Project Sa Fil 2

You might also like

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 4

l.

Pamagat
Ang tao sa likod ng akdang "Moses, Moses" ay walang iba kundi si Rogelio R. Sicat. Siya rin ang lumikha
ng akdang "Sa Lupa ng Sariling Bayan". Ang mga bagay na nag-udyok sa kanya upang buuin ang akdang ito ay
ang mga taong patuloy na sumusuporta sa kanyang isinusulat at mga naniniwala sa kanyang kakayahan Naging
inspirasyon din ang mga mambabasa at makababasa nito sa hinaharap.Si Rogelio R. Sikat (kilala rin bilang
Rogelio Sícat) (1939-1996) ay isang Pilipinong piksyonista, mandudula, tagasalinwika, attagapagturo.
Siya ay anak nina Estanislao Sikat at Crisanta Rodriguez. Ipinanganak siya noong Hunyo 26, 1940 sa Alua,
San Isidro,Nueva Ecija, Pilipinas.

ll.MAY AKDA (IPAPAKILALA)

Si Rogelio R. Sikat (kilala rin bilang Rogelio Sícat) (26 Hunyo 1940-1997) ay isang Pilipinong
piksyunista, mandudula, tagasalinwika, at tagapagturo. Siya ay anak nina Estanislao Sikat at
Crisanta Rodriguez. Ipinanganak siya noong 26 Hunyo 1940 sa Alua, San Isidro, Nueva
Ecija, Pilipinas. Siya ang pang-anim sa walong magkakapatid. Nagtapos si Rogelio Sikat na
may Batsilyer ng Panitikan sa Pamamahayag mula sa Pamantasan ng Santo Tomas at isang
MA sa Filipino sa Unibersidad ng Pilipinas.Si Rogelio Sikat ay nakatanggap ng maraming
pampanitikang premyo. Siya ay tanyag dahil sa "Moses, Moses", ang kanyang dula na nagwagi
ng gantimpalang Palanca noong 1962 sa Filipino (Tagalog). Marami sa kanyang mga istorya
ang unang lumabas sa Liwayway, isang sikat na magasing pampanitikan na nasa wikang
Tagalog. Ang nangyaring pagpapahalaga kay Sikat sa kanyang nagawa ay nakalahad sa
"Living and Dying as a Writer" na isinulat ni Lilia Quindoza-Santiago. Lumitaw ang artikulo
sa Pen & Ink III.Si Rogelio Sikat ay propesor at dekano ng Kolehiyo ng mga Sining at mga Titik
sa Unibersidad ng Pilipinas sa Diliman mula 1991 hanggang 1994. Si Angelito Tiongson, na
isang propesor sa Kolehiyon ng Komunikasyong Pangmasa sa U.P. ay gumawa ng isang
tampok na pelikula pinamagatang "Munting Lupa" batay sa "Tata Selo" ni Sikat, na isa pang
nagantimpalaang kuwento. Lumikha naman ang direktor ng pelikula at teatro na si Aureaus
Solito ng isang maikling pelikula noong 1999 na batay sa "Impeng Negro" ni Sikat. Noong 1998,
bagaman sumakabilang-buhay na si Sikat, pinarangalan siya ng Manila Critics Circle ng
isang National Book Award para sa pagsasalinwika.

lll.MGA TAUHAN (IPAKILALA)

Regina Calderon, 48, balo, isang maestra

Tony, panganay niyang anak, estudyante

Aida, 18, anak niyang babae, estudyante

Ben, 16, bunso, estudyante

Ana, 46, matandang dalaga, kapatid ni Regina

Ang Alkalde

Ang Konsehal
Mga Pulis

lV.TAGPUAN
Ang akda ay naganap sa bahay ng pamilya ni Regina kung saan nagtungo ang alkalde upang
makipagareglo at upang hulihin ang anak ni Regina na si Tony. Sa bahay din naganap ang
pagbaril niya sa sarili niyang anak.
V.PANAHON

