Ibong Adarna

You might also like

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 1

Buod

Ang Ibong Adarna ay umiinog sa magkakapatid na sina Don Juan, Don Diego at Don Pedro na
pawang nagsikap makuha ang mahiwagang Ibong Adarna na dumarapo sa puno ng Piedras Platas sa
Bundok Tabor. Kailangang makuha ang ibon upang mapagaling ang kanilang amang si Haring
Fernando na noon ay dinapuan ng sakit na hindi kayang gamutin ng karaniwang manggagamot. Ang
mahiwagang huni ng nasabing ibon ang makapagpapagaling lamang umano sa sakit ng hari. Sumapit
na sila sa takdang gulang at dumaan sa mga pagsasanay sa pananandata, gaya ng inaasahan sa
sinumang prinsipe. Ngunit ito'y hindi sapat sa haharapin nilang mga pagsubok. Kapuwa nabigo sina
Don Diego at Don Pedro na mahuli ang ibon, at naghunos bato sila nang mapahimbing sa maamong
awit ng Adarna at maiputan sila nito. Ngunit naiiba si Don Juan, na nabatid ang lihim ng Ibong
Adarna sa isang matandang ermitanyong nasalubong sa daan. Binigyan din ng mahihiwagang gamit
ng matanda ang prinsipe, upang mabihag ang ibon at mapanumbalik ang buhay ng kaniyang dalawang
kapatid. Ngunit nagtaksil sina Don Pedro at Don Diego kay Don Juan. Inagaw nila ang Adarna na
hawak ng bunsong kapatid. Muntik na nilang mapatay si Don Juan, nang iwan sa isang malalim
na balon. Ngunit muling nakaligtas si Don Juan sa tulong ni Donya Maria, at ipinagpatuloy ang
pakikipagsapalaran sa lupain ng Reino de los Cristal. Napaibig si Don Juan sa dalawa pang kapatid ni
Maria, na sina Donya Leonora at Donya Juana. Kahit ibig pakasalan ng binata ang sinuman sa mga
dalaga'y kailangang muling dumaan siya sa mga pagsubok na mula kay Haring
Salermo. Nagtagumpay muli si Don Juan, nagpakasal kay Donya Maria, at namuhay nang maligaya sa
kahariang nakamit niya. Samantala, ang Ibong Adarna ay mistulang tagapagbunyag ng lihim na
naganap sa pagtataksil kay Don Juan. Waring ginamit lamang itong instrumento upang itampok ang
mga kagila-gilalas na pakikipagsapalaran ng mga prinsipe sa iba't ibang pook.

You might also like