mahal na prinsesa, mahal na Datu," ang hiling
ng prinsipe.

"Higit pa sa riyan ang maibibigay ko," sang-ayon ng Datu.

Hindi nagtagal at nasaksihan sa Masinlok ang marangyang kasal nina Prinsesa Alindaya at Prinsipe ng
Pangasinan. Nagsaya ang kaharian sa loob ng anim na araw.

Samantala, ang guwang na nilikha ng pagkabunot sa bundok ay napuno ng tubig ito'y naging isang lawa.

Naging maganda at matulain ang lawang ito na tinawag ng mga tao na "Lawa ni Alindaya" sapagkat
nagpapagunita ng kagandahan ng prinsesa at ng pag-ibig niyang siyang dahilan ng pagkakaron ng Bundok
na Pinatubo.

Alamat ng Chocolate Hills


Noong unang panahon, sa probinsiya ng Bohol, parting Kabisayaaan, may lupang malawak subali't ito ay
tuyot. Makikita mong biyak-biyak ang lupain kapag tag-init. Talagang pagpapawisan ka kapag napadaan
ka sa lugar. Subali't kapag tag-ulan ito ay maputik at siguradong mababaon ang iyon paa kapag ikaw ay
naka-yapak. Ngunit kung araw ng taniman ay maaliwalas ang kapaligiran sa kulay ng berdeng tanawin ng
pook.

Ayon sa matatanda roon, may isang araw sa magkabilang dulo ng isla na may dalawang higanteng
dumating. Ang isa ay nagmula sa parting timog at ang isa naman ay sa hilaga. Ang mga naninirahan doon
ay nangangamba na baka magkita ang dalawa. Kaya't nilisan pansamantala ng tagaroon ang lugar. Sa
inaasahang pangyayari nagkita nga ang dalawang higante.

"Anong ginagawa mo sa aking nasasakupan!" Ito'y aking pag-aari at umalis ka na," galit na sinabi ni
Higanteng mula saTimog . " Maghanap ka ng lugar na iyong aangkinin."

"Aba!, ako yata ang nauna rito at ito'y pag-aari ko na!" sagot ding galit ng higante mula sa hilaga. "Ikaw
dapat ang umalis!"

"Hindi maaari ito! Ito ay pag-aari ko!" sabay padyak ng Higante mula sa Timog at nayanig ang lugar na
parang lumilindol.

"Lalong hindi maaari!" mas malakas ang padyak ng Higante mula sa Hilaga.

Noong panahong iyon, ay katatapos pa lamang ang tag-ulan at maputik sa kinatatayuan nila. Ginawa ng
isang higante ay bumilog ng putik at binato sa isa. Subali't gumanti rin ang isa at humulma rin ng isang
bilog na putik at siya ring binato sa kalaban. Walang tigil na batuhan ng binilog na putik. Hanggang ang
dalawa ay hingalin, naubusan ng lakas at nawalan ng hininga. Tumumba ang dalawang higante na wala
ng buhay.Marami ang nakasaksi sa pangyayari na tagaroon.
Ang sumabat sa paningin ng mga tao ang mala-higanteng bolang putik na siyang ginamit ng mga naabing
higante sa pagbabatuhan.

Pagkatapos ng pangyayari, nagsibalikan ang naninirahan doon. Namuhay ng mapayapa at


masagana.Dahil sa bulubunduking ginawa ng mga higante na kulay tsokolate na sila ring
napakikinabangang taniman, ito ang pinagmulan ng Chocolate Hills.

Ang Alamat ng Dulian (Durian)

"Ang aking ikukuwento ay tungkol sa alamat ng dulian o durian." Ang mga ninuno ng tribo ng mga
Bagobo na ngayo'y naninirahan sa kagubatan ng Mindanaw ay mga sakop ni Datu Duli. Ang kahulugan ng
duli ay tinik pagka't siya ay laging nagbibigay ng ligalig sa kanyang mga kaaway.

