Bilang isang batang mahilig maglaro sa labas, nagising ako ng
maaga upang mag almusal at makasabay sa paglalaro ng aking mga kaibigan. Dali dali akong nagpaalam sa aking ina na ako’y lalabas upang makipaglaro sa kalsada. Nang ako’y payagan ay dali dali ko ring sinuot ang tsinelas ko at kumaripas ng takbo palabas. Paglabas ko ay nakita ko silang nagtitipon tipon at nagbabato bato pik dahil namimili sila ng mga makakagrupo sa agawan base. Nang matapos kami sa aming paghahati sa dalawang grupo, nagsimula na kaming maglaro. Masaya kaming nagtatakbuhan at nagtatayaan. Nang unti-unting maubos ang aking mga kagrupo dahil sila’y nahuli ng kabilang grupo,ako na ang sumugod upang kunin ang mga kagrupo kong nabihag. Habang ako’y naglalakad papunta sa kanila ay sumigaw ako ng “kaya niyo ba ‘to?” at bigla akong nautot ng malakas. Lahat sila’y natawa sa kanilang narinig at maging ako’y natawa rin. Nakakahiya man at parang gusto kong magpalamon sa lupa ay tinawanan ko na lamang ang pangyayari at nagpatuloy sa paglalaro. ANEKDOTA
Claire Therese N. Fajardo December 04, 2019
Grade 10 Telescopium Filipino 10
“Pagkain”
Isang araw, tanghali na akong nagising at may mga gawain pa
akong dapat tapusin. Ginawa ko muna lahat ng ito at tinapos. Inabot ako nang siyam siyam dahil hindi ko alam kung paano uumpisahan ang isang gawain at ako’y nahirapan. Nang ako’y matapos, kaunti na lamang ang oras upang ako’y maghanda para sa pagpasok sa eskwelahan. Kaya’t nagmadali na akong magahanda. Pagdating ko sa eskwelahan ay sumakit ang tiyan ko dahil sa kagutuman. Nakalimutan kong mag almusal kung kaya’t dumiretso ako sa kantina. Bumili ako ng pagkaing mabubusog ako. Dali dali ko itong kinain at kumaripas na ako nang takbo papunta sa aming silid-aralan.
Simula noon, bago ko gawin ang ano mang gawain ay
sinisigurado ko munang nakakain na ako ng agahan bago simulan ang mga gawain.