Kasalukuyan

Vl.BUOD

Isang gabi, nag-uusap si Regina at Ana.napag-usapan nila ang tungkol sa nangyari kay Aida. Si Aida ay
nagahasa ng anak ng Alkalde. Si Aida ngayo’y hindi parin makapasok sa paaralan dahil siya’y na-trauma
at wala siyang maiharap na mukha sa kanayang mga kaklase. Kaya’t kumuha ng leave si Regina sa
pagtuturo upang mabantayan niya si Aida.
Tapos, biglang dumating sa bahay nila ang Alkalde kasma ang isang Konsehal. Naproon sila upang
humungi ng dispensa sa nagawa ng anak ng Alkalde at ninanais nila na i-urong na lamang ni Regina ang
pagsampa sa kaso. Ngunit hindi pumayag si Regina dahil akala niya’y hustisya ang mananaig.
Ng umalis na ang Alkalde at Konsehal, nag-usap si Tony at Regina. Gusto ni Tony na i-urong na ang
pagsampa ng kaso dahil sa kalagayan ngayon, ang hustisya ay hindi na nananaig. Ang malakas,
makapangyarihan, at mayaman na ang hustisya, sila ang lagging mananaig. Ang nias na laman ni Tony ay
mapatay ang anak ng Alkalde. Buhay sa buhay kumbaga. Pinaalala rin ni Tony ang nangyari sa kaniyang
ama. Nang namatay kasi ito, hindi nila nakamit ang hustisya. Pero, ipinagpilitan parin ni Regina na
itutuloy niya ang pagsampa ng kaso.
Matapos ang usapan, sumulpot si Ana at sinabing sinusumping nanaman si aida, kailangna ni Aida ng
tranquilizer upang siya’y kumalma. Kaya’t nagpabili ng gamut si Regina kay Tony. Nung nakaalis na si
Tony, nasi ni Regina kay Ana na malaki na ang pinagbagi ni Tony. Biglang dumating si Ben at tinanong
niya kung nakaalis naba si Tony. Tumugon si Regina. At inamin ni Ben sa ina na may dlaang baril si Tony
dahil binabalak niyang patayin ang anak ng Alkalde. Binilin ni Tony si Ben na huwag itong ipagsasabi
ngunit nagawang sabihin ito ni Ben.
Nagising si Aida at bumaba mula sa kwarto. Dumiretso siya sa cabinet at naghahanap ng gamut ngunit
natabig niya ang isang bote ng gamut at ito’y nabasag. Nagising mula sa pagkaka-idlip si Regina. Sinabi ni
Aida sa ina na hinahanap niya ang gamut. Tugon naman ni Regina ay binili na ito ni Tony. Nang
matanong ni Regina kung anong oras na, nagulat siya dahil hindi niya namalayang pasado alas-dos na ng
umaga. Sinabi ni aida na hindi siya makatulog, kaya’t tinimplahan siya ni Regina ng gatas.
Naikwento ni Aida ang tungkol sa panaginip niya na pinapainow daw ng mga lagad ng anak ng Alklde ang
kanyang kuya Tony ng lason, kahit anung pilit daw niya na humngi ng tawad ay patulor parin pinapainow
ng lason si Tony, ang masaklpa sa panaginip na iyon ay ininom ni Tony ang laosn. Takot na takot na
kinwento ni Aida ang kaniyang panaginip.
Matapos ikwento ni Aida ang kaniyang panaginip na umabot hanggang umaga, biglang dumating si Tony
na duguan. Sinabi niya na tumawag na si Ben ng taksi dahil parating na sila. Pinatay na ni Tony ang anak
ng Alkalde, ngayo’y hinahabol na siya ng Alkalde at ng mga pulis. Iyon lamang daw ang paraan upang
makuha ang hustisya. Ngunit sinabi ni Regina na mali ang nagawang paghihiganti ni Tony, na si Tony ay
isa ng mamamatay-tao. Kinuha ni Regina ang baril at sinbing wag silang umalis dahil susuko si Tony.
Nang nakarating na ang Alkalde, tinutukan niya ng baril si Tony ngunit tinabig ito ni Regina. Pinagtulung-
tulungan ng mga pulis si Tony. Nang kinukuha na ng mga pulis iyong baril sa kamay ni Regina, sa hindi
sinasadyang pangyayari ay nabaril ni Regina so Tony. At dinakip ng mga pulis si Regina dahil sa kasalanan
niya.