"Iilan pang taon ang nakalipas sa kanyang pagka-Datu nang siya ay nagkaroon sa kanyang kabiyak ng
isang tagapagmana ng kaharian. Ang bata'y pinangalanang Dulian, na ang ibig sabihin ay munting tinik.

Nagpakita sa Datu ang Dakilang Bathala at ipinaalam sa ama na ang kanyang anak ay mabubuhay ng
labing-siyam na taon lamang.

Lumakad ang mga araw. Nag-ugat sa puso ni Dulian na mahalin ang mga sakop ng kanyang ama. Sa di-
kawasa ay dumating ang malungkotnasandali. Ang sinabing Dakilang Lumikha ay natupad. Si Dulian ay
nagkasakit. Sinuman sa kaharian ay walang makapagbigay ng lunas. Ang Datu ay nalungkot at nawalan ng
lakas na harapin ang katotohan.

Hiniling ni Dulian sa kanyang ama na kapag siya'y namatay ang kanyang bangkay ay doon ilibing sa ilalim
ng durungawan ng kanyang ina upang maipagdasal ang kanyang kaluluwa sa lahat ng sandali. Ito ay
natupad.

Sa ikasiyam na araw ay napansin sa libing ni Dulian na may halamang sumisibol.


Nagtumulin ang mga taon. Lumago ang halaman, yumabong ang sanga hanggang sa ito'y namulaklak at
namunga.

Isang araw, tinikman ni Datu Duli ang isang hinog na bunga. Nagsisunod ang mga kawal sa palasyo, pati
ang mga nasasakupan. Nakita nilang ang balat ng bunga ay manipis at maliliit ang buto. Ang laman ay
malasutla at matamis. Naniwala ang mga taong ito'y ibinigay ni Bathala bilang isang alaalang
tagapagunita hinggil kay Dulian noong nabubuhay pa.

Si Datu Duli ay matandang-matanda na. Isang taksil ang namuno sa mga alipin upang pag-imbutan ang
kanyang kapangyarihan at kayamanan. Ito'y si Sangkalan. Sa huli'y siya ang naging datu. Kanyang dinigma
at pinasuko pati ang mga Bilaan at Manobos.

Napag-alaman ng Dakilang Bathala ang kasakiman ni Sangkalan. Kanya itong pinarusahan. Pinawalan ang
kidlat at kulog. Nakatutulig na putok ang narinig at pagkatapos ng ilang saglit may nakitang mahiwagang
liwanag na nakabalot sa punongkahoy na nakatayo sa libingan ni Dulian.

Siniyasat ni Sangkalan at ng mga tao ang puno. Ang mga bunga ay nagkaroon ng malalaki at maraming
tinik na katulad ng rimas. Nagalit si Sangkalan at sinumpa ang Diyos. Pinagpalaluan ang kanyang
karunungan.

Noon di'y nangalaglag ang lahat ng mga kahoy at natabunan ang katawan ni Sangkalan. Nadurog ang
kanyang bungo at nalamog ang buong katawan. Noon di'y itinanghal na bangkay na si Sangkalan. Ang
mga tao ay nasiyahan sa nangyari.

Nang buksan ng mga tao ang ilang bunga ng punongkahoy, kanilang nakitang ang balat ay makapal at ang
buto ay malalaki, nguni't ang laman nama'y matamis. Nakatawag ng pansin ang masama nitong amoy.
Ang tula ay isang uri ng panitikan na pinagyayaman sa pamamagitan ng paggamit ng tayutay,at malayang
paggamit ng mga salita sa ibat-ibang estilo, Kung minsan ito ay maiksi o mahaba.Ito ay binubuo ng
saknong at taludtod na karaniwang wawaluhin,lalabindalawahin,lalabing-animin at lalabing-waluhing
pantig.

