Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 3

TATAG NG WIKANG FILIPINO, LAKAS NG PAGKA-PILIPINO

Poy Aguilar
Wikang Pambansa, Wikang Filipino,
Wika ng magigiting na lahing Pilipino,
Wika baga ito ng matatapang na tao
Wikang matatag, lakas ng pagkalahi ko!

Pundasyon mo’y dugo’t pawis ng mga ninuno


na tanging iniisip, kapakanan ng inapo
di-alintanang kamatayan, pag-aglahi sa pagkatao
maitawid, maihatid, wikang angkin sa panahong ito

Sinubok kang itatag sa Biak na Bato


Pinaglaban, isinulong ng mga Katipunero
Sa pagnanasang pag-isahin ang bayang ito
Nang tuluyang makalaya sa mga Ilustrado!

Ngunit nang magpalit ng bagong gobyerno,


Ibinenta’t ibinilin sa mga Amerikano
Wika’y binansot ibinaon sa limot
Pilit nag-iingles nang pabalu-baluktot

Muli tayong nangarap, Kasarinla’y makamtan


Kay Pangulong Quezon, maisasakatuparan
Binalangkas ang konstitusyon ng sambayanan
Wika’y kaagapay, kapatid ng tagumpay

Mula sa katutubong wika ng mga Pilipino


Hahanguin, pipiliin, pambansang
Wika Ko, Mayamang balangkas, gamit ng nakararaming tao,
Suportado sa panulat ng mga bayaning Pilipino!
Palibhasa’y wikang Tagalog nagtatamo nito
Ipinasya ng batas na gamitin at ituro
Nang lumao’y nagpalit ng katawagang bago
Pambansang wika’y naging Wikang Pilipino

Unti-unting umunlad ang bayang Pilipinas


Gamit ang wikang pinatatatag, pinatatalas
Nang demokrasya’y ikinubli’t naghari ang dahas
Wika’y sa kaakibat ng mga nag-aaklas

Nang muling bumangon, napatalsik ang diktador


Nagbunga ang buhay na ibinuwis ng Senador hinabi,
binuo bagong konstitusyon Wikang Filipino na ang gamit ng buong
Nasyon Bicolano, Maranao, Hiligaynon, Cebuano, Waray-waray,
Kapampangan, Maguindanaoan, Chavacano Pangasinense, Tagalog,
Tausug, Ilocano,
Mga Wikang matatatatag saligan ng Filipino Pinanday ng panahon, tatag
ng Wikang Filipino
Hinubog ng kasaysayan, lakas ng pagka-Pilipino Wikang Filipino,
wika ng bayan ko Lahing Pilipino,
taas noo sa buong mundo!

You might also like