Vll.PAGSUSURI

A.AYON ELEMENTO

=PANIMULA

=TUMITINDING GANAP
=SULIRANIN

=KASUKDULAN

=KAKALASAN

WAKAS

B.TUKUYIN AT IPALIWANAG ANG MGA SIMBOLISMONG GINAMIT SA AKDA.

Baril-sa akdang ito inaakala nila na ang baril ang sagot upang makamitang hustisyang inaasam ng mga
tauhan.Ngunit heto rin pala ang mag dadala sa kanila sa kapahamakan.

C.ALING BAHAGI NG AKDA ANG NAGAGANAP SA TUNAY NA BUHAY AT IUGNAY SA KASALUKUYAN.

D.ALING BAHAGI NG AKDA ANG NAIBIGAN?

E.MGA PAG DULOG

-SOSYOLOHIKAL NG PAG DULOG

ANONG SULIRANIN NA PANLIPUNAN ANG NAGPAPALOOB SA AKDA?

Ang pangunahing suliranin sa akdang Moses, Moses ay ang nangyaring pananamantala kay Aida ng anak
ng Alkalde sa kanilang lugar. Sapagkat sa nangyari iyon nagkaroon ng trauma si Aida sa mga pangyayari
kung kaya kinakailangan pa nito ng gamot upang ito ay maging mahinahon. Sa nangyaring ito kay Aida
ang lahat sa pamilya ay nagkaroon ng malaking suliranin. Si Regina ang gusto ay makamtam ang
hustisya, si Tony na ang nais ay mapatay niya ang anak ng Alkalde. Bandang huli napatay nga ni Tony ang
anak ng Alkalde at aksidenteng napatay naman ni Regina si Tony.

-SOSYOLOHIKAL

PAANO NAKAAPEKTO SA KILOS AT UGALI NG TAUHAN ANG MGA PANGYAYARI?


-MORALISTIKONG

TUKUYIN AT IPALIWANAG ANG ARAL NG AKDA?

Dapat ay hindi natin inilalagay sa ating kamay ang hustisya ipaubay na lamang natin sa ating panginoon
ang lahat.dahil siya ang mas higit na nakakaaalam kung anong gagawin niya para sa mga taong
hinahangad ay hustisya.matuto tayung maging mahinahon at wag maghiganti sa mga taong nag kasala
sa atin.

-PILOSOPIKAL

ANO ANONG PILOSOPIYA SA BUHAY ANG NAPAPALOOB SA AKDA?

F.BISA

-PAMPANITIKAN

IBIGAY ANG KAISIPAN NG AKDA AT IPALIWANAG?

-PANDAMDAMIN

ANO ANG INYUNG NARARAMDAMAN SA NILALAMAN NG AKDA

Lubhang nakakaawa ang nangyari kay aida. ginahasa siya ng anak ng mayor nila at hindi siya
nabigyan ng hustisya. Ganoon din ang nangyari noong namatay ang kanilang ama.
Nakaklungkot ang katapusan ng kwento dahil sa aksidenteng napatay ni Regina ang kanyang anak
na si Tony at siya pa ay nakulong
-PANGKASALANAN

PAANO KAYU NABAGO NG AKDA?

Dapat tayong maging patas sa lahat ng bagay at harapin ang mga parusa na hatid ng ating mga
maling gawain. At lagi nating tandaan na ang paghihiganti ay hindi katumbas ng hustisya.

VIII.REKOMENDASYON

REKOMENDASYON AT REAKSYON

You might also like