KALUPI NG PUSO

Talaan ng aking mga dinaramdam,

Kasangguning lihim ng nais tandaan,

bawat dahon niya ay kinalalagyan

ng isang gunitang pagkamahal-mahal

Kaluping maliit sa tapat ng puso

ang bawat talata’y puno ng pagsuyo,

ang takip ay bughaw, dito nakatago

ang lihim ng aking ligaya’t siphayo.

Nang buwan ng Mayo kami nagkilala

at tila Mayo rin nang magkalayo na;

sa kaluping ito nababasa-basa

ang lahat ng aking mga alaala.

Nakatala rito ang buwan at araw

ng aking ligaya at kapighatian…

isang dapithapo’y nagugunam-gunam

sa mga mata ko ang luha’y umapaw…


Anupa’t kung ako’y tila nalulungkot

binabasa-basa ang nagdaang lugod;

ang alaala ko’y dito nagagamot,

sa munting kaluping puno ng himutok.

Matandang kalupi ng aking sinapit

dala mo nang lahat ang tuwa ko’t hapis;

kung binubuksan ka’y parang lumalapit

ang lahat ng aking nabigong pag-ibig.

Sa dilaw mong dahong ngayon ay kupas na

ang lumang pagsuyo’y naaalaala,

O, kaluping bughaw, kung kita’y mabasa

masayang malungkot na hinahagkan ka…

May ilang bulaklak at dahong natuyo

na sa iyo’y lihim na nangakatago,

tuwi kong mamasdan, luha’y tumutulo

tuwi kong hahagkan, puso’y nagdurugo.

Pabula ay isang uri ng panitikan kung saan ang mga tauhan ay mga hayop na kumikilos at nag-aasal na
parang tao. Ito ay nagbibigay ng moral na aral sa mga batang mambabasa. Patuk na patok sa mga bata
ang ganitong uri ng kwento sapagkat napupukaw ang kanilang atensyon sa mga karakter na bumubuo sa
istorya.
Ang Gorilya at ang Alitaptap

Isang gabi, naglalakad si Iput-Iput, (ang alitaptap) patungo sa bahay ng kanyang kaibigan. Nang
mapadaan siya sa tapat ng bahay ni Amomongo (ang gorilya), tinanong siya nito. “Hoy, Iput-Iput, bakit
lagi kang may dala-dalang ilaw?” Sumagot si Iput-Iput, “Dahil natatakot ako sa mga lamok.”

“Ah, duwag ka pala”, ang pang-uuyam ng gorilya.

“Hindi ako duwag!” ang nagagalit na sagot ng alitaptap.

“Kung hindi ka duwag, e bakit lagi kang may dala-dalang ilaw?” ang pang-aasar ni Amomongo.

“Nagdadala ako ng ilaw para kapag nilapitan ako ng mga lamok at kakagatin ay makikita ko sila kaagad at
nang sa gayo’y maipagtanggol ko ang aking sarili”, ang tugon ni Iput-Iput.

Tumawa nang malakas si Amomongo. Kinabukasan, maaga itong gumising at ipinamalita sa lahat ng
kapitbahay na kaya daw laging may dalang ilaw si Iput-Iput ay dahil duwag ito. Kaagad na kumalat sa
buong bayan ang balita.

Nang mabalitaan ito ng alitaptap, nagalit siya. Dali-dali siyang lumipad patungo sa bahay ni Amomongo.
Gabi noon at natutulog na ang gorilya, ngunit itinapat niya ang kanyang ilaw sa mukha nito hanggang sa
ito ay magising.

“Hoy, gorilya, bakit ipinamamalita mong duwag ako? Upang mapatunayan ko sa’yong hindi ako duwag,
hinahamon kita sa isang labanan. Magkita tayo sa sa plasa sa susunod na Linggo ng hapon.”
Pupunga-pungas na nagtanong ang gorilya.

“Mayroon ka bang mga kasama?”

“Wala!” ang sigaw ni Iput-Iput. “Pupunta akong mag-isa.”

