Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 3

Mga katangian at kalikasan ng feasibility study

1. Feasibility Study
Bago tuluyang lumikha ng isang negosyo o proyekto, nagsasagawa
muna ng feasibility study ang mga tagapagtaguyod nito. Nakatutulong ito
upang matiyak ang posibilidad na maisakatuparan ang isang planong gawain.

2. Katangian at Kalikasan
• Komprehensibo
ang ganitong uri ng pag-aaral, katulad ng ibang pananaliksik
at pormal ang paggamit ng mga salita.

• May mga espesipikong bahagi ang isang feasibility study katulad


na lamang ng pamagat, pangalan ng gumawa, abstrak, buod o
executive summary, panimulang pagtalakay sa mga detalye at
datos ng proyekto, gayundin ang resulta at rekomendasyon.

• Kung titingnan ang mga halimbawa ng feasibility study ay


matatagpuan dito ang mga salitang teknikal na may kinalaman sa
proyekto o pangunahing paksang ginagawan ng pag-aaral.
• Kalimitan itong ginagamit sa pagnenegosyo o kaya’y sa mga
pananaliksik na may kinalaman sa agham at teknolohiya, inhinyeriya at
iba pang katulad na mga larangan.

• Dagdag pa rito, detalyado ang pagtalakay sa mga impormasyong


nilalaman ng isang feasibility study dahil nakatutulong ito upang makita
ang kahihinatnan ng isang negosyo o gawain.

• Karaniwan ding nilalakipan ng mga apendise ang ganitong sulatin na


maaaring maging sanhi upang lalo pang maging malaman ang isang
feasibility study.

Ang isang feasibility study ay napakahalaga kapag ikaw ay mayroong


negosyo, produkto o serbisyo na planong ibenta. Una, dahil sa feasibility
study malalaman kung bebenta ba ang produkto at sa kung saang lugar ito
pwedent ibenta. Malalaman din dito kung anong mga bahagi ng produkto o
serbisyo ang pwedeng baguhin para mas lalo nitong makuha ang
atensiyon ng masa.
Anunsyo at babala
1. 1. • nasasabi ang kahalagahan ng babala o patalastas at anunsyo•
nabibigyang-pansin ang kahalagahan ng babala o patalastas at anunsyo.
2. 2. Pagkatapos niyang makita ang anunsiyo at anghalaga ng premyong
ipagkakaloob sa mananalo sapatimpalak na iyon, dali-dali siyang
umuwi’t sinimulangihagod ang kanyang bolpen sa papel. Magdamag
siyanggising sa mundo ng mga katha. Tiyak na makukuha niyaang ginto
sa patimpalak na iyon. Kinabukasan, dala ang susi sa kanyang
tagumpay,nakita niyang inaalis ng isang lalaki ang anunsiyongnagbigay
buhay sa kanya. “Boss, bakit mo inaalis iyan? Tiyak, marami
panginteresado diyan!” aniya . “Eh, sir, walong buwan na po itong
nakapaskil.” Inagaw niya ang anunsiyo sa lalaki. Nanlumo siyasa nakita.
Sana’y nabasa niya ang petsang nasa ibaba nganunsiyo.
3. 3. - Maiikling pahayag nanagbibigay ng impormasyonukol sa isang
bagay.-maaari itong nanghihikayat,nagbibigay ng panuto onagbibigay
ng babala .
4. 4. Suriin ang mga sumusunod na larawan.
5. 5. BABALA o PATALASTAS - may pagkakapareho sa anunsiyo na
nagsasaad ng impormasyon ngunit ito ay nagsasaad ng mga dapat at di
dapat gawin sa isanglugar lalo na sa mga pampublikong lugar-
ginagamitan ito ng mga simplengsimbolo ngunit ang ilan ay pasalita.

Katangian at kalikasan ng menu ng pagkain


1. 1. Katangian At Kalikasan Ng Menu Ng Pagkain MANOLO L. GIRON
ZAMBALES NATIONAL HIGH SCHOOL
2. 2.  Nakaayos ang mga ito batay sa uri ng pagkain, kung ito ba ay
pampagana, sabaw, kanin, panghimagas, ulam na gawa sa karne, isda
gulay o kung ito’y mga inumin.  Nakalagay din sa menu ang halaga ng
bawat isa upang makapili ang mga mamimili ng kanilang gusto o kaya’y
ng abot-kaya para sa kanila.  Kung minsa’y mayroon ding kaunting
paglalarawan sa mga pagkaing nakalagay sa isang menu upang magka-
ideya ang mga mambabasa tungkol sa mga ito.  May ibang menu rin
namang nagtataglay ng larawan ng mga pagkain o inumin.
3. 3. Nakalahad Sa Isang Resipi Ang Paraan  Kadalasang nasa itaas na
bahagi ang pangalan ng lutuin at kalimitan ding may larawan itong
kalakip upang higit na maging katakam-takam para sa mga makakakita. 
Iniisa-isa rin ang mga sangkap na kinakailangan kung saan nakalagay
din ang hinihinging sukat o dami para sa bawat isa.  Detalyado ang
pagkakasulat ng mga ito sapagkat dito nakasalalay ang kalalabasan ng
lulutuin.
4. 4.  Kasunod nito, iniisa-isa rin ang bawat hakbang na kailangang
sundin sa pagluluto.  Tiyak at malinaw ang pagkakalahadsa bawat
proseso upang masigurado ang tamang timpla, itsura at lasa ng lutuin. 
Sadyang mahalaga ang tiyak na paglalahad ng mga sangkap at proseso
ng pagluluto sapagkat ito ang susundin ng mga mambabasang ibig
sumubok sa pagluluto ng ng mga ito.  Mainam na sundin ang bawat
impormasyong nakasaad sa menu upang matamo ang akmang
kalalabasan ng anumang nais lutuin.

You might also like