Nangiti si Amomongo sa tinuran ni Iput-Iput. Dili’t isang maliit na insekto ang humahamon sa kanya ng
away. Nagpatuloy ang alitaptap.

“Hihintayin kita sa plasa sa susunod na Linggo sa ganap na ikaanim ng hapon!”

“Magsama ka ng mga kakampi mo dahil magsasama ako ng libu-libong gorilya na mas malalaki pa sa
akin.”

Sinabi ito ni Amomongo upang takutin ang alitaptap, na sa pakiwari niya ay nasisiraan ng ulo.

Ngunit sumagot si Iput-Iput, “Hindi ko kailangan ng kakampi. Darating akong mag-isa! Paalam!”

Pagkaalis ng alitaptap, tinipon ng gorilya ang kanyang mga kasamahan at ipinaalam sa mga ito ang
nakatakdang pagtutuos. Inutusan niya ang mga ito na kumuha ng tig-isang pamalo na may habang
tatlong dangkal at pumunta sa plasa nang ika-anim ng gabi sa susunod na Linggo. Ikinabigla ito ng
kanyang mga kasamahan, ngunit nasanay na silang sundin ang kanilang pinuno kaya ipinangako nilang
pupunta sila sa itinakdang oras at lugar.

Dumating ang araw ng Linggo. Bago pa mag-ikaanim ng hapon ay nagtipon na ang mga dambuhalang
gorilya sa plasa ngunit nadatnan na nila ang alitaptap na naghihintay sa kanila. Maya- maya, tumunog
ang kampana ng simbahan bilang hudyat ng oras ng orasyon o pagdarasal. Iminungkahi ng alitaptap sa
mga gorilya na magdasal muna sila. Pagkatapos magdasal, agad sinabi ni Iput-Iput na nakahanda na siya.
Inutusan ni Amomongo ang kanyang mga kasama na humanay. Pumuwesto siya sa una bilang
pagpapakilalang siya ang pinuno ng mga ito.
Dagling lumipad si Iput-Iput sa ilong ng gorilya at inilawan niya ito. Hinampas ng kasunod na gorilya si
Iput-Iput ngunit kaagad itong nakaalis kaya ang tinamaan ng gorilya ay ang ilong ni Amomongo na halos
ikamatay nito. Dumapo si Iput-Iput sa ilong ng pangalawang gorilya. Hinampas ng pangatlong gorilya si
Iput-Iput ngunit kaagad itong nakalipad, kaya ang nahampas niya ay ang ilong ng pangalawa na
ikinamatay nito. Muli, inilawan ni Iput-Iput ang ilong ng pangatlong gorilya. Hinampas ng ikaapat na
gorilya si Iput-Iput na kaagad na kalipad. Muli, namatay ang pangatlong gorilya dahil sa lakas ng
pagkakahampas ng ikaapat na unggoy sa ilong nito. Nagpatuloy ang ganitong pangyayari hanggang si
Amomongo na lamang ang natirang buhay na gorilya na halos hindi makagulapay dahil sa tinamong
sakit. Nagmakaawa ito kay Iput-Iput na patawarin na siya, at huwag patayin. Pinatawad naman siya ni
Iput-Iput, ngunit simula ng hapong iyon, nagkaroon na ng malaking takot ang mga gorilya sa mga
alitaptap.

Aral:

Huwag mong husgahan ang iyong kapwa base sa kanyang laki o liit ng pangangatawan. Kadalasan kasi ay
may mas nagagawa ang mga maliliit na hindi kayang gawin ng malalaki.

Iwasan ang pagpapakalat ng maling balita upang siraan ang kapwa.

Ang dula ay isang uri ng panitikan na naglalayong maitanghal sa entablado. Ang pagpapahalaga sa dula
ay matatamo sa pamamagitan ng panonood dito. Ang mga dula ay maaaring hango sa tunay na buhay o
isinulat bunga ng malaya at malikhaing kaisipan ng manunulat o script writer.

You might also like